"Father, salamat po sa buong pusong pang-unawa sa aking sitwasyon." Nasa may bungad na sila ng saradong pintuan ng simbahan. Kasama ni Byron ang pari na siyang nagbukas ng pintuan sa kanya noon. Ngayon ito rin ang kasama niya sa pagbubukas ng pintuan. Ngunit hindi para pumasok, kundi para tuluyan na siyang makalabas. "Bata ka pa Byron at madami ka pang pwedeng gawin para ipagpatuloy ang kabutihang iyong nasimulan. Sabi nga sa atin, I'm so proud of you. Oo nga at hindi na natuloy ang pagiging pari mo at natuldukan na. Ngunit hindi doon magtatapos ang kabutihan mo sa ating kapwa." "Syempre naman father. Iyong titulo ko lang po ang mababago. Dahil ilang buwan na lang magiging ama na po ako. Literal na ama ng isang sanggol. Ama ng aking anak, at magiging asawa ng aking pinakamamahal." Nakat

