Morha

4547 Words
Kolas's POV Nagmadali akong sumilong sa maliit na bahay na pinaglalagyan ng mga panlinis ko. Di pa ako basa pero may kunting inis na kong nararamdaman. "Tsk', bakit bigla-biglang uulan? Hindi naman ganito kanina ah, ang tirik pa nga ng araw." nilabas ko ang kamay ko sa di nasasakop ng puwesto ko, nabasa yun sa kunting patak na nanggaling sa langit. "Paulan na nga to." Nang tignan ko ang kalangitan, maulap na at tago na rin ang araw. Pakulimlim na. Tsk', mas lumakas pa ang ihip ng hangin. Mahihirapan ako nitong makauwi. At ang maantak pa nito, uuwi ba ako? Linggo ngayon at hanggang alas-siete dapat ako ng gabi! "Ha?!!" umawang ang bibig ko sa gulat. Totoo ngang ang bilis ng oras, alas-cinco na kaagad! Kung sa normal na araw to makakauwi na ako pero ngayon, may dalawang oras pa?! Tsaka sa pagkakatanda ko, alas-dos ko kausap si Mang Patty, edi sa mga ganung oras ako nakatulog? Alas-dos hanggang alas-cinco?! Ang tagal ng tulog ko! Parang di ko nga naramdamang iglip man lang iyun. Di nanakit ang batok ko samantalang nakatungong nakatungo ako kanina. "Ano aalis ba ako?" ng-aalinlangin kong tanong sa sarili. Gusto ko nang makauwi pero kung halos wala naman pala akong ginawa sa trabaho, paano ako makakaalis ng ganun? "Bahala na nga! Mabilis ang oras, oh edi patunayan niya! May dalawang oras na lang ako, siguro naman di ko na rin mamalayan yun!" umupo ako sa tabi at doon sinalampak ang mga gamit. Nabalakan kong intayin ang oras. Ayaw kong umais kaagad at parang dinaya ko naman ang nagpapasweldo sa akin. Kumain na lang ako ng pandesal, wala naman magagawa. Inaliw ko ang sarili sa pamamagitan ng pagmasid sa paligid. Kung paano bumagsak ang ulan at kung paano magulo ang paligid sa simpleng paghangin, lahat yun binagot ako! Bwisit, iisang lugar lang lagi ang nakikita ko! Wala na bang iba?!!! Ang kalaban ko talaga sa trabahong to ay yung puno, mga dahon, oras, at pagkakaaliwan! Isa pa 'tong mansyon na to! Nilingon ko ang gilid ko, kahit malayo ako ay may iba akong nararamdaman sa presensya nito. Tsk', kung may ilan oras pa akong mag-iintay nang walang kasama, at puro ulan lang ang makikinig ko, di ko maiiwasang gumawa sa imahinasyon ko ng mga nakakatakot na bagay sa bahay na to. Tignan ko lang yung bintana parang may nanunuod na naman sa akin. Ano ba yan? Dapat ba talaga akong mag-intay dito? "Naku, wag ngayon." naalarma ako at medyo tumuon papaunahan dahil parang may nahagip ang mata ko, may anino na naman sa bintana!!!!!! Mabilis akong tumungo sa may kagat kong pandesal. "Wag na, wag na. Wag na lang." paulit-ulit kong bulong. Kailangan kong mag-isip ng iba! Ayaw kong tumingin doon! Nanginginig ang pandesal sa kapit ko. Di ko alam kung sa lamig ba to ng paligid o dahil--dahil sa--sa, hindi! Sa lamig lang talaga to! Hindi ako matatakuting tao, ang laki ko kaya! Hindi ako matatakoting tao, ang laki ko kaya! Ano suntukan pa kami dyan eh?! "Kalma lang, walang takot dito." pinanatili ko ang mga titig ko sa unahan. Tumitig lang ako sa kawalanan. Pakiramdam ko pinagtri-tripan na naman ako ng mga bagay na hindi ko nakikita. Ang hirap talagang mag-isa. Ang ibigsahin ko, yung mag-isang ka tapos ikaw lang mag-isa sa bahay habang may pinapanuod na horror movie, yun! Yun ang pakiramdam ko ngayon! Tsk', alangan namang mahirapan pa akong mabuhay mag-isa na talagang ang ibigsabihin ay solo. Ang tagal ko na kayang ginagawa yun, wala akong problema dun. "ERNGK! ERNGK!" Alam ko na ang tunog na yun. Napapikit ako ng madiin. "Naku Kolas, hangin lang yun. Malakas lang kaya nagalaw." Buti talaga at wala akong dalang kape, kundi baka kung ano-ano na ang nagawa ko ngayon. Baka atakihin ako sa puso pag may iba pang nakakatakot at nakakabiglang bagay ang---- "ERNGKKKKK! ERNGKKKKK!" Mabilis na mumulat ang mata ko. Nagulat ako at marahas ng tunnog ng gate. Sa sobrang lakas nun akala ko may nagbukas kaya napatayo ako. Ano kaya yun? Ngunit nang lingunin ko, medyo nakaawang lamang to. Ang kaninang saradong gate ay ngayon'y bukas na. Medyo gumegewang pa ito dahil sa hangin, kitang kita na nabuksan nga. Pero paano? Ang bigat-bigat ng gate, tsaka sinigurado kong nakalapat talaga yun kanina. "Wag mong sabihing....." nilabanan kong pumihit ang ulo ko palingon sa bahay. Maniwala kayo, ayaw ko pero---pero gusto ko lang makasigurado. Meron lang akong kuryusidad na gusto kong masagot. Kolas, sigurado ka ba sa gusto mong gawin? Tanong ko sa sarili ko. Kahit ako mismo sa sarili ko walang tiwala na kung kakayanin ko ba ang makikita ko, kung meron nga. Kung me-meron nga bagay sa loob ng bahay. Gamit ng isang nakabukas na mata, unti-unti kong tinignan ang bintana ng mansyon. Eto na yun, dito na ako makakakita ng dahilan para hindi na bumalik dito sa mga susunod na araw. Sigruo kung may mga rason dati na biglaan para masisente ako, etong sa trabahong to, eto na yung oras na yun. Paniguradong wala na akong trabaho bukas. Tumigil ang paghinga ko nang matanaw ang isa sa mga bintana. Napabuntong hininga ako, walang nagbago sa loob at nanatiling may kunting bukas ang kurtina katulad ng mga nakaraang araw. Nakahinga ako ng maluwag sa nakita. "Okay, wala naman palang dapat isipin. Masyado ata akong kabado. Hahaha, malakas talaga ang imahinasyon ko. Mahirap talagang maging matalino." saad ko sa kalagitnaan ng pagbalik sa pag-upo. "BUGSHHHHH!" Umm, okay? Hindi na ata ako makakaupo ulit. Nanigas ako sa isang may asiwang posisyon. Ngunit hindi man lang nangalay ang pang-upo ko na nakatigil sa hangin, nakaangat yun at malapit na sa pag-upo pero di ko pa nagawa. At parang hindi ko na nga matutuloy pa. "Siguro oras na para umuwi." mahina kong bulong. Oo, uuwi na talaga ako! Hindi pwedeng hindi! Sigurado akong yung ingay na yun ay galing sa loob ng bahay, at WALANG TAO dun ngayon!!!! Imposibleng imahinasyon ko na to ngayon! Ni minsan hindi ako nakakita ng gumagalaw sa loob kaya kung merong gumawa ng ganung ingay, pasensyahan kami ng may ari nito, pero kailangan niya akong bayaran kahit di ako nagtrabaho ngayong araw na to! Aba, ang abnormal ng bahay niya! Ang hirap tiisin nun! Tsaka hindi ko kasalanan kung bakit hindi ako makapagtrabaho, sisihin niya yung bagay na nasa loob ng bahay niya! Ayaw akong pagtrabahuhin ng matino nun! Normal lang akong tao, siguro naman kahit sino gagawin ang gagawing kong pagtakbo ngayon. At kung masisisante man ako, ayos lang! Hindi ko na kayang makipagpakiramdaman pa sa bahay na to! Bahala sial sa pera nila, di na ako tatanggap ng trabho dito! Ikakamatay ko ng maaga kung magbubulag-bulagan pa ako sa mga bagay-bagay dito!!!!! "BUGSHHHHH!" "Aha! Tama nga! Uuwi na ako!" may kompiyansya kong pinagtulakan sa sarili ang lakas ng loob para tumayo at kunin ang mga gamit ako. Nagmadali akong tumayo, nagsuot ng jacket at naglakad ng mabilis, habang nakatungo. Di na ako titingin pa, baka di na ako makabalik sa bahay ko at himatayin ako dito. Kung ano ang nangyayari sa loob, wala na akong pakielam! Mag-ingay sila ng mag-ingay dyan, tapos na ako sa lugar na to! "WOSSHHHH!!!!" Biglang lumakas ang hangin, napalad ang ibang mga dahon at miski ako ay kailangang mapatigil sa sobrang lakas nun. Pumasok ang hangin sa loob ng damit ko, may kasama yung tubig mula sa ulan kaya't nakaramdam bigla ako ng matinding lamig. Madilim ang kalangitan, gayun din ang paligid. Ang mga poste ay nagsisigalawan sa kunting pag-iba ng hangin. Maraming basura at iba't iba pang bagay ang nagsisiliparan rin sa kalsada. Samantala ang ulan ay palakas pa ng palakas. Gumawa na rin iyun ng mga kunting pagtaas ng tubig sa gilid ng daan. Mukhang delekado ang magiging pag-uwi ko. Nawala nang panandalian ang takot ko sa mansyon, mas iniisip ko ang kapakanan ko kung tutuloy pa ba ako. Kung magtatagal ako, baka tuluyan na akong hindi makalabas dito kung sakasali mang mas lumakas pa ang ulan. Pero hindi rin sigurado yun at wala naman akong balita na may bagyo ngayon. Baka mamaya tumila to, masasayang naman ang pagbubuwis ng buhay ko sa paglalakad ngayon kung ganun. At kung mananatili pati ako, bukod sa ligtas akong makakauwi namamaya, matatapos ko pa ang oras ng trabaho ko. Kesa kung aalis ako ngayon, hindi ko na alam yung daan tapos dinaya ko pa yung may nagpapasuweldo sa akin. Sobrang akong nakakapanghinayang at makokonsensya kung ganun. Mabuti na yung nakakatakot nilang bahay ang may kasalanan kung mawawala man ako at hindi yung makikita nilang ugali ko mismo ang masisisi nila para sisantehin ako. Winalang bahala ko ang pagbalik sa dati kong kinakaupuan kanina. Oo, mag-iintay na lang ako kesa maabutan pa ako ng kung anong disgrasya sa daan. "DUGSCCHHH!" Isang pagkidlat na may kasamang pagkulog ang dumaan. Parang nabingi bigla ako. Nagpapasalamat ako at pinili kong bumalik. Kung hindi, baka nagtatatakbo na ako ngayon sa ilalim ng ulan at walang kasiguraduhan sa buhay. Aba, walang nakakaalam kung saan tatama ang kidlat. Lahat ng lugar ay may posibilidad. Basta bumigat ang tubig sa ulap, magkakameron ng kidlat. Lahat ay pwedeng hatawin at tamaan nun. "Elementary, huh?" nakatingala kong saad. Noon ko pa ata nalaman ang tungkol dun. Highschool naman simula nung natutunan ko ang Physics at ang rason kung bakit kumikindat. Basta may maraming positive atom charges sa lupa, kokonektahan kaagad yun ng mga negative charges galing sa ulap. Balanse at boom! Kidlat! Sa ngayon yan ang problema ko kung bakit tumanda na ako ay hindi pa rin ako makalusong sa ulanan na may dalang kidlat. Ayon sa nabasa ko dati, mas mainit daw ng limang beses ang hangin na paligid ng kidlat kesa sa paligid ng araw. Oh, gaano kainit yun? Tusta kahit sino dun. Eh ang tanong kanino tatama? "Ano ba yan?" pagkamot ko sa batok. Pagmas marami atang nalalam, mas nadami rin ang isipin ko. Pero ayos to, kahit paano ay meron akong ibang naiisip. Naaaliw ko ang sarili. Isa pang paksa at baka matapos ko na ang oras ko dito nang hindi nababahala sa ingay nung bahay. Hanggang ngayon kasi matunog pa rin yung gate. "ERNGKKK!" Hay, kailan ba matatapos ang ingay na yun? Talagang sinusubukan ako ng bahay na to ah. "BUGSHHH!" Okay! Tapos na! Hindi na ako pwedeng mag-intay! Aalis na ako! Nawala ang ibang isipin ko tungkol sa kidlat, kaya nawala na rin ang pagkahinahon ko. Unting oras lang talaga ang pwede kong itatak dito! "BUGSHHHHH!" Mas lumakas pa ang galabong. Pati ang pintig ng puso ko bumilis rin. Nanlaki ang mata ko at napatayo. "Dumadami na yung ingay talagang pinapaalis na ako!" Wala na to! Ayaw ko na! Hindi pwede to, palapit ng palapit yung tunog! Delekado ako! "O-oh, oh?! Tignan mo nga naman, ha-ha-ha." pilit ko g pagtawa sa oras. "Alas s-siete na? Ang bilis ng oras oh! Ha-ha-ha, aalis na rin pala ako! Bu-buti na-man. Di-di ko na kaila-ngan pa-pang mag-inta-y?" pagpapatatag ko sa sariling boses. Oo, alas-siete na nga. Uuwi na ako! Ngunit sahalip na magsimula nang maglakad, tinuktok ko ang relo ko. "Imposible, nagloloko lang to!" inis kong giit. Pero sinong niloko ko, kahit yung telephono ko yun rin ang oras. Anong nangyayari?!!!! Kumain lang ako ng pandesal tapos naglakad ng pabalik-pabalik dito sa hardin tapos nakadalawang oras na kaagad ako?!!!! May hindi tamang nangyayari dito!!!! Naghalo ang panginginig ko sa takot at sa lamig. Sobrang nakabibingi ang pagtibok ng puso ko. Ganun din ang paghinga ko, parang wala akong maramdaman ibang bagay, kahit na yung ulan. Basta malamig lang at nakakatakot. Yun ang bumabalot ngayon sa pagkatao ko. "BUGSHHHHH!" Naputol ang pagkakatulala ko. Okay! Uwian na talaga! Puwersahan ang naging ngiti sa labi ko, sumulong ako sa ulanan at mabilis na tumakbo. Delekado ang daan pero delekado rin ang kaluluwa ko rito! Kailangan kong mamili, at yun ay yung kidlat! Bahala na sa kung anong pagsubok ang magsasagupa ko sa daan, at least yun may chansya pa akong makauwi. Tsaka kung madedo man ako, mabuti na yung sa normal na dahilan, hindi sa mga di ko makitang bagay. Mas may katarungan pa rin ang unang pamimilian. Maliit rin naman kasi ang posibilidad na matamaan ng kidlat. May pag-asa pa akong mabuhay. Naging mabigat ang paghakbang ko, gumagawa yun ng bakas sa bawat inaapakan ko. May bahagyang pagdiin ang natitirang marka sa lupa, basa na rin kasi ang pantalon at sapatos ko. Dahil dun, may putik ang dumikit. At dahil may putik, kakapal ng kakapal at padami ng padami ang bibigay na dumi sa sapatos ko. Tsk', dadami talaga ang humahadlang sa akin kaya mas kailangan ko pang bilisan. "DUGSCCCHHHH!!!" "WAH!!!" "Ah!! Tsk', bwisit oh!" nagulat ako ngunit nawala rin. May muling pagkidlat. Malayo naman yun pero ang lapit at lakas kasi nung tunog. Tsaka teka, tama ba ako? Parang may iba pa ata akong sigaw na nakinig? Kahit nasa kalagitnaan ng ulan at nababasa, lumingon ako sa bintana. "Imposibleng may multong takot sa kidlat." Sa di inaasahan, may liwanag ang siyang nanggaling sa langit na nagpanandaliang bumuhay sa buong kapaligiran. "DUGSCCCHH!" "WAH!!" Doon ko nakita ang isang lalaking nakatingala sa loob ng bahay. Ang isang kamay nito ay nasa dibdib, at ang isa naman ay nasa dingding. Nakanganga to at nakasulat na pagkabigla sa buong mukha. Di niya ata alam pero kahit na nasa loob ay kita ko pa rin siya. May tamang tama at saktong sakto kasi ang pagtigil nito malapit sa bintana. "Ay! Sobrang nakakatakot! Woh!" malakas na ani nito at buntong hininga habang nakapikit. Siya rin 'tong pinunas ang kamay sa noo na parang may pawis. Pagkatapos ay tumungo ito at parang may kinuha sa lapag. Dahil sa pag-usad niya, nakita ko sa likod niya ang malapad na kahoy na kanyang binibitbit. Kaso dumulas iyon sa kamay niya at bumagsak. "BOGSHHHH!" Bumagsak ang mata ko kasabay ng pagtaas ng gilid ng labi ko. Ayos ah, yung payat na lalaking yun pala yung kanina pa gumagawa ng ingay doon. Ha-ha-ha, siya rin yung kanina pa nanakot sa akin. Bwisit na yun! Mangloloob lang pala ng bahay, nanakot pa!!! "Tsk', sinabi na nga ba't may nang tri-trip lang sa akin." gigil kong bulong sabay tumawa sa mababang tinig. "Ha-ha-ha, tignan natin ngayon ang tapang mong bwisit ka." Suwabeng lumiko ang paa ko, hindi papunta sa palabas ng gate, kundi punta sa daan kung nasaan ang pinaka-pinto ng bahay. Papasok ako sa loob mga kababayan. Hindi pwedeng hahayaan ko lang siyang magpakasaya at magdiwang dyan sa mga kukunin niyang gamit pagkatapos niya akong linlangin na may mga misteryosong kaganapan ang nangyayari dyan sa loob. Ano sya, sineswerte? Ang dali naman ng buhay niya. Buti na lang at matalino ako. Aba, hindi pwede ang madaling buhay. Masyadong nakakainip yun, kailangan may kunting paghihirap rin. Buti na lang at naandito ako. Imposibleng di ako gaganti pagkatapos niyang magpakasal sa akin. Isa akong pantay na tao, para sa akin lahat ng maling ginawa ay may kapantay na positibong reaksyon ng pagtatama, kahit pa ang resulta nun ay nakakapinsala. Mas mabuti pa rin yung balanse. Lumakad ako ng tuluyan sa pintong bawal kong bukasan. Malamig ang doorknob nito pero wala na ang kabang dumadapo sa akin. "Ha-ha-ha." nagpatuloy ang mababa kong pagtawa. Hindi ko aakalaing bukas pala 'tong pintong to. Siguro ay binuksan na rin nung magnanakaw at dito niya sana itatakas ang mga nakuha niyang niyang gamit. Tama nga naman, mas mabilis tumakas kung sa mismong pinto lalabas. Bukod sa bawas enerhiya, bawas hinala rin. Natural, kahit sinong tao ang lalabas sa pinaka-main na pinto ay mapapagkamalang dito nakatira. Hahaha, oo madali. Madali kung wala ako dito. "Pasyensyahan na lang kami." may isang bahagi sa likod ng utak ko ang tumawa. Nagpatuloy ako sa loob. Malawak ang kabuoan ng bahay, ang salas ay may malaking espasyo sa bawat gamit, may mga naklob yun ng mga puting kumot. Sa unang tingin palang masasabing mayaman nga ang nakatira dito dati. Ultimo mga nakasabit na gamit sa dingding may mga taklob din. Siguro mahal ang bawat gamit dito. "Kaya pala nanakawan." ngayon di na ako nagdadalawang isip pa na maharaan yung magnanakaw. Tiyak maraming dala yun at walang papalagpasing gamit na kayang dalhin. Pag mga ganung tao, paniguradong marami silang kukunin. At hindi lang yun, ibigsabihin mahihirapan din silang magdala at makaalis dito. "BOGSHHH!" Tumaas ang kilay ko sa muling ingay galing sa taas. Hahaha, kung napa-pabor nga sa akin ang tadhana oh. Nasa aking kamay ang kamalasan ng iba. Talaga namang sineswerte ako oh. Inaral ko ang pwedeng maging pasikot ng bahay para humanap pa ng isang daan papunta sa taas. Di ko sigurado kung paano kami magkikita nang hindi nagkakagulatan. Dehado kasi ako kung 'magugulat' siya. Baka mapahamak ako. Ang sabi pa naman ni Mang Karding, palaban daw ang mga taong nanloloob ng bahay. Oo nga no, hindi ko naisip yun. Ano naman ang gagawin ko kung may dala siyang 'bagay' na pwedeng makapanakit? Napakamot ako sa ulo ko. "Paano nga?" Bakit ako pumunta dito ng walang plano? Ano ba yan, ang gusto ko kang ay manakot. Ohhhhh....manakot. Hinarap ko ang malaking hagdanan, mabilis akong napaurong. "Oh?! Totoo to?" Namangha ako sa taas at lawak ng bawat baitang ng hagdan. Sa sobrang pagkamangha ko, kinapitan ko ang hawakan. Oh, gawa yun sa makapal na kahoy na may magandang desenyo. Di ko mapigilan kapitan yun. Kolas, ngayon ka lang makakapit nito! Sulitin mo na! Baka malaki-laking pera ang ginastos dito! Malaking hagdan to oh! "Baka magka-pera ako bigla, hahaha." natutuwa kong hinimas-himas na parang bolang krystal ang hagdan. Grabe, may carpet pa. Akala ko sa movie lang may ganito. Mala-19's years ang tipo ng buong bahay. Okay to, pakiramdam ko nasa loob na rin ako ng buhay ng mga mamayanan. Oh teka! May dahilan nga pala kung bakit ako naandito!!! "BOGSHHHH!!" Naagaw ang attensyon ko sa ingay na tumigil sa tuktok ng hagdan. Sanhi yun ng mga nalaglagang mga gamit mula sa likod ng isang payat na lalaking may basa ring suot, nakatungtong siya sa pinaka-unang hakbang. Nakatingin rin to sa akin——sa akin na halos yumakap na sa dulo nitong hagdan. Nakanganga siya at parang di makapaniwala sa nakita. Ako rin ganun. Sa tingin ko hindi magandang sitwasyon ang kinakatayuan ko ngayon. Oh eh, ano kaya ang akala niya sa akin? Baka isipin niya loko-loko ako na may nakakadiring pagnanasa sa ganitong klase ng bagay. "Oi pare, magnanakaw ka rin?" tanong niya na halos mangalas na ang katawan dahil sa dami ng dala. Tsk', sino kaya sa amin ang magnanakaw? Eh halatang halata na siya. Tama nga ako, magdadala siya ng maraming gamit kahit di na kaya. Ang pinagtataka ko pa, bakit siya sumobra? Hindi lang kasi 'di kaya' ang meron siya, kundi imposible talagang dalhing nga gamit!!! May yapos-yapos 'tong salamin, isang box ng kahoy sa likod, mga nakataling iba pang maliliit na lamesa at upuan, tapos may mga nakasabit pa sa kamay niyang mga damit at tela! Napaka-imposible talagang matapos niya ang pagnanakaw dito nang walang naiihulog. Paano, eto ang itsura niya. Lubog ang pisngi, putla ang bibig at nakakanganga. Litaw na litaw tuloy ang dalawang malaki niyang ngipin sa unahan. Ang liit ng panga niya at ang laki ng nauuna niyang noo, pero sa tingin ko walang saysay yun. Parang di niya ata iniisip ang kalagayan niya eh. Sa patay niyang yan talagang naging ambisyosyo siya sa pagnanakaw niya?! Eh ke-dali niyang itumba. Tamo naman, pati laman niya nanginginig na sa bigat ng dala! Mas mabigat pa nga ata sa kanya yung salaming kinuha niya! "Ang bobo ng magnanakaw na to." sinapo ko ang ulo sa pag-iling. Akala ko palaban, yun pala sakiting magnanakaw ang makakasalubong ko. Parang ako pa ata ang nabaliktad. Ang malas ko ngayon at nasa konsensya ko pa kung pipigilan ko nga ba siya o hahayaan na lang lumabas. Ang tanga ko naman kasi kung hindi ko siya papayuhang itigil na yung ginagawa niya, at kung hindi ay baka maisugod ko pa siya dyan sa ospital pag nagkataon. At yung mga gamit, syempre ibabalik niya dapat yun. Madali lang naman ang kondisyon ko eh. Di ko siya huhulihin at isusumbong sa pulis kung di siya magnanakaw. Yun ay kung papayag siya. Ganun lang naman yun eh. Kung mag kukunin siya, pasyensyahan kami, kahit isang bagay pa yan ay ipapapulis ko pa rin siya. Walang kukunin, walang kaso! "Pre, sa—taas marami. Dun—ka pumunta. Sige ha, una na ako." pahinto-hinto nitong saad dahil sa hirap ng pagbubuhat. "Jackpot to, kaya damihan mo." Anong klaseng payo yan? Baka kamo—'Itigil mo at baka ikamatay mo'. Tsk', 'tong tingting na to ang lakas ng loob. "Oi, itigil mo yan. Bantay ako dito." matigas kong saad nang may lisik na tingin. Tumigil ang paglalakad nito at may minutong sinuri ang kabuoan ng katawan ko. Nag-alinlangin siyang tumingin sa likod. Naghahanap ata ng iba pang paraan. "E—eh, eh, ah—" kabado niyang di natuloy ang sasabihin. Ano ba yan, halata sa mukha niya na hindi talaga siya magnanakaw. Ang bilis matakot eh. Nanginginig pa. Oh, baka naman maihi pa siya diyan bigla? Grabe, ang lamya nito. "Itigil mo na yan kung gusto mong di makulon—-" "Hindi ako pwedeng makulong!" deklara nito at nagpanic na tumalikod. Pero bitbit pa rin yung mga dala. Wala siyang binitiwan. Nagpapatawa ba siya? Nagtataka na ako sa character niya ah. "Wag ka nang magmadali. Di ka rin naman makakapunta kahit saan." mabagal ang naging paghakbang ko pataas. Di ko pa rin sigurado at tamo, hindi pa rin niya kayang buhatin ang lahat ng kinuha niya. Mas mabagal pa siya sa langgam oh. Yan kasi ang gahaman. "Nahihirapan ka tuloy." ako na mismo ang napakamot sa ulo at di ko talaga matansya ang paghihirap niya. Nakatingin lang ako pero parang ako pa yung maiinis sa kanya dahil sa paghihirap na ginagawa niya sa sarili niya. Hay naku, ang bobo. "Hindi ko naiintindihan, pare. Kailangan ko talaga ngayon ng pera." mabilis niyang ani. Batak na batak ngayon ang litid sa braso niya sa pagpupumilit. Ay Diyos ko po! Talaga naman oh, kung di ka naman kasi nag-iisip! "Alam ko. Pero walang madaling nakukuha, kailangan lahat pag——hirapan m-o." nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang medyo nahilo ako. Di ko pinansin yun. "Pero hindi sa ganyang paghihirap. Malupit ang kap-alit n-ng mga madada—ling bagay, alam mo—ba yun?" Teka, dumudoble ang paningin ko. Grabe, ang sakit ng ulo ko. Parang may tumutusok! "Hindi, hindi! Hindi mo naiintindihan! Ka-i-la-ngan ko-ng ma-la-hat to!" mas pinuwersa pa niya ang sarili. Nakikita ko ngang wala siyang iiwanang gamit sa pagpupumilit niya. Ay ewan! Sapo-sapo ko ang ulo ko nang makalapit ako sa kanya, ngunit napako ang tingin ko sa maliliit na bagay na kumukutitap. May malaking aranya sa gitna ng hagdan dito sa taas, at napaka-ganda noon. Sa laki ng mga krystal na desenyo, nakaramdam ako ng pagkahilo. "Aray." pumikit ako sa sakit ng ulo ko, ngayon parang pinupukpok na ako. Sobrang nahihilo ako sa maliliit kong replikasyon sa loob ng mga krystal. Kung anong galaw ko ay siya ring galaw ng ibang ako sa salamin. Nakakahilonb pansinin yun. "Kolas." Pagbulong na dumaan sa tenga ko. Nangilabot ako sa sobrang bilis nun. "Tsk', sino ka naman?" mahina kong tanong. Kung ano-ano na ang nakikinig ko, nagkasakit na ba ako dahil sa naulanan ako? "Pre, di mo na kailangang alamin! Isang beses ko lang naman gagawin to! Palagpasin mo na ako! Pangako huli na to!" sagot nung pinoproblema kong magnanakaw kanina. Kung di siya magsasalita, makakalimutan ko na. Napaka-maliit niya talagang bagay. Kahit may iniinda ay pinilit kong tinuon ang attensyon ko sa kanya. "Pag ganyan ang pag-iisip mo, magkakaproblema nga talaga tayo. Hindi pa rin sapat ang rason mo para payagan kitang gawin ang bagay na to." Gusto ko lang linawin ang lahat kaya mas pinatatag ko pa ang ibig kong sabihin. Ginawa ko ring seryoso ang boses ko para sa ganun alam niyang hindi ako nagbibiro. Bwisit kasing sakit ng ulo to, gusto pang magpapansin. Sayang tuloy at hindi ko masabihan 'tong tingting na to ng mga makabuluhang bagay. Balak ko pa sanang magbigkas ng mga nakakabanal na bagay at parang nakulangan ata sa paniniwala sa may Kapal 'tong tingting na to. "Kolas." Nang muling may malamig na hangin ang tumawag sa akin, napakapit na ako sa gilid ng hagdan. May kalapit rin kasi 'tong dalang tinis na humiwala sa buong pandinig ko. Akala ko nagkakamali lang ako ng kinig kanina pero ngayon mas nakakasigurado akong pangalan ko nga ang nakikinig ko. May tumatawag sa akin. Nilisikan ko ng tingin yung tingting na lalaki, nagtataka rin siya sa biglang pagtungo ko. "Anong ginagawa mo ha?" Naiinis na ako at alam kong isa lang to sa mga panlilinlang niya. Siya rin yung nanakot sa akin kaya wala nang iba pang magsasalita dito kundi siya lang! "Pre, pangako. Hayaan mo lang ako at di na ako uulit pa. Bibigyan din kita ng balato. Pangako, kahit magkano!" may pagka-desperado niyang alok. Sino sa tingin niya ang kausap niya? Tsk', pagkatapos niya akong pagtripan, makikipag-plastikan naman siya ngayon?! Gaano kauto-uto ang tingin niya sa akin?!!! "Ano ako, bata? Nagpapatawa ka ba?" binilisan ko ang pagtahak sa mga natitirang baitang. Nang makapit ako ay hinablot ko siya mula sa nga bagay na kinuha niya. "Ang tigas ng ulo mo, sabi na't wala kang makukuha dito?! Anong tingin mo, hahayaan kita?! Bakit, sino ka ba ha?!" Tuluyan na akong naasar, at di tumutulong ang pagsakit ng ulo ko para huminahon. "Kolas." "Sabing sino ka?!" sigaw ko sa buong lugar. Mas lumakas ang loob ko lalo na't di ko mahanap kung nasaan ang bwisit na tumatawag na yun! "Ha?" nangunot ang noo nito sa pagtataka, tila ba natakot rin siya sa pagtaas ng boses ko. Lalong lalo na sa naging marahas na pagdapo ng kamay ko sa kanya. Di niya ako madadala sa pagmamaang-maangan niya dyan! "Kolas." Mas humigpit ang pagkuyom ng kamay ko. Nasaan ba kasi yun?! "Sino ka?!" At saka nasagot ang tanong ko nang napatingin ako sa mga mala-salamin na krystal ng aranya. Ang kaninang nagtatanging replikasyon ko sa mga krystal ay ngayon may isa pang imahe. Nasa likod ko ang isang nakatayong babae. Pa-anong—- "Sino ka?!" muli kong sigaw. "Pre, ano ba?! Bitawan mo ako?!" iniilag nung lalaki ang sarili mula sa kapit ko, pumikit to nang madiin. Nanlaki ang mata ko. Wag n-niyang sa-bihing—— "Pasyensya na! Kailangan ko lang talaga!" bagkus ay puwersahan niya akong tinulak sa may dibdib. Dahil sa pagkahilo at pagkabasa ng mga sapatos ko, nawala ang balanse ko. Ngayon naging pamilyar sa akin ang lahat. Parang nakita ko na to dati ah. Nangyari na to! Parang napawi ang hangin sa loob ng katawan ko sa natuklasan. Malalaglag ako!!! "Te-teka!!" pinilit ko pang makakapit sa gilid ng hagdanan ngunit may malamig na kamay ang pumatong sa kamay ko, naging dahilan yun para maiwasan ng kamay ko ang kapitan. Sunod pa sa isa niyang kamay sa paglakbay nito papunta sa dibdib ko, pumulupot parehas ang dalawang malalamig na kamay sa katawan ko. "Si-sino ka?" sa kabila ng pangyayari ay nagawa ko pang tanungin to. Sinubukan ko rin siyang lingunin. Naramdam ko ang presensya ng isang bagay na pamilyar mula sa likod. Ngumisi ito malapit sa tenga ko, bago ako sinama sa pagkahulog. "Morha."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD