Katotohanan

4201 Words
Kolas's POV Tumakbo ako sa mga karamihan ng mga tao, sa masamang palas inilagan nila ako at pinigyan ng daan. Akala ko makakapagtago ako sa karamihan sa kanila. "Teka---hoy!" Dinig kong pahabol ni Morha. Bahala ka sa buhay mo! Ewan ko sa inyo! Sa mabilis kong paglalagad, tinakluban ko ang mukha ko gamit ng jacket. Hindi ako makatingin sa likod kung saan nangyayari ang labanan, hindi rin ako makatingin sa mga tao dahil malinaw na kaduwagan ang ginagawa ko para hindi tulungan si Morha, at para iwanan siya doon. Hay naku, Kolas, okay lang yan! Malakas ang loob nung babaeng yun, tsaka malay mo ba sa mga sinasabi nila! Kaya nga naman, malay ko sa lugar na to! Ang weweirdo! Yung mga tao, ewan ko kung bakit paniwalang paniwala sila sa mga yun, eh ang gulo-gulo pala ng lugar nila! Mga nagkalat ang mga papansin! Ganito ba ang uso sa lugar na to, ang magtutukan ng espada?! Mawalang galang na sa kanila pero hindi ko gusto ang libangan nila! Hindi ba nila alam na pwedeng makasakit ang totoong espada?! Kawawa naman ang mga bata dito, imbis na ang maging libangan ay mga kalyeng laro, mgaa espada pa talaga ang naiturong kaligaligayang pag-aralan. Grabe, wala akong masabi. Akala ko pa naman may mga pulis dito, ano na ang silbi nila kung lahat ay nagsasakitan tapos hindi nila hinuhuli? "Wala na?" saad ko sa pagitan ng hingal. Lumignon kasi ako sa likod at wala naman akong nakitang sumusunod sa akin. Nagpapasalamat rin ako dahil nakalabas ako sa karamihan ng mga tao ng matiwasay, tapos na ang kaguluhan na sinalihan ko. Bahala na silang tumapos nun! "Hah! Hah! Ah!" hinihingal kong tinahak ang isang pababang daanan, maliit na daanan yun at natatakluban ng mga malalago at matataas na d**o. "Hindi na nila ako maaabutan dito." Hinawi ng kamay ko ang mga d**o at ang ibang maninipis na sangang humahara sa mukha ko. Wala na akong naging makielam pa sa kung anong naapakan ko o dumidikit sa aking mga matutulis at mahahapding bagay. Sa sobrang taas ng adrenaline ko, wala na akong pakielam sa ibang maliliit na bagay. Napapa-isip tuloy ako sa repleksyon sa buhay ko. Wala akong naalalang masama o malala kong ginawa noon para makaranas ako ng ganito. Kontento naman ako sa mga maliit na bagay, tanggap ko rin naman ang klase ng buhay na meron ako, kaya walang sumagisagi sa isip ko para maging rason ng mga to. Kung totousin, hindi paghihirap ang matatawag ko sa buhy na meron ako kahit na panay sa trabaho lamang umiikot ang buong buhay ko. Kontento ako, sobra. Ngayon iniisip ko kung ano ang pakay sa akin ng mga tao dito, wala naman akong kayang ibigay. Hindi ko ugali ang magpundar ng mga bagay. Wala rin akong pagmamay-ari na kahit anong ari-arian na masasabi kong mamahalin o pwede kong ipagmayabang. Katunayan nan ang lahat ng meron ako ay pwedeng sabing pang karaniwan. Halos lahat ata ng mga gamit ko ay kahit sino sa mundong to meron. Wala akong mga gamit na hihigit pa sa kung anong meron ako sa loob ng inuupahan ko. Ano bang meron doon? Maliit na telebisyon, hindi gasinong gumaganang refrigirator, kalan, sopa, at ano pa? Mga kahon-kahon ng mga bagay napatapon, pero aking iniipon pa. Ano ang gusto nila sa ganun? Eh kahit sino ata mas may mataas pa na buhay sa akin. Sinong gusto na tumira sa ganung klase ng bahay? Kahit sino walang magtatangkang makipagpalit ng buhay na meron ako sa buhay nila. "Tsk." sa tulin ng takbo ko, medyo nagliwas ang paa ko. May natungtungan akong hindi dapat. "Ah! Hindi ka dapat dito tumakbo." humahabol na saad ng isang babae. "Ha!!!" nagulat ako sa biglang bumagsak na tao sa tabi ko. Hindi ako makapaniwalang nakasunod sa akin to!!! "Bakit ka ganyan makatingin?" kalamdong tanong niya. Sabay na sabay to sa bilis at pantay na pantay sa takbo ko. "Morha?!!!" "Oo nga, ako nga." "Paano?!! Bakit?!!!" tumabingi ako ng tinatakbuhan para hindi niya madikitan, pero lumapit pa rin ito. "Wag ka nang mabigla dyan. Seryosohin mo na, anong plano natin? Bakit tayo tumatakbo? May pupuntahan ba tayong pagkukunan mo ng gamit mo?" Gamit?! Para saan?! "Hindi na ako makapag-intay dyan sa huhugutin mo. Hari ka, paniguradong luhod sayo yung mga kawal na yun." ngumisi to. Base sa pagngisi niya, hindi niya alintana ang pakod sa pagtakbo. Huhugutin?! Ano ang tingin sa akin ng mga tao dito, katulad nila?! At 'kawal'?! Kawal ang mga lalaking yun?! Yung mga batang yun?! Anong kawal dun, kaya ba iba ang suot nila?! Kawal, espada, kaharian, hari?! May Liwblus pa?! Nasaan ba talaga ako?!! Nanahimik ako sa pagtakbo namin. Tahimik rin siya na nakikiramdam sa akin. May patingin-tingin rin siya minsan pero wala rin sinasabi. Pag minsan may dalawang daanan kaming nasasalubong, inaabangan niya akong mamili at sumusunod lang. Akala niya ata may alam ako sa pupuntahan namin. Di niya alam sinusubukan ko lang rin lumayo sa gulo ng lahat. Basta tumakabo ako, tumatakbo lang. "Hindi dyan." "Ah!" napatid ang hininga ako sa kamay na kumapit sa likod ng t-shirt ko. Bigla akong nahatak papatalikod. "Ano ba?! Bakit ka higit ng higit dyan?!" Pati sa pagtakbo, hatak-hatak niya pa rin ako. Naging alalay yun para makapagpatuloy ako, at hindi mapatid. "Hindi mo ba ramdam? Meron rin silang mga ka-kawal dyan. Mapapahamak tayo dyan kung mauuna tayo nang wala yung kukunin mong armas. Kulang tayo sa dami ng bilang laban sa kanila." walang gana nitong ani. Nawawalang bata na ata ang tingin niya sa akin. Kung alam lang niya, kung alam lang niya kanina ko pa gustong sabihin na--'Oo! Nawawala nga ako dito sa lugar ninyo!!!!' "Wosshh!" Tumungo ako sa paggalaw ng mga sangga sa itaas ng ulo ko. Lumakas bigla ang hangin, nakaramdam din ako ng lamig. "Suhhg!" Kasunod nun ang pagdaplis ng kung ano sa buhok ko. Lilingunin ko pa sana kung anong sangga ako kamuntikan sumabit pero sa tingin ko alam ko na. "Hindi ko alam kung ano ang nilalaro mo at minamaang-maangan mo. Tiyak na hindi ka normal na tao, tama akong nababagay ka dito sa mundo namin." muling pumantay si Morha sa gilid ko, nakapokus ang tingin nito sa daang tinatahak namin. "Hindi pangkaraniwang makailag sa ganun ang mga tao. Yung palasong yun, hindi ramdam yun ng ibang walang sensya o alam sa mga labanan. Pero ikaw, smadali mong nailagan yun." "Ang alin?" di ko mapigilang itanong. May nakikita na atang kakaiba 'tong babaeng to, bigla-bigla na lang nagsasalita eh. "Yung palaso kanina." "Palaso?" dahil sa kuryusidad, napalingon ako sa ligod. At hinihiling kong sana pala hindi ko na lang ginagawa. Sobrang nagsisisi talaga ako! Ayaw ko nang nakikita ko ngayon! "Anong meron?! Bakit sila nakasunod sa atin?!" Yung akala kong tahimik na pagtakbo ko kanina ay illusyon lang pala! Ang dami na nilang nakasunod sa akin ngayon. Oo, hindi lang yung mga lalaki kanina ang humahabol sa amin ngayon! Meron pang iba, at marami sila! Batalion na ata ang humahabol sa amin ngayon! "Ha? Paanong ngayon mo lang nalaman? Kanina pa sila dyan." kalmadong sagot pa niya. Kalmado?!!! grabe, kakaibang galit ngayon ang nararamdaman ko sa babaeng tio!!! Siya yung sumunod sa kain kanina kaya siguradonng siya ang sinundan nilanng lahat para malaman kung nasaan ako! Pahamak na babae to! "Suhhg!" Sumunod at may lumagpas pa sa tabi kong isang palaso, mahada iyun! Gusto talaga nila akong mayari dito!  "Wah!!!" kahit hindi ako sigurdo sa daan ay tinahak ko ang masukal na damuhan, wala iyun sa pagpipilian sa daan. Lumiwaas na ako para mahirpan sila, ngunit kahit ako ay nahirapan rin dahil walang daan. Nagtatatalon ako sa damuhan, nasabitan rin ako ng maraming sanga. Kaya sahalip na masugatan, lahat ng humara sa akin kahoy ay hinawi ko gamit ng kamay. Kahit masakit sa palad ay hindi ko yun pinansin. Ayaw kong bumagal. "Wag ka ngang magmadali! Kung babawasan natin sila ngayon, may chansya tayong magwagi sa grupo nila!" suhesyon ulit ni Morha. Maganda ang plano niya, pero ano yung ibigsabihin ng 'babawasan'? Ang grabe ng mundong ito?!!! Di ko siya pinansin at mas binilisan pa. Ayaw ko na! Ayaw ko na! Mababaliw ako dito! Sobrang nakakaloko ang lugar na to! "Suhhg!" "Suhhg!" "Suhhg!" Tumungo ako sa bawat lumalagpas sa aking palaso. Tumatakbo ako habang umiilag. Samantalang yung kasama ko walang kaprobleproblema. Parang nahuhulaan ata niya kung saan tatama, ni hindi man lang kasi nagbabago ang expresyon sa mukha niya. Ni hindi man lang siya natatakot o nag-aalala para sa buhay niya. "Bakit dumadami ang tumitira sa atin?!" pagwawala ko. Kukunti na lang ang natitira kong reyalidad, ayaw kong makakita ng mga hindi ordinaryong bagay dito! "Talagang titirahin nila tayo, ano bang inaasahan mo?" "Inaasahan ko?! Inaasahan kong mabuhay pa bukas!" sumabog na ako sa tensyon ng takot. Hindi ako pwedeng maging kalmado o okay-okay lang, hindi biro 'tong pinagdadaanan ko! Habang tumatakbo, pumikit ako. Iniisip kong nananaginip lang ako! Oo, nanaginip lang ako! Nakatulog lang siguro ako sa tpat ng telebisyon, pagod na pagod siguro ako sa trabaho. Ganun naman lagi eh, gigising rin ako mamaya, magtratrabaho ulit. Oo nga, ganun naman lagi, mananaginip lang ako at trabaho ulit! Tama, hindi pwedeng totoo to! "Teka!" kinapitan niya ako sa kamay. May takot kong kakalasin sana iyun, pero dahil sa mga palaso, inilag rin niya ako roon. Nakakunot ang noo niya habang binabasa ang mukha ko. "Bakit parang nagdadalawang isip ka, ha? Bakit ngayon pa?" "Nagdadalawang isip?!" mabilis akong umiling, hindi para maging sarkastiko, pero para magpakita ng sobra-sobrang hindi pagtutol. "Walang ganun! May iisa lamang akong isip! Hindi ako nagdadalawang isip, may iisa lang akong pananaw sa mundong ito!" "Eh bakit ganyan ang mukha mo?! Magtanong ka nga! Nakakabahala niyang nasa isip mo!" Gusto ko sanang magtanong pero hindi ako makapaniwala sa matatag niyang tapang. Ang tigas ng emosyon niya, hindi siya natatakot sa kalagayan namin, sa delekadong ito! Mas nangangamba ako dahil dun. Hindi ako pwedeng sumangayon sa kanya, hindi pang karaniwan ang pinapakita niya. Sa normal na tao, dapat katulad ko na sila ngayon, nagpapanic. Pero siya, hindi. Presko lang, parang walang iniisip. "Suhhg!" Magkakapit kamay kaming parehas na tumungo. Umilag kami sa palaso. "Magsalita ka nga!" mas hinapit pa niya ako palapit, umikot rin ang kapit niya sa suot ko. Nang gigil na siya. "Bakit ang tahimik mo?!" Kinalas ko ang kamay niya. "Wala akong dapat sabihin!" "Anong wala? Halata sayong may kaba ka, ano nga kasi yun?! Sinubukan ko pa sanang tumahimik at magpokus sa mga kalaban, pero makulit ang babaeng to at hinablot pa nita ulit ako. Nanlaban rin ulit ako, at dumistansya. Nilisikan niya ako ng tingin. Sa kabila ng maraming humahabl sa amin, minamata pa rin niya ako. Hindi rin siya nagbibigay ng attensyon sa tinatakbuhan namin, parehas sa daan at sa mga taong nasa likod namin. "Hoy! hari ka, kung may tanong ka, magtanong ka! Sasagutin ko lahat yun ng walang pagsisinungaling!" Sus, hindi daw magsisinungaling pero nagbanggit ng 'hari'? Anong pwedeng masimulan ko kung sa una pa lang nagbigay na kaagad siya nang pwede kong hindi paninwalanaan?! Sa kabila ng pag-ilag, pinanlakihan pa rin niya ako ng mata. "Sige, bakit hindi ka magtanong para malaman mo ang katotohanan?!" "Ano ang--ano ang--aw!" napatid ako bigla. Halos gumapang na ako sa kabang naramdaman, parang guguho ang mundo ko sa kunting talisod. Paano, pakiramdam ko parang may mga leon sa likod ko, at handang handa na nila akong lapain. Mabilis na nabuhay ang mga paa ko sa pag-ahon. "Bilisan mo, kumapit ka!" naglahad ng kamay si Morha. Bumalik siya? Sa bilis niya, sigurado akong dapat malayo na siya sa akin ngayon. "Kailangan na talaga nating isagawa yang plano mo. Nasaan ba kasi ang pupuntahan natin?" Di na niya ako inintay at sya na mismo ang kumapit sa akin. Kapansin-pansin ang lakas niya, kayang kaya niya akong higitin, at halos buhatin na. Di pa rin kasi rumirihistro sa akin ang katotohanang bumalik siya para tulungan ako. Pwede niyang ikapahamak ito pero tinulungan pa rin niya ako. Ganun din kanina, sa harap nung mga lalaki, yung pagsalo niya ng espada para hindi ako matamaan nila. Dapat ko ngang bigyan ng chansya ang sasabihin niya. Hindi pwedeng nagbubuwis buhay siya para lang sa wala. Kailangan kong marinig ang parte niya. Hindi pang karaniwan ang pinapakita niya, nila--dapat nga siguro malaman ko na ang katotohanan. Kamuntikan na kaming madaplisan, ngunit humiwalay ako sa kanya para magka-espasyo sa pagitan namin. Walang pasabi rin akong lumiko. Nagulat siya ngunit di rin nagsalita, humabol lang. Kita kong madali yun para sa katangian niyang galing. Basta magali siya sa pagtakbo at pag-ilag. Pati na rin sa espda. At tungkol nga pala dyan, bakit meron pa rin siya ngayon nan?! Ngayon ko lang napansin na meron siyang kapit-kapit na espada, may takip na yun ngayon pero hindi ako pwedeng magkamali! Pwede niyang gamitn iyun sa kahit anong oras niyang gusto, higit pa sa lahat totoo iyun. Sino ba talaga ang pwede kong pagkatiwalaan sa lugar na to?! "Ano ang plano? Pwede akong lumaban, kaya mo bang gumamit muna ng kahit anong bagay pansamantala habang wala pa ang tunay mong kailangan?!" pagsigaw niya, may distansya na ngayon sa pagitan namin. "Gagamitin ko na ang espada ko sa oras na may dumagdag pa sa blang nila, okay?! Gawin mo na ang dapat mong gawin! Isagawa mo ang plano, sabihan mo na lang ako mamaya pagtapos na tayo dito!" Tsk', mali, mali! Hindi pwede. Nagbago na ang isip ko! "Teka! Ano ang mundo ito?!" buong puwersa kong sigaw habang tumatakbo. Paspasan ang mga paa ko, pawisan ang batok, nababalot ng init, ngunit sa unang beses---wala akong pake! Basta kailangan kong makaalis dito! "Pwede ba, wala kang dapat katakutan!!!" gigil na sigaw nung babaeng gumising sa akin kanina. Nasa likod ko siya at pilit na pumantay sa akin. "Sinabi ko na sayo! Mundo to ng Liwblus! Nararapat ka lang dito!" Liwblus?! Baliw 'tong babaeng to! "Walang ganung mundo!" nanikip ang dibdib ko sa sobrang pagod. Sa tala ng buhay ko ngayon lang ako tumakbo ng ganito. Pero walang pagod pagod muna ngayon, kailangan kong makabalik sa katinuan! "Meron! Wag ka ngang tumakbo! Nahihirapan akong magpaliwanag kung tatakbuhan natin ang mga kalaban!" Ayos lang siya? Hindi lang yung humahabol sa amin ang tinatakbuhan ko, pati siya kasama dun! Wala akong balak magpahabol sa kanilang lahat! Matino ako, natural na tatakbo ako sa mga taong nagbanta sa akin! Lalo na't kung ang mga taong yun ay may mga kapit na espada! "Ayaw ko!" "Duwag na lalaki ka! Harapin natin sila!" Nagulat ako sa pagbabago niya ng tono. Ang kaninang mahinahon na boses niya ay naging marahas at tunog galit. Alam kong pikon na siya kanina pa pero sa dinami-dami ng pagpapahirap ko sa kanya, ni hindi man lang siya nagreact kanina. Tapos ngayon hindi pala siya babaeng babae?!!!! Ibig sabihin kanina pa siya nagpapanggap na mabait sa akin?! Tama nga ako, puro kasinungalingan yung mga sinasabi niya. Walang propesiyang ganun! Siya lang ang nag-iisip nun! "Ikaw na tao ka! Puputulan talaga kita ng paa! Sabi na't wag kang tumakbo!" sigaw niya pa sa likod ko. Nakaramdam ako ng kilabot sa pagbabanta niya.  Kung kaya niyang gumawa ng kung ano-anong kwento sa utak niya tungkol sa kabaliwang mundong to, at panwalaan yun. Paniguradong kaya rin niyang gawin ang sinabi niya. Grabe, sobrang nakakatakot. Di ako ligtas sa kanya. Baliw siya! Sa sobrang kadesperaduhan, di ko na inisip pa kung ilan pa silang humahabol sa akin. Basta binigay ko ang lahat ng lakas ko. Di ko kontrolado ang bawat paghakbang ko, di ko rin alam ang pupuntahan. Di ako pamilyar sa lugar na to. Bakit kasi puro puno? Nasaan na ba talaga ako?! "Oh! Wag!!!!!" nangilabot ako nang makita siya malapit sa likod ko. Nakaunat ang kamay niya at pakiramdam ko mamatay ako kung makakapitan niya ako ngayon! Grabe ang takot ko, ni hindi pa ako nakakaranas ng ganito noon. Ngayon palang, ngayon pala talaga! "Tumigil ka kasi!" Paano ako titigil?! Kahit pumikit ako hindi ako magising gising!!!! Ano ba naman kasing mundo ito?!!! Bakit dito ako nagising?! Panaginip lang to diba?! Nabarog lang ang ulo ko sa pagkakalaglag sa hagdan. Oo, tama! Ganun ang nangyari, magigising ulit ako sa mansyon! "Hoy! Taong lupa, kaya natin silang kalabanin! Magpakatapang ka nga!" umuusok sa galit ang namumula niyang mukha, ngunit mas nanlaki ang mata ko sa nakataas niyang kamay. M--may BATO siyang kapit!!!! Babatuhin niya ako?!!!! Ang laki nan! Naku! Mamaya na lang ako magigising! Oo, mamaya na lang! Mas importante ngayon na makatakbo muna ako! "Ah!!! Ayaw ko na!" binatak ko ang natitira kong lakas at pumikit para sa puwersahang panalangin. "Diyos ko, tulungan Mo po ako!!!!! Magbabagong buhay na po ako, ibalik Mo lang ako sa dati!" "Hindi kita pwedeng ibalik sa mundo ninyo! Nakikinig ka ba?! Kailangan ka dito sa mundo namin!" "Hindi! Ayaw ko! Uuwi ako!" Sabat 'tong babaeng to. Hiindi naman ako sa kanya humihingi ng himala! "Hindi nga pwede! Hindi kita hahayaang makaalis dito nang hindi natatapos ang iyong misyon para sa bayan namin!" bualik uit ang attensyon niya sa batong kapit, kita kong na enganyo siyang gamitin iyon sa direksyon ko. Ibabato ata, ngunit humigpit ang kapit nito at may inis na pumikit. "Tsk! Kung pwede ko lang gamitin sayo ang espada ko, mas madali sana. Pero dahil sa banal na espada yun, hindi ko pwedeng mapayagang madungisan ang karangalan ko sa paggamit laban sayo." "Sige! Tumakbo lang kayo! Pagnahuli namin kayo, sa kulungan pa rin ang kahahantungan ninyo!" mapagbantang sigaw ng mga humahabol sa aming mga kawal daw. Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang tatakbuhin namin. Sobrang pagod na ako at nananakit na ang mga binti ko. Hindi para sa akin ang mag-ehersiyo. Tamang tambay lang naman ako lagi kaya bago sa akin ngayon ang paggalaw ng katawan sa layo ng tinakbo ko ngayong araw. Hindi ko na talaga kaya, nahihirapan na akong huminga. Ang sakit na sa puso ng bawat hingal ko. Sa tingin ko dito na kami mahuhuli. Tinudo ko ang natitira kong lakas. Nanghihina ang katawan ko at naninigas sa sobrang pagod, pakiramdam ko ang bigat-bigat ko bigla. Pati na rin ng talukap ko. Pilit ko mang imulat ang mga mata ko, sadyang ang mismong paningin ko na ang gumegewang at nanlalabo. Wala akong mapakiramdamng tunog, o kahit anong bagay na dumidikit sa akin, tanging paghinga ko lang ang dumadagunggong sa tenga ko. Ngunit kahit iyun ay pahina na ng pahina. "Hoy! Bakit ka ganyang tumakbo? Hindi ba---oh, tsk! Wag mong sabihing ngayon ka pa mawawalan ng malay?!" kinapitan ni Morha ang braso ko. Kinaladkad, at halos buhatin na rin niya ako sa pagtakbo. Mas inuga niya ang buong gilid ko. "Hoy! Itigil mo yan! Hindi ka pwedeng ngayon pa magpabigat! May mga humahabol sa atin! Hoy! Hoy!" "Nakakarindi ang boses mo, pwede ba?" gustuhin ko mang sigawan siya, pero hindi. Hindi lumabas ang boses ko. Hindi ako makapaniwalang nagbabagigat ako ngayon sa isang babae. Sobrang nakakahiya 'tong ginagawa ko. Pero sino ako para tumanggi? Hirap na hirap na ang katawan ko. "Tiisin mo! May bayan na tayong malapit puntahan, kunting takbo pa! May mapapagtaguan na tayo!" "Hindi ko na kaya. Ikaw na lang ang puunta. Humingi ka ng tulong, magtago, o ano, basta tumakbo ka na lang. Ako na ang bahala sa kanila." "Bahala?! Tignan mo nga yang sarili mo, sa tingin mo makakalaban ka?! Sa tingin ko hinid! Mahuhuli ka lang nila at papahirapan! Hindi mo sila kaya!" "Ano ka ba, mapapahamak tayo parehas. Bitawan mo na nga ako, ako na ang bahala sa kanila. Pwede ko silang patagalin dito hangga't di ka pa nakakatakbo. Kailangan mo lang makalayo-layo." "Hindi nga pwede! Responsibilidad kita! Hindi kita pwedeng hayaang mapahamak, importante ka para sa kahiraan mo!" Hay, hindi ko alam kung bakit ako nagkakameron ng mala-telenobelang mga linya dito. Hindi naman pang romansa ang kwentong ito. Tsk', lalong lalo na ang eksanang to. Hangga't naandito ako, hindi pwede. Hindi ko hahayaang magkameron ng ganito kabaduy ang mga eksena ko. Ano ba naman kasing mundo ito, ang weweirdo ng mga tao. Parang hindi talaga sila mga tunay. "Kahit anong plano ninyo, babagsak pa rin kayo sa kamay namin!" saad ng humahabol na kalaban sa amin. "Tignan lang natin." pagkatapos bumulong ni orha, isinabit niya ang braso ko sa may batok niya. Kinapitan niya ako sa may bewang gamit ng nakapulopot niyang kamay sa akin, dahil dun parang nabuhat na niya ako. Medy umangat kasi ako ng kunti sa upa. Pambihira ang lakas niya. Hidni ito pangkaraniwan. "Wag mong sabihing balak mong tumakbo ng ganito? Tamo, mapapagod ka lang. Hindi mo ako pwedeng buhatin hanggang sa malayo." "Manahimik ka nga. May plano ako." pinereno niya ang kanyang paa, nagsanhi iyun ng mabilis na paggalaw ng mga d**o at dahon. Lahat ay nahawi sa dinadaanan namin at papatalikod na nilipad papunta sa likod. Nadinig kong nag-ubuhan at napatigil ang mga humahabol sa amin. Tumigil kami sa isang malaking puno. "Dito ka lang." Tinulungan niya akong makaupo sa lilim, sa gawi na pwede akong makapagtago. May ideya ako sa balak niyang gawin. Mabilis kong hinabol ang pag-alis ng kamay niyang umalalay sa akin, kinapitan ko iyun ng mahigpit. Kinunutan din niya kaagad ako ng noo sa pagtugon. "Wag kang mag-isip ng kung ano. Hindi ako sanay na may babaeng nagbubuwis ng buhay para sa akin. Tsaka lalaki ako, pwede bang iwanan mo na lang sa akin 'tong sitwasyong to? Masyadong delekado ito para sa iyo. Hayaan mo na lang akong gumawa ng paraan para sa atin, Miss." deretsyo at seryoso ko siyang tignan sa mata. "Hindi ko alam kung anong klase ng pangloloko ang kailangan mo sa akin, o kung ano ang nangyayari sa loob ng utak mo sa mga kwentong sinasabi mo, pero hindi ito ang oras para magpadalos-dalos. Ang reyalidad ay hindi mo sila kaya kahit ano pa ang sa tingin mong galing mo. Dapat tumakbo ka na, sa ganung desisyon, may isa sa atin ang makakaligtas." Hindi ako nagpapakabayani, ayaw ko lang ng may ibang tao pa ang mapahamak dahil sa akin. Ito lang ang paraang sa tingin ko ay may magagawa ako. Hindi man para sa sarili ko, pero kahit para sa iba, pwede na. Kahit naman sabihing may ginawa siyang mali sa akin kanina, hindi pa ring sapat kong hahayaan ko lang siyang mapahamak. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi biro ang sitwasyon namin ngayon. Bukod sa wala akong naiintindihan sa lugar na to at sa nangyayari sa akin, alam kong wala rin siya sa tamang pagrarason, kaya mas may malaking posibilidad ang buhay sa aknaya kung siya ang makakaligtas sa aming dalawa. Matanda na ako, marami na akong naranasan sa idad kong ito, baka sapat na iyun para madugtungan ko yung kanya para sa madami pang bagay na nag-iintay sa kanya sa buhay na to. "Pwede ka nang tumakbo." binitawan ko ang kamay niya. "Ganun ba? Pwes, makinig ka sa akin." gamit ng isang kamay, inipit nito ang magkabilang pisngi ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Eto ang katotohanan. Kolas, ako ang tiga-paglingkod mo. Nakaalay na ang buhay ko para sa iyo. Sa mga susunod na paahon, sa ibang lugar, paglalakbay, sa kaharian mo o sa mang ibang mundo. Mapa sa ikakatagumpay mo o hindi, sa tahimik o sa ganitong sitwasyon, lagi mong tatandaan----ako si Morha, ako ang tiga-paglingkod mo. Alalay, tiga-pagligtas, kawal, o kahit ano pang itawag mo, sa ganitong pagkakataon walang silbi ang buhay ko kung hindi ka mabubuhay. Lahat ng segundo ng buhay ko ay may dignidad kung mananatili kang buhay. Sa iyo nakasalalay ang, hindi lang ang buhay ko, kung hindi ang lahat ng mamayanan na nag-iintay para sa iyo. Naiintindihan mo na ba?" Tinapik pa niya ang pisngi ko, kung hindi niya ginawa yun, baka di ko naputol ang pagtitig ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Ah--oo." wala sa sarili kong pagtango. "Mabuti kung ganun. Ngayon para mag mas magkaintindihan tayo." lumapat ang noo niya sa noo ko, di niya pinutol ang malalim na tingin sa amin. Parang tinitignan niya ang buong kaluluwa ko. "Wag na wag kang mag-uutos sa akin ng mga ganung kalse ng bagay katulad kanina. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari kung tatakbo ako. Hindi sa mga ganitong sitwasyon mo ako tatanggalan ng karangalan at dignidad. Wag na wag kang mag-uutos ng mga ganung bagay, naiintindihan mo ba? Hindi mo alam kung gaano kalakas ang epekto ng isang pag-utos mo sa mga katulad kong tiga-sunod mo. Kung hindi mo naiintindihan ang kapangyarihan ng hari, wag kang magpadalos-dalos sa salita mo, dahil pwede namin ikapahamak iyun. Nakuha mo na ba?" "Oo." napalunok ako. Ang sobrang seryoso niya, nakakatakot. Binitawan nito ang pinsi ko, tumayo siya at nakatungong tinignan ako. "Mabuti. Ngayon magtago ka dito, at hayaan mo akong gawin ang parte ng paglilingkod ko. Ayaw ko ng sagabal, manahimik ka lang dito." At pagkatapos nun, nawala na siya sa paningin ko. Wala akong nagawa, nanigas lang ako sa pagkakatago dito sa kinakalagyan ko. Marami akong hindi nainintindihan. Una, yung lugar na to. Pangalawa, paano ako nakapunta dito? Pangatlo, yung mga humahabol sa amin. Pang apat, yung sinabi niya. Wala akong maintindihan. Bakit parang nakatanggap ako ng isang tunay na pangako? Para saan? Bwisit na babae yun, ginugulo ang isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD