Duet: At kahit mahal kita Wala ako magagawa Tanggap ko 'to aking sinta Pangarap lang kita.. Nagpalakpakan ang lahat. I didn’t know na kumakanta din pala talaga si Miya, aside na nagkasama kami sa musical play last year ng Snow White. Pero hindi ganito kalambing yung boses niya doon. Araw araw ata may bago akong nadidiskubre sa kanya. Pagkababa namin ay sinalubong ako ni Fred. Tuwang-tuwa siya. Binigay ko na lang kay Fred ang binake ko na cupcakes ( pero siyempre si mama naman talaga ang siyang pinakamaraming ambag sa pagbabake nung cupcake, taga timer at taga wait lang ako kung luto na). “Bakit hindi ikaw ang magbigay? Sabi pa niya sa akin. “Ikaw na, nahihiya ako”. Sabi ko pa sa kanya. “Nads!!” Tawag pa niya sa kapatid niya. Lumingon ito sa kinaroroonan naming. Halos naging ba

