Nakahiga si Magdalene sa may damuhan habang nakatingin sa malawak na kalangitan. Nasa malawak siyang hardin sa bahay nina Byron. Mula nang umalis si Byron ay hindi na rin naman siya pinayagan ng mga magulang ng binata na umalis pa. Doon na talaga siya pinatira ng mga ito. Ang bahay nila ay pinalilinisan na lang ng mag-asawa, isang beses isang linggo. Para mapanatiling maayos ang bahay na iyon. Ang kailtwiran pa ng mag-asawa na noon nga ay hindi na nila hinayaan na malayo pa siya kay Byron. Ngayon pa ba nila hahayaan siya na malayo sa mga ito, gayong wala ngayon ang anak. Kaya naman nauunawaan din naman niya ang katwiran ng mga ito. Higit sa lahat ay dahil sa pagdadalangtao niya, kaya mas lalo siyang inaalagaan ng mag-asawa. "By miss na kita," ani Magdalene habang nakatingin pa rin sa lan

