Kolas's POV
Sa unti-unti namin paglapit, mas nakita ko ng malinaw ang bayan na pupuntahan namin. Mas naging pino ang mga detalye. Ang mga taong naglalakad na may bitbit na mga prudukto ng pagkain, mga bahayang may mga usok galing sa mga bintana dahil sa mga nagluluto, mga nasa gilid na naghahabing mga law ng tahanan, at iba-iba pang mga ginagaw ng mga tao. Sa ganitong bayan, masasabi kong payapa to at tahimik, paano pa nila kailangan ng hari? Kaya naman niang magkanya-kanya ng gagawin at mga abalang abala pa, bakit kailangan nila ng mag-uutos sa kanila?
"Oh, ayos ka lang." naagaw ni Morha ang attensyon ko sa bigla niyang pagtungo, tumama siya sa dibdib ko kaya't kinapitan ko to. "Bakit?"
"Wala, malapit na ba tayo?"
Saktong tanong niya ang pagbaba namin sa may mapunuan. Medyo umiit ang bilog ng mga dahon sa paglapat sa mga tuktok ng puno. Ayaw ata ni Morha na masira ang kagubatan, pwede kasing mangalas sa mga sanga ang mga dahon dahil sa lakas ng hangin. Buti, kung hindi baka makalbo ang mga puno nila dito. Kung nasa taas kami ng matataas na puno, ibigsabihin malapit na kami sa lupa.
"Oo, malapit na tayo."
"Buti naman, ma-may lupa na ba tayong pwedeng apakan?"
"Wala p--ah!!!!" hindi nabuo ang sgot ko nng bigla kaming nahulog! Tila ba nabutas ang inaapakan namin at may bilog na biglang humigit sa amin pababa. Pinilit ko pang may kapitan, pero gawa nga lang pala sa dahon ang nagpalutang sa amin kanina. Wala lang, kumapit lang ako sa hangin.
Mabilis at marahas na tumama kaagad ang mga sanga sa buong katawan ko. Nung una hindi ko naramdaman ang sanga sa paa ko, pero sa tigas nun--sa tigas nun, kusang lumiko ang paa ko. Meron ring maliliit na sanga ang kumalmot sa mukha ko, may ibang dahon rin akong nakain.
"Pweh! Ah!!!! Ar--oh!"
"Ah!!! Orff-ot!" pag-inda ni Morha sa may dibdib ko. Hindi ko siya napansin sa dami kong nararamdaman. Kahit gusto kong tignan ang kalagayan niya, yung paningin ko umiikot sa kung saan-saan. Minsan nakabaliktad ang tingin ko, minsan nasa langit, meron ring akong nakikitang kung ano-anong kulay pero wala akong matukoy na bagay dahil sa bilis ng pagbagsak ko, wala nang mabuong imahe. Pumikit na lang ako para hindi mahilo, pero kahit nakapikit ramdam ko ang pagbalibaliktad ko sa hagin.
"Oh! Ara---y!" bumagsak sa sanga ang likod ko. "Aray!!!!!"
Sorbang sumakit ang likod ko, pati na rin ng tagiliran ko. Marami pa akong naramdamang naputol na mga sanga sa pagkakatama ko bago nagpagulong gulong pababa. Wala na akong naramdamang sakit sa pag-iisip kung mabubuhay pa ba ako. Sa taas ng mga puno dito, marami pang ikot at gulong ang madadaanan namin bago tumigil.
"BUGSH!"
Oh, mali ako. Mabilis na natigil ang inaakala kong mahaba pang paggulong, tumama ako sa isang puno. Medyo kakaiba ang hulma ng sanga kaya napigilan kami sa posibilidad na gumulong pa pababa. Ah, salamat? Pero ang sakit eh.
"Awh! Ah, ah, awh, ha, ha---aw..." sinubukan kong mumulat pero sadyang umiikot ang paingin ko. Nahihilo ako. Aktong sakto ang paghiga ng katawan ko, parang ayaw ko nang bumangon sa sobrang sakit. Kahit saang parte ng katawan ko may nararamdaman ako, may mas masakit nga lang, katulad ng nasa likod ko at batok. Wala akong maigalaw na kahit anong kalamnan ko. "Ang....sa--kit, ahh..."
Wala akong maiikumparang naramdaman kong sakit sa mga nararanasan kong sakit ngayon. Ni hindi pa ako nakakaranas ng ganito katinding sakit. Sanay ako sa suntkuan, pero hindi sa ganitong bugbog. Higit pa ito sa ilang beses akong binalibag ng mga nakaaway ko noon. Malakas ang loob kong walang dumudugong malaking sugat sa akin sa labas ng katawan ko, pero sa loob? Nag-aalala akong magkameron ng komplikasyong hindi ko pwedeng makita.
"Mo--Mor-ha?" nanginginig na tumaas ang mga daliri ko, kahit sobrang sakit sa maunting paggalaw, gusto kong tapikin siya. Malataas ang pinagbagsakan namin, baka kung napaano na siya. Nabatak ng husto ang mga daliri ko, sa tingin ko may ibang nabali at mga medyo hindi nakatuwid, paulit-ulit kong pinagsak ng may kalakasan ang isa kong palad. Naging mahinang pagtapik iyun, sobrang bigat ng kamay ko kaya hindi ko masyadong maitaas at mabigyan ng lakas ang pagtapik. "H-hoy? Ay--os ka lan-g?"
Pagmulat ko, nakita kong nakatingala siya sa akin. May pagkabigla sa mga mata niya, nakaawang din ang labi niya. "Anong ginawa mo?"
"Ba-kit?"
"Hindi mo ako kailangang protektahan." tinignan niya ang kamay ko sa gilid niya. Ngayon ko napagtanto ang ginawa ko. Nakapulupot ang kamay ko sa bewang niya, habang siya ay nakapaloob sa dibdib ko. Kusa palang gumalaw ang katawan ko. Kaya pala hindi ko siya nakikinig na sumisigaw, naandun pala siya. Akala ko sa iba siya nahulog at hindi sumabay sa akin.
Napangisi ako sa maluwag na paghinga. "Bu--ti na-man at o-kay ka lang."
"Pero bakit mo ginawa iyun?! Kasalanan kong nawala yung sinasakyan natin kanina, dapat hinayaan mo na lang akong maghanap ng paraan para sa atin!"
Tsk', ano ba ang sinisigaw niya diyan? Kung hahayaan at iintayin ko pa siya sa paraang hinahanap niya, edi baka ngayon gutay-gutay na kami at parehas na hulog. Baka parehas sana kam ngayong hindi makagalaw. Pasalamat nga siya at may sariling sensyang ginawa ang katawan ko, at kusang inalala ng paggalaw ko ang kalagayan niya. Hindi ba siya pwedeng magpasalamat na naprotektahan ko siya?
Mas nainis pa ito sa pagtahimik ko. "Walang ayos dito! Tignan mo nga yang kalagayan mo! Pang hari ba yan?!"
"E-wan ko sa-yo." pinili kong pumikit. Ayaw kong makipagbungaan sa babaeng to! Kita na ngang ang sama ng kalagayan ko tapos naggawa pang isangat yung usapang yun. Di ba niya naiintindihan?! Buhay na namin ang mapapahamak tapos yan pa rin ang iisipin niya?! Nabababawan ako!
"Hoy! Ano ba, mamatay ka na ba?!" pinalo-palo pa niya ang dibdib ko. Ang sakit ha. Sa sobrang inis ko kahit masakit ang mga kamay ko, hinatak ko siya sa damit at inalis. Napagulong siya sa may gilid ko. Dadaggan pa tapos sasabihan pa ako ng mamatay na ako. Kung umalis kaya siya dyan para makahinga man lang ako ng maayos! Bwisit 'tong babaeng to! Ang swerte ha, hinigaan pa yung mamatay na!
"Umalis ka, mas mamatay ako sayo ng maaga." sa sobrang inis ko kahit masakit ang mga kamay ko, hinatak ko siya sa damit at inalis. Napagulong siya sa may gilid ko. Dadaggan pa tapos sasabihan pa ako ng mamatay na ako. Kung umalis kaya siya dyan para makahinga man lang ako ng maayos! Bwisit 'tong babaeng to! Ang swerte ha, hinigaan pa yung mamatay na! "Walang utang na loob."
"Utang na loob?! May kapangyarihan pa ako, pwede ko pang gamitin yun para makalapag tayo ng normal!"
Talagang pinasasakit niya ang ulo ko ha!
"Normal? Eh bakit hindi mo ginawa?! Bakit nag-intay ka pang magbuwis buhay ako?! Ano, akala mo puro paganda ka lang dyan?! Dapat nag-isip ka rin!"
"Nag-iisip ako! Ikaw 'tong walang isip! Bigla-bigla ka na lang gumagawa dyan ng mga desisyong gusto mo sa buhay! Hindi ba't sinabi ko sayo, ang kaligtasan mo ay responsibilidad ko! Ako dapat ang gagawa ng paraan sa lahat ng kalagayan natin! Mapa-walan man ako ng kapangyarihan, probelma ko pa rin iyun! Kaya sa susunod na----"
Dumilat ako para pigilan siya sa pagsasalita. "Pwede ba, tumigil ka muna? Tulungan mo muna ako. Kailangan na nating maghanap ng matutuluyan, baka tumagal pa at maabutan tayo ng dilim. Hindi ko pa naman kayang maglakad ng malayo, mahihirapan pa tayo. Ayaw kong matulog sa kalsada."
“Kalsada?" naningkit ang mata ito bago umirap. "Walang pwedeng matulog sa kalsada dito. Isip tao ka nga, puro padalos-dalos. Yan, ano? Tignan mo yang nangyari sayo. Tara!"
Walang pakundangan niyang hinatak ang isng braso ko at pinatong sa balikat niya. Pagkatapos nun, hinatak niya ako papaupo at sapilitang pinatayo. Wala akong imik, puro inda at pag-aray lamang. Katulad ng isang hindi gumagalaw na manika, nakatayo ako sa pamamagitan ng pilit na pagpapagalaw sa akin.
"Oh! Aray! Dahan-dahan naman!" reklamo ko. Paano, pinasan niya ako sa likod ko ng walang pakielam. Sobrang nahatak ang mga buto ko, at sasabihin ko sa inyo, pakiramdam ko wala nang nakadikit sa akin. Pakiramdam ko nabibitbit lamang niya ako dahil iisang katawan pa rin ako, pero hindi sa loob. "Hoy, makinig ka naman! Ang sakit, dahan-dahan!"
"Ayaw mong habulin tayo ng mga hayop dahil sa dugo mo, diba? Oh, bibilisan ko na. Isang solusyon para sa padalos-dalos mong desisyon. Sinabi ko naman sayo, ako pa rin ang bahala sa kaligtasan mo at wala kang magagawa." patuloy itong naglakad sa bilis na pangkaraniwan. Para sa ain mabilis iyun kompara sa kalagayan kong parang lantang gulay.
Pero hayop? Wag niyang sabihing nangangain ng tao ang mga hayop dito?! Ano ba naman yan, pagkatapos ng mga tao, hayop naman ang kalaban namin! Anong kalseng buhay ang meron ako?! Lahat ba ay kalaban ko?!
"Pwede ko rin naman bagalan, para makakita ka ng isa, at masabi mong totoo ang sinasabi ko." dagdag pa niya.
"Eh yung kapangyarihan mo, bakit hindi natin gamitin?"
"Mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo yan. Sa dami-dami kong dapat ibaliwanag sayo baka hindi mo katandaan. Baka mamaya mahimatay ka dito, masayang pa ang pagpapaliwanag ko."
"Kunting tanong lang para sa kapangyarihan mo, pwede mo namang sagutin na hindi pwede."
"Kahit pa, gusto ko pa ring magpaliwanag. Isa ito sa mga katangian ng mga Liwblus na naiiba sa mga tao. Marami pa, kaya tuturuan kita kung paano kami tukuyin sa uri ninyo."
Uri namin? Bakit parang ang sama naman atang maging tao dito?
"Ayaw niyo sa lahi namin, bakit?"
"Masyado kayong sakim." maigsi nitong sagot.
Natahimik ang paglalakad namin. Pasanpasan niya ako sa likod, habang ako hindi pa rin magkamayaw-mayaw sa sakit na nararamdamn. Gusto kong magpatay malisya, pero sa tingin ko hindi na tatagal at hindi ko na makakayanan ang sakit. Ang pumipigil lang naman sa kin magreklamo ay siya. Natural babae siya at lalaki ako, ayaw kong magpabigat pa sa kanya. Bukod dun, ayaw kong magkasisihan. Panigurado namang sisisihin niya ako dahil sarili kong desisyon iyun kahit na ang natulungan ay siya. Ganun ata talaga ang lahat ng mga tutulugan ko, mga mapagreklamo. Kukunti na lang talaga ang mga marurunong magpasalamat sa panahon ngayon.
"Di ka ba nabibigatan?" unang tanong ko. Ang sakit na talaga ng likod ko, parang nahihirapan na rin akong huminga.
"Magaan ka sa akin, kakaiba ang lakas namin mga Liwblus."
Kaya pala mali ako. Siguro kung siya yung nasa kalagayan ko baka kaya pa rin niyang maglakad ngayon. Dapat maaga niyang sinabi! Tsk', kasalanan ko pang nararanasan ko ito ngayon?! Pambihira!
"Oh, bakit parang nakakaramdam ako ng pagsisisi sayo? Ano, nakita mo na ang mali mo?" ayon sa tono niya, bagkas na nakangisi sya ngayon. Di ko nagustuhan yun.
"Hindi, wala akong pinagsisisihan sa mga pagtulog ko. Ang kinakainisan ko ay ang pagtugon mo sa ginawa ko." ayaw ko talaga siyang personalin at tanggap ko namang magkakaiba tayong lahat ng ugali, pero hindi katulad niya, wala akong nakikitang nakakatawa ngayon. "Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko."
Napatigil ito bago bumuntong hininga. "Wala nga, pero may kailangan kang maintindihan. Mamaya ipapaliwanag ko sayo ng mas malinaw."
Bahala siya diyan. Puro siya mamay----hmmm, ah, ang sakit!!!!! Sobra akong nakaramdam ng gumuguhit na sakit sa may batok ko. Tumindig ang balahibo ko sa panibagong tining ng isang matinding matinis na tunog, bumasag iyun ng katahimikan para sa akin. Ang kanina ko ring pagkahilo ay mas tumindi pa. Kusang tumirik ang paningn ko kahit hindi ko gustuhin.
Biglang nandilim ang buo kong paligid, at wala na ang aking pandinig.
"Sigurado ka bang.......nanyari sa iyo yun?"
Dinig kong tanong ng isang matanda.
“Oo, bigla....nawala yung kapangyarihan ko....Nanghihina ba ako? May....ganun bang posibilidad na pangyayari?"
"Hindi ko alam, pwedeng......masyadong maraming pwedeng tignan para masagot ang katanungan mo. Pero sa ngayon protektado ka.....hindi kita pwedeng mabasa. Tungkol naman sa kanya......"
Pinilit kong intindihin ang pag-uusap nila, pero wala akong maintindihan. Nananaginip ba ako?
Pinilit kong buksan ang mga mata ko. Nakita ko si Morha na nakatalikod, may matatanda siyang kaharap. Gumegewang pa ang paningin ko, may minsang nawawala sila sa paningin ko. Ang pandinig ko ay nananatiling mahina pa rin.
“Kakaiba ang kalagayan niya....may mga sugat siyang hindi gumagaling...hindi rin gumagana ang ibang gamot sa kanya..."
"Tumutulong ba kahit kunti?" tanong ni Morha. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila, gusto kong alamin kung ano ang kalagayan ko.
"Pas--syensya--na, ano po...ang---" di ko naitukod ang siko ko kaya't bumagsak ang ulo ko, bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Mabilis nila akong napansin at mga nagmamadaling dinaluhan kaagad ako sa higaan.
"Kamusta ka? Anong pakiramdam mo?" mabilis ngunit kalmadong tanong nung matanda, kinapitan niya ang kamay ko at parang may kinapapa sa bawat litid ko. Ang weirdo niya.
"Ano, humihinga ka pa?!" pasigaw na pagkamusta ni Morha. Pati yung matanda ay natigil sa ginagawa niya at napatingin rin dito. Umiling ito bago bumaik sa pagkapa pa sa buong braso ko.
"Ayo--s, ayos--ah! Ah! Ah!" ang kati ng lalamunan ko, sobrang tuyo. "Tu-big, pahi--ngi."
"Hindi maganda sa kalagayan---" huli na bago pa matapos ng matanda ang sasabihin niya.
"Eto oh, eto, bilis!" halos itapon ni Morha ang tubig mula sa maliit na baso, pinipilit niya itong tinutulak sa bibig ko. Dail dun, natapunan ako ng kunti. Mas nabuo ako dahil sa samid. Umiling ulit ang matanda.
"Morha, tama na. Ayos na siya. Ngayon pwedeng gawin ko muna ang trabaho ko?"
"Ah, sige, sige."
Tinanguan ko ang pagtungo niya at pag-urong. "Sa--lamat."
Umiiling na lumapit sa akin ang matanda. Pinunasan ko ang bibig ko, ayaw kong mailang. Siya ata ang doktor dito. Ang seryoso kasi ng itusura nito. May maliit siyang salamin sa dulo ng ilong niya, may maliit ang mukha, at kurbang likod. Medyo maliit syang lalaki, matanda na at puti na ang buhok. Ang suotan niya naman ay katulad rin ng mga tanong nakita ko kanina. Hindi nga pala sila tao, Liwblus. Isa silang Liwblus, at isa lang ang masasabi ko, mahilig sila sa kulay kapeng damit.
"May paglalakbay kami, kaya ba niya?" tanong ni Morha mula sa likod. Nakasandal siya sa dingding katabi ng isang gasera. May bintana rin sa harap niya, ngunit pang sa labas lang ang liwanag.
Tiniklop ng matanda ang salamin niya, gamit ng maliit na tela ng damit, pinunasan niya iyun. "Hindi ko masabi, marami siyang komplikasyon. Mabagal maghilom ang mga natamo niya. Maraming araw pa ang kailangan para makapagpahinga siya at makagalaw sya ng maayos."
"Kailangan ko po bang maggamot?"
"Hindi ka nga nasalba ng kapangyarihan ko, gamot pa kaya?" deretsyong sagot niya sa bagsak na tono.
"Paano yan? Kailangan naming maglakbay, anong dapat niyang gawin?" dugtong ni Morha. Kompara kanina kalmado na siya ngayon at seryoso.
"Pwede ko kayong payagang maglakbay, pero sa kalagayan niya, mahihirapan kayo. Hindi siya pwedeng mapagod ng husto, gayun din ang makipaglaban. At tungkol sa paglalakbay, may ibibigay ako sa inyong payo. Eto, pwede niya itong inuin para maibsan ang sakit." may inabot siyang mahabang biluging kahoy kay Morha, bagkus ay lumingon sa akin. "Para lang iyan sa paglalakad. Kung para sa mga sugat niya, oras at panahon na ang kailangan. Depende pa iyun kung kakayanin ng katawan niya ang ganung kahabang panahon."
"Mamamatay po ba ko?" naituon ko ang siko ko. Gusto kong madinig mismo sa doktor na to ang kalagayan ko. "Wala po bang lunas sa mga natamo ko?"
"Mamatay?" nagtatakang ani nito.
"Hindi ka mamatay, pwede ba tanggalin mo nga yan sa bokabularyo mo! Napapahiya ako dahil sayo!" alma ni Morha. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman pala eh, bakit ang seryoso?
"Eh ano pala yung pinag-uusapan ninyo? Kung makapagsalita kayo parang nawawalan kayo ng pag-asa para sa buhay ko. Akala ko tuloy wala na akong pag-asa at may singkwenta pursiyento ng ang buhay ko."
Namamanghang napanganga ang matanda sa sinabi ko, ngunit akala ko lang pala iyun. "Oh, nakakagalaw ka na kaagad ng maayos? Paano? Masyadong kritikal ang sitwasyson ng katawan mo, paano mo nakukuhang gumalaw?"
"Bakit po?" sinuri ko ang pagkakaupo ko. Wala akong nakikitang tama sa katawan ko, aonng sinasabi niyang maayos dito? Puro benda ang katawan ko mula sa balikat hanggang paa, may mga dahon ring mga nakapatong sa sugat ko. Oh, anong maayos dito? Napunta ata ako sa albularyo. "Masakit pa rin po ang katawan ko."
"Oo, pero hindi mo dapat kaya pa ngayon---." unti-unti itong tumalikod. "Oh, alam ko na ang nangyayari dito."
"Kaya nga kailangan naming maglakbay. May pwede ka bang ibigay para makalaban siya?"
"Gaano kalakas ang mga kalaban ninyo?"
Nagulat ako sa takbo ng pag-uusapn nila. Para silang nagkasunduan dahil sa pagpayag at pagtalikod ng matanda. May nilakaran siyang isang bulto ng patong patong na kahon, may hinalungkat siya doon.
"Mga Cabrera." maigsing sagot ni Morha. Biglang tumigil ang matabada sa pag-aalinlangan.
"Cabrera? Akala ko may balak lang kayong tawiding mga lungsod o di kaya bayan. Bakit kailangan niyo pang kumalaban ng ganung kalaking pangkat? Masyado silang malalakas."
"Cabrera?" nagtataka kong tinignan si Morha.
"Mga kalaban natin kanina at sa mga susunod pa." pagkatapos ay humarap ito sa kaninag kausap. "May maiibigay ka ba?"
"Hoy, umayos ka nga ng pananalita." mahinang suway ko sa kanya. Kung magsalita kasi ito parang pautos. Sa pagkakatanda ko wala siyang kakilala dito kaya bakit ganyan siya magsalita? Baka hindi iyun magustuhan nung matanda. Nakikisuyo lang kami oh, mahirap na kung mawawala pa. Pero wala inirapan lang niya ako at bagot na tinginan. Tamo to, napakahirap basahin ng ugali niya. Paiba-iba ang yano!
"Kung sa labanan, wala akong maiibigay. Meron lang akong sapat para sa mga pangkaraniwang mga kawal." may inipong mga dahon ang matanda na inikot niya sa diyaryo. May mga bote-bote rin na maliliit siayng kinuha sa mga kahon.
"Kukunin na rin namin. Kamusta nga pala ang lugar ninyo? May kakaiba bang galawan dito? Nasaan ang mga kawal ninyo?"
Inis akong napakamot sa pagsasalita ni Morha. Sinenyasan ko siya. "Hoy, gumalang ka nga."
"Mukhang tuluyan nang nasisira ang bayan ninyo ah, ganun ba kahihina ang mga mamayanan dito?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. Tamo, nagtanong pa ng pabalang?! Grabeng babae to!
Ngintian ko ang matanda. "Pasyensya na po kayo, wala po siyang ibigsabhin dun. Napaka-payapa nga po ng bayan ninyo. Ang tahimik."
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag iho. Hindi mo ata naiintndihan, mas mataas sa kahit anong antas ng mamayanan dito ang mga kawal. May respeto kami sa kanila."
Ha? Mas may respeto sila sa mga kawal kesa sa mga matatanda?
"Kailangan mo rin intindihin yun." nakangising dagdag ni Morha. Ang ngas nitong babaeng to. Nakakainis siya. "Kaya ayusin mo yang pananalita mo."
Tsk’, hindi ako tao. Sin osila par sundin ko?
"Pwede ba? Igagalang ko kung sino ang gusto kong igalang." dinagdagan ko ng irap ang dulo kong sinabi. Mula sa pagkakasimangot kay Morha, ngumiti ako sa matanda. “Nasa iyo po ang respeto ko.”
Sa halip na makatanggap ako ng paghanga o di kaya pagbibiro, nalaglag lang ang panga ng pareho kong kausap. Ano?! May mali na naman sa sinabi ko?! Bawal ba yun?!!!
“Hoy, tumigil ka nga! Kung ano-ano ang sina—-" pinutol si Morha ng matanda.
“Lubos akong nagpapasalamat sa pagtaas mo ng dignidad ko. Nasa iyo ang pagsisilbi ko.” ngumiti ang matanda at tumungo. Mas nagulat ako sa ginawa niya, napatungo rin tuloy ako ng wala sa oras. Kung kami mga magagalang, si Morha, may nakakasuyang naiiritang mukha. Hahahaha, buti nga sa kanya! Ang taray niya eh!
Grabe, paggalang lang ang laking bagay na kaagad sa kanila. Sa mga tao nga libre lang yun. Yung respetong tunay pa ang mahirap ibigay, dapat yun ang mas hinahanap nila.
“Pasyensya na kung makikisali ako sa usapan ninyo.” sarkastikong saad ni Morha. “Pero ano ang kalagayan ng bayan ninyo?”
Nawala ang pagngiti ng matanda, natungo ito at seryosong inayos ang mga gamot. “Simula nang magpunta dito ang mga Cabrera, nabago na rin ang katahimikan ng bayan namin.”
Nakuha niya ang attensyon ko. Wala na naman akong maintindihan. Mula sa labas ang tahimik ng bayan nila, ang klaro na ang normal ng mga ginagawa nila sa labas, pero hindi pala? Sino ba itong mga Cabrerang ito?
“Ah, hindi po pala tahimik ang bayan ninyo? Bakit po?” halatang nagtanong lamang si Morha para asarin ako. Sa akin kasi siya nakatingin at sarkastiko pang gumamit ng paggalang.
“Tahimik, sa ngayon. Hangga’t nauutusan nila ang mga mamayanan dito, magiging tahimik ang bayan namin sa pabor ng kailangan nila sa amin.”
“Pabor po ng kailangan nila sa inyo? Ano pong ibigsabihin nun Lolo?” tanong ko.
“Nag-uungat ng mga produkto ang mga Cabrera sa ibang lungsod na malapit. Wala silang pinapadalang mga mamayanan nila dito. Inuutusan nila ang mga mamayanan dito para sa libreng trabaho. Hindi nila kami binibigyan ng kahit anong kapalit sa ginagawa nilang pagbebenta. Walang kinikita ang mga nagtratrabaho sa amin. Wala na rin ibang trabaho pa, pinagbabawal ng mga Cabrera ang magtrabaho sa iba. Dapat para sa kanila lang.”
“At masunurin kayo dito kaya hindi mahigpit ang mga kawal?”
“Oo, ganun na nga. Masyadong malayo kasi ito sa gustong sakupin ng mga Cabrera, kaya hindi nila kami masyadong binibigyan ng pansin.” sagot ng matanda kay Morha.
Ang mga Cabrera ang mga mananakop ng kaharian nila? May gera pala dito?!!! Bakit ako napunta dito sa ganito pang panahon?!!!
“Mas may malaki pang kaguluhan sa iba pang lugar. Nagpapasalamat na kami dito na tahimik kami at walang kapahamakan para sa mga pamilya namin.” dagdag pa nito. “Bukod sa mga trabahong nawala sa amin, nawala na rin ang mga lalaking membro ng mga pamilya dito. Isinasabak sila mga labanan.”
“At hindi po kayo naglaban?” sa tingin ko kung iipunin nila ang mga lalaki dito, pwede nilang ipagtanggol ang kanilang bayan. Kung ibibigay nila ang lahat ng lalaki, mawawalan ng magproprotekta sa mga babae at mga bata dito. Talagang papahirapan sila ng mga nanakop sa kanila kung walang magtatanggol!
“Hindi kami pwedeng mang laban, pinagbantaan nilang ipapahamak nila ang mga bawat pamilya dito.”
“Wala rin mga kawal dito.” matigas na dagdag ni Morha, nakasaklop ang kamay niya at malalim ang tingin sa akin. “Ibigsabihin wala silang suporta sa hari.”
“Oo, wala nga kaming mga nag-aaral dito, kaya wala ni isang kawal ang nabibilang sa amin.”
Nakita ko ang pagtungo ng matanda, nasa mga mata niya ang mga makasakit na pangyayari. Di ko man mismong makita, ramdam ko ang pagkawala ng pag-asa sa kanya. Alam kong gayun din yun para sa mga kapamilya niya at kabayan dito.
Naglakbay ang tingin ko kay Morha, taimtim siyang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung sinisisi niya ako pero may tingin siya na nag-oobliga sa aking kumuha ng responsibilidad para sa mga nangyayari sa kanila.
May simpatiya ako, pero hindi ba ang laking responsibilidad naman nun para sa akin. Bakit kailangan niyang iasa sa akin ang pag-asang hindi ko siguradong kayang ibigay? Ayaw kong mang dismaya sa kanila, pero paano ako magiging hari? Nagsasakupan na ang mga bayan nila sa buong kahariang ito, paano pa mapipigilan yun?
“Oh, eto na ang mga kailangan ninyong mga gamot. Mag-ingat kayo sa paglalakbay ninyo.” inabot ng matanda ang mga nasabing kailangan ko daw. Tinanggap ko iyun ng mabigat sa kalooban. May ginaw siya para sa akin pero wala akong maibigay pabalik.
“Pasyensya na po, wala po akong pambayad.”
“Ayos na sa akin ang paggalang na ibinigay mo.” binigyan pa niya ako ng ngiti at nakipagkamay. “Kakaiba kang bata ka. Hindi ko alam kung bakit mo ako binigyan ng isang malaking bagay. Wala pa ni isa sa mga napunta dito na ginamot ko ang nagbaba ng loob para lang gumalang. Malaki ang nararamdaman kong pagkakaiba mo sa karamihan. Ngayon lang ako nakakilala ng katulad mo, hindi ko makakalimutan ang pagdalaw mo sa tahanan namin. Maraming salamat.”
“Ay naku po, hindi po. Marami pong salamat sa pagtulong niyo sa amin, tatanawin ko pong malaking utang na loob to.” magalang kong kinuha ang kamay niya. Parehas kaming tumungo sa isa’t isa. Ah, ritwal ata nila? O baka naman nagkasabay lang kami?
May isang kamay na pumatong sa kamay namin.
“Tama na yan, sobra-sobra na ang sinasabi mo. Tara na.” matabang na pag-aya ni Morha bagkus dumaan sa gitna namin.
“Nahihiya talaga ako para sa kanya. Kababaeng tao, ang asim ng ugali.” mahina kong pagbulong.
“Kaya nga, mataas ang dignidad ng kawal mo.” umiiling pa na dugtong ng matanda. Pati siya may kaparehas na mukha sa akin, parehas kaming hindi sangayon at nanghihinayang para kay Morha.
“Anong—”
Lumiwas ako ng tingin, ganun din ang matanda, sa biglang pagharap ng pinag-usapan namin kanina. Mataray na nakataas ngayon ang kilay niya sa amin dalawa, nag-aabang ata siya ng sasabihin namin. Magtataray na naman siya, naku po. Sakit na naman sa ulo.
“May daanan—-”
“Magandang palubog ng araw sa inyo! Minumungkahi kong nakarating na ang iyong sulat!” malakas na pagsabay ng isang nakangiting lalaki mula sa bintana. Nakataas ang isa nitong kamay at may winawagaygay na sulat. Samantalang kami nanahimik, nagbago kasi bigla ang aura ni Morha.
“Bakit iha?” mahinang pagbabakasakali ng matanda.
Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. “Saan pwedeng dumaan paalis sa bayan ninyo na walang—-“
“Ang sulat ninyo ay nakarating na!!!” sigaw ulit ng lalaki sa labas, walang nababago sa tayuan niya. “Ang sulat! Naandito na!”
“Saan ang daan na ligtas?”
“Yun ba? Medyo mahihirapan ka. Teka, may mapa ako dito.” tumungo ang matanda at may kinuhang papel sa bulsa. “Sabi ko na nga ba kakailanganin niyo ito.”
“Ang pagdating ng iniintay! Ang pinaka-inaabangan, naandito! Ang sulat mula sa iyong pamilya mula sa ibang bayan, naandito na!”
Natikom ako. Hindi ba niya alam na hindi siya pinapansin ng mga tao—Liwblus dito! Nakakahiya siya! Talagang todo sigaw pa, tsk! Baka mahuli kami ng mga kawal dito, ayaw ko pang tumakbo ulit!
Inabot ng matanda ang papel. “Eto oh, mag-ingat kayo sa paglalakbay ninyo.”
“Pero hindi ako marunong sumunsun ng mapa, hindi ako marunong bumigkas ng daan.”
Nagkatinginan silang dalawa at parehong nanigas.
“Iha, hindi ka marunong?”
“Hindi talaga.”
Sabay parehas silang tumingin sa akin.
“Ikaw? Marunong ka ba?” tanong ni Morha, pero inabot ng matanda ang mapa sa akin.
“Pwede kong subukan.” ngunit maling sagot iyun. Sumakit kaaagad ang ulo ko sa mga nakita kong sulat?! Sulat ba to?! Akala ko madali lang pero walang mapa dito, wala akong makitang ni isang linyang may papapuntahan! Wala rin mga bundok sa papel, o kahit anong pwedeng masabing gusali! Lahat ay parang mga marka lamang sa sulat—hindi, sa hugis na hindi ko alam!
“Akin na nga. Hindi pwede ang sigurado, baka maligaw tayo. Hindi pwede ang mag-aksaya ng oras.” hinablot ni Morha ang papel sa kamay ko.
Kinuyog ko ang mata ko sa sakit. “Hindi ganyan ang mapa. Grabe, walang mababasa dyan. Ang sakit lang sa mata.”
“Di ka lang marunong, tsk’.”
“Kung gayun wala palang marunong magbasa sa inyo ng mapa, kailangan ninyo munang makahanap ng isang tiga-pagbasa. Lalo’t na’t—” nahihiya akong tinuro ng matanda. “Kailangan din niyang maintindihan ang mga sulatin sa mga nakatakda niyang makita sa kanyang kapalaran.”
Ha? Ano daw?
“Saang lugar kami makakapaghanap sa maigsing panahon?” tanong ni Morha.
“Naku, hindi ko ala—-”
“Ako! Ako! Marunong akong bumasa ng mapa at ng kahit anong sulat atin!”
Lahat kami napatingin sa bintana, doon sa lalaking nagsisigaw patungkol sa sulat daw. Nakangiti siya ngayon sa masayang pagrekomenda sa sarili.
“At sino ka naman?” asim ni Morha sa kanya. Mas ngumiti lang to.
“Ako si Sesp, isa akong mensahero. Marunong akong magbasa ng mapa.” nangingiti niyang ani.