Seryoso giraffe talaga?
“Bakit Giraffe?”. Tanong ko sa kanya.
“Cause it will remind me of you”. Sobrang cheesy niyang sinabi. “Para pagnaiinis ako sayo susuntukin ko na lang yan”. Dagdag pa niya.
“Grabe naman sa suntok”. Sabi ko pa sa kanya. Bigla akong may naisip gusto din kaya ni Nadine ng stuffed toy?
“oy anong iniisip mo jan?” .pukaw niya sa akin.
“Wala. Shall we? Sabi ko sa kanya habang hawak na yung baril-barilan.
Nagattempt ako mga ilang beses pero na nagmimiss, napapahiya na ko dito ah? Asan na yung palagi naming paglalaro ni Fred sa kanila ng computer games?
“Sure ka ba?”. Bigla niyang tanong.
Napakamot ako sa aking ulo. “Wala ata sa kondisyon ang kamay ko, saglit na lang”. Sabi ko sa kanya. This time sobrang nagaapoy na ang inis ko kaya’t I clear my mind from any destruction and then I waited for the right moment and pulled the trigger.
Then bull’s eye salamat at sa pang lima kong tira ay asintado na may sense of proud of myself ang drama ko ngayon, bago ko tumingin sa kanya. She seems impressed.
Sabay binigay ko sa kanya yung giraffe na stuffed toy.
“Thanks, Wait, bibigyan din kita ano gusto mo dyan? Sabay turo niya.
“Gusto ko yung lady tiger, it reminds me of you”. Bawi kong sabi sa kanya.
“Tiger talaga, ganoon ba ko kabagsik?’. Natatawa niyang sabi. I nodded. Tanda ng pagsang-ayon sa sinabi niya.
She seems like a pro, and isang try lang niya sapul na agad.
I was shocked, any man can be intimidated with her but at the same time impressed.
Ano bang hindi kayang gawin ng babaeng ito she is really good at sports. Hindi nga lang pala sa studies.
“Yes,”. Sabay bigay sa akin yung lady tiger na stuffed toy. “Tatawagin ko etong Al-al sabi niya sa akin na tinutukoy ang stuffed toy. “ikaw anong itatawag mo sa kanya?”.
Sabay turo sa hawak kong stuffed toy. “mi-mi?” Pinarter ko lang kasi dinoble niya yung Al.
Wala na din akong maisip.
Nilahad niya ang kanyang kamay. “Simula ngayon ay ituturing na kitang kaibigan, tunay na kaibigan”.
Nagulat ako na nanggaling iyon sa kanyang bibig. “So Friends na tayo?. Dugtong pa niya. “Yes, Friends”. Bago ako nakipagshake hands sa kanya.
“Okay saan tayo kakain? Tanong niya.
“Pwedeng magrequest? Pwedeng Jollibee tayo?”
“Jollibee?”.
“Yung bida ang saya”.
“Sige pahatid tayo kay Mang George”.
Nilisan namin ang lugar na iyon para makakain. It was my first time, at si Miya ang nakasama ko.
I also gain friendship. Kahit notorious ito sa school I have become friend sa isang leader ng gang.
Ako ang nagorder dahil hindi naman siya sanay na magorder. Tag 2 order ng Jolly spaghetti, Crispylicious Chicken joy, French fries and Sundae.
She enjoy her first time eating to a fast food like this. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya siyang maglakad lakad sa plaza.
Bago kami na upo sa may bench.
“How is it like to be a normal person?” tanong niya out of the blue. Medyo malungkot ang tinig niya.
“Masaya, kasi Malaya kang magawa ang gusto mo pero syempre may limitations din yung hindi ka naman madadala sa prison ha. Kahit minsan kulang yung pagkain sa hapag masaya ka pa din kasi may kinakain pa din kayo, nakakasurvive pa din sa araw araw. Mabuti pa din ang Lord”. Kwento ko sa kanya ng maramdaman ko na lang ang ulo niya ay nakadantay na sa balikat ko.
Nakatulog na siya.
Wow, kanina pa ko nagsasalita tapos tutulugan lang ako? Then doon ko lang napagmasdan ang mukha niya. She has that long lashes and cute pointed nose na katulad nung kay Angel Locsin.
Napaka peaceful ng mukha niya pagtulog. How can she be an angel while sleeping and like a devil when awake? Hiwaga talaga nito.
I started lifting her and carry her on my back. Medyo mabigat ng kaunti pero kaya naman.
Hindi naman ito ang unang beses na kinarga ko siya. I carry her hanggang sa makarating kami sa kotse.
I heard she say something on her dreams. Hindi ko na lang pinansin hanggang sa makasakay na kami sa kotse.
Naihatid naman ako ng bahay.
Sumalobong ang tatay ko sa pintuan, gising pa pala sila. Pero 9pm pa lang naman.
“Kamusta date niyo ni Miya? Sabi ni Dad.
Natigilan ako at medyo uminit ang aking mukha sa pagkarinig na iyon. It’s not that nagdate kaming dalawa, it was just a treat. Sorry fellowship hanggang doon lang.
“Hindi kami nagdate Dad, katwiran ko.
Pero alam kong hindi kumbinsido sa sagot ko ang aking tatay.
Pero nagpaalam na ako sa kanya at umakyat sa kwarto ko.
Maaga pa bukas ang pasok at kailanagan ko ng makatulog. Nagset na ulit ako ng alarm clock.
Itinabi ko sa kama ko ang stuffed toy na si MIMI at nahiga hindi ako makatulog dahil iniisip ko yung sinabi ni Miya sa kanyang panaginip. “Who is Alex?”. Yun ang nabanggit niya kanina.
Bakit ko naman iniisip yun? Di ba nga friend na kayo ni Miya? So act as a friend hindi yung interesado ka sa kanya.
Bukas last practice niyo na for dress rehearsal kailanagn huwag mong makalimutan ang mga linya mo.
Nagtaklob ako ng kumot at pilit na pinikit ang aking mga mata, kalaunan’y nakatulog na din ako sa pagod.
Kinabukasan…
Fred: Himala na nalate ka kanina. Sabi niya sa akin. Tapos na ang klase namin at papunta na kami sa studio.
Al: nagset ako ng alarm pero pinatay ko ulit, kaya na late ako. Sagot ko sa kanya.
Sa totoo lang medyo puyat ako dahil hindi ako nakatulog kakaisip kung sino si alex? And why should I even bothered. Pero bothered ko. Ano ba self?
We have rehearsed this day, I can’t get over of the fact na kapartner ko si Nadine at nagbabatuhan kami ng linya. She is really a good actress at dalang dala niya ang eksena. That part na ikikiss na si Snow White. Although sa cheeks lang naman yun, but I was too shy to do it, lagi kaming umuulit sa scene na yun.
Fred is being suspicious baka sinasadya ko daw talaga. But the fact na I can’t hold back the excitement and also the kaba. I need to concentrate para matapos na kami. Miya was also there and she nailed it. Magaling siya sa pagiging kontrabida niya sa totoong buhay at sa play.
Miya was way different from Nadine, Nadine is a girl na almost ng mga qualities ng ideal girl ay nasa kanya. Miya was a rough and strong girl na hindi makukuha sa mga pacute cute lang. She can do things that man can also do. Which is quiet impressive, napaka free spirit.
After that dress rehearsal ay ibinigay na sa amin ang invitation with our parents. A theater ticket for VIPs. Lahat kami ay may 2 tickets exclusive for parents or guardians. Sana talaga hindi ako magmukhang shunga.
Speaking of Bryan, Nakapasok na siya ulit but I can see na, naapektuhan ng bulutong ang kanyang buong mukha kaya his still healing pa doon sa mga scars. Naglilow muna siya sa pagiging mayabang niya, he will be watching the play tomorrow.
Ika 5th week na ng tutor ko kay Miya, So far maganda na ang results kahit papaano hindi na siya kolelat, we still have our 3rd periodical exam bago magchristmas break and she need to work with that after tomorrow ay magaaraw araw na kong pumunta sa kanila. Para maturuan siya at makapagreview na din at the same time.
Mabilis nanasagutan ni Miya ang mga worksheets at kaunti na lang ang error, kaya mabilis kaming natapos.
“Ibibigay ko sayo tomorrow yung mga pointers to review, at gusto kong gumawa ka ng reviewer mo”. Paalala ko sa kanya. “Ok”. Matipid niyang sagot.
Bukas ay magkikita kami dahil na din sa kanyang sports program for me.
Kinabukasan…
She told me that I should wear a basketball attire. Dinala niya ko sa isa sa mga exclusive basketball gym na pagmamay-ari nila. I wonder ano pa bang business nila?
I was wearing my favorite jersey na binigay pa ng lolo ko, Chicago bulls number 23. My favorite basketball player of all time. Kahit 90s ang era niya at 90s akong pinanganak I consider him as the greatest basketball player of all time. MICHAEL JACKSON este JORDAN pala. Pero may tshirt sa loob na pinatong ko lang yung jersey baka makita ang kapayatan kong braso.
She even introduce me to a coach para turuan ako.
He thought me first to have a strong stamina by warming up muna.
From jogging na kailang laps din ako at hingal na hingal na then to 50 pushups. (nanginginig ang kalamanan ko)
Itinuro niya muna ang basic:
1. Dribbling
2. Shooting
3. Running
4. Passing
5. Jumping
Pag naglalaro lang kami ni Fred ng NBA computer games doon lang talaga ko marunong magbasketball. Pero laking thank you ko kay Miya for helping me gain confidence sa sports, nagiging interesado na din ako.
Makakapagpractice na ko with Pj at hindi na niya ko pagtatawanan dahil bano ako sa basketball.