Gawa ng mahaba naman ang byahe sa eroplano ay hindi namalayan ni Byron na nakaidlip pala siya. Nagising na lang siya ng makaramdam siya ng pagyanig. Sa kanyang gulat ay mabilis niyang inalis ang suot na salamin. Bigla siyang napamulat habang kinukusot ang mata. Doon niya nakitang maliwanag na sa labas. "I'm sorry sir, what we are experiencing right now is that we are going through a turbulence. But there is nothing to worry about it.," wika ng stewardess na nasa tapat niya. Sa tingin niya ay napansin nito na nakaidlip siya at gulat na gulat nang magising. "Okay, don't worry. It's fine," aniya na ikinatango ng babae at umalis na sa kanyang tabi. Muli niyang isinuot ang salamin. Ipinikit niyang muli ang mga mata, ngunit mukhang ayaw ng makisama ng antok sa kanya. Dahil na rin sa pagkabi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


