Propesiya

4267 Words
Kolas's POV "Ikaw yung babaeng humatak sa akin kaya ako nahulog sa hagdan!" umurong ako upang hindi siya maitulak. Hindi ko mapaliwanag ang galit na nararamdaman ko ngayon. "Hindi mo ba alam? Pwede kong ikamatay yun?!" Nakibit ang balikat niya sa gulat mula sa pagkakasigaw ko. Mahinahon akong tao pero hindi ko pwedeng palagpasin na hindi ipakita sa kanya ang galit ko ngayon. Seryosong bagay to, buhay ko yung ipinahamak niya dahil sa kagagawan niya! "Ikamatay? Bakit, patay ka na ba ngayon?" tumalim ang tono niya. Nangunot din ang noo, nagpapahiwatig yun na hindi niya nagustuhan ang reaksyon ko. Tsk', wala akong pake. Ayaw ko rin ng pagka-ignorante niya! Anong kalma-kalam lang siya dyan? Hindi pwedeng maliitin ang usapang ito sa pagiging kalmado niya! "Kahit na! Di ka ba nag-iisip? Ikaw ang dahilan kung bakit ako naandito! Kung hindi ako nahulog sa hagdan, hindi ako mapapapunta dito, at higit sa lahat, wala dapat akong babayarang utang na loob sayo!" humakbang ako ng malapit sa kanya. "Naiintindihan mo ba yun? Ha?!" "Tsk', ikaw ata ang hindi nakaka-intindi. Ginawa ko ang bagay na yun para makapunta ka dito, kaya pwede ba huminahon ka? Kinig sa sa labas oh!" "Wala akong pake! Sagutin mo nga ako." kinapitan ko ang kamay niya para hapitin siya papalapit sa akin. Mas kinunutan niya ng noo yun. "Pinaglalaruan mo ba ako? Ha?! Anong sa tingin mo, pwede mong kapitan ang buhay ko?! Na pwede mong pagplanuhan tapos hingan ng kapalit?! Sa tingin mo ba ganun ako kabobo?! Ha?!" Nanlaki ang mata niya ngunit mas lumingon pa to sa likod ko,, inuna niyang mabilis na tignan ang labas ng pinto bago sinarado ng sigurado. Pagkatapos nun, pumunta siya sa akin at kinapitan ako sa balikat. Hindi lang basta pagkapit, pilit din niya akong tinulak paup, ngunit walang silbi yun sa lakas ko. "Huminahon ka nga, wag kang maingay." Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Ang lamig na naman ng pagbulong niya. "Paano ako hihinahon?! Sabihin mo nga! Hindi kita kakilala tapos malalaman kong mga mapagsamantalang tao kayo! Oo, mahirap lang ako, pero ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Porque tumulong ka sa akin, kapit mo na ang buhay ko?! Sino ngayon sa atin ang mas mababa?!" "Pwede ba, tinulungan kita. Oo, at tama ka, may kailangan nga ako sayo." umigting ang pangan niya bago dinakma bibig ko, madiin niyang inipit yun sa pagitan ng dalawang daliri. "Pero kung hindi tatahimik niyang bunganga mo, mapapahamak tayo. Kaya pwede ba, sumunod ka?" Wow, grabe naman. Wala ka pa ring modo. Kinapitan ko ang isa niyang kamay sa pulsuhan, inilag ko ang mukha ko para maiwasan ang pagkapit niya. "Hindi talaga tatahimik 'tong bungangang to. Hindi ka reyna, Miss. Wala akong obligasyon sayo. Kapit ko desisyon sa katawan ko, at akin ang sarili ko, gagawin ko gusto ko." Tinapon ko sa era ang kamay niya. Inabuti kong tamang lakas lang ang gagamitin ko para hindi siya masyadong masaktan. At dahil sa pagsunod ng katawan niya, nawalan ng harang ang dadaanan ko, humakbang ako papalapit sa pinto. "Tsk', kanina pa ako nagtitimpi sayo. Kung ayaw mong makinig sa akin, wala na akong magagawa." bulong niya at tsaka ako hinatak sa may dulo ng t-shirt ko sa likod. Napaurong ako at deretsyong napasalampak ang likod sa higaan. Ang lakas niya. Teka, babae ba talaga to? Paano niya ako nahatak ng ganun? "Aray." umaray ako sa pansamantalang sakit na naramdaman. Nagulat ako, pairamdam ko lumipad ako sa pagkakahagis niya. "Hoy! Ang sakit nun ah!" "Kanina pa ako nagpapakabait sayo, kaya pasyensyahan tayo." Nawala ang pag-inda ko, nakaramdam ako ng pagkawala ng dugo sa mukha. Nag-aapoy ang mga mata niya, habang---habang nag-uunat ng mga daliri. Naramdam sa pagkakatayo niya na parang may pinaghahandaan siya, at--at ako ang tatamaan. Wag niyang sabihing hahamunin niya ako ng sakitan? Kababae niyang tao, nakapalda pa, tapos babaldahin niya ako? Imposible. Tsaka, anong nagpakabait? Eh kanina wala man lang akong naramdamang kabaitan sa kanya. Wala sa pananalita niya, dahil kanina pa niya ako sinasagot at kakaiba rin ang mga tono niya at mga salita, kaya anong mabait kanina? Mabait na ang tawag niya dun? Sinasakdal niya ang utang na loob niya at pinagkaka-isahan ako. Sinasamantala niya ang kabaitan ko, tinulungan niya yung magnanakaw na makaalis, inipit nila ako dito, at tapos pagkakaperahan. Tama bang mabait na yun?! "Hoy, ayaw kitang saktan pero kung gaganituhin mo ako dito, manlalaban ako para makaalis!" "Sabi nang tumahimik ka." mababayang saad. Nakatungo siya habang parang may pinapakiramdam sa labas. Anong inaabangan niya? May iba pa bang pupunta dito? Dahil sa kaba, sinukat ko ang pwede niyang maging hakbang. Pero parang wala ata siyang gagawin at tahimik lang na may inaabangan rin, hindi sa akin, ngunit sa may pinto ata. Kinuha ko ang chansyang iyun para tumakbo. Kung may iba pang pupunta dito magiging katapusan ko na iyun! Papaldahin ako nitong baabe, tapos may iba pang kasama?! Ano na ang magiging kalagayan ko pagkatapos nito?! Akala ko hindi na niya ako maaabutan, ngunit ang bilis niya akong nakapitan sa kamay at sa balikat. Mula sa likod ko, pumuwersahan niya akong inikot deretsyo tapon sa may kamay ulit. Kanina likod ko ang lumapat, ngayon mukha ko na. "Ang sakit." pati leeg ko sumakit. "Hindi ka titigil ha." may kinuha siyang mahaba at manipis na patpat sa isang gilid. Tinutok niya yun sa akin. "Ubos na ang pasyensya ko sayo." "WOSPP!" Nanlaki ang mata ko sa pangingilag nang ipaloniya iyun sa era, habang nakaharap sa akin. At hindi lang yun, sa distansya na hindi malayong matamaan ako! Base rin sa mukha niya, talagang seryoso ang galit nya at hangarin. Nang gigigil na ako sa kanya! Talagang mananakit siya?! "Hoy, bakit ba ang haras mo?! Yung totoo, kung magsasakitan tayo dito, hindi kita uurungan!" mabuti na nung malinaw para sa oras na tamaan ako ng kapit niya, alam niyang hindi ko na magiging kasalanan kung masasaktan siya. "Hindi ko ugali ang manakit ng babae kaya wag mo akong subukan! Masasaktan ka talaga sa akin!" "Sige, tignan natin." ngumisi pa siya at tinignan ako ng may hamon. "Kung di mo ititigil yan, ikaw ang unang babaeng sasaktan ko, tamo! Wag mo akong subukan!" Kritikal na talaga ang sitwasyon ko! Hindi ko aakalain masasabi ko yung ganung bagay. "Talaga lang? Tignan natin!" inangat niya ang kapit niya mula sa era. "Ha!" "Oi!" mabilis akong umilag. Gumulong ako sa kabilang parte ng kama, kitang kita ako ang pagbakat sa higaan nung patpat. Kung hindi siguro ako umilag baka tamaan talaga ako nun! Hindi lang latay ang matatamo, pakiramdam ko pati balat ko hawi hanggang sa laman ko! Paano, punit yung kumot! "Ang grabe mo." di ko makapaniwalang saad. Pero mas grabe pa rin na gumamit siya ng hindi birong lakas para talaga saktan ako. "Ang tigas ng ulo mo kaya wala na akong magagawa. Kailangan kitang ituwid para maging dapat." At sa pangalawang beses, ginamit niya muli ang kapit niya. Napa-ikot din ako, tumama yun sa dulong kahoy ng higaan. Muli kaming nagkatinginan. Ako na nabibigla sa galawan niya, at siya na nagulat dahil sa pag-ilag ko. "Ano yun?" may takot kong tanong. "Ikakatamihik mo. Haaa!" Nilaglag ko ang sarili ko sa kama sa kabilang parte, kaya humampas ulit yun sa kama. Hindi pa ako nakakagalaw ay may nasunod na ulit, wala akong nagawa kung hindi batuhin siya ng mas malapit na gamit. Isang maliit na lampara yun. "TENGKK!" "Oi! Bakit mo binasag?!" Pati yun di niya pinadawad. Sumaboy tuloy yung mga bubog . Akala ko pag naging delekado yung tatamaan niya, baka magdalawang isip siya, pero hindi! Ang grabe niya! "Hmmm, anong akala mo? Hindi kita tatamaan? Mag-intay ka lang, malalatay ka rin nito." nakangisi niyang pagbabanta. Muli siyang kumuha ng lakas, alam ko na ang kasunod niyang gagawin, kaya bago pa ako matamaan, kumuha ako ng iba pang gamit. Di ko na alam kung ano, basta pinagbabato ko na lang siya! "Oh! A--aray! Itigil mo nga yan! Wag kang umilag!" iritang sigaw niya kakailag. "A--no ba?!" "Ikaw ang tumigil! Paano kita hindi babatuhin nang nanakit ka?!! Tsaka anong 'wag kang umilag'? Baliw ka ba?! Edi ako ang natamaan!" "Itigil mo sabi yan! Kailangan mo lang matulog para wala na tayong problema!" Nanginig ang kamay ko kaya nahuli ang reskyon ko. Naging dahilan yun para kamuntikan na akong matamaan! "Halimaw ka!" "Hahaha, talaga!" Mas nakita ko ang kompiyansya niya, mas natakot rin ako para sa sarili ko. Sa sobrang katakutan ko, binato ko na lahat ng kapit ko. Kailangan kong makatakas na kaagad dito! Sa daan palapit sa pinto, may nakuha akong pitsil. Hindi ko pinalagpas yun, binato ko rin yun nung oras na nakapitan ko. "Etong sayo! Layo!" "Aray!" sigaw nito. Nakakinig pa ako ng iba pang bagay na nahulog pero walang ibang inggay na nanggaling sa kanya. Biglang tumahimik ang lahat. Anong nangyari? Naikuyom ko ang kamay ko. Malapit na ako sa pinto oh! Eto na yun, Kolas! Bubuksan mo na lang oh! Chansya ko na to! Pero sahalip na tumuloy, lumingon ako sa likod. Nakatungo siya at nakakapit sa may noo. Samantalang yung pitil hanggang ngayon medyo nauga pa sa sahig, parang kakalaglag lang nito. Kaya pala natahimik. Naku, natamaan ko pala siya. "Ah--ahm." nawalan ako ng sasabihin. Di ko alam kung lalapit ako o hindi. "Sa-sabi ko naman sayo eh. Tatamaan ka, dapat tumigil ka na." Siguro ang sama na ng tingin niya sa akin ngayon. Panigurado pati buong pagkatao ko baka hinusgahan na niya. Sino ba naman kasi ang walang pakundangang nagbato ng gamit nang hindi iniisip kung makakasakit? “Ah—akala ko masasalag mo, ka-kaya, kaya di ko na inisip na tatamaan ka.” kumamot ako sa batok ko dahil sa sobrang kahihiyanan. Alam kong nasaktan talaga siya dahil hanggang ngayon di siya nagalaw. Yung papat rin sa kamay niya nanatiling nakaturo sa baba. Pwede akong lumapit, pero ang kapal na siguro ng mukha ko kung gagawin ko yun. Ako yung nakatama tapos ako yung magdadahilan, oh diba ang sama talaga ng posisyon ko. Yun atang sinabi ko pagrarason na lang sa sarili. Masama ang loob niya, panigurado hindi na niya ako papaniwalaan sa pagtulong. “Masakit ba?” Oo, Kolas. Ikaw kaya ang batuhin ko! Ay pang ewan na tanong talaga yun. Tamo, pari sarili ko sinasagot ako. Hahanap pa sana ako ng bagay na pwedeng makatulong sa kanya, ngunit sobrang gulo ng mga gamit at ang kalat, wala akong ibang magagawa kundi mag-alok ng kaya kong ibigay para lunasan kahit ng kunti ang sugat niya. Lalapit nga siguro ako, kailangan ko rin masigurado kung gaano kalaki ang natamo niya. Di siya nagalaw. Pawang nakatungo lamang ito at natatakluban ang mukha kaya hindi ko malaman-laman ang expresyon niya. Umiiyak kaya siya? Wala namang ingay. Hmmm, sa tingin ko matapang siyang babae, hindi siya magkakaganito kung walang ibang nararamdaman. Grabe, nakokonsensya na ako. “Oh, time out muna ha. Magpahinga ka muna, unahin muna natin yang sugat mo. Patingin nga.” dahan-dahan akong lumapit dito. Dahil siguro sa seryosong thema at sitwasyon, di ko na naiisip na ‘matapang nga siyang babae’. Nakalimot ako saglit. Wala na ang kaninang kaba sa dibdib ko, purong pag-aalala na rin at malinis na intensyon ang siyang nilapit ko sa kanya. Nang makalapit ako ay tumungo muna ako para silipin ang mga mata niya at noo, pero dahil sa kumpletong natatakluban ng buhok niya ang itaas na bahagi ng mukha, labi lang niya ang hindi natatakluban. Hindi nagalaw yun, tamang nanatili sa isang tuwid na linya lamang. “Patingin.” kinapitan ko ng marahan ang kamay niya para alisin sa pagkakataklob. Di siya pumalag, di rin nagsalita. Mas kinakabahan ako. “Saglit lang.” Ano ba yan, kanina halos mag p*****n na kami tapos ngayon, eto? Aba, iba ang ihip ng hangin! Tsk’, di naman magkakaganito kung maayos niya akong kinausap! Bakit kasi kailangan pa niya ako takutin sa mga katang-isip niya?! Ano pa’t banggitin niya yang Liwblus-Liwblus na yan?! Sinong hindi makakatakot kung sila ang nasa kalagayan ko?!Tignan nyo, nagkaganoon tuloy. “Patingin, kunti lang.” sinubukan ko ulit tanggalin ang nakapatong nitong kamay, pero binigatan niya. Ayaw ata. Para namang bata. “Titignan ko lang—?” Naputol ang sasabihin ko. Bakit, bakit parang nangingiti siya? Te-teka, nilalaro niya ako?! “Sige, tignan mo.” gamit ng kamay niyang nakapatong sa mukha, mabilis niyang pinagpalit ang sitwasyon, siya naman ang nakakapit sa akin. Binalikwas niya iyun sa masakit na direksyon. At—at napabalikwas rin ang buo kong katawan. Nalaglag ako sa sahig——sa papag ng lupa. “Sabi na ba.” sumabay ang inis ko sa pagpilipit sa sakit. Kanina ulo ko yung masakit, ngayong buong katawan na! Hanggang saan ba aabot ang buhay ko dito?! Kainis! Maiskema talaga siya at mapagpanggap!!! Di na ako nadala!Eto na lang ba lagi ang makukuha ko sa pag-aalok ng pagtulong?!!! “Hangal kang taong nilalang! Sino ka para kapitan ako?!” inapakan niya ang kamay ko ng madiin pagkatapos ay tumawa ito. “Hahaha, nakapabilis mong linlangin! Huh, sa tingin mo hihingi ako ng tulong sayo?” Sobrang kinatuwa niya ang pagtungo sa akin. Sige, tawanan mo pa ang kalagayan ko. Makita lang natin sa susunod pag nanghingi ka na ng tulong. “Aray, wag mo akong apakan!” gigil kong saad bago binawi ang kamay. Gumuhit ang panibagong sakit dun dahil sa pagkaskas ng ilalim ng gamit niyang sapin sa paa. May guhit ng puti at pulang marka ang naiwan. Sinamaan ko siya ng tingin, habang nanatiling walang pagbabago sa kanya. Winagahi niya muli ang espada, ngayon ito ay nasa pinakang harap ko, may sobrang kunting distansyang pagitan sa baba ko. Kung kanina ay matakot ako, ngayon wala na. Hindi na ako takot sa kanya. Mas nangingibabaw ngayon ang pagkaasar ko! “Tsk’, ang peke mo.” panghuhusga ko. “Hindi ko kasalanan na ang bilis mong manipulahin.” nawala ang ngisi niya at napaltan ng pagkakunot ng kilay. “Makinig ka, seryoso ako. Kung gusto mo pang magkasakitan tayo, intindihin mo to ng mabuti. Tapos na ang araw mo sa mundo ng mga tao, naandito na ka ngayon sa mundo ng Liwblus. Simula nung nahulog ka sa hagdan, dapat tanggapin mong naandito na ang buhay mo.” “Teka, namatay ba ako?” “Tahimik!” mas nilapit niya sa akin ang patpat. Akala ko maloloko ko siya. Hindi pala. “Edi ipaliwanag mo.” matapang kong anunsyo. Kung mapapalagayan ko ng kunti ang mga kwento niya, at makikisakay ako, baka maloko ko siyang may interest ako. Baka makaluwag ako sa bantay niya. Tsk’, sining may sabihing siya lang ang kanyang mangloko dito? Sus, paa niya! Gaganti ako no! “Seryoso ako, di ka ba nagsisinungaling?” pakunwari ko pang tanong. Kumalma na rin ako para dala sa emosyon. “Hindi ako nagsisinungaling. Mahirap paniwalaan pero dapat mong gawin. Eto ang propesiya.” lumagong ang boses niya at lumalim rin ang deretsyong tingin. “Dapat kang mapunta dito, dito ka nararapat dahil ikaw ang tinakdang hari ng buong bayan namin.” Hari? Kanina iba yung mundo tapos ngayon talagang gusto pa niya akong isama sa kwento niya. Ayos rin no? Kung hatawin niya ako nung patpat parang gusto niya akong patayin, tapos hari ako? Anong klaseng hari ang meron sila, mga alipin? Parang kabaliktaran ata. Hindi na nga nagtugma yung pagtrato niya sa akin, meron pa siyang binigay na pekeng titulo sa ulo ko? Ano yun? Parang walang matino sa sinasabi niya. Lahat purong pangpatawa. “Ngayon alam kong hindi ka Liwblus para intindihin yun, pero kahit na hamak na tao ka lang, hindi mo pa rin pwedeng kalabanin ang propesiya! Tinakda ka kaya’t walang makakapigil doon! Nakaplanong mapunta ka sa mansyon para makapasok dito.” “Teka, ang sabi mo kanina ‘tong mundong to ay Liwblus, pero kakasabi mo lang ngayon na hindi ako Liwblus, edi ano ang tao sa inyo?” di yan pagpapanggap, nagsasalabit kasi ang kwento niya kaya tinutulungan ko siyang makabalik sa script niya. Aba, kagagalitan siya ng kulto nila kung magkakamali siya at hindi ako mapapaniwala. Mahirap akong paniwalaing tao, dapat ituwid niya ng maayos ang kwento nila. Ang problema nga lang dito, hindi ako kasing bobo ng nasa isip nila. Kaya kahit galingan pa nila, di pa rin ako maniniwala. Pero mabuti na rin at inakala nilang kaya nila ako, at sinubukan nila. Ibang dedikasyon ang nakikita ko membro nila. Lalong lalo na sa babaeng to na nangunguna. Ayos siya, pwede siyang maging lider. Mataas ang hangarin niya. Bumagsak ang enerhiya sa mata niya. “Bakit, ano bang tawag niyo sa mundo ninyo?” “Earth.” simpleng sagot ko na may pagtango. Kung makatanong kasi siya parang nawala na talaga siya sa liwanag ng reyalidad. Ang isip ko tuloy ngayon kakaiba ako. Hahaha, kung lahat ng makakasama ko ganitong katulad niya hindi ko talaga maiiwasang makaramdam ng pagiging angat, lalo na sa kaalaman. Ang ewan nung tanong eh. “Huh, maaarte kayong mga tao. Gusto niyo may pangalan ang lahat at naiiba kayo.” may mapanghusga niyang minata ang buong katawan ko. “Mundo to ng Liwblus, yun ang tawag dito. Sa amin ang mundong to dahil puro Liwblus lang ang nakatira dito.” “Oh, ang Liwblus ay mga tao—o ‘tong mundo kuno ninyo.” “Tsk’, makinig ka nga! Yung bang mga sinasabi ko sayo di pumapasok sa utak mo?! Ang sabi ko Liwblus ang mundong ito at ganun din ang tawag sa mga mamayanan dito!” “Edi—” tinuro ko siya ng hindi sigurado. Nanliit ang mata ko sa kabuoan niya. “Ang tawag sayo ay Liwblus?” “Oo, isa akong Liwblus. Bakit, hindi ba ang tawag sa mundo ninyo ganun din sa tawag sa mga nakatira doon? Sa inyo yung lugar kaya dapat nakalagay din ang pangalan ninyo dun.” Ngayon alam ko na mataas talaga ang hangarin niya sa buhay. Pangalanan ba naman na parang pagmamay-ari ang mundo nila? Wow, angas. “Hindi nga, ang tawag sa mundo namin—” “Ang tawag namin sa mundo ninyo ay 'mundo ng mga tao'. Hindi ba’t tao kayo? Edi yun din ang tawag namin sa pagmamay-ari ninyong lugar.” Napatigil ako. Ah—hmm, oo nga naman. Tama nga siya. Ngayon ko lang naisip na yung pangalan pala ng ‘Earth’ ay sa ibang lengguwahe. Mundo nga ng tao ang mundo namin dahil ‘tao’ nga ang tawag sa atin. Medyo, mapanlinlang na paraan yun para isipin nga. Pero hindi pa rin ako naniniwala, simpleng bagay lang yun eh. Ang bahay naman hindi pinangalan bahay dahil lahat ng tao meron nun—-teka, nawala ako. Nalito ata siya sa makapanglahatang tawag sa mga bahay at sa may espisipikong bagay. “Ngayon tao, may naiintindihan ka na ba?” nagpamewang to sa harap ko. Kagat-kagat ko ang daliri ko nang tanguhan ko siya. “Liwblus ka, diba? At Liwblus din ang mundo ninyo?” “Oo, ganun na nga. Kanina ko pa pinapaliwanag, ngayon mo lang nakuha?” Pasyensya na ha? Hindi lang kasi pangkaraniwan ‘tong sinasabi mo, natural mahihirapan ako. Eh kung gawin niya kayang normal yung paksa para makasabay ako? Pangako, iiwanan ko pa siya sa pagkuha ng mga bagay! “Yung mansyon, sa pagkakabanggit mo kanina naandun tayo, tapos biglang naandito na? Hindi kita inaasahang mabubuhay sa akin sa laki kong to, kaya ano yun? Daan dito? Paano?” sunod-sunod kong tanong. Pumikit siya ng mariin at naibaba ang patpat. Nakaramdam ako ng kunting pagdiriwang sa pagiging komportable niya. Sige! Ganyan nga! Kalma ka lang! “Tsk’, yung mansyon nga yung portal---pinto, daan, ganun! Ano ba, nasa gitna na ng lahat mong sinabi yung sagot hindi mo pa nagawang buoin sa isip mo yung sagot?! Napaka-inutil mo naman!” “Hoy, inutil ka dyan?! Diba hari nyo ako, oh ano na?! Bakit ganyan mo ako pagsalitaan? Nasaan ang respeto?” pagbabalik ko sa panlalait niya. Akala niya ata ako lang ang kaya niyang maliitin. Oh sige, tignan natin niyang kwento mo ngayon. Umigting ng kaunti ang panga nito. “Hoy ka rin, lupang nilalang. Rerespetuhin kita pagpumayag ka ng maging hari.” Pumayag? May ganun pang argumento? “Alam mo ang gulo-gulo na ng sinasabi mo? Sigurado ka bang hindi ka nagsisinungaling? Ang sabi mo kanina may propesiya, akala ko di na mababago yun, tapos ngayon kailangan ko pa palang pumayag? Ang gulo naman.” Tumahimik siya saglit, at lumayo ang tingin. Ramdam kong napa-isip din siya sa binanggit ko. Grabe, ang dali pala niyang utuin. Akala ko matalino siya, sabaw rin pala. Hahaha, binabalik ko lang sa kanya lahat ng sinabi niya, tapos di na niya masundan? Hahaha, may problema ata sa paninindigan sa sinasabi niya ‘tong babaeng to. Hindi lang yun! Mukhang mag problema rin ata sa pagkakabisa ng mga kasinungalingan nilang kwento! Hahahaha, akala ko pa naman dedikado, yun pala hindi. Grabe, sobrang nakakatawa sila! Sabi na ba eh, dapat iba na lang ang binalak nilang lokohin! Kawawa na to sa akin oh! Hahahaha! “Hindi ako nagsisinungaling, may mga bagay lang rin talaga akong hindi maintindihan. Liwblus to, natural lang sa akin ang mabigla rin dahil isa kang tao.” mahina nitong sabi. Nawala ang kompiyansa niya at tila ba naging balisa na kaagad. “Yun naman pala eh. Di ano pang ginagawa ko rito? Ikaw na rin ang nagsabing hindi ako nararapat dito. Tao ako at Liwblus kayo, medyo magulo nga yun dahil mundo niyo to.” pasimple akong tumingin sa kapaligiran at napanguso para sa pekeng pagkadismaya. “Ano pang pinipilit mong ipaliwanag sa akin? Wala naman akong maiintindihan. Nag-aaksaya ka lang ng oras sa akin kung gagawin mo pa akong hari ninyo. Kaya kung ako sayo, maghanap ka na lang ng iba. Yun lang ang kaya kong ipayo, at ako—-at ako naman ay uuwi na.” Umasta akong tatayo, ngunit tinulak ako nito kaya napabalik ako sa dating puwesto. “Hindi pa rin pwede! Ang laki na nang naisugal ko sayo, hindi ka na pwedeng umurong pa!” Nangunot ang noo ko. Ang pilit niya! “Ano pang pinipilit mo, ha? Sa iyo na lahat nanggaling kaya dapat alam mong nag-aaksaya ka lang ng oras ngayon! Bakit hindi mo ba makuha-kuha ang sagot?!” “Wag kang magulo tao! Di mo ako malilinlang! Ikaw ang nasa propesiya kaya ikaw ang kailangan! Tumama man ako o hindi kailangan kong gawin to!” may pagpikit pa siya sa puwersahang pagsigaw. “Miss, makinig ka! Mali ang taong nakuha mo! Iba ang propesiya, hindi ako yun! Malinaw na tao ako at iba kayo, hindi talaga pwedeng ako ang tinutukoy mo!” “Manahimik ka nga! Ginugulo mo ang isip ko!” binitawan nito ang patpat at tsaka nagtaklob ng tenga. “Hindi ako ang nagkamali! Walang nagkamali, nasa propesiya ito! Ikaw ang tinadhana!” Masama na kung masama, pero nakakakita ako ngayon ng kahinaan sa kanya. Hindi ko inaasahang gagana ang paraan ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinapitan siya sa balikat. “Makinig ka! Mali ka lang ng kinuha tao! May ibang nakatadhanang maglalakad lang ngayon sa labas! Kung sino man yun, dapat kunin mo na kaagad siya! May oras ka pa para itama ang iyong pagkakamali!” habang sinasabi ko yun, pasimple kong sinisipa ng walang katunog-tunog yung patpat. “Tahimik! Manahimik ka! Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw yun! May dapat lang akong baguhin sayo at itama para maging karapat-dapat kang hari!” “Miss, huminahon ka. Dapat isipin mo ang pagkakamaling ginagawa mo sa propesiya! Dahil kung magkakamali ka pa ngayon, paano na ang kaharian ninyo?! Gumising ka nga sa katotohanan! Anong magagawa ng simpleng ako sa mundo ninyo?!” pagsusumamo kong tanong. Dramatic, dramatic ang eksena ko ngayon. At ang mas malupet pa rito, alam nyo kung ano? Kahit ako nababaduyan sa mga sinasabi ko. Para akong nasa hindi makamundong panahon! Ewan ko, nakakabaliw ang babaeng to. Nawala ang tensyon sa kanya, medyo bumagal rin ang kanina niyang mabilis na paghinga. Ayun sa mabagal na pagtaas-baba ng dibdib niya, masasabi kong nagiging kalmado na siya. Dumulas sa tenga niya ang sariling mga kamay, ganun ding bumagsak ang balikat niya. Sa pinagmamasdan kong pagbabago sa tayuan niya, unti-uring bumukas ang nga nakapikit niyang mga mata. Sumalubong sa akin ang mapupungay at malamlam niyang tingin, punong puno ng emosyon yun na parang gustong sumakop sa aking damdamin. “Pero ikaw na lang ang natitira kong pag-asa, kaya hindi ako pwedeng magkamali.” deretsyo sa mata niyang pinakita sa akin ang kanyang kahinaan. “Ikaw na lang ang pag-asa ng mga bayan namin.” Lubos akong nadala sa mga pinapakita niyang emosyon. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa loob ng mga mata niya. Kahit anong pag-aaral ang gawin ko, tanging ang nangungusap niyang mata ang nagwawagi sa wisho ko. Bakit, para saan ang pag-akto niya ng ganito? Bakit—bakit kailangang manubig ng kanyang mga mata? Ganun ba niya ako gusto mapaniwala? Humugot ako ng hininga at napahakbang papatalikod, habang titig na titig na nakatingin sa kanya. Ang pinaka-malaking tanong sa akin, bakit parang naniniwala ako? “Hindi ko alam.” umiiling kong saad. Ganun ba talaga ako kadaling lokohin? “Bakit?” bumagsak ang tingin niya sa pag-urong ginawa ko. “Hindi ko rin alam.” mabilis na gumalaw ang mga paa ko, tinahak ko ang daan papunta sa pinto. Binuksan ko yun at tumakbo sa labas. Alam kong nakatingin siya sa akin, pero hindi ako pwedeng magpadala ngayon sa mga kasinungalingang yun. Yung pinakita niya sa akin ang nagsasabing mas mapapahamak ako kung mananatili pa ako dito. Hindi pangkaraniwan ang mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD