I don't wanna be lonely no more
I don't wanna have to pay for this
I don't want to know the lover at my door
Is just another heartache on my list
-Lonely no More by Rob Thomas
Sinampal niya ko, ang lutong. Nagulat ako.
“Sorry, may lamok sa mukha mo ito oh?” Pinakita pa niya sa akin ang namatay na lamok at may dugo pa eto.
Well sanay na kong mahalikan ng lamok sa mukha pero first time kong masampal ng babae.
“Medyo hard yung pagkakasampal mo ha?”. Biro ko sa kanya pero swear ang sakit.
Nagpeace sign pa siya sa akin.
“Oo sa sobrang ganda may kakilala akong hindi niya nasayaw yung crush niya, kasi torpe siya”.
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa ulo. Oo nga pala alam niyang may crush ako kay Nadine.
“Ang dami kayang nakapila sa kanya”
“Pag gusto palaging merong paraan”
“Sa totoo lang talaga, hindi ako marunong sumayaw”. Nasabi ko na ang dahilan.
Tumawa siya ng malakas. “Sige tawa pa more!”. Sabi ko sa kanya.
“Tumayo ka dali turuan kita madali lang kaya”. Sabi pa niya sa akin. Tinabi ko ang kinakain ko at sumunod ako sa sinasabi niya. Bakit ganun? Sunod agad ako?
Nakatayo na kami at kinuha niya ang kanan kong kamay at nilagay niya sa bewang niya. Medyo di ko prepared sa ginawa niyang ito. Medyo nahihiya ako sa part namin.
“Tapos start sway sway lang”. Sabi pa niya. Ni ayaw kong hawakan ang bewang niya at sa damit niya lang ako nakahawak. Hanggang sa matapakan ko siya.
“Aray!” Sabi pa niya.
“Sorry sabi ko na saiyo di talaga ko magaling”. Pagmamaktol ko pa sa kanya.
“Nagmamadali sa pagaaral? Siyempre hindi agad makukuha yan kapag sa unang try lang.” kumbinsi niya sa akin.
“Paano ba? “ Tanong ko sa kanya.
“Ayos kasi ng tayo”. “Mukha kang tuod ei”. Sabi pa niya.
Inayos ko ang tindig ko may problema talaga ko sa pagtayo palagi akong naka taas ang balikat, medyo pangit ang posture ko kasi nga matangkad ako kaya medyo awkward ako mas pagmaliit ang kasama ko.
Hindi ata kami nagkatugma kaya bumagsak kami. I was on the floor buti na lang medyo grassy yung floor kaya hindi rektang semento ang natumbahan namin. Nakadagan siya sa may dibdib ko buo niyang katawan ay nakadantay sa akin. Bago kami nagkatinginan sa isa’t isa, it was an awkward moment. Ilang Segundo din kami sa part na yun. I smell her perfume na naman and biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang nagwawala nag-init ang aking mukha.
May narinig kaming kaluskos kung saan at bigla siyang tumayo ng mabilisan at pinagpagan ang kanyang damit. “Meow..Meow..” Pusa lang pala.
Saka ako nagbiro “Ikaw ha, tsansing ka sa akin ha?” Para lang mawala awkwardness naming sa isa’t isa. Pinagpagan ko na din
“Tara na uwi na tayo, ang lampa mo kasi”. Bigla niyang walk out napakamot na lang ako sa uli. Nagsungit na naman siya.
Miya’s POV.
Bigla kaming natumba. Sobrang lapit namin sa isa’t isa, ang bilis ng t***k ng puso ko. Shet malagkit nagkatitigan pa kami. Medyo ang pogi niya sa part na iyon. Although hindi pa firm yung katawan niya dahil payatot siya may sense of protection akong naramdaman, Parang I’m just safe in his arms. Hoy!? ano yan pasafe safe ka jan? 14 ka pa lang Miya? anong kabog kabog ang puso mo diyan. Di ka pa nga nireregla umarte ka na diyan? Umayos ka. Nakarinig kami ng kaluskos at agad akong tumalima baka mapansin niyang naapektuhan ako ng pangyayaring eto. Buti na lang at pusa lang pala yun. Pero ordinaryong tao lang itong kaharap mo there is no special thing about him.
Pero kung alam niya lang magayos baka may chance? Hoy, anong chance may crush nga siya sa iba? Huwag kang asang-asa diyan. Mga lalaki dapat nagkakandarapa sayo and besides may Nadine na yan. Huwag ka ng makisaw saw, okay behave!!.
“Ikaw ha, chansing ka sa akin ha?”
“Tara na uwi na tayo, ang lampa mo kasi”.Agad akong tumalikod pulang pula ang mukha ko sa kakahihiyan.
Kinabukasan..
Habang naglalakad papasok sa campus si Miya, lahat ng mga students ay nakatingin sa kanilang phone at titingin sa kanya may bahid ng malisya ang mga tingin nito sa kanya. Kaya tinitiggan din niya ang mga ito, ng nakakapaso niyang tingin. People are whispering and it really annoys her.
Lumapit bigla si Pat kay Miya.
“Oh my God Miya, have you heard the news?” Sabi pa nito na exaggerated sa arte ang pagkakasabi.
“Anong news?” Umarko ang kilay nitong si Miya.
“Kumakalat sa f*******: na may boyfriend ka na pala at sa park pa kayo nagdadate?”. Sabi naman ni Rach.
“What?” Patingin”. Saka niya inagaw kay Rach ang cellphone nito. Siya nga yung nasa picture at may kasama nga siyang lalaki it was taken last night.
Nanlaki ang mata ni Miya ng makilala niya ang lalaki sa picture it was Al. Pero nakatalikod eto, naka white tshirt na lang eto dahil hinubad na nito ang costume niyang si woody. Napangisi siya,
“So naniniwala kayo sa picture na yan? You don’t know the real story?” Sabi pa ni Miya na isnauli kay Rach yung phone.
“Kaya nga kina clarify namin kung ikaw ba talaga ang nasa picture na yan”. Sabi pa ni Pat.
“Ano naman kung nakikipagdate ako? Ano sa inyo? Is that even an issue?” Ang daming news sa mundo bakit sabik na sabik ang mga taong pag chismisan ako?” Matalim at malakas na sabi ni Miya sa kanila.
Tumalima ang ibang mga students dahil sa takot nila kay Miya.
Samantala…
Nagkakagulo din sa loob ng klase nila Al.
“Uy, nasa news si Miya”. Sabi ni Allan winawasiwas pa niya ang kanyang cellphone. Kaya naingganyo din ang iba na sumilip din sa kanilang mga f*******: account.
“Totoo nga hindi naman pala, pusong bato itong si Miya meron na pala siyang dinidate”. Sabi pa ni Fred.
Kaya tiningnan ko din ang aking sss account at nakita ko nga ang picture, halos maubo ako sa nakita ko ako ba yung pinagkamalan nilang boyfriend ni Miya. Eto yung tinuturuan niya akong magsayaw. Kamusta kaya si Miya? Napagbintangan siya sa isang bagay naman na hindi naman totoo.
AL: Miya are you okay?
Hindi pa nagrereply si Miya…
Samantala…
Nasa CR si Miya, at may narinig siyang usapan ng dalawang babae at pamilyar ang mga boses ng mga ito.
“Don’t you think it’s too much to spread the news sa sss? Hindi naman tayo sure kung boyfriend talaga yun ni Miya?”.
“Who cares? Basta issue na siya ngayon. Besides lagi namang nagtatago yun sa atin, I never felt that she really act as a leader sa grupo natin”.
“What do you mean?”
“Dapat ako yung leader sa grupo natin because I know what’s best for our group”
“Ay gusto ko yan”.
Sumilip siya sa may door ng cubicle niya at nakita niya sila Pat at Rach.
Flashback..
The night na nasa park sila Miya at Al.
Rach: Si Miya ba yun? Sino ang kasama niya? Boyfriend niya? Teka picturan ko at isend ko kay Pat siguradong magugulat siya. Sino kaya yung guy? Parang nakita ko na siya somewhere? Aray ko po. Nadapa pa siya. “Meow..Meow…”Pagprepretend niyang pusa.
Kasalukuyan…
She recorded the conversation sa kanyang phone. Hinintay niyang makaalis ang dalawa.
Mga hinayupak mga babaeng yun? Pagkatapos ng lahat ibaback stab ako? Humanda kayong dalawa! Sabi pa ni Miya, at tinali niya ang nakalugay niyang buhok.
Nagaalab ang kanyang mga mata sa galit