Chapter Twenty One “She’s Out of My League”

1403 Words
And I'd give up forever to touch you 'Cause I know that you feel me somehow You're the closest to heaven that I'll ever be And I don't want to go home right now -Iris by Goo goo dolls “Pero mas pogi pa din ako sayo, dagdag pa niya. Oo naman kaya nga crush ka ng kapatid ko kahit 10 pa lang yun. Sabi ng isip ko. “You look stunning tonight, Nadine”. Sabi pa ni Lance. Nagpintig ang tenga ko, bakit ang arte ng pagkakasabi niya at ginamit pa niya yung bedroom voice niya. Gusto kong kaltukan sa mukha, para magtigil sa pagpapacute nasusuka tuloy ako. Ngumiti si Nadine. “Ikaw talaga bola ka ng bola”. “I’m telling the truth, I never lie lalo na sa magandang tulad mo”. Hindi ko na pigilan pero binato ko na ang hawak kong panyo sa mukha niya. I don’t know pero may pagitan ng pagsisisi at fulfilment sa ginawa ko. “I’m sorry may langaw kasi sa mukha mo kaya nabato ko yung panyo”. Sabi kong diniin ko pa ang salitang LANGAW, I really meant it for him. Napatingin si Nadine sa akin at ngumiti. I don’t know kung natuwa siya sa ginawa ko or what? Hindi ba niya gusto etong mokong nato? O nagiimagine lang ako? “Mauna na kami sa inyo”. Paalam ni Nadine. Tumingin sa akin si Lance and Nagsign language pa siya na “Lagot ka sa akin”. “Brad, pigil na pigil ako sa tawa sa ginawa mo”. Hagalpak sa tawa si Fred “Hindi ko napigilan, nakakadismaya pagpapacute niya sa kapatid mo”. “Ikaw kasi torpido ka talaga, bakit hindi mo siya niyaya? Edi sana ikaw nageescort sa kanya ngayon.”. “Sa tingin mo pwede bang magcross over si Woody sa movie ni Cinderella hindi pwede yun dahil laruan si Woody at tao si Cinderella, parang sinabi mo ng pwedeng maging tao ang aso?”  “Galit na galit gustong manakit? Pero its Disney so everything happens in Disney movies, you just need to believe” Sabi pa niya trying to convince me. Umalis na kami at nagtungo sa school, doon ko nakita si Miya, She’s wearing a crop top long sleeves and a fatigue pants at nakaboots pa siya. She is also wearing orange wig. If I’m not mistaken pinoportrait niya ay si “kim possible”. Astig talaga siya hindi Disney princess ang pinili niya. Very much independent. Wala kong lakas ng loob para isayaw si Nadine dahil mukhang indi ata natatapos ang mga lalaking gusto siyang isayaw. Then lumapit sa amin si Miya, bago umupo sa bakanteng upuan. “Bakit hindi kayo magsayaw?”. Cold na tanong ni Miya. Somehow napakachills sa bone ang tunog ng boses niya that can turn us to stone sa sobrang nakakatakot. Tumingin siya sa amin with her none expression face. Naghihintayan kami ni Fred kung sinong sasagot sa kanya. Pero parang takot ang nangunguna sa amin. I mean sometimes she’s harmless pero marami pa ding times na nakakatakot siyang iapproach sa school. “Nakakatamad kasing sumayaw”. Sumagot ako. Biglang may nag-aya kay Miya na sumayaw at iyon ay si B. Kasama niya sa gang niya. Pinaunlakan naman niya ito. Leaving me and Fred alone. Bakit kasi ang tugtog puro senti wala bang rakrakan o sayawan man lang. Paano yung walang mga kapareha, napakaunfair naman. Bukod sa hindi naman ako marunong sumayaw at parehas kaliwa ang mga paa ko. From a distance I saw Nadine, Pakiramdam ko ay pagod na siya sa kakasayaw pero napakabait niya kanina pa siya hindi nawawala sa dance floor. “Ano hanggang tingin ka lang ba sa kanya? Yayain mo ng sumayaw bago matapos ang gabing ito”. Tudyo pa sa akin ni Fred. Tiningnan ko siya at wala siyang kainteres interes sa mga babae? Hindi kaya lalaki ang interes nitong kaibigan ko? Iniling ko ang aking ulo sa isipang iyon. Masyado kang judgemental bro, bukod sa painting ay computer games talaga ang focus niya. Parang kahit 14 na kami at mag15 this year parang 10 years old pa din ang isip nito. Maybe I’m just waiting for the right moment na ako naman ang sasayaw sa kanya. Biglang tumugtog ang… I threw a wish in the well Don't ask me I'll never tell I looked at you as it fell And now you're in my way I'd trade my soul for a wish Pennies and dimes for a kiss I wasn't looking for this But now you're in my way Your stare was holding Ripped jeans, skin was showin' Hot night, wind was blowin' Where you think you're going baby? Hey, I just met you and this is crazy But here's my number, so call me maybe… Sayawan lahat ng mga students sa exciting na tugtuging eto na halos lahat ata ng tao sa pilipinas ay alam na alam ang kantang eto. Nagend ang gabing iyon na hindi ko man lang nasayaw si Nadine, May regret kasi hindi ko nilakasan ang loob ko, edi sana nasayaw ko siya. Pero yun na nga hindi ko na nagawa. Sinundo bigla sila Nadine at Fred ng kanilang tita because of her Lola’s condition kaya agad silang sumama. Magcocommute na lang ako pauwi, ng makita ako ni Miya. “Uy!”. Tawag niya sa akin. Nagpretend akong di ko siya narinig. Kaya dirediretso ang lakad ko palabas ng may humila sa laylayan ng damit ko. “Bingi ka ba? Di mo ba narinig na tinatawag kita?” “Ahh, tinatawag mo ba ko? Hindi kasi uy yung pangalan ko e”. “Pilosopo ka pa? nasaan yung bestfriend mo hindi ka nila ihahatid?” “May emergency, sanay naman akong magcommute”. “Sabay ka na sa amin” Muntik na kong maluha sa act of kindness niya kaya lang parang namimilit? Napatingin ako sa kanya. Bigla siyang nagsalita “Huwag ka ng maarte, tara na kasama ko si Mang George na miss ka na niya”. Pakiramdam ko para akong kaladkaring lalaki na pumayag na lang pero namiss ko din si Mang George. So hindi na ko nagpakachoosy pa at sumakay na ko. Hindi kami nagkikibuan sa loob ng sasakyan. Biglang tumunog ang tyan ko hindi pala ko nakakain kanina. Tumingin si Miya sa akin. With her look of amazement na parang sinasabi sa akin “gutom ka?” Bigla ding tumungo ang tiyan ni Miya this time hindi na kami nakatiis at nagpakawala na kami ng malakas na tawa na kanina pa naming pinipigilan. “Mukhang mga gutom na kayong dalawa ah? Kain muna bago umuwi?” Sabi ni Mang George. Nagdrive thru kami sa Mcdonalds at nagkanin ako samantalang burger naman ang inorder ni Miya. Sumaglit muna kami sa park malapit sa amin, mukhang ayaw pang umuwi ni Miya. Wala na naman daw ang kanyang mga magulang. Kaya nag swing muna kami, habang kumakain ako. “Anong pakiramdam ng madaming kapatid?” Tanong ni Miya. “Masaya, minsan magulo pero maraming beses ding masaya”. Sabi ko pa habang nginunguya ko ang kanin at chicken ng Mcdonalds. “Ikaw ba may kapatid ka ba?” Sabi ko sa kanya, natigilan ako ng magbalik sa akin ang alaala kay Alex. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata bago siya nag buntong hininga. Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko. Napabuntong hininga siya napakalalim noon, parang may bahid ng panghihinayang. “Meron” Sabi pa niya. “Si Alex ba yun?” Napatingin sa akin nagulat na gulat. “One time kasi nung nagamusement park tayo binuhat kita sa likod ko at narinig ko ang pangalang Alex”. Biglang nagiba ang mukha niya, may pait at sakit pa din. “Oo wala na siya, 5 years ago na din”. “I’m sorry” “Ok lang”. “Ang ganda ng sayawan kanina no?” Pagiiba ko para hindi naman niya maalala kahit saglit ang pait ng nakaraan. Kahit hindi niya pa sinasabi sa akin ang dahilan at kahit alam ko na dahil ni spoil na ng Yaya niya. Tumingin siya sa akin at papalapit na sa mukha ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD