Nakaharap si Magdalene sa salamin sa loob ng kwarto ni Byron. Nang makalabas ito ng ospital, ay hindi na siya hinayaan ng binata na matulog pa sa ibang silid sa bahay ng mga ito. Kaya naman nang umalis si Byron ay iyon na rin talaga ang inukupa niyang silid. Ilang araw na ba ang lumipas mula nang araw na umalis ang binata? Hindi na niya alam. Ang alam lang ni Magdalene ay ilang buwan na rin ang mabilis na nagdaan. Ang impis niyang tiyan noon ay nahahalata na ngayon. Maliit man siyang magbuntis ay makikita pa rin ang umbok ng kanyang tiyan. Ngunit sa suot niyang maternity dress ngayon ay parang tumaba lang siya ng kaunti at hindi mahahalata ng hindi siya kilala na buntis siya. Muli niyang pinagmasdan ang suot na damit. Kung hindi lang siya buntis ay masasabi niyang hindi iyon maternity d

