Mula sa malalim at madilim na pagkakahimlay ng matagal ay nagising ang kanyang diwa. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama. Lalo at higit, na hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Dahan-dahang iminulat ni Byron ang kanyang mga mata. Ngunit dahil nanlalabo ang kanyang paningin ay pumikit siyang muli. Hindi pamilyar ang lugar kung nasaan siya. Pero may nakita siyang liwanag. Malamig ang paligid. Alam niyang nakahiga siya sa kama. Lalo na at malambot ang kanyang kinahihigaan. "O-ospital," nasambit niya sa mahinang tinig. Hindi siya maaaring magkamali sa pakiramdam na iyon. Bigla na lang nagflashback sa kanya ang lahat. Hindi niya alam kung bakit nabigyan pa siya ng ikalawang pagkakataon para mabuhay. Akala niya ay noong araw na iyon ay ang huling araw nang buhay niya. Bi

