Chapter Twelve “Please forgive me”

1521 Words
I wished you the best of All this world could give And I told you when you left me There's nothing to forgive But I always thought you'd come back, tell me all you found was Heartbreak and misery It's hard for me to say, I'm jealous of the way You're happy without me -        Jealous by Labrinth   Samantalang sa sala kausap ni Dad ang bisita. “Kaibigan ka kamo ni Al?”. Tanong ni Dad habang inabot niya ang tinimpla niyang iced tea. “Opo, school mate po kami”. Sabi pa niya. “Hindi nabanggit sa akin ni Al na bukod kay Fred meron pa pala siyang kaibigan, it was nice seeing you, what’s your name again?. Nilahad ni Dad ang kamay niya para makipagkamay sa bisita. Nakipagkamay. “Miya, po Tito”. Napatayo ako sa kama thinking who is that girlfriend na tinutukoy ni Cj? Is it Nadine? Biglang nagiba ang pakiramdam ko may halong kaba. Nagpalit ako ng damit from pajama to plain black tshirt and a black pants. Mabilis kong tinungo ang hagdanan. Narinig ko ang tawa sa sala at nagulat ako sa aking nakita. It was Miya and she smiled at me, pero medyo amusing yung smile niya. Naalala ko ulit na inis ako sa kanya. Ang mga ngiti ay napalitan ng naiiritang reaksyon. “Oh, Al andyan ka pala you never mention that you have another friend besides Fred? Sabi pa sa akin ni Dad. “Miya? Actually pauwi na siya”. Hinawakan ko siya sa may braso at hinala palabas ng bahay namin. Malapit na kami sa gate. Mom: Sino kamo yun? Dad: Miya, mukhang may lovers quarrel agad. Dungaw nila sa bintana na. “Anong ginagawa mo dito? Sabi ko sa kanya, saka niya binawi ang kamay niyang hawak ko. “I’m here to say thank you”. Sabi niya natigilan ako, si Miya magtethank you for what? Hindi thank you ang gusto kong marinig mula sa kanya, but SORRY. Nang makita niyang masama ang tingin ko sa kanya. “Okay, sorry sa inasal ko kanina. You know naman how I actually need to be tough”. Pageexplain niya pa sa akin. Hindi pa din nagbago ang itsura ko, madilim pa din. “Gusto kong bumawi kaya ko nandito”. What happened with Miya, does she really mean it? Nababawi siya? Back to the clinic scenario, nang umalis si Al after siyang dalhin sa clinic. Nagising siya mga ilang segundo lang mula ng umalis si Al. “Anong nangyari?’.Tanong ni Miya. “Nawalan ka ng malay kanina” sabi ni Pat. “Si kapre naghatid sayo dito, grabe nung nahimatay ka ang bilis niyang tumakbo at binuhat ka niya papunta dito sa clinic”. Kwento pa ni Chill.       Miya’s POVs Si Al gagawin sa akin iyon? Kahit ang bad ko kanina sa kanya. Ano ginawa mo Miya? Why you have to be rude? Kailangan mong bumawi, you owe your life again to him. Dali dali siyang lumabas upang mahabol si Al, nang makita niya etong nakatingin sa wedding booth. It was Nadine again, naramdamdam ni Miya na malungkot si Al at nakita niyang umalis agad eto. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Awa ba o selos? Ang naramdaman ni Miya that time. Back to the conversation ni Miya “I’m sorry and thank you for rescuing me again”. Sabi pa ni Miya na may sincerity ang tono ng kanyang boses. Dad: Patawarin mo na Al. Napalingon kami sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Miya: Thank you Tito, pwede po bang mahiram saglit ang anak po ninyo, babawi lang po ako a kanya. Uuwi din po kami agad”. Dad: Sige, magiingat kayo mga anak. Mom: Ano ka ba may pasok pa sila bukas, saway ni Mom kay Dad. Dad: With parent consent naman huwag kang magalala uuwi din sila niyan, may curfew din ng 9pm. Maaga pa naman, hayaan mo mabuti nga at good influence ang mga kaibigan niya. I was a bit hesitant kaya lang hinawakan na niya ko sa kamay at kinaladkad palabas patungo sa kotse niya, nakita ko si Mang George. Mang George: sakay ka na iho.. wala na din akong nagawa kundi sumakay na din sa kotse. Tahimik pa din ako hanggang makarating kami sa isang amusement park. Namilog ang aking mga mata with excitement, first time ko lang nakarating sa ganitong lugar. We can’t afford to buy ticket para lang makapunta sa ganitong park, because we are saving for the family. Nagiipon kasi para makabili na kami ng sarili naming bahay. “titigan mo na lang ba yan o gusto mong bumaba?’ tanong ni Miya. Bumaba na ko. Nagtaka ako dahil walang katao-tao kundi yung mga operators lang ang kasama namin. Saka ako napatingin sa kanya. “Surprise! narinig ko kasi nung nagusap kayo ng bestfriend mo one time sa practice ng snow white, na hindi ka pa nakakapunta dito.” Eto peace offering ko sayo, please forgive me, friends na tayo?”. Nilahad niya ang kamay niya simbolo ng pakikipagkamay sa akin. “Okay friends”. Sabi ko. It’s quite interesting na nakikinig siya sa usapan namin. Baka narinig lang huwag mong lagyan ng malisya. “Yehey!”. Sa tuwa niya ay nayakap niya ko. Pero saglit lang din iyon ng matauhan siya at mapagtantong awkward kaming dalawa.“sorry” “Ikaw ha nanching ka na naman” asar ko sa kanya. Naglakad na kami sa loob ng amusement park. “Bakit walang katao tao?”. Tanong ko. “Ano ako sayo, sabaw?”. Biro niya sa akin. Nagjoke ba siya tatawa ba ko? “Sa amin ang amusement park na eto kaya ni request kong isara muna at tayo lang gagamit dito.” Tuwa pang sambit ni Miya sa akin. Napalaki ang singkit kong mga mata sa pagkakarinig na pinasara niya para lang gamitin namin ngayong gabi. Nakita niyang napatulala ako. “oy, tara na anong gusto mong unahing sakyan?”. Iba din pala ang yaman nitong mga Moto, ano pa ba ang negosyo nila aside amusement park? Sa totoo lang sobra yung excitement ko ng makita ko ang loob ng amusement park. Minungkahi ni Miya na mag “Sail Away” (katumbas siya ng Vikings sa Starcity at Anchors away sa Enchanted Kingdom) daw kami. Agad niya kong hinila para sumakay sa dulo ng barkong wala sa tubig. Sa una ay parang wala lang, ETO NA BA YUN? Hanggang sa lumalakas na ang pag-ugoy nito, hanggang sa maiwan ang kaluluwa ko. Ako ay napasigaw ang sakit sa puso parang kinukuha ang kaluluwa ko. “Waaaahh!!!”. Sigaw ko. Samantalang si Miya ay tuwang tuwa pang itinaas ang kanyang mga kamay. Tila walang takot na nababahid sa kanyang mukha. Samantalang ako nangingilid na ang luha sa takot. Actually kahit sa tangkad kong eto takot talaga ko sa heights. Ironic di ba? Lampa na takot pa sa heights, Di ko alam kung maduduwal na ko sa sobrang taas na namin. Napapapikit na lang ako at mahigpit na kumakapit sa hawakan. Pambihira safe ba to? Di ko na alam kung anong ipupwesto ko everytime tumataas kami at baba.  “Taas mo kamay mo, dali…” Sabi pa niya ni hindi na ko makatingin sa kanya, butil butil na ang pawis ko sa kaba. Namumutla na ko at parang umiikot na ang sikmura ko. Pero naitaas ko pa din ang kamay ko at napasigaw ako ng malakas, tawa lang siya ng tawa. “Miya, kelan to-to ma-tata-pos?”. Mangiyak ngiyak kong sabi. “4 minutes lang eto”. Sabi pa niya. Maya –maya…(after 4 FOREVER minutes) Natapos na din ang banungungot na eto, ano bang pinasok ko at sumakay ako dito sa pamatay na barkong eto? Hinang hina akong bumaba at pinakikiramdaman kung masusuka na ba ako? “Ang saya di ba? Anong next natin?”. Sabi pa ni Miya. Nang mapansin niyang nanghihina ako. “Nakakatawa ka kamo, takot na takot ka kanina”. Pagbibiro pa niya sa akin. Meron ka talagang kaibigang imbes na mag-alala e tatawanan ka pa. May takot kasi ko sa heights, Sabi ko sa isip ko. Habang umupo sa bench na nakita ko at maputla pa din. Hinila niya ko para magproceed kami sa next na rides. Sumakay na lang kami sa carousel, medyo lagpas ang paa ko sa Carousel, what will you expect from a 6ft person? Pero tuwang tuwa siya at nilabas pa niya ang kanyang cellphone at kinuhanan pa niya ko ng litrato, tapos tawang tawa siya. Tapos naglakad lakad muna kami upang humanap ng makakainan. “Gusto mo ba ng stuff toys?” Tanong ko sa kanya. Nang matapat kami sa isang booth na maraming stuff toys and to be able to get it is by shooting the target. “Oh? Kaya mo?” Tanong niya sa akin. “Wala ka bang tiwala sa akin? Anong gusto mo dyan?”. “Giraffe!?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD