NANG ikasal sina Audrey at Rico ay pangalawang serye na ng ad nila ang ipinapalabas sa TV. Tapos na rin ang shooting ng dalawang panghuling serye. Natataranta na rin si Bambi dahil marami nang nakapansing advertiser sa kanya. Hindi lang kompanya ng face cream ang gagawin niya kung interesado siya. May kumukuha rin sa kanya bilang modelo ng shampoo at sabong pampaligo. Hindi naman siya pinapangunahan ni Rico na magdesisyon sa bagay na iyon. Ang hiling lang nito ay ang huwag na siyang maghanap pa ng ibang trabaho. Tama nang may alok sa kanya na modeling job at nasa sa kanya kung tatanggapin niya o hindi. Sa ngayon, hindi pa siya nakakapag-decide kung anong produkto ang tatanggapin. Nalilibang kasi siya. Buong maghapon ay okupado siya kahit na nakapirmi lang siya sa baha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


