Chapter Eighteen “Your Beautiful”

1378 Words
You're beautiful You're beautiful You're beautiful, it's true I saw your face in a crowded place And I don't know what to do 'Cause I'll never be with you -       Your Beautiful by James Blunt 9th day ng kanilang tutor, habang papatapos na siya parang nalulungkot na itong si Al. Sa dami ba naman nilang memories ni Miya na magkasama. Teka nalilito na din siya sa nararamdaman niya. Study room ni Miya… “Mukhang kaya mo na talaga”. Sabi pa nito kay Miya. “Syempre, Malaki naitulong mo sa akin. Thank you”. Sabi pa nito. “Ano pa lang nagustuhan mo kay Nadine?”. Bigla nitong tanong. Na ubo ito. “Bakit mo natanong yan?”. “Aside sa maganda siya ha? Ano pa?”. Tanong pa ulit ni Miya. “She had that beautiful smile”. Sagot nito.“Teka bakit napunta tayo kay Nadine?”. “Anong history ng makapal mong eyeliner?”. “Ano bang paki mo sa eyeliner ko?”. Sabi pa nito. “Ano nga?”. Tanong ulit ni Al. “Comfort zone ko itong eyeliner ko it hide my insecurities”. Sabi pa nito. “Hindi naman pangit ang mata mo ah?”. Sabi pa ni Al. Tumingin lang ito sa akin. “Hindi naman kailangan magmake up ang babae, bare face is much appreciated”. Sabi pa ni Al. Habang chinecheck nito ang worksheet ni Miya. “Mas nagagandahan ka sa plain na mukha yung walang make up?”. Tanong ni Miya. “Okay naman yung make up kasi nagpapaenhance niya yung beauty ng mukha pero mas maganda pa din ang all natural, yung walang halong kemikal”. Biro pa nito. “Sira ka talaga”. Sabi pa ni Miya. “San ka pala magbabakasyon magchristmas break na”. Sabi nito at tumingin si Al kay Miya. “Bisitahin ko sa Osaka ang Lola ko”. Tugon nito. “Hindi mo kasama parents mo?”. Tanong pa ni Al. “Kung magbabalak silang umuwi”. Matipid nitong tugon. Bigla silang nabalot ng katahimikan. Samantala… “Boss si Manuel Adriatico ay may apat na anak tatlong lalaki at isang babae. Ang pangalan ng kanyang asawa ay si Linda. Dito nag-aaral ang mga anak nito at---Hindi na natapos ni Jeremy ang sasabihin niya ng nagsalita si Mr.Asahina. “I would like to go to their place”. Mungkahi pa nito. Natapos na din kasi ng mabilis ang proyekto ng kompanya nito at nalalapit na ang Christmas break. Bakit interesado si Mr. Asahina sa buhay ni Manuel? Magkakilala ba sila? Alamin natin sa mga susunod na kabanata. Kinabukasan… Last day ng pasukan ngayong araw kaya’t nagmamadali na din ang ibang maguwian bukod sa may Christmas party ang mga faculty and staff sa U.N. Last day na din ng 10 days tutor ni Al kay Miya. Mabilis nilang natapos ang mga ilang lectures at nagpaalala na din si Al sa mga kailangang gawin ni miya. Since ang laki na ng pinagbago nito. Nakaipon din siya ng pambayad sa kulang niya sa cellphone at babayaran niya si Miya. “Salamat Al, sa lahat ng naitulong mo sa akin”. Nakangiting sabi ni Miya. “Salamat din sayo dahil nakipagcooperate ka, so I guess this is the end?”. Sabi pa ni Al. Pero bakit parang malungkot? “Ay nga pala, ito”. Sabi ni Al habang inabot ang sobre kay miya. “Ano to?”. Tanong ni Miya. “Bayad ko sa kulang ko sa phone”. Sabi pa ni AQl. “Sure ka?”. Sabi ni Miya. “Rule no. 8 acceptance, rule no. 9 be thankful”. Sabi pa ni Al. Na hindi nakakalimutan ang mga house rule pa din nito. Kahit s huling araw.  Nagring ang phone ni Miya sinagot muna niya ito. Bakas sa mukha nito ang disappointment at galit. “Ano nangyari?”. Tanong ni Al sa kanya. “Hindi makakasama sila Papa sa Osaka, hindi naman na ko magtataka ilang beses naman na nilang ginagawa yan.” Maktol nito. Ihahatid na si Al palabas. “Gusto mo pasyal muna tayo?”. Mungkahi ni Al kay Miya. “Sige please pakiramdam ko sasabog ako”. Sabi ni Miya. Nagpahatid sila saglit kay mang George sa Mall. Nagpunta sila sa Arcade part. Naglaro sila ng baril-barilan, motor racing. Pero parang galit na galit lang itong si Miya. “Pag ako na babadtrip kumakanta na lang ako”. Sabi ni Al kay Miya. Tumingin si Miya. “Tara videoke tayo dito mo ibuhos ang sakit na nadarama mo”. Sabay hawak sa kamay ni Miya at hinila niya ito sa mismong area ng videoke. Nagbayad si Al ng isang oras. “Ano kakantahin mo?”. Tanong ni Al habang tintingnan ang song lists. Nakatulala lang si Miya. Pinindot ni Al ang napili niyang numero at hinulog ang limang piso sa videoke machine. Kinuha niya ang mikropono. Lumayo ka na sa akin Wag mo kong kausapin Parang awa mo na Wag kang magpapaakit sa akin Ayoko lang masaktan ka Malakas ako mambola Hindi ako santo Napalingon si Miya sa kumakantang si Al. Maganda ang boses nito at parang nagcoconcert. Natawa si Miya. Inabot ni Al ang isang mic kay Miya Pero para sa'yo Ako'y magbabago Kahit mahirap Kakayanin ko Dahil para sa'yo Handa kong magpakatino Laging isipin Lahat ay gagawin Basta para sa'yo Sabay silang kumanta. Maya-maya ay pumili na din ng kanta si Miya. Miya: Ilang awit pa ba ang aawitin, oh, giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, oh, giliw ko? Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa 'yo 'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko Al: Ilang isaw pa ba ang kakainin, oh, giliw ko? Ilang tansan pa ba ang iipunin, oh, giliw ko? Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko Sabay: Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay Na ligaya, at asahang iibigin ka Sa tanghali, sa gabi, at umaga Huwag ka sanang magtanong at magduda Dahil ang puso ko'y walang pangamba Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong... Ligaya!!! Nagtawanan pa silang dalawa. Miya: Nang ma-inlove ako sa'yo Kala ko'y pag-ibig mo ay tunay Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay.. (sumabay na din si Al) Ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas Para kang sphinx ugali mo'y napaka-sting Kung hiyain mo ko talagang nakaka-shrink Girlie biddy bye bye don't tell a lie Bakit mo ako laging dini-deny “Salamat sinamahan mo ko kahit alam kong busy ka”. Sabi pa ni Miya lumabas na sila sa videoke bar after ng ilang kanta nila. “Sus, you’ve got a friend di ba?”. Sabi pa nito at ngumiti. Wait picture tayo sa picture booth. Pumasok sila doon at may ilang shots sila. Unang shot- Magkaabay sila at maluwag ang mga ngiti sa mga labi nila Pangalawang shot- Naka peace sign sila Pangatlong shot- tinakpan ni Miya ang mukha ni Al at tawang tawa pa ito. Pangapat na shot- Tinaas ni Al ang magkabilang tenga ni Miya, nagulat ito at ang laki ng ngiti niya dahil sa sobrang tawa niya. Panglimang shot- They grab each others nose. Tawang tawa sila sa resulta ng mga litrato. Nagpunta sila sa food court. “Ako manlilibre dito ka lang saglit”. Sabi pa ni Al. Maya-maya pagbalik nito may dala-dala na itong 1 footlong, 1 Large fries,  2 siomai at 2 fried noodles para sa inumin ay nagbuko juice sila. “Wow, dami ah?”. Sabi ni Miya. “Hindi ito mahal na pagkain pero masarap ang mga ito”. Sabi pa ni Al. “Ano ka ba okay lang yan at least natutunan kong kumain ng mga ganto”. Sabi pa ni Miya. May nilabas si Miya mula sa back pack niya. Nakabalot na regalo. “Hala, hindi ka naman nagsabi na may exchange gift pala”. Biro ni Al. “Sa bahay mo na buksan”. Sabi ni Miya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD