Chapter Ten “Giraffe to Prince?”

1686 Words
We found love in a hopeless place -We found love by Rihanna ft. Calvin Harris After Class ay nagtungo na kami ni Fred sa Studio upang tapusin ang remaining things na gagamitin namin sa school play na Snow White. Then I saw Miya, She’s with her group of friends she’s with her gang members. Tumingin ako sa kanya, Asking kung ano ginagawa nila doon? Biglang nagsalita si Ms. Balderama. “By the way nagback out si Ms. Elaine for the role of Evil witch at si Miya ang papalit sa role na iyon”. Natawa ko pero pinigilan ko, medyo bagay yung witch sa katauhan ni Miya. Tinapunan niya ko ng masamang tingin. Kaya nanahimik ako sa gilid. The reason behind the detention of Ms. Miya nakita yung video niya na umiinom siya. Inako niya ang reponsibilidad na iyon at hindi na niya dinamay ang kanyang mga kasama. Pero ang pinagtataka niya sino ang nagsend ng video na iyon kay Ms. Balderema. So sumali na siya sa play at meron iyang community service ng one week. “Another news wala si Bryan, he had chicken pox”. Nalungkot ang marami, sa isip ko tinatamaan pala ng sakit ang virus? “Aba nagkakasakit din pala ang virus?” Sabi ni Fred. At tumawa kami dahil parehas ko siya ng iniisip. Virus kasi tawag namin sa kanya. “The problem is sino ang papalit as Prince Ferdinand?”Sabi pa ni Ms. Balderama. “I volunteer Al po, sabi ni Fred. I was shock ano naman bang gustong gawin ni Fred at naisipan niya akong ituro of all the people? Ako pa talaga lakas trip din. “Paano mo nasabi yan Mr. Lim?” “Nung grade school po kami gumanap po siyang giraffe sa school play po namin.’ Nagtawanan lahat, hiyang hiya na ko. Wala namang ibang gaganap na giraffe kundi ako.. Ako lang naman pinakamatangkad sa klase namin before. Nagtawanan ang iba ng marinig nilang nagplay ako as giraffe nung grade school, siguro medyo bagay talaga sa akin. “Excuse me? May nakakatawa ba?”. Pagtataray ni Ms. Balderama. Is that true Mr. Adriatico?”. Bigla niyang baliing sa akin. “Opo.. pero before pa kong makapagexplain nag yes na si Ms. Balderama. Ano na naman ba tong pinasok ko? bigla bigla akong magiging lead star, tuod pa naman akong umarte. Kainis naman to. “Natulungan din po niya ako nung nagpractice po ako onetime.” Sabi pa ni Nadine. “Okay, ibigay yung script kay Mr. Adriatico”. “Ma’am kabisado na po niya”. Sabi pa ni Fred. Well, nakabisado ko na din kakapanuod ng practice nila Bryan at Nadine. At yung practice naming ni Nadine. “Wow, impressive”. Sabi ni Ms. Balderama. “Good luck bro”.Nakakalokong ngiti ang pinakita sa akin ni Fred, alam kong pinupush niya talagang mapalapit ako sa kapatid niya. Well I kinda like it, chance na din ito. Pero diskompyensado ako dahil small role lang naman ang nagawa ko nung elementary, wala namang script ang ginampanan kong giraffe, sway sway lang ng ulo yun. Ngayon Prince Ferdinand pa gagampanan ko? Ang bigat nakakapressure. Nakita ko si Miya, blanko lang ang mukha niya. Siguradong naka detention siya kaya wala siyang choice kundi sumama sa play. Ano na naman kayang ginawa ng grupo niya? Mamaya ay magkikita ulit kami for the 4th session ng turo ko sa kanya. So nagsimula na kaming magpractice. Kabado at hindi sigurado ang nararamdaman ko. Me as Prince? POVs of Miya At siya pa talaga maglelead ngayon, mukhang masaya siya. Teka crush ba niya itong si Nadine? Halata sa mukha niyang namumula mukhang nagkakamatis na sa pula. Affected ka Miya? May role ka din naman supporting ikaw yung witch. Matatapos din eto kung hindi lang sa detention ay hindi talaga ko sasali sa stupid play na eto. Bell rings…. After class ay nakita ko si Miya malapit sa gate ng school, sino kaya hinihintay nito? Hindi muna kami sabay ng uwi ni Fred dahil may pinuntahan nila ni Nadine ang lola nila sa Ospital. Tumingin siya sa akin, I’m not sure kung sa akin talaga since ako lang naman ang naglalakad patungong gate. Akala ko ba huwag kaming magpapansinan sa school. “Sabay ka na sa akin papuntang bahay”. Hindi paki-usap kundi utos niyang sabi sa akin. “Baka may makakita sa atin? Sabi mo nga ei huwag tayong mag-uusap di ba?” Sabi ko sa kanya. Kala mo may ginagawang anumalya. Masyado kasing mataas ang patong sa ulo ng kausap ko ngayon, meaning mabilis kumalat ang isyu dahil sikat nga siya sa school. Of course yung reputasyon niya, bilang isa sa mga elite sa school kahit mukha siyang leader ng Mafia sa loob ng school. Di ko alam pero palagi akong naiinvolve sa mga elite, sino ba naman ako di ba? Ako ay simpleng tao lang. My sophomore year is surely a big break to me. Lumingon siya. “Wala naman akong nakikita? Sasakay ka ba o itutulak pa kita? Angas niyang sinabi. Agad naman na kong sumakay. Para akong puppy na sumunod, ewan ko ba sa tangkad kong eto e, takot ako sa babaeng ito? Si Mang George ang driver ni Miya, at syempre naging close ko na din siya mabait siya, mabait ang mga tao sa bahay nila Miya, lahat sila ay masiyahin. Itong si Miya lang ata ang hindi. Hindi maintindihan may pagkaweird pero cute, yan ka na naman sa cute. Ika 6th week na ng pagtutor ko sa kanya. Di bale matatapos na din eto at hindi ko naman na kailangan makisalamuha kay tiger. Habang nag-aaral kami sa study room niya, bigla siyang nagtanong. Napatigil ako. “Crush mo ba si Nadine? Tanong niya out of the blue, medyo nagkaroon ng silent moment at tunog ng aircon lang ang naririnig sa pagitan namin. “Bakit mo na man natanong?” umiinit na ang tenga ko dahil sa biglaan niyang pagtatanong. Pero sinubukan kong tumawa pero alam kong halata niya na nagstutter na ko. “Sabagay maganda naman talaga si Nadine, noon pa man” Sabi niya. Bago nagsagot ulit ng worksheet niya. Tumingin ako sa kanya. “Ikaw ba may crush ka?’’ bigla kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung saan ang galing ang lakas ng loob ko upang ibalik sa kanya yung tanong? Ngumisi siya, “Ako? sus, wala kong mga ganyan ganyan, kalokohan lang yan”. Pero parang ang bitter ng tono ng boses. “Inspirasyon lang naman ang crush.” sabi ko sa kanya. Tiningnan ko ang reaksyon niya. “Pero crush mo nga si Nadine?’ Tanong niya kala ko nakalimutan niya na. “Oo”. Hiya kong sabi sa kanya. Nagchcheck na ko ng mga worksheets na nasagutan niya. “Kailan mo pa siya crush?” Kala ko tapos na siya sa question niya sa akin. May follow up pa pala. Tita Kris ikaw ba yan? Biglang may dumapo sa kanyang ipis, Bigla siyang nagtatalon sa takot. “Ahhh, kadiri alisin mo yan, please!!” Tili niyang sabi. Hindi ko alam kung matatawa ako pero naawa din at the same time. Lumilipad ang ipis at tumakbo siya papalapit sa akin, bigla siyang napayakap ng mahigpit sa akin at nangingiyak. Nagulat ako, I mean first time kong mayakap ng babae aside kay Mama at kay Hope. Medyo bumilis ang t***k ng puso ko, naamoy ko pa ang baby cologne niyang napakatamis ng amoy. Buti na lang dumating si Yaya Perlie may dalang walis tambo at binambo niya yung ipis. Nang masigurado ng wala na yung ipis, bigla kaming naging awkward sa isa’t isa at inalis niya yung pagkakayakap sa akin. “Ikaw ha? Tsansing ka sa akin ha, di mo naman ako ininform”. Asar ko sa kanya. Bigla siyang namula. “hoy, hindi ah..”. “Sa tapang mong yan takot ka sa ipis?” Natatawa kong sabi sa kanya. A bit shock pa din na meron palang kinatatakutan ang isang Miya Moto. “Siyempre tao pa din ako no, si Superman nga may weakness ako pa kaya?’. Sabi niya pa. “Handa na ang hapunan, dito ka na maghapunan para may kasabay si Lady Miya, Sabi pa ni Yaya Esang. Siya ang cook nila. “Naku, sa bahay na lang po”. Sabi ko pa. “To refuse an offer is an insult”. Sabi ni Miya. Parang magnet na sinundan ko si Miya sa long table nila, Magkabilang dulo pa kami ng table. “Ano pong okasyon, bakit ang daming handa?”. Parang sa amin hindi naman ganito kadami like yung ulam sa umaga yun na din ulam sa gabi. Dito sa kanila parang fiesta, may fried chicken, may vegetable salad, May sinigang na baboy, May mga prutas pa at hamon. “Wala naman yan iho, natutuwa lang kami na may kaibigan pala si Lady Miya. Ikaw kasi ang unang lalaki na nakapasok dito sa mansion”. Nasamid ako at nasamid din si Miya, Talaga ba kahit yung mga kagangster niya hindi niya pa napapapasok dito? “Yaya, pwede niyo na kaming iwan. Salamat po”. Sabi pa ni Miya. “Hindi niyo po ba kami sasabayan? Sabi ko sa kanila. “Ang dami po nito hindi po namin mauubos”. “After niyo kumain kami kakain”. Sabi pa ni Yaya Merlie. Nakikiusyo din ang ibang mga katulong. “Sure po kayo?’ Tanong ko ulit, tapos tumungo lang sila at umalis na. Naiwan na kami ni Miya. Kumakain siya pero napaka bagal niyang ngumuya. Napakalaki ng bahay nila Miya, pero masasabi kong napakalungkot ng kanyang buhay. Aanhin mo ang malaking bahay kung hindi mo naman kasama pamilya mo. Now I fully understand kumbakit bully etong si Miya sa school wala kasing pumapansin sa kanya. Nalungkot ako sa katotohanang eto. Totoo do not judge a person based lang sa nakikita o naririnig mo, kilalanin mo muna talaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD