If there's love just feel it
And if there's life we'll see it
This is no time to be alone, alone yeah
I won't let you go
- I Won’t Let You Go- James Morrison
Nagpunta si Miya sa Headquarters ng Untamed Gang. Yes sila lang ang may sariling place sa loob ng school because of the influence of Miya’s family. Nagusap usap sila upang iresolve ang issue ni Miya.
Nakaupo sa gilid si Pat Kasama ang Boyfriend nitong si C.B. Samantalang aligaga si Rach sa gilid habang nagtitimpla ng juice. A was there in his computer, si B naman ay blangko ang mukha na nakaupo sa sofa.
Pumasok sa room si Miya na parang may black aura (yung nakikita natin sa anime iexaggerate natin ang imagination niyo)
Napatingin sila sa direksyon ni Miya.
Tumayo si Pat “You need to explain everything to us”. Paawa effect pa nitong sabi.
Malakas na tunog ng sampal ang umalingangaw sa kanila. Everybody is shock about what hanppened.
“What’s that for?”Sapo ni Pat sa kanyang pisnging namumula sa sampal ni Miya.
Saka naman sinampal din ni Miya si Rach. “Bakit?” Naluluha nitong sabi sa kanya.
Pinigilan din siya ni B.
C.B. “Hoy! Miya ikaw na nga may issue dito? Ikaw pa nanakit?”.
B “Pre, hayaan natin sila”.
Naiwang nagtataka si A sa nangyayari.
C. B. “Girlfriend ko kasi ang sinampal niya, Pre”.
“Ano bang ginawa namin sayo at makasampal ka dyan? Sabi pa ni Pat.
Kinuha ang dala niyang C.P. at pinilay niya yung record niya sa usapan nila Pat at Rach kanina.
Nagulat silang lahat. “Kelan niyo pa ko tinatarantado? Kaya pala kating-kati kang palitan ako bilang leader sa grupo na ito?!”. Bigla siyang napangisi. “Nag alaga pala ko ng ahas? na sa sobrang siba ako pala ang susunod na tutuklawin?.
“Hindi naman namin minemean yun, Miya, sorry” Sabi ni Rach feeling guilty.
“No Rach we should not say sorry to her, Sa totoo lang hindi ka naman talaga nagpakaleader sa amin kung hindi lang sa influence ng pamilya mo sa tingin mo ba sasama kami saiyo?”. Matapang pang sabi ni Pat.
Napapalakpak pa si Miya (Slow clap) “Lumabas na din yang pinuputok ng butchi mo, napakaplastic mo Pat, I’m so fool to think that I have your loyalty in me? Sino pa sa inyo ang pinaplastic ako? Pwede na kayong kumalas sa walang kwentang grupo na ito!!”. Pasigaw ng sabi ni Miya.
“Rach?” Tanong ni Miya. Tumayo siya sa gilid ni Pat. Sumunod din si C.B. at A.
“They choose kung sino ang mas deserving”.Sabi pa ni Pat.
Pero si B lang ang tumayo sa gilid ni Miya.
“Huwag ka ng magpadala dyan B, kahit anong gawin mo hindi ka mapapansin ni Miya.” Sabi pa ni C.B.
“Shut up, C.B.!!”Sabi pa ni B.
Anong ibig sabihin ng di mapapansin? ISIP ni Miya.
“Sabihin mo na B, sabihin mo na ang katotohanan kay Miya. Sabi pa ni A.
‘Ano yun B? Anong dapat kong malaman”. Nagagalit ng sabi ni Miya.
“Wala yun, huwag mo silang pansinin Miya. Sabi pa ni B.
“Nagusto ka niya matagal na,”. Sabi ni Pat.
Napatingin si Miya kay B “But I always see you as a friend, friend lang”.
Parang binuhusan si B ng malamig na tubig sa ulo, sa pagkakarinig na ito. His definitely broken hearted. Hindi napigilan ni B, na umalis hindi niya kinaya ang pangyayari kaya umalis na lang siya.
“Lumayas na kayong lahat dito hindi ko kailangan ng mga plastic na kaibigan!!”. Galit na sabi ni Miya.
Umalis silang lahat at naiwan na lang siyang magisa. Hindi niya napigilang umiyak, she felt betrayed and at the same time hopeless. Wala ba talaga siyang matinong kaibigan? Dahil ba complicated siyang tao? She felt so small after all those riches that she had as a Motto kulelat naman siya pag dating sa mga kaibigan.
Samantala…
“Paano na yung scholarship ko? Paano na ko nito baka may gawin si Miya?” Takot na sabi ni Rach.
“Para kang sira don’t forget meron din kaming 10% share dito sa school”. Mayabang pang sabi ni Pat.
“Ikaw, paano ako? Ayokong biguin sila Mama”.Sabi pa ni Rach.
Kumalat na sa buong Faith Academy ang pagkakabuwag ng grupo nila Miya. Pero makikitang magkakasama pa din sila Pat, Rach, A and C.B si B nga lang ay dumistansya na din. Miya become a loner at walang gustong makiugnay sa kanya. Wala din siyang pinapansin sa mga tao sa F.A.
Al: Miya, okay ka lang ba tawagan kita?
Alam kong dapat hindi ako nakikielam sa problema ni Miya. Pero pakiramdam ko I need to as a friend, kung hindi man friend kahit school mate, o dati niyang tutor. I felt she needs someone to talk to. Pero wala pa din siyang reply o sineen sa mga message ko. Lalo akong nababahala sa kung ano ng mangyayari sa kanya.
Hindi muna kami nagpunta sa bahay nila para magcomputer games. Ang dami din gagawin dahil malapit na din magbakasyon. Welcome to junior life na may pagbabago kayang mangyayari?
Nag pasya na lang akong maglakad pauwi sa amin. Magulo din isip ko kakaisip kay Miya.
Nabalitaan kong hindi siya pumasok sa school kanina. Nakita ko si Yaya Esang tanungin ko ba kung anong nangyari kay Miya? Pero bakit ko siya hahanapin ayaw naman niyang makipagusap?
Dumaan talaga ako sa harap niya kunwari hindi ko siya nakita (aminin may part sa ating ganyan papansin hahaha)
“Iho, andito ka pala?”
“Ay kayo po pala yan Yaya Esang”
“Kakatapos lang ng school ano? Hindi nga nakapasok si Lady Miya”. Kwento pa niya.
“Ganun po ba?”.
“Masama pakiramdam”
“Tulungan ko nap o kayo dyan”
“Salamat Iho, gusto mo ba sa bahay na magtanghalian?”.
“Naku, huwag na ho”.
“Ano ka ba miss ka na ng mga tao doon wala si George may inasikaso kaya samahan mo na ako para makakain ka na din”.
Sa totoo lang miss ko na din ang mga tao sa kanila Miya. Tagal na din pala nung huli akong nakarating sa kanila. Pagkakataon ko na din ito para malaman ang tunay na kondisyon ni Miya.
Nagtricycle na lang kami at tinulungan kong magbuhat si Yaya Esang. Sinalubong kami ni Yaya Merlie tuwang –tuwa ito.
“May pogi pala tayong bisita ngayon, kamusta ka na iho?”
Napakamot na lang ako sa aking ulo “Mabuti naman ho”.
“Dito siya kakain sa atin?”. Sabi pa ni Yaya Esang.
“Naku at sasarapan ko ang luto”.
Nakapasok na ulit ako sa bahay ng mga Moto, same old house malaki nga pero empty. No wonder kung bakit mas gustong magtagal ni Miya sa labas kesa sa
Magstay sa bahay nila.