Kolas's POV
Nahuhulog ako.......nahuhulog ako...na-hu--hulog a--ko...
Biglang nabuhay ang diwa ko sa napagtanto. Nahuhulog nga ako!
Dahil sa adrenaline, nagpanic ako at nataranta. Pero bakit ganun? Di ako makagalaw.
Wala akong makita kundi purong itim. Ang aking kamay at paa ay parang nadadagganan ng mabigat na bagay. Di ako makagalaw. Teka, anong nangyayari?! Sumikip pa lalo ang dibdib ko sa pagkataranta. Kahit anong pilit kong galaw wala ni isa sa katawan ko ang rumorusponde! Wala, wala kahit isa!
"Teka, ano--ano yun?!"
Halos magsisigaw na ako sa loob ko sa naramdamang bagay na pumatong sa may parteng itaas ng kamay ko. Hi-hindi! Hindi yun bagay, kamay yun! Ramdam ko ang kalamigan nito at ang maunting paggalaw sa paulit-ulit na pagtaas at pagbaba. Ewan ko kung bakit ako pinapakiramdaman nito!
Hindi naman nakakatulong yung ginagawa niya. Kung tumigil na kaya siya dyan para sa ganun magkasilbi naman siya at magising na talaga ako! Hindi ko kailangan ng pag-aalaga niya! Lalong lalo na kung galing sa mga taong hindi ko kilala!
Bwisit na to, sino ba kasi to?
"Aray--ah!"
Tumigil ang ginawa nito, at ngayon naman ay may kadiinang kumapit. Hindi, hindi! Hindi medyo lang yun! Ang sakit talaga, ang sobrang diin! Gusto ko na talagang magising at batukan 'tong taong to!
Sa di ko malaman dahilan mas dumiin pa ang kapit nito, may kasama na rin yung pagbaon ng kuko. Pakiramdam ko balak pa niya ata akong makasugat. Kainis!
Yung totoo, napapakiramdaman ba niya ako?! Pansin ko parang may galit siya sa akin eh.
"Magigising ka na rin." malamig na tinig ang siyang nagtatanging bumalot sa buong pangkinig ko. Narinig ko pa ang huling pagngisi nito bago ako nakaramdam ng biglang pagbigat ng ulo ko. Yun din naman ang paggaan ng katawan ko, kasabay ng pagbalik ng mga sensya ko.
Nahilo ako at nakaramdam pa ng iba't ibang bagay na nakadikit sa akin. Parang bigla rin dinagsa ng iba't ibang tunog ang pandinig ko. Ang nagpapaspasang maliit na hagin ang dumapo sa balat ko, nagalaw ko muli ang bawat parte ng katawan ko. Sinumulan kong huminga ulit ng normal, at kusang unti-unting bumukas ang mabibigat kong talukap. Kahit anong pilit kong pagmulat, ang karamihang nakikita ko ay ang malabong imahe na sumisilip sa kadiliman kong nakikita.
"Na--nasa-ah! Ah!" sanhi ng pagkatuyo ng lalamuunan, naubo ako. May dumalo sa kabila kong braso, kinapitan ako nun at parang tinutulungang umupo.
"Wag muna. Hayaan mo siya." pagpigil ng boses sa gilid ko. Matigas yun at ma-atoridad.
"Ngunit hindi pa niya kaya, baka----"
"Hayaan mo." pinal na pag-uulit nito, naging parang babala iyun kung hindi masusunod.
Sino sila? At nasaan ako?
"Ah! Ah!" pinigilan ko ang pag-ubo ko sa takot na pamahiya sa mga taong hindi ko pa sigurado kung kakilala ko. Baka mamaya nasa ospital ko o mga grupo ng kulto, ewan ko kung saan ako dinala nung payat na magnanakaw na yun.
"Wag mong madaliin. Hindi ka naman sugatan." naghalo ang paalalang may pag-aalala at ang pagka-sarkastiko nito sa huling sinabi. Ano daw?
"Ha?" deretsyo kong minulat ang mata ko, derestyo rin yung tumugma sa mukha ng isang babae. Nakangiti sa isang manipis na linya ang may kapulahan nitong labi, meron rin siyang buhay na buhay na mata. Nakataas rin ng kunti ang kilay nito, dahil siguro sa ginagawa kong panunuri sa kanya. May maputian 'tong balat at maliit ang matured niyang mukha. At isa lang ang masasabi ko, malakas ang kompiyansya nito sa sarili niya. Halatang halata eh, sobra-sobra ang aura niya, at kahit hindi sabihin parang nangangain yun ng prensya ng iba. Kabilang na ako roon.
"Ano, titingin ka lang ba? Di ka ba magtatanong." mas kumurba pa ang gilid ng labi nito sa pagngisi. Di naman ako kumurap sa mga titig niya, kahit na naiilang ako sa pagdapo ng hininga niya sa may leeg ko.
Oo, titingin lang ako. Sa lapit ng mukha niya eh magkakahingahan kami ng hininga. Paano, nakahalumbaba ito malapit sa braso ko, malapit rin sa tenga ko, kaya sa madaling salita napaka-lapit talaga ng mukha namin.
Tsk', sino 'tong babaeng to? Ang kapal ng mukha ah! Akala mo kaiganda-ganda para pumustura ng ganito kalapit sa isang lalaki! Nasaan ang respeto niya sa sarili?
"Oi, ilayo mo nga yang mukha mo." tinulak ko ang noo niya para mailayo ang mukha sa akin. Nanlaban ito pero inis rin na napa-ayos ng upo. Kunot na kunot ang noo niya sa sobrang inis.
"Dapat sinabi mo na lang." pumalya ang pinilit niyang ngiti. Nanatiling bagsak ang mata ko.
"Nasaan ako?"
Kahit anong tingin ko di ko matukoy ang lugar na to. Parang nasa maliit na kwarto ako. Ang digding ay purong bato at may mga haliging malalaking kahoy ang gitna ng lugar. Nang tignan ko ang hinihigaan ko, parang bigla akong nanlaki sa sarili. Paano, saktong sakto sa tangkad ko ang higaan. Hindi sa pinagkasiya ako, pero yung dulo ng paa ko ay nasa dulo na rin ng higaan. Ganun din ang ulo ko at ang gilid ko. Kunting galaw ay malalaglag ako. Sinabi ko naman, talagang saktong sakto ako.
"Iho, tubig oh."
Ngayon ko lang napansin ang isang matanda sa gilid ko, nag-abot ito ng isang maliit na basong kahoy. Tinanggap ko yun, pero parang isang lagukan ko lang ata to. Kung ihahalintulad, parang lahat ata ng bagay dito ang liliit, pero yung mga tao naman normal lang ang mga laki. Ano na ang nangyari sa kanila?
Kung titignan ko yung matanda, payat lang ito at medyo kuba, pangkaraniwang matandang nasa idadan na ng katandaan. Yung babae namang prenteng nakaupo sa kabilang gilid, kung iistemahin ko, baka nasa balikat ko to. Parang sa katulad kong may anim na talampakang taas, matangkad na siya para sa babae. Oh normal rin. bigsabihin hindi kanila ang lugar na to? Eh nasaan pala ako?
"Salamat po." tumango ako nang mainnom ang tubig, ngunit gumuhit ang masamang lasa sa lalamunan ko. Sumama ang tingin ko sa baso. Ano to, bakit ang sama?! Wala naman sigurong lason to no?!
"Iiwanan ko muna kayo." saad nung matanda na simpleng kinuha ang baso sa kapit ko. Napakalmado niyang umalis sa loob ng silid. Tsk', paano ko mapapagbintangan ang Lolo na yun?!
"Nagtataka ka siguro." panimula ng naiwa kong kasama. Tumaas ang baba nito sa pagsusuri sa buong expresyon ko.
"Oo, di ko alam ang lugar na to."
"Tama ka, hindi mo nga alam."
Nagtaka ako sa pagkawindang niya. Pakiramdam niya ata ang talino niya tignan porque wala akong ideya sa lugar na to. "Unang beses ko sa maliit na tirahan. Medyo naninibago ako."
Di nagbago ang expresyon ko sa panandaliang pagtaas ng kilay niya. Bumalik rin naman kaagad ang nakangisi niyang mukha. Yung totoo, iba ang pakiramdam ko sa babaeng to. Yung suot niya kasi, palda at long sleeves na pang-itaas. Mukha siyang conservative at matradisyon pero wala akong nakikitang babaeng babae sa expresyon niya at paggalaw, hindi tulad ng damit niya.
Kulay maputlang pula ang ang pang-itaas, samantalang ang palda niya ay kulay abo. Bagay sa kanya, oo, at kunti lang ang napapansin kong babae na kayang magdala ng ganyang klase ng damit sa panahong moderno ngayon, pero yung astahan niya, pamatay! Oo, talagang pamatay! Ang angas niya kasi, tapos parang ang yabang pa! Pamatay ng pagkadalaga yung buong expresyon at aura niya. Sayang, gusto ko pa naman ang mahaba niyang buhok.
"Wala akong ibang masasabi, kailangan mong masanay sa mga maliit na tirahan dito." makahulugan niyang saad.
"Teka nga Miss, pwede bang sabihin mo kung nasaan ako at kung paano ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko nasa mansyon ako, ano bang ginawa sa akin nung magnanakaw na yun? Hoy, kung kakilala ka niya, gusto kong ipaalam sa kanya na wala akong ibang hangarin na makilala siya. Tsaka sa mga oras na to, baka nakalabas na rin siya ng bahay. Ano pa ang magagawa ko, diba? Pauwiin niyo na ako."
"Pauwiin?" nangingkit na naghahamon ang nakangiti nitong mga mata.
"Oo, di mo ba ako nakinig? Ang sabi ko gusto ko nang umuwi, anong oras na ba? Tsaka kailan ako napapunta dito?"
Gumilid ang mata nito na tila nag-isip. "Oras? May mga sampong minuto ka lang na nakahiga dito simula nung dumating ka."
"Ganun ba? Eh yung nagdala sa akin ditong magnanakaw nasaan na ba?"
"Ah, sa mga oras na to baka----"
"Baka nakalabas na yun at nagbebenta ngayon." dugtong ko. May utak ako, natural naisip ko na ang posibilidad na yun. Nadala niya ako dito kaya ibigsabihin natapos na niyang hakutin ang mga nabitbit niyang mga ninakaw na gamit.
"Haha, hindi. Nagtratrabaho na siya ngayon sa isang konstraksyon nang isang tinatayong bagong paupahan." di niya nagagalaw na sagot. Pati nung ngiti niya di naalis.
"Ha? Di siya nakapagnakaw?"
Umiling to. "Hindi. Imposibleng manakawan niya ang mansyon."
"Edi paano pala ako napunta dito?"
"Ako, ako ang nagdala sayo dito."
Lubos akong napatitig sa mga mata niya. Naguguluhan ako, kung hindi nakapagnakaw yung tingting na lalaking yun, edi----naalala ko na. Dumiin ang pagkakatingin ko sa kaharap na babae. Siya yung naglalaglag sa akin sa hagdan.
"Nasa mansyon tayo. Tama ako , diba?"
Sigurado akong siya yung babae dun. Siya yung nakikita ko dito sa mansyon, kaya wala na kaming iba pang pwedeng puntahan. Bakit ba kasi ngayon ko lang naalala to?
Mas napangiti siya. "Tama ka, pero nalagpasan na natin ang mansyon."
Nalagpasan? Anong ibigsabihin niya dun?
"Nasa ibang lugar na tayo." dagdag pa niya. At katulad ng parang nabasa niya ang kasunod na tanong sa isip ko ay nagsalita muli ito. "Nasa Liwblus ka na ngayon."
Ah okay, hindi ko alam ang lugar na to.
Inuli ko paningin ko para alamin kung anong klaseng lugar 'tong tinutukoy niya. "Salamat sa tulong ninyo, pero pwede na ba akong umuwi?"
"Umuwi? Bawal."
Mabilis na bumalik ang attensyon ko sa kanya. "Bakit?"
"Bawal, dahil bawal lang." walang pakundangan siyang ngumiti pa lalo. May kakaiba talaga sa babaeng to kung bakit ang bilis kong maasar sa bawat kaunting expresyon niya at paggalaw. Yung paraan din ng pagsasalita niya di ko gusto. Bawat imik niya para siyang nag-uutos. Sino siya sa tingin niya?
"Doktor ka ba?"
"Hindi."
"Edi wala sayo ang desisyon. Tsaka kahit papuntahin mo dito yung nagtulong sa akin kanina, nasa akin pa rin kung uuwi na ako." inayos ko ang sarili ko para makatayo. Akala ko nagbibiro lang isya kanina nung sinabi niyang wala akong sugat, pero tama nga siya, wala nga akong naramdamang masakit sa akin. Ibigsabihin wala akong naging sugat sa pagkahulog ko?
Teka, merong nasa likokd ko nung nahulog ako. Ano nga ulit yun? Tinignan ko ang kung anong bagay ang nakapulupot sa katawan ko, pero nagtatanging damit ko lang ang nakadikit sa akin. Ano yung natatandaan ko? Parang may malambot na bagay akong nadama kanina sa likod ko bago pa man ako nalaglag. Sigurado ako dun, pero di ko lang matukoy.
"Wala nga sa akin ang desisyon, pero siguro naman may utang naloob ka. Ako ang nagtulong sayo para makapunta dito, di ka man lang ba magpapasalamat?"
Naku, medyo alinlangin ako sa ngisi niya. Sa tingin ko mamanipyula 'tong babaeng to. Ano naman kaya ang hihilingin niya?
Nagpatay malisya ako sa makahulugan niyang sinabi. "Di ka ba nakinig? Ang sabi ko kanina salamat? Di pa ba sapat yun? Kung may inaasahan ka sa akin, walang akong pagmamay-ari. Wala rin akong pera, pero kung swesweldo ako, bibigyan kita. Wag kang mag-alala. Sabihin m olang kung magkano yug nagastos mo, babayaran kita kahit hulugan. Mahirap lang ako kaya iipunin ko, kung matagalan, yun na yun pero di kita tatakbuhan. Magbabayad ako depnede sa mapapag-usapan."
Sa buong oras ng pagsasalita ko, nawala ang kanina niyang mga pagngisi. Pati ang emosyon sa mata niya ay nawala at napaltan din ng pagkaseryoso. May gumuhit na reyalidd sa mukha niya. Bakas doon ang pagkabigla at ang kaliwanagan sa mood niya. Akala niya siguro jackpot na sa akin. Tsk', di niya ata alam na normal na hardinero lang ako.
Ha, siguro nag-iisip na siya ngayon ng pwede niyang makuha sa akin? Parang di niya ata inaasahang magbabayad ako. Loka-loka 'tong babaeng to. Siya na rin yung nagsabi na wala akong natamong sugat tapos pagkakaperhan pa ako. Aba, ibang klase talaga ang tao sa panahon ngayon.
"Talaga? Magbabayad ka?" bumalik ang sigla sa boses niya. Sus, bakit hindi pa siya dyan tumawa ng malakas? Alam kong pakiramdam niya ngayon na nakakataas siya sa akin sa kadahilanang may utang na loob ako sa kanya. Utang na loob nga ba talaga? Pakiramdam ko utang na walang katapusang bayarin lang yun para sa akin.
"Oo, pero a iisang presyo lang ako magbabayad. Kung ano yung nagastos mo, sana sabihin mo ng buo para mapag-ipunan ko. Miss, sinasabi ko sayo maliit ang sweldo ko kaya kung may iiasa ka sa aking araw ng bayarin o obligasyon, ngayon palang sasabihin ko na sayo--- di ko kayang bumuhay ng ibang tao maliban sa sarili ko. Masyadong liit ang kakayanan ko, kaya makakapag-intay ka ng matagal-tagal, depende sa taas ng presyo na iaalok mo."
Yung seryoso, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko gustong bumuhay ng ibang tao. Kaya kung may kapatid siya o ibang tao na tutulugnan gamit ng perang inaasahan niya sa akin---ay dun palang, yun na yung ibigsabhin kong wag niya sa akin iiasa ang ganung obligasyon. Wala akong balak na makisali sa problema ng iba, lalo na yung magiing parte pa ng obligasyong hindi sa akin. HIndi ako aako ng hindi ko pansarili. Nabubuhay na ako ng mag-isa, mananatiling ganun yun. Hindi ang utang ko sa kanya ang makakapagpabago sa kung paano ako mamuhay.
"Mabuti naman at marunong kang tumanaw ng utang na loob. Iba ka para makita ang mga bagay-bagay na hindi nakikita ng iba." napako ang tingin niya sa akin.
Ngayon palang hinahanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang sunod nyang sasabihin. Ayan na nga po, nagkwekwenta na po siya mga kaibigan!
"Sige, pwede mo akong bayaran, pero hindi sa paraang gusto mo. Gusto kong manatili ka dito."
"Manatili? Di--to?" di rumihistro sa akin yun.
Ewan ko ha, pero kung titignan 'tong lugar na to, nasa iisang kwarto kami. Tapos gusto niya akong manatili dito?! Mawalang galang na pero wala nang ibang tao dito! Siya at ako lang, kami lang! Idagdag pang babae siya a lalaki ako, hindi ba parang ang sama naman nun!
"H-hindi ko ata maintindihan?" di ko masigurado ang sasabihinko. Di ko rin masigurado kung tama ba ang tumatakbo sa isip ko. Pero ang hilingin ang isang ganung kabulgar na bagay sa casual na tono, hindi ba't parang ang desperado naman niya ata!
Aba, mabuti pa ako walang ibang hangarin kundi makapagbayan. Eh etong babaeng to, parang may topak para mag-alok ng ganyan! Gawin ba namang sensual na bagay ang pagbabayad ko! Ano siya, hibang?!
Maayos ako na lalaki no, hindi ako pumapatol sa basta kanikanino lang! May respeto din ako sa babae kaya wag na wag niya akong ipitin sa salitang 'pagbayad', dahil sasabihin ko sa inyo---Wala talaga siyang mapapala sa akin!
Hindi ako desperadong magkameorn ng katipan o ng pamilya, may utak ako at mabuti akong tao! May katinuan ako para hindi sumabak sa mga hindi pinagplanuhang bagay! Tsaka kababae nyang tao, ganyan ang hangarin niya?! Di man lang siya pumili ng ibang lalaki?!
Alam kong medyo gwapo ako, pero hangang medyo lang yun! Kawawa ang magiging buhay niya, dahil kahit akuin ko pa man ang magiging bunga ng kasalanan na gusto niyang gawin, hindi mabibili ng itsura ko ang mabuting buhay na kailangan nila!
Tsaka, maawa siya sa sarili niya. Medyo maganda siya, paniguradong marami pa siya dyang makukuhang iba na mas kaya siyang buhayin. Pwede rin isyang pumili ng pangit, at least yun makakapagbigay ng pera kung sakali mang magipit siya. Di lang yun, mamahalin pa rin siya nun ng tunay. Oh liligaya pa siya!
Napailing na lang ako sa rumagasa at namuong ideya sa utak ko. "Miss, magulo ka."
Ako---ako--ewan ko, pero yun ang naiisip ko sa kalagayan namin ngayon. Kahit anong pilit kong ibang rason wala nang iba pang dahilan kung bakit kailangan kong manatili pa dito!
"Ano ang hindi mo naiintindihan? Halata na naman ang mga bagay." tanong pa niya. Ay Disyo ko po!
Wala akong ideya kung gano katigas ang mukha niya sa pagbanggit nan, pero nagpapaslamaat ako at nakapit ako, masasapo ko ng mabuti ang noo ko. Ang sakit ng babaeng to sa ulo.
"Wala, wala pa rin akong maintindihan. Miss, kailangan kong umuwi. Di mo ba naiintindihan yun?"
"Para saan pa? Sa pagkakatnada ko wala kang pamilya. Mag-isa ka lang diba? Wala ka ng dahilan para bumalik."
Ginulantang ako ng mga nalalaman siya tungkol sa akin. Paano sya sobrang nakakatunog na tama siya?
"At tama ka, hindi mo kayang bumuhay ng isa." lumitaw ang siguradong ngiti at katatagan sa expresyon niya. "Dahil yung totoo, marami ka pang kayang buhayin bukod sa sarili mo."
Hindi, hindi ko kayang bumuhay ng pamilya no!!!!!!!!
Nababaliw na 'tong babaeng to! Wala akong balak buhayin siya o kung sino pa man yang sinasabi niya! Kailangan ko na talagang makaalis dito sa lalong madaling panahon! Delusyunada 'tong babaeng to!
"Ah Miss, kung ano man niyang sinasabi mo, pwede ba, wag ako? Iba na lang. Normal akong tao, may trabaho akong iniisip, wala pa ako sa mga ganyang obligasyon." natungo na ako sa sobrang kahihiyanan. Di ko inaasahang makikipag-usap ako sa babae sa ganitong paksa. Tungkol sa pamilya ang gusto niyang buoin sa usapang to, pero sa halip na sa pamilya niya siya makipag-usap, sa akin pa talaga? Ako na mawalang balak apakan ang gulo nun.
"Bakit hindi ikaw? Sakto ka sa kailangan ko." mabilis niyang dugtong.
Ayos lang ba talaga siya?
"Uuwi na talaga ako." umalis na ako sa higaan at tumayo na rin. Sinilip ko ang pwedeng labasan at iisang pinto lang ang meron, yung ginamit nung matanda kanina.
"Hindi ka ba nagtataka sa magnanakaw na nakita mo sa mansyon?" biglang pag-iiba nito ng usapan. Nakuha niya ang attensyon ko. "Alam mo bang nahuli siya?"
"Nahuli?"
"Oo, nahuli siya ng baranggay. May nakakita at may nakakilala sa kanya nung lubas sa mansyon nung kinaumagahan. Ayun, nahuli siya."
Ang weirdo ng pagkakangiti niya. Niloloko ba niya ako?
"Pero ang sabi mo nagtrartabaho na siya ngayon sa konstraksyon?"
"Oo, nagtratrabaho na nga siya doon. Di naman ako nagsisinungaling. Syempre, pagkatapos ng kaso niya naging matino na siya, kaya ngayon ay nagtratrabaho na siya ng maayos."
Natapos na kaagad? Paano?
"Ilang araw ba akong naandito?"
"Sampung minuto lang, wala pang araw." naging mas malinaw pa ang pagngisi niya. Wala akong nagugustuhan kung saan papunta ang usapang to.
"Oh, eh ano yung inasabi tungkol dun sa nagnakaw? Nagsisinungaling ka?"
"Sinabi ko sa iyo hindi ako nagsisinungaling."
Sinong maniniwala ngayon sa sinasabi niya? Ang gulo-gulo na ng pagnyayari. Tsk', wala na akong pakielam kung ano pa ang sabihin niya.
"Uuwi na ako. Bahala ka na sa buhay mo." hinanap ko ang jacket ko, nakita ko yung nakasabit sa alambreng nakatali sa kisame.
"Hindi ka makakaalis, sinabi ko sayo nasa Liwblus ka. Kailangan mo ang tulong ko para makauwi ka."
"Miss, ang lakas ng kompiyansya mo sa sarili. Kahit nasaan pa ako, kaya kong umuwi. Di ko kailangan ng tulong mo, di naman to ibang bansa para mamulubi ako."
"Hahaha, paano ka nakakasigurado? Bakit, sanay ka bang laging meron para hindi mamulubi?" pagkatamis-tamis 'tong tumawa. Napakababae nun pakigan, talagang masarap sa tenga. At aminado ako, nagdudulot yun ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pero hindi ako tanga, napaka-imposible sa akin na hindi lumutang sa pandinig ko ang panlalait niyang pinupunto.
"Hindi, sanay akong naghihirap sa lahat ng kailangan at nakukuha ko. Hindi sa lagi akong meron, pero at least kaya kong makuntento sa kung anong meron ako kahit kaunti pa man. At kahit mamulubi man ako, kaya ko pa ring makameron."
Muling gumuhit ang pagkagulat sa kanya, mabilis na nawala ang ngisi niya. "Oh, talagang pinahahanga mo ako."
"Wala akong pake sayo." binalewala ko ang lahat at binuksan ang pinto, nakakita ako ang mahabang maliit na mala-kahong daanan. Tila ba ginuhit ang daan sa ilalim ng lupa, di ako makapaniwala. Nasa minahan kami?
"Sinabi ko sayo, kailangan mo ng tulong ko para makauwi. At lilinawin ko, hindi ako nagsisinungaling. Pwede kang magtanong kung anong koneksyon ng pagkagising mo dito sa ginagawa ngayon ng magnanakaw, pwede kong ipaliwanag ang oras kung, kung magtatanong ka lang."
Masyado akong nahumaling sa pwedeng maging kasagutan niya. "Sige, ipaliwanag mo."
"Totoo yung tungkol sa magnanakaw, may matino na siyang trabaho, at nagbagong buhay pagkatapos nang mahuli siya. Totoo rin na sampong minuto ka lang natulog simula nung dumating tayo rito. Tama ka rin, tama na nanggaling tayo sa mansyon, pero katulad ng sinabi ko sayo, nalagpasan na natin ang mansyon. Ang ibig kong sabihin---"
"Ang ibigsabihin nasa ilalim tayo ng lupa kung saan nakatayo ang mansyon. Nasa taas yun, diba?"
"Hahaha, mali. Wala tayo sa ilalim ng mansyon."
"Edi nasaan?" masyado akong pinaglalaruan ng babaeng to.
"Kalma, sasabihin ko rin naman kung hindi ka sabat ng sabat dyan." tinansya pa niya ang reaksyon ko kaya nagtango ako. Nagpatuloy to. "Oo, galing tayo sa mansyon. Pintuan kasi yun para makapunta dito sa Liwblus."
"Teka nga kanina ka pa Liwblus ng Liwblus, ano ba talaga ang espesyal sa lugar na to? akala ko nung una maliit na clinic, tapos nung pumunta ako sa labas, nasa ilalim pala tayo ng minahan? Ano ba talaga?"
"Buti naman at naitanong mo. Yan ata ang pinaka-maganda mong tanong ngayon."
Umikot ang mata ko sa pang babata niya sa akin. Kung makapagsalita kasi siya parang wala talaga akong alam.
"Kung papansinin mo, magkaiba ang oras dito sa alam mo. Gayun ding magkailba ang alam mong lugar dito sa Liwblus." bumagsak ang boses niya sa kaseryosohan. "Dahil wala ka na sa mundo ng mga tao, nasa mundo ka na ng mga Liwblus."
Hmmmm.....ano ba? Ano bang tulong ang pwede kong ibigay sa kanya? Ang dami niyang pinagdadaanan ah, ngayon naiintindihan ko na.
"Ah oo, Liwblus. Pero Miss, gutom ka na ba? Gusto mong kumain, gutom na rin kasi ako." pag-aalok ko. Sa isang iglap, nawala ang inis ko sa kanya, napalitan yun ng awa. Kanina pa ako nalilito kanina sa mga sinasabi niya, nakakainsi at hindi ko kinuhang senyales yun ng kasalukuyan niyang konsdisyon.
Kolas, parang hindi ka tao! Bakit hindi mo kaagad siya inintindi kaagad?! Nasa harap mo na nakalatag ang katotohanan oh, tapos patuloy mo pa siyang binibigyan ng stress?! Ano ba naman yan, parang wala kang puso!
"Hindi ako gutom. Pwede ba, seryosohin mo ako?" tumalas ang boses niya, pati na rin ang tingin. Mas lumalim pa ang paglisik niya. "Seryoso ako. Hindi to buhay ng mga tao, mundo to ng mga Liwblus. Yung kanina? Hindi nagtutugma ang mga nalalaman mo sa oras dahi magkaiba ang mundong ginagalawan mo noon sa mundo dito. Kung papansin mo, mas mabagal ang oras dito. Kaya nalipasan na ng araw yung nalalaman mo sa kasalukuyan, iba na ang nangyayari ngayon doon. At dito naman, tamang sampung minuto ka pa lang naandito. May ilang araw ang katumbas ng minuto dito sa Liwblus."
Kitang kita ko ang passion sa bawat pagpapaliwanang niya. Grabe, mas natatakot ako sa kanya. Paano ko siya seseryusohin?
"Dahan-dahan ka lang, inintindi naman kita."
"Wag mo akong pakalmahin. Kalmado ako, ikaw ang kailangan huminahon. Marami ka pang kaialgan intindihin, ihanda mo ang sarili mo." babala pa niya. "Ikaw naman ang tatanungin ko para mas madalian ka. Wala ka bang naaalalang kakaiba sa mansyon? O kahit sayo simula nung mapaapak ka doon?"
Ayaw kong bigyan ng pansin ang tanong niya, pero hindi ko maiwasang isipin ang mga misteryoso naranasan ko nitong mga nakaraan. Kung usapang kakaiba, napaka-kakaibang kaya niyang banggitin ang tanong na yan.
Ayaw kong maniwala sa Liwblus-Liwblus na to at sa iba pa niyang kwento, pero--pero nakakatakot nga kung anong misteryo ang nararanasan ko.
"May nakakalimutan ka ata." ngumisi siya sa pagtayo. Nabahala ako sa paglapit niya. Titig na titig ako kung paano nagbago ang aura sa kunting pagngisi niya. May panibago ako ngayong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Kakaibang pagbabago ang meron siya. "Ano nga, Kolas?"
Kolas?
"Kolas."
May naalala akong bulong sa kung paano niya banggitin ang pangalan ko.
"Kolas."
Sumakit ang ulo ko. Naalala ko ang malamig na tinig.
Pilit kong nilabanan na hindi ipakita ang epekto sa akin ng nangyayaring pagsakit ng ulo ko. Di ko tinangal ang tatag ng tingin ko. Ayaw kong matalo sa lakas ng loob niya, hindi pwedeng makita niya na naiilang ako.
"May natatandaan ka na ba?" sumunod ang mata niya sa pagkakatingin ko habang ginilid ang ulo, dahan-dahan siyang tumungo malapit sa tenga ko. "Kolas."
Kinilabot ako sa paghampas ng hangin sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagngisi niya. Paano niya ako nakilala?
"Kailangan mo na ring makapasok kaagad sa madaling panahon. Nauubusan na tayo ng oras."
"Pumunta ka sa paahan ng hagdan, malalaman mo."
"Kolas."
"Kolas."
Nanlaki ang mata ko, sobrang kumabog ang pintig ng puso ko. Siya yung babaeng nasa panaginip ko!!!
Sa bawat pikit ko, naalala ko ang mga panaginip ko nung mga nakaraan. Naging alala ang bawat isa na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakalimutan ko man yun sa paggising ko, pero ang pagkakapamilyar ko ang nagsasabing naging parte ng reyalidad ang panaginip ko.
"Si-sino ka?" kabado kong pinakiramdaman ang paghinga niya. Pero hindi ko nakikita ang mukha niya kaya't wala rin akong ni isang ideya kung ano ang sasabihin niya.
"Morha." mas nilapit pa niya ang labi sa tenga ko.
May panibagong ideya ang pumasok sa isip ko. Namuo ang dugo ko sa ulo para sa senyales ng inis.
"Morha."
"Morha?" pag-uulit ko. Nakinig ko na nga yan!
"Ikaw yung babaeng humatak sa akin kaya ako nahulog sa hagdan!"