Pagkarating nila ng monasteryo ay sinalubong agad sila ng mga bata. Masayang-masaya ang mga ito na muling makita si Magdalene. Kahit sina Manang Claire at Manong Juan at lubos na nagagalak na makitang muli ang dalaga. "Kumusta ka na hija?" tanong ni Manang Claire at hinaplos pa ang kanyang pisngi. "Hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?" dagdag pang tanong ng matanda. Tumango lang si Magdalene bilang sagot ngunit hindi nakaligtas sa paningin ng matanda ang pag-usbong ng pag-aalinlangan at pagkapahiya mukha ng dalaga. "Manang Claire, Manong Juan sorry po sa gulong nadala ko sa inyong mag-asawa." "Magdalene kalimutan mo na iyon. Kung ang iniisip mo ang nangyari noon ay huwag ka ng mag-alala. Maayos na ako na parang walang nangyari," sagot pa ni Manong Juan. "Sorry po ulit. Tapos po

