“GINABI ka,” tila pasitang sabi ni Rico nang makita nito si Audrey. Nakaabang na naman ito sa pagdating niya. Nasa terrace niya ito. Kahit mayroon din itong duplicate key, hindi naman nito ugali na pumasok sa bahay niya kapag wala siya roon. Matiyaga lang itong naghihintay sa labas. “Niyaya pa ako ni Bambi. Pinakain niya ako sa labas. Alam mo na, parang siya na rin ang manager ko—natin. Sabi nga niya, baka ako rin ang maging model ng isang facial cream pagkatapos ng Avellino ad. Rico, ang ganda ng ad.” “Nagbubuhat ka lang ng sariling bangko.” “Maniwala ka na lang! Tayong dalawa rin naman ang mapipintasan kapag corny ang naging dating n’on,” aniya, saka tila nangangarap na ngumiti. “Rico, it was done in good taste!” “Aabangan ko na lang sa TV. Mayroon nga palang

