Biglang napabangon si Magdalene ng maramdamang nag-iisa lang siya sa higaan. Inilibot niya ang paningin ng mapagtanto niyang nasa loob lang siya ng kanyang silid sa loob ng kanilang tahanan. Ipinikit niyang muli ang mga mata para masiguradong nagkakamali lang ang kanyang paningin. Ngunit pagmulat niya ay ganoon pa rin. Nasa loob pa rin siya ng kanyang silid sa loob ng kanilang tahanan. Parang gusto niyang maiyak. "By," tawag niya sa pangalan ng binata. Alam niyang nasa loob lang siya ng ospital at katabi sa pagtulog ang wala pa ring malay na minanamahal. Pero paanong nangyari ang bagay na iyon. Nasa loob na siya ng bahay nila. "Naguguluhan ako. Byron, By," sigaw niya sa pangalan ng binata ng magulat siya sa lalaking sumungaw mula sa labas ng pintuan. Nakangiti ito na umabot pa sa mga m

