Chapter 9: Meeting Margaret
NANG araw rin iyon na pumunta rito si Zemuis at hindi na nasundan pa in the next day but hindi rin naman ako sure kung babalik pa ba siya here or...maybe babalik din.
Napapansin ko rin na mas mahigpit ang security sa labas. Yup, may mga bodyguard na sa labas ng mansion namin. Siguro dahil prinsipe rin ang nakatira sa place na ito?
Until now kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na from royal family si Xenus. Kahit halata na iyon sa mukha niya. Malalaman mo talaga na hindi siya ordinaryong tao lamang.
Hindi ko pa nga siya kilala ng lubusan pero iyon na ang ginagawa ko. Sa loob ng kuwarto namin ay wala man lang akong nakita na kahit isang picture namin na magkasama. Pero may mga picture ako na parang nakuha niya noong nag-aaral pa ako.
Ibang-iba ang hitsura ko rito dahil parang nasa high school pa lamang ako. Mayroon din naman noong nasa college naman yata ngunit hindi ko talaga maalala.
Naghanap pa ako ng ibang pictures, iyong kahit sa wedding portrait namin pero wala talaga akong makita, eh. Sa huli ay tumigil din ako kasi ako lang ang napagod sa kahahanap ko ng isang bagay na mukhang wala naman.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapapaisip sa mga sinabi ni Zemuis sa akin that day.
“Don’t trust my brother too much, Milady. He is more dangerous than me. My brother is full of secrets and he is not a good person.”
“Husband? I didn’t know you were married. But maybe it’s because he brought it here at home. Because he only brings Margaret here to his house. But just be careful with Zemuis.”
Iyon ang mga katagang sinabi sa akin ni Zemuis at wala rin akong nakikita na nagsisinungaling lamang siya dahil parang babala niya iyon sa akin, eh. But on second thought baka rin isang paninira? Ngunit imposible rin, mukhang wala naman silang alitan aside from pinag-aagawan nila akong magkapatid? Hindi nga ako sure if interested din sa akin ang isang prinsipe na iyon.
Lumabas na ako sa room namin at nagtungo sa living room. Kumunot pa ang noo ko nang makita ko na may isang babae ang nakaupo sa couch. Magazine ang hawak niya at mukhang nagbabasa lamang siya.
She’s wearing her light green dress na super revealing ng balat niya dahil ang ikli rin nito.
“Who are you?” malamig na tanong ko sa babae at nakuha ko agad ang atensyon niya. Napahinto siya sa pagbabasa niya at isinara agad ang magazine saka niya iyon inilapag sa center table.
Tumayo siya at una kong tiningnan ang green stiletto niya. Marahan ko pang pinilig ang ulo ko dahil may imahe akong nakita sa isip ko. It’s very familiar.
Parang kabababa lamang nito from her car at ang marahan na paglalakad sa kalsada. Iyon ang nakita ko at ganito rin ang style ng stiletto niya. Or baka gumagawa na naman ng eksena ang utak ko?
I took a deep breath. Sumasakit lamang ang ulo ko dahil sa alaalang iyon, and hindi man lang niya hinubad iyan.
“Hi, alam kong hindi mo na ako naaalala pa,” she said. Kahit medyo nagulat ako dahil sa nagsalita siya ng Tagalog ay hindi ko na iyon ipinahalata pa sa kanya.
“Kilala ba kita dati pa?” tanong ko sa kanya.
“I’m Margaret. Cousin ako ni Xenus. Hmm, adaptive daughter lang ako ng Tita at Tito niya. So technically ay hindi rin kami magkadugo,” sabi niya. Kahit may ngiti pa sa labi niya ay hindi ko naramdaman na parang genuine iyon.
Hindi maganda ang kutob ko sa kanya. There’s something with this girl and I can’t be sure if she’s fake or what. All I can say ay ayoko sa kanya.
“Okay. What are you doing here? Binibisita mo lang ba ang asawa ko?” I asked her and tumaas ang sulok ng mga labi niya. She was smirking.
“Ikaw ang binisita ko here, Jhed. Here, I brought this for you.”
Cousin nga siya ni Xenus kaya kailangan ko siyang pakisamahan nang maayos. I approached her at tinanggap ko ang dala niyang paper bag. An expensive handbag?
“Thank you. Have a sit,” I told her at tiningnan ko ang mga maid. Sinenyasan ko lamang sila at nakuha na agad nila ang gusto kong iparating sa kanila.
I sat down on the sofa at naninimbang na tinitigan ko pa ang mukha niya. Bakit panay ngiti siya? Dahil nagiging ngisi na rin iyon in the end.
“Kumusta ang life mo rito, Jhed? Bago pa lamang kayo ni Xenus, eh. Wala pang isang taon. Baka nag-a-adjust ka pa sa bagong buhay mo,” sabi niya.
Marunong siyang makipag-usap na parang normal lang ang lahat kahit na may iba akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. Ngunit nagpanggap na lamang ako na walang kaalam-alam sa nangyayari.
“Bagong buhay?” tanong ko at bahagyang tumaas ang kilay ko. Dahil ako naman ang ibig niyang sabihin na bagong buhay ko?
“Sa bagong buhay mo na kasama mo si Xenus. Ganoon.”
“Hindi naman kasi ito bagong buhay, Margaret. Nakalimutan mo yata na naaksidente ako at in come pa? May amnesia ako, o baka hindi mo alam ang tungkol doon?” tanong ko naman sa kanya pero may ngiti pa rin sa labi ko para hindi siya masyadong ma-offend dahil sa mali-maling sinasabi niya sa akin.
Naglumikot pa ang mga mata niya at napatikhim. She flip her hair too at parang napipilitan na siyang ngumiti.
“That’s what I mean, Jhed. Kasi wala kang naaalala tungkol sa nakaraan mo kaya nasabi ko sa iyo na new life mo na ito,” sabi niya. Napangiti ako at napatango.
“Well, nakakapag-adjust naman ako kahit papaano. Hindi naman mahirap, I’m with Xenus,” I said.
“Eh, ang cousin ko? Kumusta siya as your husband?” she asked me, nahahalata masyado ang pagiging interested niya sa isasagot ko sa kanya.
“It was good. Mabait siyang asawa, palagi niya akong inaalala, eh,” sagot ko lamang.
“Fully recover ka na, right?”
“Yeah, why?” I asked her back.
“Bigyan mo ng baby si Xenus para may mga bata na rin ang palakad-lakad dito sa mansion ninyo. Alam mong mas magiging masaya ang samahan ninyo ng asawa mo kapag nagkaroon kayo ng anak,” suggestion niya.
“Hindi naman kami nagmamadali na magkaroon ng baby pero why not kung mas maaga ay mayroon na kaming anak, ’no?” nakangiting saad ko.
“Maganda iyan,” aniya.
Dumating naman ang pinakuha ko kanina na snack for us. A mango juice and sandwich.
“Thank you. Here, Margaret. Kumain ka.” Kinuha ko pa sa kanya ang isang baso ng juice. Tinanggap naman niya iyon. Habang sumisimsim din ako ng drinks ko ay palihim ko siyang tinititigan. Until bumaba na naman ang aking tingin sa suot niyang stiletto. “Favorite mo ba ang color green, Margaret?” I asked her.
“Uhm, yeah. Sorry kung hindi ko na nahubad pa ang shoes ko, ah?”
“Okay lang. Napansin ko lang na baka favorite color mo ang green.”
“Hindi ka nagkakamali, Jhed.” Sa mga oras na iyon talaga ay nagpaplastikan na kami. Iyon talaga ang nararamdaman ko, pinapakisamahan ko lang talaga siya dahil sa asawa ko.
Isa pa parte siya ng pamilya ni Xenus. I wonder lang kung half-Filipino ba si Xenus dahil mukha naman siyang foreigner. Saka nag-aaral pa siya kung paano magsalita ng Filipino language but I can say na magaling na nga siya. Mabilis siyang matuto.
“Isa ka rin bang prinsesa, Margaret? Kahit na...isa ka lang adaptive.”
“No, Jhed. Si Xenus ay talagang prinsipe siya. half-Filipino rin ako, eh.”
Sa tagal nang pagkukuwentuhan namin ay may mga bagay na akong nalaman sa kanya. Hindi yata maganda na kaibiganin ang cousin ni Xenus.
Hindi ko feel na mabait siya, eh. Pakitang tao? Maybe iyon nga siya. Mahusay siyang magpanggap.