Kolas's POV
Tumakbo ako sa isang mahabang pabilog na daan, masikip at iisa lang tao lamang ang pwedeng dumaan. Pansin kong maliit ang mga gamit dito sa lugar na to, pero bakit pati ang daan?! Sumasaad ang balikat ko sa gilid eh! Nasa ilalim ng lupa ang daan na to kaya ang itim na ng balikat ko sa dumi. Makipot ang daan, may madilim na bahagi ngunit walang ibang likuan. Malakas ang loob kong makakatating na rin ako sa duo nito. Pero bago pa man yun, naramdaman kong nanginig ang lupa, tila ba maraming tao ang naglalakad sa may ibabaw na lupa. Alam na kaya nilang nakatakbo ako?
Nilingon ko ang likod ng nilakaran ko, wala namang ingay na nanggagling mula sa likod. Hindi pa siguro nakakaresponde yung babaeng naiwanan ko.
"Kailangan ko nang makalis." di ko inalala ang mga takbuhang ingay, at tinahak ang hindi pamilyar na daan.
Hindi tumagal, may nakita rin akong kunting liwanag. Mas nagmadali ako sa pagtakbo sa pag-aasang nakita. Mas dumami rin ang nakinig kong ingay, maraming takbuhan at may mga ingay na rin ng boses. Tunog nagkakagulo at nagkakameron ng away ang nasa taas. Tumigil muna ako sa bukaan malapit sa malaking b****a ng liwanag. Bakit ganun? May nakikinig akong mga ingay pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Nasaan ba talagang lugar ako?
Parang espiya ang pagkakasandal ko sa lupang hindi natatamaan ng liwanag. Alam kong malapit ako sa labasan sapagkat bukod sa malapit na ingay, may mga anino ring naglakalakad. Maraming tao ang nasa labas, mga kalaban kaya iyun?
Dahan-dahan akong tumuon para dumungaw sa labas. Tama ngang nasa ilalim ako ng lupa, kita ko ngayon ang mga taong nasa labas. Parang hindi ata nila alam ang butas dito at walang nakakakitang iba pa sa akin. Ordinaryo lang ang mga itong namumuhay. May taong ibitbit na mga nilala (native bag para sa pamimili), may mga mahahabang dulo ng bistida ang dumadaan, at ganun ring maraming tao ang nag-uusap. Nasa pamilihan ata ako, ang daming tao eh.
Okay, mukhang normal na lugar ang pinagtaguan sa akin, pwede na akong maglakad dito ng simple.
Inangat ko ang sarili mula sa malalim na butas, may mga nagtatakang tumingin sa kain ngunit wala rin naman silang sinabi. Mga naweweirduhan siguro. Habang nagpapagpag ng dumi sa pantalon, nakatingin akong nagmamasid sa paligid. Bilihan nga ang lugar, marami ang mga nagbebenta ng mga prutas at gulat sa mga nakaratag na bilao. Wow, hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na to. Parang ang payapa at sobrang nilinis ng lugar.
Kung papansinin may mga kulay kape ang mga suot ng mga lalaki. Mapatindero o mapabumibili, parang lahat ata ng lalaki mga nakasuot ng short at mga pang-itaas na may iisang kulay. Ang pinagkaibahan lang ay yung sa iba napapasobra sa kulay samantalang yung iba ay pawala na. Sa pang-itaas na suot, merong may mga mahahaba ang mga manggas at meron rin namang maiigsi na hanggang balikat. Isa ko pa ring napansin na mga batak ang lalaki dito, lahat sila ang lalaki ng katawan. Mukhang lahat ay nag-eehersiyo. Ang mga babae naman ay puro elegente ang suot sa desente nilang mababahang pananamit. Nakasumbero ang iba sa kanila, at may mga galawang mahihinhin.
Pakiramdam ko may palabas na nangyayari. Nasaan kaya ang kamera? Nahihiya ako at parang ako lang ang hindi tugma sa thema nila. Nahiya ang kulay ng suot ko at pantalon.
Tungo akong naglakad. May karamihan ang tao pero hindi masikip kaya hindi ako nahirapang humanap ng daan. Kung may naghahanap na nakahuli sa akin, mabilis nila akong masisipat sa pagkakaiba ko sa mga to dito. Bukod sa pagkakaiba ko sa suot, sa di maintindihang lengguwahe, mukha rin akong naalila at namumulubi, talagang malalaman kaagad nila kung sino ako.
"Arkkk!"
Di ko namalayan ang pagtigil ng mga tao. May panandaliang natahimik rin ang buong lugar, nawala ang kaninang sigla. Pati ako nagtaka sa kung anong nangyayari dahil sa biglaang tunog ng parang sigaw ng babae. Tumaas ang kilay ko sa pagkakatigil ng mga tao, may tinitignan silang iisang lugar. Ayaw ko pa sanang magpadala sa kuryisidad pero sa tingin ko hindi ako normal kung hindi ako makiki-asyosyo sa kaguluhang nagaganap.
Sa pagitan ng isang lalaking may kakaibang suot at sa babae na kapit nito sa balikat, may sigawan sa pagitan nila ang hindi ko maintindihan. Sa bandang likod nung sigang lalaki nakalapit ang may isang kaliitang grupo ng mga lalakihan ang nasa naroon, mga nakangisi sila at parang natutuwa sa nangyayari. Sa tingin ko away ang nangyayari, pero bakit ang saya nila? Away ba to ng mag-asawa? Wala kasing nagtatangkang lumapit para tulungan yung babae.
Ewan ko pero base sa sigawan nila nanlalaban yung babae. Umiilag kasi ito pero ayaw siyang tantanan nung lalaki. Nahulog na rin ang mga pinamili niya nang marahas muli siyang hinigit nito sa braso, di na niya pinansin yun at parang nakiki-usap na lang na bitawan siya at hayaan. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko lalo pa nung parang tinawanan at tinignan pa nung mga katabi nitong mga kasama yung babae mula sa paa hanggang sa ulo. Wala akong nakuha, iisa lang. Binabastos nila yung babae.
Lumakad ang mata ko sa mga nag-uusap na tao sa gilid ko, nakatingin sila sa pangyayari at kahit wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, alam kong yung kalagayan ng babae ang pinag-uusapan nila. Nang makita ako ng isa sa kanila ay siniko nito ang kausap, may sinabi siya ditong mahina. Alam ko ring tungkol sa akin yun sapagkat unti-unting tumaas ang tingin ng lalaking siniko niya sa akin, tinignan ako nito mula sa gilid ng mga mata bago ako tinaasan ng kilay.
Wala akong masabi. Mga lalaking may seryosong tingin sila, bukod dun yung malapit sa akin ay nakahalukipkip ang kamay. Kalmado siyang tignan, oo, pero sa laki ng braso niya, isang suntok lang niya ako ay paniguradong lilipad na ako.
Hindi klase niya yung mga hinahamon ko, bawal ko siyang galitin. Ang laki pa nilang tao! Ayaw ko nang dagdagan pa yung away nung nasa unahan namin. Mabuti na yung pareparehas kaming nakapokus doon. Mas mabuti na ring sila ang pinag-uusapan at hindi ako. Ayaw kong mapahamak, meron pang babeng baliw na humahabol sa akin. Wala akong balak na dagdagan pa ang mga taong may atraso ako.
"Pwat loh kindaryu?"
Saad ng isang lalaking nakahalukipkip ang kamay, yung lalaking malapit sa akin. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya nag-intay pa ako ng kadugtong, ngunit nag-aabang rin sa akin ng taimtim yung kausap niya kanina. Perahas na silang nakatingin sa akin ngayon.
"Po?" magalang kong tanong. May katandaan sila sa akin, sa tingin. ko. Mas mabuti na yung hindi ko sila parehong mainis. Oo na, aamin na ako. Natatakot ako sa kanila.
Umiwas ng panandalian yung lalaking kumausap sa kain, saglit 'tong tumingin ngayon dun sa babae na hanggang ngayon ay hindi tinitigilan nung mga grupo ng lalaki, bago tumabi sa akin. Gusto ko sanang umilag pero wala na akong nagawa dahil medyo masikip ang natitipon naming pagkakatayo dito.
Huminga ito ng malalim, deretsyo kalas ng kamay sa pagkakahalukipkip, pinatong niya ito sa balikat ko. Nangilabot ako sa lamig ng kamay niya, pero mas nanlalamig ako. Aaminin ko, hindi ako komportable. Tsaka nanlalamig ako sa laki ng palad niya.
"Bakit hindi mo siya tulungan?"
Nagulat ako. Marunong rin siyang magTagalog?!
"Ah, hindi ko po alam kung ano pong probelma ng mag-asawang yun." pagpapatukoy ko sa away na nasa harap namin.
"Ano ka ba, sa tingin mo mag-asawa yan? Pati nga yung mga lalaking yun binabastos siya, sa tingin mo kung mag-asawa talaga sila hahayaan yun nung lalaking yun?" deretsyo siyang nakatingin dun sa grupo ng mga kalalakihan. Sabagay, tama nga siya. Kung titignan walang disenteng pakikisama sila dun sa babae. Panay tulak rin sa kanya yung laaking unang kumapit sa kanya, wala ngang respeto ang ginagawa niya.
Ibigsabihin napadaan lang yung mga lalaking yun at pinagtripan yung babae? Kung ganun bakit walang ibang tumutulong?
"Halata sa hilata ng mukha mo na hidni mo gusto ang nangyayari. Kung mananatili kang hindi kikibo, wala nang iba pang tutulong sa kanya. Ikaw lang ang may ganyang klase ng tingin, ikaw lang ang alam kong pwedeng maglakas loob."
Nanugnot ang noo ko. Ano kayang tingin ang meron ako? Bakit niya nasabi to?
"Eh--edi bakit hindi po kayo ang unang gumawa ng hakbang, susunod po ako."
Mabilis na ngunot ang noo niya. "Anong ako? Hindi ako pwedeng tumulong sa kanya. Ayaw kong mapahamak."
Kung siya ay nagulat sa sinabi ko, mas nagulat naman ako sa kanya! Ayos siya ah! Pagkatapos niya akong payuhang tumulong, siya pala 'tong takot rin at aayaw! Yun naman pala eh, ayaw niya mapahamak pero bakit naman ako? Ang rami diyang iba na pwedeng konsensyahin oh! Ayaw ko ring mapahamak!
"Pero bakit po ako?" walang gana kong tanong.
"Sabi ko sayo, ikaw lang ang may ganyang tingin. Alam kong hindi ka lang tatayo dito, ang di ko lang maintindihan ay kung bakit gusto mo pang patagalin. Gusto mo pa bang umabot sa malalang sineryo? May gagawin ka rin naman, bakit hindi mo pa isagawa ngayon?"
Paano siya nakaksigurado? Inuuto ba niya ako?
"Lahat ng tao dito di maalis sa lugar na to, pero ikaw, malayo pupuntahan mo." dagdag pa niya nang hindi nakatingin sa akin.
"ARKK!!"
Bumalik ag paningin ko sa babaeng nasa unahan, uminda ito sa sakit nang binato siya nung lalaki ng pinamili niyang gulay. Pagkatapos ay tinulak pa siya para mapaupo, may mga sinabi pa ang mga lalaki na pinagsisigaw malapit sa tenga niya. Sorbang nakaramdam ako ng simpatya sa kanya dahil ang dami ngang tao dito pero bakit walang tumulong?
Humigpit ang pagkakakutom ko ng kamay. Ano bang nakakatakot at hindi nila sila makagalaw sa dami nila? Kilala ba ‘tong mga nanggugulo dito?
Hanggang sa naisip ko. Baka nga siguro. Baka nga makakapangyarihan na tao sila sa lugar na to. Oh, mga anak mayaman? Naku, mas nag-init ang dugo ko. Kaya naman pala, ayaw lumaban nung mga tiga-dito. Sabagy, kanina ko pa napapansin kahit ano pang
gawin nung babae, di rin siya nahingi ng tulong.
Ngayon maintindihan ko na kung bakit ako ang pwedeng gumalaw sa kanila. Ano pa ba, hindi ako tiga-rito, natural hindi nila ako
pwedeng balikan ng ganti. Bukod sa hindi iisang lengguwahe ang gamit namin, nakakasigurado akong nasa iba silang parte ng bansa. Paniguradong malayo to sa lugar ko.
“ARKK!” muling inda nung babae. Marahas siya ngayong hinahatak nung lalaki sa damit niya. Dahil dun, di na ako nakapagtimpi. Sobra-sobra na yung ginagawa nila sa kanya. Di ko na kayang mag-intay ng iba pang tutulong sa kanya ngayong naintindihan kong imposible yun sa kalagayan ng mga tao dito.
Osiya, wala na ata akong kawala. Ako na ang gagawa para tulungan siya.
Kinapitan ko ang mga nasa unahan kong mga tao, tinapik ko sila sa bilakat para makadaan. Dahil sa paghawi ng daan, maayos akong nakalakad. May mga pagtatakang nakasulat sa mukha nila, yung iba naman ay nagulat pero nagpaubaya rin sa konting espasyo para sa akin. Tumango ako para magpasalamat.
Di nila alam ang salita ko, pero ramdam kong alam nila ang balak kong gawin dahil binigyan din nila ako ng pursigudong tango na sumasangayon sa aking gagawin.
Nakitabi lang ako hanggang makalapit ako sa eksena, sakto namang binato nung lalaki ulit yung babae. Sa oras na to, ako naman ang humatak sa kamay nung babae para tulungan siya makatayo at maka-ilag. Kita kong nagulat yung lalaki at nainis sa ginawa ko. Yung mga kaibagan naman niya ay kanina pa nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang katayuan ko. Parang nag-aabang ata sila ng
kasiyahan, pero sa mata ko alam kong away ang inaabangan nila.
Mga tambay siguro sila. Ang lakas ng presensya nila at loob, halatang mga hindi uurong sa gulo ‘tong mga to.
Naku Kolas, tama ba ‘tong ginawa mo? Anim laban sa isa, di mo ba naisip yun? Sa kasalukuyang to ikaw yung iisang yun!
Gusto kong mag-alinlangin dahil sa kabaliwang ginagawa ko! Pero wala na akong magagawa, pinili ko na to! Gustuhin ko mang tumakbo ay nahuli na yun. Sa isang iglap, nakaamba na ang kamo nung lalaking siga, at alam ko, tatamaan ako nun. Gigil na gigil ang paggalaw nito, puwersahan rin, pero hindi ako lumaking inutil. Alam ko ang klase ng ganitong sitwasyon. Sa tanda ko na atang to hindi nakalagpas sa akin ang mga away. Lalo na nung natapos na ako sa pag-aaral. Nawalan ako ng gagawin at naging lapitin din ako ng away, kaya sino ‘tong pakunwaring siga na to? Anong akala niya, kaya niya ako?
“Ark!” nakunot ang noo niya sa pagsalag ko. Tila nagulantang ang mga kasama niya, at pati na rin yung ibang taong nanunuod sa amin, nang kinapitan ko ang kamao niya.
Hindi sa pagmamayabang, may paspas ng hangin ang biglang tumigil sa epekto ng pagtigil ng kamay niya sa mga palad ko. Wala akong balak punahin iyun, pero hindi ba’t parang sobra ata ang lakas niya? Mas bata siya sa akin, hindi ko inaasahan yun. Maliit kasi ang katawan nito at binatilyong mga nasa bentehang gulang pa lang ata. Pero aayos ha, mukhang pala-away talaga siya.
Ang tanda ko na sa kanya pero di man lang siya gumalang. Tsk’, talagang gumamit pa ng buong lakas. Oo, masakit ang palad ko, pero mas ginanahan ako sa pinapakita niya. Ayos lang sa akin ang magtamo ng kahit anong sugat sa ngayon. Mas nagiging interesado ako sa ugali niya.
Tignan natin ngayon. Wag kang mag-alala bata, pagtatandain kita.
“Bakit mo sinalag?” maanagas na tanong nito habang nagpapabik-balik ang tingin sa kamao niyang kapit ko at sa mga mata ko. Napangisi rin ako. Naalala ko sa kanya yung babaeng nakasagupa ko kanina. Ano nga ulit ang pangalan niya, Morha? Aba, marami siyang katulad dito.
“Hindi magiging maganda ang laban kung hindi mo sasalagin at iiwasan. Gusto mo namang mapatagal pa to no?”
Dumiin ang tingin niya sa akin. Nagpapasalamat ako at nagkakapag-Tagalog din siya. Naiintindihan niya ang sinasabi ko.
“Mabuti kung ganun. Maghanda ka na!” mabilis niyang kinuha ang sariling kamay at sumuntok naman gamit ng kaliwa. Inilagan ko rin yun.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Natatawa ako sa batang to. Katulad na katulad niya yung mga pinagtritripan kong kaaway noon. Hahaha, mga maiinit ang ulo kaya mga hindi na iniisip ang mga bagay-bagay bago gumalaw. Inuuna ang galit kesa sa isip, hahaha.
Iilag pa sana ako sa susunod niyang atake pero nagsigalawan ang mga kasama nito kaya wala akong nagalawa. Mabilis ko siyang hinuli sa kamay at sa balikat, tinuhod ko siya sa sikmura. Di gasinong kalakasan, alam kong bata pa siya. Tama lang basta mamilipit siya sa konting sakit at medyo huminahon muna.
“Ah!” ani ng kasama niya. Pagtutulungan niya at ng kasama niya sana ako, ngunit umatras ako, siya na unang umatake ang sinalo ko sa siko. Inipit ko ang braso ko sa may batok niya tsaka siya pinansalo sa suntok ng kasama niya.
Wala akong balak lumaban sa mga mas bata sa akin, pero kung makakaisa sila sa akin, edi wala na rin akong magagawa kundi lumaban. Ayaw ko ng rahas. Nakita ko na to noon sa kasanayan lumaban sa marami.
“Aray?” nangiwi ako saglit nang mapansin ang palad ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng sakit, galing siguro to sa unang lalaki. Ang lakas nung lalaking yun ah. Kakaiba yung lakas niya. Pambihirang bata yun, nangimi kamay ko!
Ano ba, ako lang ba yung tumatanda o sadyang batak sa ehersiyo sila? Mukhang magiging yabang lang ata ako kung patuloy ko pa silang iilagan. Pumupuntos pa yung mga pasimle nilang attake, ako lang ang mapapagod.
"Ano, kaya pa?" malawak na ngumisi yung lalaking unang sumugod sa akin, napansin niya ang pagtataka ko sa aking palad. Edi alam niya? Di nga biro ang pakikipag-away nito. Ang puwersado eh.
"Kaya pa, syempre simula pa lang eh." hinanda ko na ang kamao ko. Yung isang kaibigan nito na sumugod sa akin, sinabayan ko siya sa pagsuntok. Humara ang braso niya sa aking siko, di natuloy ang gusto niyang gawin. Kinuha ko yung chansya para kapitan siya sa damit at inihayo sa gilid. Sumubsob to sa lupa.
Akala ko may kasunod pa, pero nagsitigilan lang silang lima at may pag-aalinlanging mga tayo. Di sila makapaniwala sa kaibigan nilang nagpapagpag ngayon. Mga nasindak siguro. Okay, medyo--medyo lang naman, medyo nagugustuhan ko na ang lugar na to. Ang tatapang ng tao, ngayon lang ako nakakita ng mga mapagmataas na mga bata.
Kung ako nung bata ako, takot na pag may matandang pumagitna o dawit sa away, aba etong mga to hindi! Yung mga tingin nila sa akin ngayon parang pinagpla-planuhan pa nila ako bago sugurin. Mga walang respeto sa nakakatanda sa kanila. Tsk', dapat talagang makatikim ng sakit bago matututo? Ang pursigido sila ah!
"Ah!" may isang di na nakapag-intay at gumaw na ng unang hakbang. Natigil ito dahl tinaas ko ang isa kong daliri.
"Tatamaan ka na kung hindi ka pa titigil." babala ko.
Nag-atras siya ng kunti, pero nung tumingin sa mga kasama niya, tumuloy siya sa senyales na binigay nila. "Ah!"
Okay, gusto niya ng ganito. Sige, pagbibigyan ko sila.
"Sige lang." inabangan ko ang pagsuntok niya. Tinaas ko ang kamay ko para salagin yun, sabay kapit sa magkabila niyang balikat, at tinuhod siya sa tyan. Namilipit ito sa sakit. Ayaw kong sumuntok, hindi para sa akin yun. Bata pa sila at hindi dapat nararanasan ang ganung sakit. "Sinabi ko naman sa inyo eh."
Walang naimik ang buong natitirang membro ng grupo nila. Hinintay lamang nila siya tumayo. May nanlilisik 'tong tingin bago umurong sa gilid nila, sobrang galit na galit siya. Yung iba naman ay mga tumapik lang sa balikat niya para sa pagpapalakas ng loob nito, ngunit nasa akin lang ang tingin niya habang kapit-kapit ang parte kung saan ko siya natuhod.
Para sa mga mahihilig sa away, napakamaramdamin nila.
Yung mga away noon, talo ka kung iindahin mo at dadamahin ang sakit. Dapat hanggang aray ka lang, walang iyakan. Sa huli pa dapat yun pagkatapos ng away at pagkauwi, natural iiyakan na, yari na kami sa mga magulang namin eh. Tsaka bawal talagang magreklamo, hindi naman pwedeng pakiusapan ang kalaban kung ano ang attakeng hindi mo kaya o kaya. Alangan namang mangyari yun, edi hindi ka nakipag-away. Naglaro ka lang. Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang kinakasama ng galit nitong isang to, natuhod lang eh, aba'y nagdrama na. Sila yung sinabing tigil na tapos tumuloy pa, ang kukulit kasi. Mga hindi marurunong makinig.
"Ano? Pagkatapos niyong di rumespeto sa babae, ngayon mag-aamok kayo?" bagsak mata kong tanong. Mga pareparehas kasing ang sasama ng tingin nia sa akin. Mga hindi sila nagalaw, mga nakaurong lang at may mga matatalim na tingin. Halatang halata ang gigil at pagkainis sa kanila. "Sige na, susugod pa kayo o mag-iintay pa ng bukas? Ano na? Pwede rin naman tayong lahat maglakad papaalis lahat. Parang wala lang nangyari, ano, okay ba yun sa inyo?"
Ito na ang pinakamaganda kong maiialok sa kanila. Kung magkakasakitan pa kaming lahat dito ay ewan ko na. Wala akong pakielam sa mga nanunuod pero baka may pulis na dumating dito pagnagtagal pa to. Mas lalaki ang problema kung aabot pa to sa punto ng prisintuhan.
"Ayos lang naman sa akin kung tapusin na natin. Basta ba't hindi niyo na to uulitin. Tsaka, magsorry kayo dun sa babae oh." sabay turo ko sa gilid kung saan nakatayo ito. Kasama na to ngayon ng iba pang mga kababaihan, mga nanunuod din sila sa amin. Oh, nakalimutan ko sila. May mga tao nga palang iba. Naku po, baka may mga nakakakilala sa mga batang ito tapos isumbong pa ako sa mga magulang nila.
"Pakilamero!" sigaw nung parang lider nila. Naagaw niya ang aatensyon ko. Parang hindi ata nakakaramdam ng kaba 'tong mga to ah. Talagang mga walang pinagbago, hanggang ngayon ang aagaas pa rin nila?!
"Bakit?"
"Anong pangalan mo?"
"Bakit ko naman sasabihin?"
Mga magtataim pa ata ng sama ng loob 'tong mga to.
"Akala mo ba makakatakas ka sa amin? Ganun ba ang nasa utak mo?"
"Ha, walang nakakatakas sa amin nang hindi inikukulong." dugtong pa ng kasama niya.
"Kulong?" ngayon ako naman ang nawalan ng lakas ng loob. Wala akong kakilala dito kaya paano ako makakatakas? Napailing ako sa sarili ko, kung alam ko lang na ganito pala 'tong mga batang to, edi sana hindi na nga ako nagkipag-away. Pero kasi naman, anong gagawin ko?! Mga walang asal sila!
"Hahaha, akala ko malakas ang loob mo?! Ano nang nagyari? Takot ka na?"
"Takot? Hindi sa inyo."
'Sa mga magulang niyo lang at sa batas'. Gusto ko sanang idagdag.
"Sige, tignan natin ang tapang mo."
At katulad ng mga pangyayari sa palabas, sa mga maiinit na tensyon ng mga pangyayari, sabay-sabay gumilid ang mga kamay nila papunta sa likod. Mula roon, tila ba may nahugot sila. May nakakasilaw na repliksyon sa sinag ng araw ang gamit, unti-unti nilang hinatak yun at may lumitaw na espada sa mga kapit nila. Nakakamangha!
Mas lumalim ang saya sa loob ko. Natatawa ako! Mga isip-bata nga sila! Hahahaha, mag-espada ba naman!
"Sa tingin nyo makakasakit kayo ng ganyan?" natatawa kong turo sa mga espada ninla. Hahaha.
Kumunot ang noo nilang lahat. "Bakit, di ka natatakot?"
"Bakit ako matatakot? Eh sa mga pangbatang palabas lang gumaganyan yung mga matatakot ninyo. Hahaha, yan ba ang binuo ng mga samahan ninyo, ang maging mga praning? Hahaha." hindi ako magkamayaw-mayaw sa tawa. Ang lalakas at ang kikisig nitong mga to, tapos ang kinahantungan mga gusto lang palang maglaro?! Mga nanakot pa ng kulong! Hahahaha! Ang sakit na ng tyan ko!
"Sige tumawa ka lang." at biglang mabilis na umabante ang isa. Tinaas into sa di ko inaasahang bilis ang espada niya sa ere, nakatutok yun sa ulo ko.
Ser--seryoso ba sila?
"Ha!" puwersado nitong sigaw.
Wala akong nagawa kundi ang pumukit.
"TENGK!"
"Wag kang mag-alala, senyor! Proprotektahan kita!" sigaw ng tinig ng isang babae. Minulat ko ang mata ko at nakitang nasa unahan ko yung babae kanina. Hindi yung tinulungan ko, kundi si Morha. Nakasunod pa rin pala siya sa akin?
"Umalis ka dyan, babae. Kundi ikaw ang isusunod namin!" gunita nung sumugod sa akin. Nanginginig ng kamay nito dahil sa magkalapat na espada nila ni Morha. Medyo nagkakatulakan sila gamit nun ngunit halatang mas lamang sa lakas si Morha.
"Ha, marami ka pang ensayong gagawin para matalo ako." at tsaka niya tinulak pa ang lalaki. May matinis na tunog ang nagpatahimik sa kapaligiran. Nagulat ako sa sinabi nito. Ensayo? Bakit nag-eensayo ang mga tao dito ng espada?! Ano ang ibigsabihin nila?!
"Tignan lang natin ngayon"
Pinalibutan kami ng buong grupo nila, nanatiling nasa gitna kami ng babaeng nagdala sa akin dito kanina. Lahat ng espada nila ay nakatutok sa gawi namin. Lubos talaga akong naguguluhan. Yung namumuong masamang tinginan nilang lahat ang nagpapangamba sa akin. Imposibleng seryosohin nila ang ganitong bagay, diba?! Para isang kalokohan lang ito, taka may pinagdadaanang malala 'tong babaeng katabi ko, dapat di na nila pinapatulan.
"Senyor, magtago ka lang sa likod ko, proprotektahan kita." madidiing bigkas ni Morha.
Yung seryoso, kanina pa ako naweweirduhan sa pangalan niya. Morha? Saan hinango yun? Tapos nagdagdag pa siya ng mga Liwblus-Liwblus, mas napakaweirdo. Isa pa yung lengguwahe ng mga tao dito, kaya naman nilang magTagalog pero bakit hindi nila lahat ginagwa?
wala sa sarili kong inuli ng itngin ang karamihan ng tao kung saan pinapanuod nila kami. Mga nag-aalala ang ito. Yung iba ay mga matatapang tingin sa akin at parang gusto nila akong suportahan. Ang mga babae naman ay may taklobtaklob na panyo sa bibig nila, parang may teleserye silang pinapanuod at nakakaiyak yun. Ramdam na ramdam ko ang simpatya nila.
Impossible, napaka-imposible ng lugar na to! Hindi dapat sila nagkakaganto!
"Maghanda ka." huling saad ni Morha, bago nawala sa tabi at paningin ko.
"TENGK!"
Humampas ang hangin sa tapat ng mukha ko, galing yun sa esapada ni Morha at ng isa pa niyang kaaway. Nagsigalawan ang lahat sa bilis na hindi ko maramdaman, tila ba may kasunduan silang lahat napagka-isahan ako sa nangyayari dahil ako lang ang hindi makasabay.
Tahimik ang naging paligid ko, may mga ingay pero ang lalayo ng pandinig ko kahit yung totoo ay napakalapit nilang lahat sa akin. May mga pagsinghap rin ng mga tao mula sa nanunuod sa amin, at ako---at ako ay walang magawa. Nakatayo lamang ako sa gitna ng mga nagtatalong espada at mga taong may pake sa nangyayaring away. Ang kaninang away na alam ko ay wala na, napaltan na to ng panibagong mas delekadong away. Away na hindi ko maintindihan.
"Agh." may napatigil sa unahan ko. May gigil 'tong nakatingin, hindi sa akin, kundi sa babaeng may sanhi ng maunting pagtulo ng dugo sa pisngi niya. May maliit 'tong hiwa sa mukha.
Dugo? Nagsanhi ng sugat yung espada?! Tumutulo ngayon yung dugo dahil sa bagay na yun?!!!!!
Ha-ha-ha, wala akong naiintindihan pero alam kong alinlangin ang buhay ko sa mga kamay nila.
Huling beses kong tinignan kung nasaan yung Morha, napapaligiran pa rin ito ng ibang mga kalalakihan. Halatang abala siya sa pakikipagtuos sa kanila at ganun din naman ang mga ito sa kaniya. Mas nahihirapan pa ata sila sa kanya, sapagkat wala na ang attensyon nila sa akin. Tanging nasa kanya lamang. Nagpapasalamat ako dahil dun, dahil dun tahimik akong tumalikod at naglakad. Lakad sa una, takbo na pagkatapos ng tatlong hakbang!