Chapter 10: Kidnapped by Zemuis
“SEE you when I see you, Jhed,” paalam sa akin ni Margaret. Humalik pa siya sa pisngi ko at niyakap ko naman. Marahan kong tinapik ang kanyang likuran.
“Visit ka, next time. Margaret,” I said.
“Oo ba. Sana pagbisita ko ay nandito na si Xenus.” Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Bakit gusto niya palagi si Xenus? Pss.
Hinatid ko pa hanggang sa gate namin si Margaret at may dala siyang sasakyan niya. White car. Napahilot ako sa sentido ko.
Lahat ng mga nakikita ko kay Margaret ay pamilyar sa akin. Na parang may naaalala rin ako. Muli akong huminga nang malalim.
Hindi pa man ako nakaaalis sa may gate ay nang mahagip na ng mga mata ko ang pamilyar na kotse ni Xenus at nanatili na lamang ako mula sa kinakatayuan ko.
Base pa lamang sa pagda-drive nito ay mukhang nagmamadali siya kaya hindi rin maayos ang pagkaka-park niya.
“Jhed!” sigaw nito sa pangalan ko at nang makita ako ay mabilis na nilapitan niya ako. “Jhed...”
Ikinulong ng malaking palad niya ang mukha ko at sinuri niya ito na maging sa katawan ko. Bakit ba siya nagkakaganito?
“What’s wrong, Xenus?” I asked him in confused.
“Are you okay? Hindi ka ba...sinaktan ni Margaret?” sunod-sunod na tanong niya sa akin at nagtaka pa ako dahil worried siya masyado sa akin. May mangyayari nga ba?
“I’m fine, Xenus. Bakit naman ako sasaktan ng cousin mo?” I asked him.
Niyakap naman niya ako at hinalikan sa ulo. “Akala ko ay nagkasagutan na kayong dalawa,” he reasoned out.
“Bakit naman kami magkakasagutan, Xenus? We’re fine. Nagkuwentuhan lang kaming dalawa. Imposible naman na sasaktan niya ako. Mabait siya,” ani ko kahit labas sa ilong ko ang sinabi ko na mabait nga ang kanyang pinsan.
“Hindi naman kasi maganda ang last meeting ninyo ni Margaret, before you got an accident,” pagdadahilan niya ulit.
“Why? May kinalaman ba siya sa accident na nangyari sa akin?” I asked him.
“Basta... Maaalala mo rin iyon,” aniya. “Get inside, Jhed.”
“Babalik ka na sa work mo?” tanong ko sa kanya.
“Yes, I’m in the middle of my meeting,” he answered.
“Bakit ka pa umuwi rito?”
“I’m just worried, okay?”
“Take care, Xenus,” I told him. He kissed my head bago siya umalis. But sinigurado muna niya na makapapasok na ako sa loob.
Nagdududa talaga ako sa ikinikilos ng aking asawa. Bakit naman kasi ako sasaktan ni Margaret kung wala naman akong atraso sa kanya? Besides pinsan niya iyon kaya bakit naman kaya pagdududahan pa niya na puwedeng manakit iyon sa akin?
Kahit sa observation ko ay hindi naman talaga mabait ang isang iyon at wala naman akong nakikitang dahilan para saktan niya ako. Unless na hindi niya ako gusto for her cousin?
Ngunit bakit naman kaya siya nag-suggest na dapat magkakaroon na kami ng baby? Pati ako ay naguguluhan na rin sa nangyayari.
Bumalik ako sa living room at inubos ko ang drinks and sandwich ko. Hindi pa man nag-iinit ang upuan ko ay may bago na naman akong visitor.
“Prince Zemuis?”
“Magandang umaga, Milady.” Muntik pa akong mabulunan sa iniinom kong juice ng sambitin niya iyon. He’s trying hard na magsalita talaga ng Tagalog.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction ko sa kanya. But he’s cute dahil may accent talaga ang pagsasalita niya.
“What are you doing here again, Zemuis?”
“Sorry, Milady,” sabi niya lamang at itinayo pa niya ako para lang isampay sa balikat niya. Napatili pa ako sa gulat.
“Zemuis, what are you doing?! Put me down!” sigaw ko at pinalo ko ang likod niya.
“I’m sorry.”
“Where did you taking me?!”
“Somewhere, I guess.”
“Zemuis! Magagalit ang brother mo!”
“Hmm, what? Magaga... Magaga---what was that again?”
“Magagalit!”
“Oh, that. Uhm... I know that. You mean my brother is magagalit sa akin?”
“Saan mo ba ako dadalhin ha?”
Paglabas namin ay walang nagawa ang mga bodyguard ni Xenus dahil marami ring kasama itong si Zemuis. Mas marami pa nga ang bodyguards niya, eh. Ano ba ang binabalak ng isang ito sa akin?
“Zemuis!”
“Please, don’t shout,” kalmadong sambit pa nito sa akin. Nakabukas agad ang sasakyan niya at maingat pa niya akong isinakay roon.
“Zemuis...saan mo ba talaga ako dadalhin?” Ngayon naman ay sinusubukan ko nang maging mahinahon sa kanya para sagutin na niya ako ng matino at huwag na rin niya akong buhatin nang ganito.
“Let’s go,” he said. “Fastened your seatbelt, Milady.”
“Ako na!” saad ko dahil balak pa niyang isuot sa akin ang seatbelt.
“Okay, okay.” As if talaga ay naiintindihan na talaga niya ako.
Hindi lang isang sasakyan ang dala niya dahil tatlo pa. Nagkasya ang mga bodyguard niya na mahigit sa sampu yata.
“Again, Zemuis. Where did you taking me?” I asked him again.
“Our father, he wants to meet his daughter-in-law,” sagot niya dahilan na kabahan ako.
Bakit naman kaya ako gustong makilala ng father nila? Hindi ko tuloy maiwasan ang matakot lalo pa na wala rito si Xenus hindi ko siya kasama. Nagsimula na ring nanlamig ang mga palad ko at ang tuhod ko ay nanginginig na. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito.
“Don’t worry, Milady. We won’t hurt you.”
“Alam ba ito ni Xenus?” I asked him. Ilang sandali pa niya ako tinitigan at kinuha pa niya ang dictionary niya.
“Ah... Are you asking me if my brother know about this?” Tumango ako. Hanggang saan na kaya ang nalalaman ng isang ito? At ang bilis naman niya yatang matuto. “Well, he knows nothing because if he knew anything he might stop us from talking to you.”
“You just won’t talk to me, Zemuis. What you doing now is kidnapping.”
“Sorry about that, Milady.”
“Call me Jhed,” I told him.
I saw another huge mansion and triple the size of our house. Then there are still a lot of security guards outsid. Based on these ay alam mong hindi lang basta-basta ang mga taong nakatira sa place na ito. Mahigpit nga ang security nila.
Zemuis invited me to enter the mansion and instead of letting my nervous consumed me, I walk with my head held high. If I show fear it might be the reason na aayawan na ako ng father.
A servant came to us. She greeted her prince. Pss. “Tell father his special guest is here and he’s with me. I know Father has been waiting for us for a long time. We are here, Jhed. Take a seat.” Umupo na lamang ako sa sofa dahil ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang go with the flow na lamang ako.
“Why would your father talk to me? Look at my outfit!”
“Oh? Ever wondered what you would look like in front of my father? Don’t you worry, Jhed. You are beautiful,” he complimented me and even winked at me. Nakaiinis na talaga siya.
I only wore one wrap dress. She’s fine because she’s formal. I just couldn’t have arranged a better one. Of course, it’s embarrassing if all those in front of me are princes.
Sana naman ay sinabihan na lamang niya ako kaysa ang biglaan na lamang niya akong kukunin sa mansion namin. Wala pa naman akong phone para matawagan ko si Xenus.
A/N: Pasensiya na po, dudes. If natatagalan ang update ko here. Nakita ninyo naman na mas nag-focus ako sa TPUE. Kaya sana maging priority ko na rin ito.
Lumilihis kasi ang landas ni Xenus. Binabaan ko na rin ang word counts niya kaya hoping na umabot siya ng 40 chapter. Magbabago lang po ulit ang trato niya kung may anak na sila.
Anyway po, baka isang story ang masisimulan ko kapag natapos na ang TPUE. Baka iyong Black Island Series #4 po. Kasi matagal na siyang tambay sa Watty. Iyon lang po, maraming salamat!