Nagising si Magdalene sa kanyang mahimbing na pagtulog. Hindi niya akalaing mahihimbing siya kahit nasa ganoong kalagayan ang lalaking kanyang pinakamamahal. Siguro dahil kahit labis ang kanyang pag-aalala sa kalagayan nito. Naroon pa rin na totoong panatag ang kalooban niya pag nasa tabi niya ito. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Hawak pa rin niya ang palad ni Byron na nakahimlay sa kama at doon siya nakasubsob kanina. Mapait siyang napangiti. Nasasaktan siya sa kalagayan nito ngunit kailangan niyang magpakatatag. "By kailan mo pa balak gumising. Magdadalawang araw ka ng tulog. Hindi mo ba namimiss tumakbo sa umaga. Tapos ay magkakape. Tuwing umuulan naman, magluluto at kakain tayo ng mainit na sopas o kaya naman ay arroz caldo. Gumising ka na By, miss na miss na kita," ani Magdalen

