There goes my heart breaking in two
There goes my eyes crying over you
My arms don't want for us to part
So when you go here comes the blues
There goes my heart
-There goes my heart by Mavericks
Tumingin ako sa may hagdanan…
“Pababa na yun sa sala mo na lang hintayin” Kinikilig pang sabi ni Yaya Perlie. Baka namamali po tayo? 14 pa lang ako, 14 din siya sana ok lang kayo? Mukhang nakatingin din ang ibang mga katulang sila Yaya Seta at Yaya Chesa.
Si Yaya Esang naman ay naghanda na din sa mga dapat pang ihanda para sa hapunan.
Napatawa muna lang ako sa kanila. Pumunta muna ko sa sala para maupo at maghintay sa pagkaing ihahanda ni Yaya Merlie.
Maya –maya nakita ko si Miya, nakapajama lang siya at nakapusod ang buhok. Medyo matamlay nga siya, hindi ako nagsalita hinayaan ko lang siya.
Bigla siyang napatingin sa akin at nagulat.
“Anong ginagawa mo dito?”. Gulat niyang sabi na para bang ayaw niya kong makita.
“Hindi ko pumunta dito para dalawin ka ininvite ako ni Yaya Esang kumain dito, nahiya naman ako kasi nagpumilit siya”. Sabi ko pa sa kanya.
Tumaas ang kilay niya at siguradong tatarayan niya ko. “Whatever?”
“Kamusta?” Hindi ko na natiis na tanong sa kanya. Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko o text ko? Sa isip ko na lang sinabi. Medyo nahihiya akong sabihin sa kanya yun? Kasi nga nagaalala ako.
“Okay lang ako”.
Tumalikod siya sa akin at nakita ko na may dugo siya? Ok lang ba siya may sumaksak ba sa kanya? Sa taranta ko tinawag ko siya agad-agad.
“Miya!”.
“Ano naman yun?
“Sigurado ka bang okay ka lang?
“Oo kakasabi ko lang?
“Huwag kang magugulat ha, may dugo ka napano ka ba? Takot kong sabi sa kanya.
Bigla siyang napabalikwas, tiingnan ang likod niya “Yaya, im dying!!” sabi niya.
“Huwag kang aalis diyan tawagin ko lang sila, huwag kang magpanic”. Napasigaw na din ako at tumakbo ako sa kusina “Baka kailangan pong dalhin sa ospital si Miya?
“Ano ba yun?”
“Madami pong dugo si Miya, ang lala po”
“Ano? Teka,”
Umiiyak na si Miya, “Yaya ang bata ko pa para lisanin ang mundo?
Tingnan siya ni Yaya Esang at nagets niya na ang nangyari kay Miya. “Halika, Lady Miya punta tayo sa kwarto mo”. Nataatwa na naiilang pa eto.
“Di ba po dapat sa ospital po tayo? Tawagin ko na po si Mang George?”Ang dami na pong dugong nawala sa kanya?”. Sabi ko talaga sa kanila. Ako na yung nagpapanic kahit sabi ko kay Miya na huwag magpanic.
Sino ba namang di matataranta ikaw magising ng duguan, meron bang sumaksak sa kanya? O may matulis na bagay na natusok siya? Bakit hindi nagiingat ang babaeng ito. Kahit wala akong sakit sa puso parang aatakihin ako sa nerbyos.
Medyo O.A ako sa part na yun.
Dali-dali silang nagpunta sa kwarto. Leaving me worried sick.
Lumapit sa akin si Yaya Merlie “Iho, niregla na si Lady Miya, huwag ang magaalalala ka ganoon talaga yun, pero magiging maayos naman siya.”
Tinapik niya ang balikat ko. Regla? Menstration? Alam ko yung Mama ko nireregla pero hindi ko nakitang ganoon kalala halos magswimming na sa dugo?
Si hope wala pa naman kasi 10 pa lang siya.
Ito pala yung pinagdadaanan ng mga babae. Pero bakit hindi niya alam?
Miya’s POVs
Susme, ginulat naman ako ng mokong na ito? Bakit andito siya anong ginagawa niya dito. Ayaw ko ngang makakita ng kahit na sino from the school.
Masama din pakiramdam ko kanina pa. Kaya hindi ako nakapasok sa sama ng pakiramdam ko.
“Anong ginagawa mo dito?”. Gulat kong tanong sa kanya.
“Hindi ko pumunta dito para dalawin ka ininvite ako ni Yaya Esang kumain dito, nahiya naman ako kasi nagpumilit siya”. Sabi pa niya. Medyo nairita ko sa sinabi niyang iyon.
“Whatever?”
“Kamusta?” may bahid ng pagaalala sa tinig niya. Pero mas lamang ang irita ko sa kanya.
“Okay lang ako”.
Hanggang sa tinawag niya ang pangalan ko at sinabi sa aking may dugo ako sa likod, at ang dami nga anong nangyayari sa katawan ko? Bakit may mga lumalabas na dugo? Mamatay na ba ko? May malala ba akong sakit? Gosh, is it my last day na here on earth?
Sinabi sa akin ni Yaya Esang na I just have my period.
Sa wakas hindi ako abnormal dahil late na kong nagkaroon samantalang ang mga kaedaran ko 12 pa lang meron na. Pero ang nakakahiya nakita pa nitong si Al.
Ano ba yun? Bakit siya pa pambihira ang dami kong epic fail moments with Him.
He saw how vulnerable I’am na si Miya hindi naman palaging tough pero may palpak moments. Alam niya na kung saan ako takot, gosh marami ng nalalaman ang taong ito sa akin?
Yaya Esang taught me how to use a sanitary napkin for the first time, sa wakas ay nagkaroon na ko dito na magsisimula ang lahat ng pagbabago pa na pwedeng mangyari sa katawan ko.
Pagbaba ko ay nakita ko na si Al na nasa lamesa na. Hindi ko siya matingnan ng diretso kahit nakatingin siya sa akin may bakas pa din sa mukha niya ang pagaalala.
Al’s POVs
Okay na kaya siya? Tanong ko sa sarili ko. Habang nakita ko siyang papalapit sa lamesa.
Ayaw ko namang simulan ang usapan na, Uy congrats may regla ka na? Let’s celebrate dalaga ka na? Hindi yun appropriate I guess.
May awkward silent moment na naman kami.
Nagsimula na kaming kumain, tanging tunog ng kutsara at tinidor lang ang maririnig sa pagitan namin.
“Don’t tell anyone what you have saw today? Mariin niyang sabi na hindi nakatingin sa akin.
Medyo nangisi ako, pinigilan kong matawa “I don’t have a lot of friends so safe sa akin ang secret mo”. Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil nakita ko siyang nanlaki ng mata. Napakagat na lang ako sa labi ko. Upang huwag ng magsalita pa ulit.
Miya’s POVs
At nagkagat labi pa ang loko, meron na naman akong utang na loob sa taong ito.
Bakit ba pag ganitong sitwasyon sa buhay ko lagi siyang sumusulpot at palagi akong sinasalo.
What’s wrong with this guy? His unknowingly involving himself to my life, it irritates me na.
Pero may part na heart warming, heart touching.
Oy yan ka na naman Miya? Huwag ka ngang assuming dyan, boys will still be boys.
They will just use flowery words para lang paniwalaan ka, na sincere sila.
“Kaya huwag kang maingay talaga kundi katapusan mo na”. Banta ni Miya.
Napalunok na lang si Al sa banta ni Miya at pinaspasan niya ang pagkain. After that ay hinatid na ito ni Mang George sa kanilang bahay.
Pagdating sa bahay ay naligo na si Al at bihis na ng pantulog na damit bago bumaba sa sala nila at nagsimula na siyang magwalis at maglinis ng tumunog ang phone niya.
Nanunuod ng basketball sina Pj and Cj sa sala nila.
MIYA: kotong ka sa akin pag sinabi mo sa iba!!
AL: oo na promise secret is a secret.
Napansin nila si Cj na nangingiti si Al.
”Kuya, kausap mo girlfriend mo?” Sabi ni Pj
“Sino si ate Nadine?’. Sabi ni Cj
“Baka si ate Miya?” Sabi naman ni Pj
“Mga loko loko manuod na lang kayo jan.” Sabi pa ni Al.