GANADUNG-GANADO si Audrey sa shooting. Nakadagdag sa kumpiyansa niya sa sarili ang papuri ng direktor. Dahil maayos ang takbo ng shooting, kinunan na nilang lahat ang mga eksena. May pagkakataong umabot sa take three ang eksena pero nakangiti pa rin ang direktor. Papatapos na kasi at kumbaga ay nauna nang na-impress sa kanila ang direktor. Napapatawad na nito kung magpaulit-ulit man sila ng take sa ibang eksena. Sabi nga ni Vicky, normal lang daw iyon. Kung sakali raw ay pinakamabilis na shooting ang commercial nilang iyon. May iba nga raw modelo na beterana na pero inaabot sila nang siyam-siyam sa shooting. Lalo naman iyong nakapagpagaan sa pakiramdam niya. May napansin nga lang siya: Parang kanina pa walang kibo si Rico. Pero kapag kausap naman nito ang direkt

