Chapter Eleven “Worst Day of my Life”

1526 Words
That should be me, holding your hand That should be me, making you laugh That should be me, this is so sad That should be me -        That should be me by Justin Bieber Natapos ko na ang pagkain ko , sarap ng luto ni Yaya Merlie. Nabusog ako ngayon na lang ulit napadami ng kain. Tila nagbibiro ang panahon biglang bumuhos pa ang malakas na ulan, Sakto wala akong dalang payong. Pihadong sesermunan na naman ako ni Mom dahil ilang beses niyang pina-alala sa akin na kailangan kong dalhin ang payong. Perfect paano ako uuwi nito? Nagsipilyo at nagpalit na ng pantulog si Miya, ang cute ng pajama niya SPONGE BOB, Isang portion lang ng buhok niya ang nakatali and I find it cute once again. Yan ka na naman cute na naman. Ano ba? “Ihahatid ka naman ni Mang George,” Sabi ni Miya bago nagtungo siya sa sala para manuod ng pelikula sa 75 inches nilang TV. Umupo din ako sa sala, at nanuod ng palabas na pinapanuod niya. It’s quite obvious na ang hilig niyang palabas ay yung mga madudugo at puro violence. Yung iba di ko na nagawang tingnan its too much for me to see as a 14 year old. Eto ata pinaghuhugutan niya kaya siya mapanakit kung minsan. Nakatulog na siya sa sofa, Lumapit sa akin si Yaya Esang. “Pwedeng pasuyo, pakibuhat naman si Lady Miya sa kanyang kwarto, umalis saglit si Manong George”. Matangkad ako pero di ako sigurado kung kaya kong buhatin si Miya. Sana I have that strong arms. Nasanay lang kasi eto sa kakasulat other than that wala ng kwenta. Hindi naman sa dinadown ko sarili ko but I’m stating the facts here. Inipon ko ang lakas ko upang mabuhat siya, medyo mabigat siya pero kaya naman. Si Hope nga pala madalas ko din buhatin pag nakakatulog na. Itinuro sa akin ni Yaya Esang kung saan ang kwarto ni Miya, napakalaki ng kwarto nito parang sinlaki ng sala at kusina namin na pinagsama. Marahan ko siyang binaba at mahimbing na mahimbing na siya. Saka ko nilisan ang kwarto na iyon. Maya-maya ay tumigil na din ang malakas na ulan at hinatid na ko ni Mang George sa bahay namin. “Marami pong salamat”. Bago ako bumaba. “Pagpasensyahan niyo na po si Lady Miya”. Sabi pa niya. “Opo”. Tugon ko. “Malung- hindi niya nas inabi ang kasunod. “Sige magiingat ka” Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero di na niya tinuloy pa. Sobrang tight ng schedule lalo na malapit na din dumating ang Halloween, kami ang nakatoka sa mga aswang, at tama kayo ng hula, isa nga akong Kapre, wala ng iba pang mas makakapagjustify ng role na iyon kundi ako. Ang section namin ang nakatoka sa gabi ng lagim. Fred is going to be a clown yung poportray niya ay si Pennywise. Pumunta muna kami ni Fred sa bahay namin.After this preparation at long practice na for School play na Snow White. Dahil next week na din ang play. Sa bahay ng mga Adriatico Hope: Hi kuya, Fred. Magiliw nitong bati kay Fred. Na nakaabang na sa labas ng gate namin. Fred: Kamusta Hope? Sabay gulo niya sa buhok nito. Kuya to the rescue, alam kong may crush si Hope kay Fred at hindi pwede dahil 10 pa lang si Hope. Al: Bebe, kuha mo nga kami ng maiinum saka luto mo kami ng pancit Canton pinabili ko na si kuya Pj mo, salamat Love you!! Hope is a good cook, mas magaling pa nga siya sa aming magsaing katulong siya ni Mom sa pagluluto. Kaya bata palang ay kaya niya ng magluto ng simpleng ulam. Kaya nga siya lang din mataba sa pamilya. Nakita ko na inirapan ako ni Hope alam niyang sinadya ko yun para hindi niya makausap si Fred. Mabigat ang paa niyang nagtungo sa kusina. Nakakatakot yung costume ko goodluck sa mga gugulatin ko mamaya. Tawang tawa pang sabi ni Fred. Ako di ko alam kung nakakatakot o pinagtitripan lang ako?. Sabay kaming tumawa. After namin mag meryenda ng pagkaing niluto sa amin ni Hope ay dumiretso na kami sa school, upang magbihis. Nakita ko si Nadine, as usual ang ganda talaga niya she’s wearing a red tshirt. Sila kasi ang organizer ng event. Madami na namang nagaaligid sa kanya maliban kay Bryan na nagpapagaling pa sa kanyang chicken pox. Andyan si Lance ang varsity ng basketball at Junior namin siya. Ano bang panama ko sa mga taong eto? Nakita ako ni Lance. “Wow, bagay na bagay ang costume mo sayo, you are a real definition of engkanto”. Sabay tawanan ang lahat ng mga kasama niya sina Jaren, Miguel at Yael. I admit it baka nga bagay sa akin eto? “Punta ka mamaya tingnan natin kung gaano ka katapang? Sabi ni Fred. Napakatapang naman pala. Natameme si Lance knowing na alam niyang kapatid eto ni Nadine, ngumisi lang eto. “See you around”. May talim na sabi sa akin ni Lance. Miya was with his untamed group, “Oh look kung sino ang makikita natin, the tall loser”. Sabi ni Pat kasamahan ni Miya. Nagtawanan ang mga feeling bratenella. Napatingin ako kay Miya. May hawak siyang bottle of water. Binuksan niya yun at binuhusan ako sa mukha. Sa nagtawanan ang lahat, Fred was inside na nung dumating si Miya. It was just me and her group. Ibang Miya ang nasaksihan ko ngayong araw bumalik ang pagiging tigre niya. “Masaya ka na?”Sabi ko sa kanya na medyo basag ang boses. Naiinis ako sa ginawa niya, Saka ako tumalikod sa kanya.  Dumiretso sa loob ng gabi ng lagim. Naririnig ko pa din ang tawanan nila. Minsan talaga may mga taong hindi na magbabago.I was distracted sa ginawa ni Miya sa akin, pero sinikap kong kalimutan iyon. She’s so complicated and it was for me to understand her. Bukas ay magkikita ulit kami for the 5th time ng tutor ko sa kanya. I give up ko na kaya? Fred: Hey, Bro are you okay? Kanina pa ang lalim ng iniisip mo magprepare ka na bubuksan na yung booth natin. Pukaw niya sa akin. Napansin niya siguro na malalim ang iniisip ko. Maya maya… “aahhh!!!” “Mama!! “Ayoko na!!!” Sigaw ng mga estudyanteng tinatakot namin. Then I saw Miya with her gang, she doesn’t even scream di katulad ng mga kasama niya na halos mapaos na. Nagpretend lang ako na hindi ko siya nakita. I was still disappointed with her rude attitude kanina. Is she pretending lang ba o she really mean it? Then biglang nag iba ang itsura niya ng makita niya si Fred, Napasigaw siya at hindi yung puchu na sigaw kundi yung sigaw na takot na takot, then she faint. Alam ko sa panahong iyon ay galit ako sa kanya pero natagpuan ko ang sarili kong tumakbo papunta sa kanya at kinarga siya palabas ng booth namin at dinala siya sa clinic. People are staring at me, when they saw me carrying Miya. They are puzzled and masyadong mainit ang mata nila sa akin. Then inasikaso siya ng mga kaibigan niya. I was worried sick, kanina inis ako sa kanya ngayon naman nabalot ako ng pagaalala. Nagugulo ang emosyon ko sa batang eto. Then paglabas ko sa clinic I just saw the wedding booth there was Nadine and Lance. Lalong nagpainit ng ulo ko. I come running to them and I gave a big punch to Lance face. I was so mad, Pero nagising ulit ako sa pagdaday dream ko ng maramdaman kong iniputan ako ng ibon. Langya! Ano ba naman to, triple kill naman ako nito. This day has been the worst day of my life. 1.     Sinabuyan ako ng tubig ni Miya sa mukha and everybody laughed at me. 2.     Kanina galit ako kay Miya pero di ko din siya natiis 3.     Ngayon naman sobrang jealous ko kay Lance, ako dapat yun… Saktong tumugtog ang kanta ni Justin Beiber. That should be me holding your hand, that should be me making you laughed. That should be me this is so sad, that should be me, that should be me…. Natapos ang araw na iyon ng masama ang loob ko, ni hindi ako kumain pag uwi ko sa bahay. It was a terrible day. Kung ang iba ay nagenjoy ako naman etong hindi at parang naglalaro ang tadhana. Paano ako makakapagpractice kinabukasan I’m having a bad day. Pinikit ko ang aking mata pero gising pa din ang aking diwa. Namalayan kong tumulo na lang ang luha sa mga mata ko. Nagsesenti na naman ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam. Maya maya ay tinawag ako ni Cj at malakas ang pagkakatok niya. “Kuya, may bisita ka”. Sabi pa nito. Tiningnan ko ang orasan at 6pm pa lang naman ng gabi. Si Fred ba yung nasa labas? “Sino?. Walang kabuhay-buhay kong tanong. “Girl friend mo…?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD