Chapter Nineteen “Christmas Break”

2813 Words
I just want you for my own More than you could ever know Make my wish come true All I want for Christmas is you, yeah -All I want for Christmas by Mariah Carey Every one of us bid goodbye na, Christmas break. Uuwi kami ng Isabela sa probinsya nila Dad. Reunion din kasi namin at siguardong magkikita kita kaming mga magpipinsan excited na kong makauwi ulit. Iba din kasi ang buhay sa probinsya. Samantalang sina Fred at Nadine ay magbabakasyon sa Hongkong Disneyland. Si Miya naman ay pupunta ng Japan para bistahin ang kanyang O’ bachan (Grandma). Nagiimpake na kami… Cj: kamusta na kaya si Wowa? Wowa ang tawag naming kay Lola, bulol kasi Cj noon kaya imbes na Lola, Wowa ang naitawag nito sa Lola namin. Kaya simula noon ay Wowa na tawag namin sa kanya. Pj: Siguradong miss na tayo nun, Dugtong pa nito. “Wala na ba kayong nakalimutan? Tanong ni Mom sa amin. Hope: Mom, gusto ko ng bagong damit at sapatos ha? Kasi yung mga classmates’ sigurado may bago sila next year pag pasok namin. Kwento pa ni Hope. Nagtinginan sina Dad and Mom.“Huwag kang magalala bunso magkakaroon ka niyan, nagkabonus din si Dad mo kaya makakabili tayo ng mga bagong damit at sapatos”. Masayang balita ni Dad sa mga kapatid ko. “Ayos” nagapir pa ang kambal. “Promise mo yan ha?” sabi pa ni Hope na naninigurado pa. Pahapyaw akong lumapit kay Dad. Bumulong ako sa kanya. “Dad, totoo ba yun?” Panigurado kong tanong sa kanya. Alam ko kasing hindi naman ganoon katas ang nakukuha ni Dad sa pabanda banda niya, at bukod pa doon ay suma-sideline din siya upang maging delivery man. “We will find a way anak, ayoko lang malungkot mga kapatid mo”. “Pero- “Hayaan mo na ko anak, ako ng bahala”. Naiintindihan ko si Dad, mahirap talaga ang maging magulang lalo na’t masakit sa part nilang hindi nila kayang maibigay ang gusto ng kanilang mga anak. Gusto ko ng makapagtapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko. Pero ngayon ay pagsisikapin ko muna lahat. Al: Bro, ingat jan sa Hongkong. Paki-ingatan ang baby Nadine ko. FRED: Areglado. Teka tawagan kita para makapagpaalam ako kela Tito. Gusto ko pa naman sanang sumama kaya lang may ticket na kami. Sayang, Tumawag na eto… Hope: Sino yun kuya? Si kuya Fred ba. Tumungo ako sa kanay saka niya inagaw ang cellphone ko. “Kuya Fred?”. Masayang bungad ni Hope. Halatang kilig na kilig, Walangya 10 pa lang yan, may crush na, crush crush ko kayo yung mukha nito sa pader? “Uy, hoppie… Kamusta? Nakapagimpake ka na?. Masayang tugon nito. Hoppie talaga tawag niya kay Hope, pag kami tumatawag sa kanya. Naiinis siya dahil si kuya Fred lang daw niya ang may karapatang tumawag sa kanya ng Hoppie.. Edi wow! “Opo, kuya tinutulungan ako ni Mom”. Masaya niya pang kwento. Saka ko binawi yung phone k okay Hope, ayaw pa nga niya ibigay. Inirapan niya ko bago nagpunta kay Mom. Nagmamaktol. “Ingat po kayo Tito, Tita, Cj, Pj and Hoppie!!” Sabi pa ni Fred bago nagpaalam na eto sa kabilang linya ng phone. Bukas kami ng madaling araw luluwas. Kaya kinagabihan naghugas muna ko ng mga pinagkainan namin. Nakatoka kasi ako pag dinner na maghuhugas ng plato umagahan si Cj tapos si Pj naman ang sa tanghalian. Si Hope naman dahil bunso madalas isama ni Mom sa pamamalengke. Kinabukasan… Maaga pa lang ay nagising na kami. Naligo na kami sa gabi tapos natulog ng nakabihis na taktika eto para makaalis agad kami. Galawang sundalo kumbaga. Magbubus lang kami, dahil wala naman kaming sariling sasakyan Commute kami papuntang terminal. Mahaba habang byahe na naman eto, 8-10 hours na byahe. Si Mom and Dad ang magkatabi, Tapos yung kambal tapos kami naman ni Hope. Sinalpak ko sa magkabila kong tenga ang earphones at nakinig ng music. Tumugtog ang sikat na kanta ng Eraser heads ang “Overdrive”. Magda-drive ako hanggang Baguio Magda-drive ako hanggang Bicol Magda-drive ako hanggang Batangas Tapos magsu-swimming dun sa beach Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang sophomore year ko, Eto ata ang pinaka maingay na taon ng buhay ko. Ang daming mga first time. 1.     First time kong maging representative ng section namin para lumaban sa Science Quiz Bee 2.     First time kong magtutor ng Kasing edad ko na si Miya 3.     First time kong maglead role sa isang school play, hindi na supporting role, kundi main role talaga as Prince Ferdinand. 4.     First time kong kumanta sa large crowd, madalas ang banyo lang naming ang nakakaririnig sa akin 5.     For the very first time na notice na ko ni Nadine 6.     First time niya kong pinagtanggol ni Nadine against a bully Marami akong first time ngayong taong eto. Ang iba doon kasama ko si Miya: 1.     First time kong Mag-amusement park, mahilo sa Vikings muntik ng masuka. 2.     First time kong kumain sa isang sushi restaurant, na pinilit kong kainin pero hindi ko talaga trip yung lasa. 3.     First time kong magbuhat ng tao na bukod sa bunso kong kapatid, actually dalawang beses pa. Medyo mabigat, kahit ang payat niya (Miya) mukhang yung laman niya ay nakatago sa buto niya. 4.     First time kong makabili ng bagong phone bunga ng pinaghirapan kong pagipunan, pero dahil kasama ko si Miya may babayaran pa kong 18,000+ sa kanya. Hindi naman pangit ang experience ko with Miya but our time together ay masasabi ko ding kakaiba. I get to know her, lahat ng naiisip ko sa kanya ay mali pala. Hindi mo talaga dapat husgahan ang tao base sa nakikita mo naririnig mo sa iba. Better know the person talaga. Tapos namatay pa pala yung kapatid niya, meron talagang kinalaman ang past sa hugot sa buhay niya ngayon. He’s young and How much more yung binebear niya para lang magcope up from that 5 years incident. It’s tragic, it’s overwhelming. Mahirap mawalan ng taong nasanay ka ng kasama mo. This time paghabambuhay na. Langit na lang ang pagitan mo sa kanya. Nakarating na kami sa Isabela, Sinundo kami ni Tito Francis nakakabatang kapatid ni Dad, Mabilis lang ang biyahe at nakarating na kami sa bahay nila. Sinalubong kami ni Wowa, galak na galak eto at niyakap kami isa-isa. Dad’s family is way different from Mom, wala nga kaming kilala sa mga kamag-anak namin sa mother’s side. Simple lang buhay sa probinsya hindi kumplikado katulad sa Maynila. Si Yssa at Hope ay naglaro ng mga bagong Barbie na binili sa kanya ni Tito Francis. Nagjamming kami with Kuya Derek panganay na anak ni Tito Francis. Late na kasing nagasawa si Dad. Kaya mas matanda sa aking ng 3 years si Kuya Derek, tapos si Billy na kaedad ko. Sumama din sina Cj at Pj. Nagsimulang magstrumming ng gitara si Kuya Derek Bago kami kumanta ng mga kambal, Bakit pa kailangang magbihis? Sayang din naman ang porma Lagi lang namang may sisingit Sa t'wing tayo'y magkasama… Musikero talaga ang pamilya ni Dad. Kami ng mga kambal ay natuto lang kumanta dahil nga sa tinuturuan kami ni Dad na kumanta mga bata pa kami. Pero hindi namin masyadong binabalandra sa madlang people. We just sing sa reunion and sa mga jamming moments. Nagkwentuhan kami, naglaro ng computer games. Kinabukasan ay nagpunta na kami upang makipagkita pa sa iba pang mga kamag-anak. May mga games na sumali dahil may papremyo, nagalay din kami ng kanta si Kuya Derek ang nag electric guitar, Si billy naman nag beatbox. Pj played the piano, Cj is on Bass at ako naman ang acoustic guitar. AL: I shouldn't have walked away I would've stayed if you'd say We could've made everything okay, but we just Threw the blame back and forth, we treated love like a sport The final blow hit so low, I'm still on the ground Pj: I couldn't have prepared myself for this fall Shattered in pieces, curled on the floor Super natural love conquers all, remember we Used to touch the sky Cj: And lighting don't strike The same place twice, when you and I Said goodbye I felt the angels cry True love's a gift, But we let it drift in a storm Every night I feel the angels cry (nagblend ang mga boses namin) No one can beat that harmony from brothers singing together, nagkakaisa talaga kami pag music na pinagusapan. Nasa dugo talaga namin nananalaytay ang pagiging musikero ng tatay namin. Namigay ng mga pamasko at regalo ang mga kamag-anak naming. Ito talaga ang namiss ko sa Isabela, pamilyang masaya. Chapter Twenty “Happy New Year 2012” Baby, now that I've found you I won't let you go I built my world around you I need you so Baby, even though you don't need me now -Baby now that I Found You by Alison Krauss   Natapos na ang ilang araw ng pagbabakasyon back to reality na. Back to school, back to the normal na. Kailangan na ulit gumising ng maaga. Pero parang bitin ang bakasyon, sobrang saya ng bakasyon naming sa Isabela. Nagbasketball kaming magpipinsan at nagulat sila na marunong na ko, nagpaid off ang pagtetrain ko tuwing sabado with Miya. Although hindi pa ganoon ka galing tulad ng mga kapatid ko pero they see potential in me. Nagjogging din kami, doon basta sinulit namin ang bakasyon. Kinabukasan… Sa klase… “Okay write down your new year’s resolution”. Sabi pa ng English Teacher namin na si Mrs. Berano. Ito ang walang kamatayang tanong every time na magpapalit ang taon. Ano ba ang aking New Year’s resolution? Napapaisip ako magagawa ko ba eto? Dati sinabi ko na magpapataba ako hindi naman nangyari payat pa din ako. Parang ngayon ay iisipin ko muna kung magagawa ko ba ng mga isusulat ko. Next week ay Foundation Day ng School at nakatoka ang mga sophomore’s para magtinda ng food. Ang host ay ang mga third year students may student party din sa school. Habang magcoconcentrate naman ang mga fourth year student para sa kanilang pag rereview ng kanilang college entrance exams. Magkakagrupo kami nila Allan, Fred at Chelsea. Nagiisip ako ng pwede naming ibenta. Yung hindi kami malulugi at kikita talaga. Si Allan ay scholar naman ng Soccer at si Chelsea naman ay scholar naman ng Volleyball team. Si Fred lang ang hindi scholar sa amin, pero sobra siyang desididong tumulong hindi lang sa pinansyal na part pero maging sa paggawa. Bawat section ng 2nd year students ay may representative. Kami na pili sa section namin. Meron namang fund ang section naming dahil si Fred ang ingat yaman naming. Simula pa ng pasukan para paghandaan talaga. Our teacher suggested that we should make something that is pretty much available and in demand. More on meryenda ang ibebenta and for 3 days naming itong gagawin. Ganoon talaga magcelebrate ng foundation day ang school. Dito na din namin gagawin ang mga final projects namin per subjects. Bago matapos ang buong school year. Next pasukan ay third year na ang bilis ng panahon. Naisip namin na magturon, bananacue at kamotecue na lang kami. Total yun naman ang madalas na binebenta naming nila mama pagbakasyon.     Faith Academy Lists of Sections per Grade Level: 1st year Highschool- sections are named after Four Evangelists in the bible (4 sections) Matthew, Mark, Luke and John 2nd year Highschool – sections are name after Book written by Moses (4 Sections) Genesis (Nadine’s section), Exodus (section namin), Numbers (C.B’s section) and Leviticus (Miya’s section) 3rd year Highschool- sections are named after Tribe of Israel (4 sections) Reuben, Judah, Asher and Joseph 4th year Highschool- sections are named after Jesus’Apostles (4 sections) John, Peter, James and Philip Mga ibebenta per section: Genesis- Hotdog sandwich and hotdog on stick Exodus- Turon, Bananacue at Kamotecue and palamig Numbers- French fries and potato balls Leviticus- Carbonara and Spaghetti Lists of Program na gagawin sa loob ng tatlong araw: Day 1 Worship Service- 9:00am-11:00am (Theater Room) Opening Remarks: Mr. Benjamin Apostol (School Founder/School Director) Special Performance: FAITH CREW Palarong Pambansa (c/o Third year students -section Rueben headed by Mrs. Mandique) particpants will be coming from 1st, 2nd and 3rd year students. 4th year students will not participate may 2 weeks kasi silang review. Ganoon ka dedicate ang F.A pagdating sa pagsesend off ng students to universities. Gusto nilang makapaghanda ang mga ito at makapasok sa mga prestigious universities. Closing Remarks: Principal Ronaldo Mabagsik HIGHLIGHTED EVENT: Battle of the Bands (1st year to 4th year: Maliban sa mga games pwedeng magparticipate ang fourth year para sumali sa mga conpetition lalo na pagdating sa talents) Day 2 Contests: Simultenous Poster making contest Speech Choir contest (1st year students only- English subject) Essay contest (2nd year students’ only- English subject) Story Telling contest (3rd year students’ only- English subject) Ang Buhay ni Ana (maikling dula na pagbibidahan ni Nadine at Zavior (4th year) – Theater Room HIGHLIGHTED EVENT: Students Night with a theme: Disney Animated Characters. (C/o of 4th year students of section John headed by: Mr. Kalawakan) Day 3 Awarding of winners Ice Cream Party (sponsored by School Director Apostol) ito inaabangan every year. Andyan na yung iba’t ibang ice cream na ibibigay sa lahat ng student and teachers. May pasalubong sa aking damit si Fred galing Hongkong Disneyland. Sana all nakakapunta ng ibang bansa para magbakasyon. Someday mangyayari iyon, ika nga nila iba-iba tayong ng timeline, my season talagang nakalaan para sa atin. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay magtitinda kami. Tinulungan ako ni Mom mamalengke at pumunta sa bahay sina Chelsea, Allan at Fred upang kunin ang mga gamit na kakailanganin namin sa pagtitinda. Mga barbeque sticks, brown sugar at saging na saba. Bukas ng umaga ay bibili naman si Allan ng lumpia wrapper dahil malapit lang siya sa palengke sa bayan. Bago eto pumasok sa school ay bibili muna eto. Kinabukasan… Day 1 Nagsimula ang araw sa praise and worship sa Lord. Ganoon talaga dito sa F.A, everytime na may event may worship dito sa theatre room. Kapatid kasi ng School Director ang Pastor na magpipreach sa amin ngayong umaga. Pastor Adam Apostol talk about forgiveness, how the Lord forgave us that if we also forgave others this bring inner peace to us and we will be the beneficiaries of forgiveness why? Because when we forgive it us who is unchained from the feeling of pain. We gain peace. Everyone was silent about that and every students cried on that day. Pati ako sobrang natamaan ako sa sinabi ng Pastor parang hinampas s akin ang katotohanang ang Diyos nga pinatawad ako sa mga kasalanan ko so why should I not forgive. Ang daming realization. Ang daming take way. After ng worship ay nagopening remarks ang school director. Then nagsayaw ang faith crew, (dance troop ng F.A) Naagpalarong pambansa na din. We stayed there at the gymnasium to sell our products. Inferness mabenta siya. Then battle of the band ang event sa gabi. Day 2 Simultenous na contest sa umaga. Pinanuod din namin si Nadine “Ang Buhay ni Ana”. She is really a promising star, balak kaya niyang magartista after highschool? Ang galing talaga niya. Mamayang gabi ay kaabang-abang ang event dahil student night. Ang costume ni Fred ay si Buzz lightyear at ako naman si Woody. Di ba obvious yung pagkakaibigan namin? I have two brothers and tinuturing ko na din talagang kapatid si Fred. Kahit sa panahong loser pa ko never siyang nahiya sa friendship namin. Then I saw how beautiful Nadine, ganda talaga nito napakasarap lang pag masdan, she had that aura of an angel that really takes my breathe away. Grabe naman yun!? She beautifully flaunt her charisma in wearing a Cinderella costume, Nasa bahay nila ako at sabay sabay na kaming pupunta ng school. Then I heard the door bell, niluwa ng pinto ang isang taong napaka pamilyar sa akin. Biglang nag-init ang ulo ko sa nakita ko. It was Lance, the MVP pormang porma eto at talagang nagmatch pa sila ni Nadine. I don’t know the real score about Nadine and him buti na nga lang at wala na yung si Bryan. Hirap talaga kapag famous ang babaeng gusto mo marami kang kaagaw. Hindi pa basta basta ang mga lalaking nagkakandarapa sa kanya. She was really out of my league, ang layo sa katotohanan ang iniisip kong may future kami. “Mas pogi ka pa din brad, Bulong sa akin ni Fred. Natawa ko. “Bestfriend mo kasi ako” sabi ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD