If you're lost you can look and you will find me
Time after time
- Time after Time by Cyndi Lauper
Friday
Isa sa pinaka paborito kong araw sapagkat magweweek ends na.
Ikalimang araw na din ng tutorial ko kay Miya so far ay nageexcel na siya.
Sa Study Room ni Miya.
Ituturo ko sa kanya ang Filipino.
Dahil nga sa Half-Japanese siya medyo nahihirapan din siya sa Filipino.
“Don’t forget tomorrow ha? Magkikita tayo para matulungan kita jan sa pagiging lampahin mo.” Sabi pa nito.
“Saan ba tayo magkikita?”. Tanong ko sa kanya.
Parang halos araw-araw na kaming nagkikita nito. Pati ba naman Saturday?
Sinulat niya sa papel ang address kung saan kami magkikita. Pinaalalahanan niya ko nagmagsuot ng tamang pang gayak para sa pagtakbo.
Kinabukasan…
Nalula ako sa laki ng gym.
Nakalagay pa ang malaking pangalan sa labas nito. Moto’s Gymnasium.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Miya.
She is wearing a baby blue varsity jacket and jogging pants. Nakapusod ng mataas ang kanyang buhok at may eye liner pa din. Parang ytrademark na talaga niya yun.
“What took you so long?”. Tanong ni Miya.
“May dinaanan lang saglit”. Sabi ko pa sa kanya.
“Today, you are going to learn how to run fast”. Sabi pa nito habang may nginunguyang bubble gum sa bibig.
Hindi ko masabi sa kanyang may hika ako.
“Seryoso?”. Tanong ko sa kanya.
“Yup, kailangan natin i-test ang stamina mo, agility, flexibility… Sabi niya pa pero hindi nagreregister sa isip ko lahat ng sinabi niya. It seems like I’m floating somewhere.
“Good thing na nagbibicycle ka na, you must run”. Masaya pa niyang sabi.
“Seriously ang bagal kong tumakbo?!”.
“Okay lang yan, you can use your long legs advantage mo yan,”
So I started running, boy ang hirap I was out of breathe. But she keep insisting naka-ilang laps din ako.
Akala ko mawawalan na ko ng hininga. Aatakihin na ba ko ng hika ko? Good thing nakipagcooperate siya sa akin ngayon. Hindi ako sinumpong.
My legs was sore.
Ang payat lang ng legs ko at aminado ako walang ka muscle muscle ang mga binti ko.
Despite na nagbibike ako, ei malapit lang naman ang bahay namin sa school.
I somehow understand na dapat nga talaga ginawa ko na eto noon pa. Maybe ako din talaga nagdala sa sarili ko kumbakit mahina ako.
I should have use my height as an advantage but I choose not to. But I’m still 14 and I know hindi pa huli ang lahat para sa akin.
Our agreement ay kailangan tumakbo ako palagi para lumakas ang baga at resistensya ko.
Dahil sa kakapilit niya umuoo na lang ako.
The Day of Quiz Bee Competition…
Ito na I was representing my section, kung tutuusin hindi pa ito inter-school or national pero kinakabahan na ko.
Fred was there and also Nadine pero she is with Bryan. Ewan ko pero parang pinopormahan na ni Bryan si Nadine. Today is different I will make my section proud, at ang dating hindi pinapansin ngayon ay mag-step na out from my comfort zone.
Sa easy round nakapasok sa top 10 si Al from 15 sections 15 questions, Sa average round ay nakapasok muli si Al sa top 5 from 10 sections na natira and sa final round
Who has a lot of teeth?
A. Shark
B. Human
C. Snail
D. Crocodile
Al: C Snail
The winner is Psalm P. Adriatico. The crowd go crazy!!
Fred “bestfriend ko yan!!!”.
Hindi magsink-in sa isip ko na nanalo ako sa unang kompetisyong sinalihan ko since nasanay na ko sa backstage. Out of the limelight, palaging behind the scene.
Nakita ko si Nadine na palakpak ng palakpak. She was happy.
I saw Miya, she is running away, hindi ba siya masaya? Pero ano ng aba ineexpect mo susuportahan ka ba niya?
Ang meron lang sa inyo ay tutor ka lang niya.
Take note: TUTOR KA LANG NIYA!!.
Nalungkot ako ng sumampal sa akin ang katotohanang iyan. Pero mas maigi na yun para alam kong professional lang kami dito.
ACADEMICS lang talaga ang pinag-uugnay namin other than that wala na. Ni hindi nga kayo friend di ba?
After the competition ay nagcelebrate kami nila Dad with the siblings.
Kasama ko din sila Fred at Nadine, di ako makapaniwala na kasama ko na si Nadine. She’s celebrating with my family. Dad knows me having a long time crush with Nadine. Kaya sinabihan ko na siya na huwag siyang maging obvious. Huwag niya kong asarin at baka totohanin ko, chars…Landi yan?
Grill with Negros Resto Bar…
Nasa restaurant kami ng Tita ko second cousin ni Dad, close kasi talaga sila ng tatay ko dahil magkasama silang lumaki at magkaclassmate pa sila since elementary hanggang college.
She’s giving us a free dinner; gift niya daw sa akin dahil nanalo ako sa una kong kompetisyong sinalihan.
Ang bait ni Tita Slyvia dahil first time daw akong gumawa ng major break sa studies ko, madalas kasi ang kambal ang nageexcel sa maraming bagay.
Kaya gift niya na ito sa family.
We are close with Dad’s family lahat ng pinsan at mga kamag-anak sa father side kilala ko. Sa side lang ni Mom ang hindi, ni hindi kami kinikilalang kamag-anak o kapamilya.
I was with my family but I ended up thinking Miya, uy ano ba naman Al andito si Nadine si Miya iniisip mo?
Hindi man lang siya nagcongratulate sa akin?
Uy, tampo yan??
Again Al don’t be paranoid tutor ka niya remember?
Dad: So Nadine anong kinabubusyahn mo ngayon?
Nagkatinginan kami ni Fred.
I was nervous kita yun butil, butil ang pawis ko kahit naka aircon naman sa restaurant ng Tita ko.
Pakiramdam ko ako ang igigisa ngayon dahil nakikita ko sa mga pagmumukha ng mga kasama ko na ako ang kanilang uusi-sain, lalo pa’t andito si Nadine.
Nadine: I’ve been practicing po Tito for a play this December
Dad: wow, really?
Al: siya po yung bida sa play na Snow White, she is playing the female lead po. Sabi ko pa sa kanila.
Dad: ahhh kasama din kayo doon di ba Al?
Fred: Yup sa props team po kami Tito…
Dad: ahhh props team (sabay tingin sa akin si Dad).He always encourage me na to take a lead role.
Pusher kasi talaga siya sa akin na kailangan kong lumabas sa comfort zone ko.
Cj: Ate Nadine what can you say about the quiz bee?ano tingin mo din kay kuya Al, nagalingan ka ba?
Pj: Oo nga ate…
Nagfefeeling close na tanong ng mga kapatid ko kay Nadine, namumula na ko sa hiya. Kaya sinipa ko yung dalawa.
Arawch… Sabi ni Pj, namula sila at nakita kong pinipigilan nila yung sakit from may sipa.
Nadine: Smiled. “Magaling ang kuya niyo”. Sabi pa nito.
Nabulunan ako sa pagkakasabi niya,
My heart is shaking right now, parang gusto kong sumigaw sa saya. Sarap nung compliment.
Hope: kuya are you okay? Nang mapansin niyang pulang pula na ang tenga ko.
I thought I was in cloud right now, it feels like heaven.
Pulang pula na ang mukha ko sa hiya.
Tumayo si Fred at pinalipat ako ng upuan katabi Nadine.
First hesitant pa ko, lakas ng kaba ko mga bente. Pero pinilit ako ni Fred, ako excited naman talaga.
This has been the second time na makakalapit ko si Nadine. Am I dreaming? Is this really happening? Buti na lang sumali ako sa quiz bee kung hindi I will never have this chance.
So lumipat na ko, at nakita ko ang mga mukha ng kambal pati ni Hope na may pangaasar. I hate it baka mabisto na ko ni Nadine. Ano ba to,
Biglang nagchorus yung tugtog sa restaurant
FOR A MOMENT LIKE THIS SOME PEOPLE WAIT A LIFETIME….
Saktong sakto pa talaga sa nararamdaman ko ang cue ng background music. Napatingin ako, nakita ko si Fred nangingisi. Happy lang?
That night was memorable nakakwentuhan ko si Nadine, nag-usap kami kung saan niya gustong magcollege, ano plans niya.
Pero aminado ako habang nageexplain siya wala akong ibang marinig kundi ang nakakabinging t***k ng puso ko.
Bawat tawa niya, I was like ang ganda. Diyosa nga kung maituturing siya.
Natapos ang gabing iyon ng may saya sa aking puso. Niyakap ko ng mahigpit si Fred. “Bro, I’m so happy”.
Bulong ko sa kanya. “Sabi sayo ei, sweet dreams bro mukhang masaya ka na niyan gang pagtulog, tandaan mo bukas tatapusin pa natin yung pag gawa sa props”. Sabay sabi niya sa akin.
Hinatid kami nila Fred hanggang bahay namin and we bid goodbye sa isa’t isa.
After kong ayusin ang mga gagamitin ko sa school for tomorrow lumapit sa akin si Hope.
Oh, bat gising ka pa? Tanong ko sa kanya.
Kuya, may girlfriend na ba si kuya Fred? Tanong niya sa akin.
Wala, puro computer games yun ei, bat mo natanong? Huwag mong sabihing crush mo siya?
Crush is paghanga lang naman kuya,
So crush mo nga? Oy bata ka pa magaral ka muna jan nasa elementary ka palang boyfriend boyfriend ka na.
Paglaki ko kuya mag-aaral ako ng mabuti para sa future maging boyfriend ko si kuya Fred.
Hoy, umayos ka nga jan. Huwag mo munang isipin niyan mapapalo kita sa pwet.
Tumawa eto. Paglaki ko…
Ay asan na ba yung hanger? Biro kong sabi sa kanya.
Saka na siya nagkiss sa cheeks ko, good night kuya.