Oras

4151 Words
Kolas's POV "Kailangan mo na ring makapasok kaagad sa madaling panahon. Nauubusan na tayo ng oras." Saad ng isang malamig na boses. "Teka! Anong sabi mo?!" lumingon pa ako sa likod, pero nahulog lamang ako.  "DUGGG!" Sumalampak ako sa sahig. Mas nadagdagan pa ang sakit sa tagiliran ko nang madagganan ko ang mga boteng nakakalat. "Aray!" dahan-dahan akong bumangon. Kaagad akong napahawak sa bewang ko, ang sakit! Pinakiramdaman ko ang paligid, sumalubong sa akin ang tahimik na lugar. Inuli ko ang paningin ko, nakaupo ako sa tapat ng nakapatay na telebisyon. Kaharap ko ulit ang madumi kong lugar. Napakatahimik ng lugar. "Teka, ano nga ulit yung kailangan kong hanapin?" Sa pagkakaalala ko may nililingon ako. Tsaka may babae na, na--ano nga ulit? Ay teka, babae nga ba? "Oh?" naramdaman kong basa ang aking kamay. Napatitig ako, may kulay parang putik na tumutulo doon. Hindi naman malagkit. "Ano kaya to?" Dumako ang tingin ko sa basong nasa gilid ng lamesa, sumunod doon ang kayat ng natapong kape. Dahil doon nabuo ang kasagutan sa utak ko. "Nadanggil ko siguro. Hay naku." buntong hinga kong pinagmasdan ang kalagayan ko ngayon. Ang tanda-tanda ko na pero nalalaglag pa rin ako sa tinutulugan ko. Grabe ka, Kolas. "Tok! Tok! Tok!" "Hello, Manong?!!!!" sigaw mula sa labas ng pinto. Mas lalong lumakas ang paggalabong ng katok dun. Hay, isa pang sakit sa ulo. "Naandyan ka ba?!!! Gising na! Aba, hindi ako tatayo dito ng buong maghapon!!!" "Oo na! Eto na!" nakaramdam pa ako ng kunting kirot sa buto ko sa bewang, di ko pinansin yun, at ika-ikang naglakad papunta sa kung nasaan ang maingay. "Aba Manong! Iiwanan ko to---" Naputol ang sasabihin nito sa bigla kong pagbukas ng pinto. Naiwan pang nasa ere ang kamao niya. "Ha? Kakatok ka pa nan?" pagtaas ko ng kilay sa kanya.  Umurong naman siya at tinikom ang bibig. "Eto na ang diyaryo mo, oh!" Inabot niya sa akin yun, pero hindi nakalagpas sa akin ang mapakla niyang ugali. May pag-irap pa 'tong batang to. "Iba na ang kabataan ngayon ah." bulong ko sa pagtanggap. "Ano, porque mantada ka na?" bagsak mata 'tong lumaban sa mga titig ko. Aba, talagang palaban 'tong babaeng to ah. "Ganyan ka ba makipag-usap sa mas matanda sayo?" ayaw kong dugtungan ng 'iha' ang dulo ng pangungusap ko at baka tuluyan na akong magtunog matanda. Yung una ko pa nga lang sinabi sa kanya eh nandidiri na ako. Eto pa kaya? Ayaw na ayaw kong mababanggit ang kahit ano mang bagay na may kinalaman sa kabataan at lalong lalo na sa katandaan. Mas nagiging malinaw lang sa akin ang distansyang pumapagitan sa magkaibang antas ng edad, ang pinaka-ayaw kong bagay na pinag-uusapan. "Anong akala mo, mapipigilan mo ako ng ganyan? Ang tagal ko kayang nag-intay dito!" inis niyang tinuro ang kinakatayuan niya. "Bakit ba kasi hindi ko na lang iwanan dito ang diyaryo mo?!" "Hoy, pinakisuyuan kita kaya wag kang magalit dyan. Ikaw yung umoo." "Yun na nga eh, nakikisuyo ka lang. Alam mo namang linggo ang diliver ko dito tapos di ka pa umaga ng gising!" Dumiin ang pagkakakunot ng noo ko. "Teka, bakit ganyan ka magsalita? Hindi ka ba naturuan ng mabuting asal ng magulang mo?" Di ko mapigilang mainis rin sa pinapakia niyang ugali. Aba, hindi lang siya ang may masamang gising! Kaya kung pagbubuhusan niya ako ng topak, iisa lang ang masasabi ko! Pataasan kami ng tama ngayon! Ilalaglag ko siya dyan sa sopa eh. Kung gusto niya itataob ko pa para hindi na siya magising sa higaan, kundi sa ospital na! "Oo, naturuan nila ako. At ang una pa nilang itinuro sa akin, alam mo kung ano?! Wag na wag mag-aaksaya ng oras!" Anong kinagagalit niya dyan?! Para isang kunting pabor lang na kumatok at wag iwanan dito sa labas yung diyaryo, ikinagagalit na niya kaagad?! Eh sa ayaw kong may magnakaw ng diyaryo ko! Pasyensyahan kami, parte to ng trabaho niya! "Kung makapagsalita ka parang buong oras na ng buhay mo yung naaksaya ko ah! Hoy, nag-intay ka lang ng kunting minuto no!" Inikutan niya ako ng mata. "Hindi buhay, pero pwedeng makasira ng buhay ko! Alam mo bang kolehiyana ako! Importante sa akin ang oras ko!" Kolehiyana? Ano naman ang kinalaman nun? "Miss, nagkakamali ka ata. Sa lahat ng tao importante ang oras, hindi lang sayo." pagpunto ko. Tinuro ko ang kasunod na paupahan. "Kung ako sayo, di na ako mag-aaksaya pa ng oras at magdedeliver na dun sa kasunod. Parehas lang maaksaya ang oras natin kung papahabain pa natin 'tong usap na to. Sige na, pumunta ka na doon." Nanlilisik nitong sinipat ako sa dulo ng mga mata. "Excuse me nga, anong idad mo na ba? Bakit kung utusan mo ako ay parang gusto mong manalo dyan?" "Manalo? Nakikinig mo ba ang sarili mo?" talagang inuubos nitong babaeng to ang pasensya ko ah. "Ano sa tingin mo papatulan kita sa away? Miss, may topak ka ata. Treinta'y siete na ako. Bakit iniisip mong makikipag-away pa ako sayo? Ano sa tingin mo, laro to? Natural mas matured ako sayo." "Thirty-seven? Tsk." sabay iwas nito ng tingin. Mas matanda nga ako. Nawindang tuloy ako kung ilang taon na siya. "Kita mo na, mas matanda talaga ako sayo. Kaya sundin mo na lang yung sinabi ko." tiuro ko ulit ang kapit-bahay. "Ayun ang kasunod mong pupuntahan. Sige, salamat sa paghatid mo ng mga ito." pagtukoy ko sa mga diyaryo. "Wag ka nga, hindi ka naman ganun katandaan sa akin. Twenty-six lang ako. Tsaka alam ko ang gagawin ko no! Tsk." kinuha nito ang mga diyaryo sa bag na kapit bago naglakad sa kasunod na bahay. "Hoy, teka." pagtawag ko bago pa man siya makalayo. "May eleven years pa rin ang tanda ko sayo kaya matuto ka pa ring gumalang. Sinasabi ko to dahil mas matanda ako sayo, hindi para pagalitan ka. Pinagsasabihan kita dahil kailangan kong ipakita sayo kung ano ang ibigsabihin ng 'maturity' nang sa ganun, alam mo rin ang katayuan mo sa mga mas nakakabata sayo. Okay ba? Rerespetuhin ka ng iba kung yun din ang gagawin mo sa kanila. Mas madali intindihin yun." Umiba-iba ang tingin niya. Hindi sa mukhang may hindi siya naintindihan pero siguro ay naghahanap pa siya ng iba pang pwedeng sabihin. Sa huli ay tinignan din niya ako sa mata. Nawala ang pagkakairita, pero medyo naging busangot ang expresyon sa mukha niya. "Oo, alam ko. Sige, iintindihin ko yan." Nahihiya man pero sa huli ay nagbuntong hininga siya. Medyo napangiti ako doon. "Tsaka 'kuya' ang itawag mo sa akin. Hindi 'manong'. Tutal may natutunan ka naman ata sa akin." "Ah-oh, si-sige." tumungo na to at nagkamot ng ulo. Matagumpay kong sinaraduhan ang pinto ko. Kumurba ang labi ko sa pagngisi. Syempre, hindi lang yun para pagsabihan siya. Hahahaha, sinabi ko yun para malaman niyang may eleven years akong lamang sa kanya, at marami pa siyang bigas na kakainin para pantayan ako! Hahaha, sino siya para pagsabihan ako ng ganung mga sallita sa ganung tono?! Hahahaha. Bakit kasi hindi pa rin niya alam kung kailan maghatid dito? Yung ibang naghatid dito dati, alam na nilang dapat huli akong hinahatiran para di na sila kumatok ng matagal, dahil gising na ako ng mga ganung oras. Ang haba-haba pa ng hahatirang bahay tapos tatambay pa siya sa harap ng pinto ko, talagang matatagalan nga siya. Tsk', yung babaeng yun. Naalala ko ang diyaryong nasa kamay ko. "Ilang linggo na nga bang naghahatid dito yun nito? Parang magdadalawang buwan na ah." Balik gawi ang paglalaglag ko ng kapit sa gilid ng mga kahong nasa likod ng pinto, nagsanhi yun ng pagkahulog ng ibang nakapatong dun kaya't naguho ang ibang mga bote at gumulong. Kung kailan ko ipagbebenta ang mga yan, malay. Kung kailan ako magka-oras. Sa ngayon abala pa ako sa bago kong trabaho. Mag-iisang linggo pa lang rin ako, hindi pa ako sanay sa mga maagang gising. Alas-siete na ng maaga, ang pasok ko sa linggo ay alas-otso. Wala naman akong nakikinig na saktuhan sa oras ng pagpasok dito, kahit ata sa oras di mahigpit yung may ari. Wala rin naman silang hinihiling na oras na dapat kong sundin, katunayan nan ibinigay ko sa kanila ang buong oras na pwede akong magtrabaho tapos ayun, ang sabi sa akin nung nagpasok sa akin, lahat daw ng oras ay pwede kong ipasok. Di nga lang sa gabi at lang overtime, di daw kailagan ng bantay sa gabi eh. Mabuti na nga't tinanggap ko ang ganung kahabang oras kahit minsan nakakabagot na. Per-oras ang usapan sa suweldo, kaya sinong tatanggi dun? Tsaka balak din ata nilang kumuha ng isa pang taga-pagbantay kung hindi daw ako pwede sa ibang mga oras. Ano yun, magdadalawa pa kami? Wag na, ako na lang! Hahaha, mas malaki ang suweldo ko nun! Dala-dala ko ang jacket ko sa paglalakad. Sa mga ganitong oras, matirik na ang araw. Pinagpapawisan na rin ako, pero tumigil pa muna ako sa bilihan ng tinapay para bumili ng pandesal. May ilang oras rin akong di naalis sa mansyon kaya bumili na rin ako ng pwede kong ipang-tanghalian. "Erngk--Ernggk!" "Oh?" tumigil ako at napalingon sa paligid. Walang katao-tao ni isa, pero yung gate nung mansyon medyo nakaawang. Nilapat ko to ng mabuti kahapon sa pagkakatanda ko ah. Dahil sa kontradiksyon, sinuri ko ang pwedeng posibilidad kung bakit ganun yun. Ngunit natapos ng maaga ang pag-iisip ko. "WOSHHH!!" "Erngk! Ernggk!" Kahit ako ay napapikit sa lakas ng hangin. Yun din yung dahilan kung bakit umaawang ang gate. Kita kong nakasara pa rin yun, nagagalaw nga lang talaga ng hangin. Okay na rin. Akala ko kung ano na. Hahaha, naging nerbiyoso ata ako simula kahapon. "Basta wag kang mag-iingay hangga't naandito ako." mahinang saad ko habang pinagdidikit ng maigi ang sarahan ng gate. Di ko pa rin nakakalimutan yung nakita ko dito kahapon, ayaw kong kabahan dahil sa tunog na to. Baka hindi ako makatagal dito kung mananatiling gagawa ng tunog 'tong bwisit na gate na to, lalo na't nakakaramdam na naman ako ng panlaw. "WOSHHH!!" Bumagsak ang tingin ko sa sumalubong sa akin. "Hay, may swimming pool na naman dito?" Parang hindi ko nilinis to kahapon ah. Bakit ang dami na kaagad kalat? Di man lang ako nakakain at pinulot na kaagad ang pangwalis para mabawasan iyun. Alam kong nababawasan ko ang mga dahon pero may dagdag na pagsubok ngayon sa akin at masyadong malakas ang hangin. Pahirap na naman. Bwisit! Puro pagwawalis ang bumuo ng kalhati ng araw ko. Sa kabwisitan ko gusto ko nang linisin ang buong hardin! "Bwisit! Ngayon talaga tayo magtutuos na puno ka!" ani ko habang may padabog na sinalampak ang isang basurahan. Nalaman kong mas mabilis kung deretsyong itutumba ko yun at tsaka ipapasok doon ang mga nagkalat na dahon. Nung nagde-despan pa kasi ako napansin kong parang wala yung ginagawa. Tinayo ko ang napuno kong basurahan. Pinagpagan ko ang dalawang kamay sa kakontentuhan. Meron na akong limang napupuno. Ayos to. "Sige, kasunod naman!" masgila akong napapalakpak at dinala ang isang timba sa gitna ng gabundok na mga dahon. Timba na ang kasunod, mauubusan kaagad ako ng basurahan eh.  "Okay, isa p---" "KRING! KRING! KRING!" Napigilan ako ng pagtunog ng telephono ko. Sinagot ko yun. "Mang Kardin? Bakit po?" ["Iho! Nasa trabaho ka?!"] "Opo." pagsagot ko ng simple. Mukhang papantayan pa ata ni Mang Karding ang enerhiya ko ah, ang lakas ng boses niya. ["Hahaha, oh, pupunta ka ba dito para sa tanghalian?!"] Nilayo ko ng kaunti ang telephono ko sa tenga. "Hindi po muna. Bakit po, may ipapatulong kayo?" Minsan kasi tumatagaw siya sa akin pag may kailangan iayos sa kalinderya. ["Naku, wala naman! Lagpas na kasi ang tanghalian tapos di ka pa nadating! Hahaha, akala ko nasisante ka na naman! Medyo huli ka kasi ngayon, hahaha!"] Namatay ang sigla ko. Wala akong premanenteng sinusundan na oras sa pagkain ko ng tanghalian sa kanila. Kahit anong oras dumadating ako, kaya bakit napasama ang mga sisante days ko? Tsaka anong sinabi niya? Tapos na daw ang tanghalian? Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang orasan. Mag-aalas-dos na ng hapon!!!!! Ha?!! Paanong hindi ko namalayan ang oras?!!! Tsaka ang kunti pa lang ng naliliis ko ah! ["Mahuhuli ka ba ngayon ng punta dito? Anong oras ka dadating? Napatawag na rin kasi si Misis. Hahahaha, akala rin niya nasisante ka! Hahaha!"] Dumating na rin kanina si Manang Patty? Oh, talagang tapos na nga ang tanghalian, dumadating lang yun pagwala nang maraming tao sa kalinderya! ["Hello, Kolas? Wala ka namang problemang bata ka no?! Hahaha, di ka ba gutom at nakaligtaan mo ang oras ng pagkain?!"] Di ako maka-imik dahil sa kaweirduhang nararamdaman ko. Alam na alam kong wala pa akong ganung katagal dito. Hindi dahil sa di ko mararamdaman ang oras dahil sa paggawa, dahil kung titignan ko ang mga basurahang napuno ko, alam kong marami pa akong pwedeng punuin dyan. Matagal na akong janitor, natural sa akin na alam ko ang kakayanan ng mga paggawa ko. Simpleng simple sa akin ang ganyan kadami ng gawain sa maigsing oras, kaya anong tapos na ang tanghalian? Imposible, sigurado akong may ilang oras palang ako dito! "WOSHHH!" Ang ilang hibla ng buhok ko ay natangay sa pag-ihip ng hangin. Napatingala ako sa puno. Muli akong nakaramdam ng masamang pakiramdam. Pakiramdam ko may nanunuod na naman sa akin. ["Kolas, natahimik ka! Naandyan ka pa ba?!"] Nawala ang pagkakatigil ko sa lakas ng boses ni Mang Kolas. "Opo, opo! May--may ano po, may ginagawa lang ako kaya hindi po muna ako makakapunta dyan!" ["Ganun ba?! Paanong naging busy ka dyan?! May nangyari ba dyan?!"] Ramdam ko ang kuryusidad sa tono niya, ngunit walang pinuntahan ang attensyon ko. Nanatiling nakatitig lang ako sa puno. "Wala po, marami lang pong mga kalat ulit dito sa masyon. Balak ko po sanang maglinis. Malakas po yung hangin eh, maraming naging basaura. May mga aayusin rin po ako." ["Ah buti sinabi mo! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo! Hahaha, sige! May pagkain ka naman dyan no?!"] "Opo, may binili po ako kanina." nahihiya kong pagsagot. ["Sige, sige! Mamaya na lang ulit!"] Binaba nito ang tawag. Napatingin ako ng husto sa kamay ko. Pasalamat talaga at malilinis yun. Sabagay di madumi yung basurahan at puro dahon lang lagi ang naiilagay dun. Nakakapitan ko ng walang pag-iisip sa dumi ang telephono ko. "Grabe, totoo ba to?" di ako makapaniwalang nalipasan ako ng pagkain dahil sa trabaho. "WOSHHH!" Pinanuod ko ulit kung paano madadagdagan ng maraming dahon ang nilinis kong lugar. Di ko alam kung 'tong puno ba ang sisisihin ko o yung bagal ko sa paggawa. Napaka-imposible naman kasing nakapuno lang ako ng limang basurahan sa loob ng limang oras! Ano yun, tig-iisang oras para magawa?! Imposible! Ngunit may napagtanto ako bigla. Imposible namang tumatanda na ako diba?!!!!! "Hindi, hindi. Imposibleng yun-yun." pag-iling ko.  Naupo ako sa isang lilong. Kahit pakiramdaman ko ang sarili ko, di ko maramdaman ang gutom. Busog pa nga ako at hanggang ngayo parang nasa lalamunan ko pa rin ang init nung kape ko kaninang umaga. Mula sa kamay ko, naramdaman ko ang mga nagsisigalawang dahon sa lupa. Malakas-lakas talaga ang hangin, maya't maya pa. "Kalaban ko talaga 'tong punong to." paniningkit ko sa pagkakatingala dito. Naiisip ko tuloy na bawasang ng kunti ang mga sangay nito. "Teka, ano nga bang klase ng puno to?" Ang liit kasi ng katawan nito pero ang daming sangang magkakadikit, ang garbo din ng mga dahon. Parang buhay na buhay yung puno kahit mukhang parang ang tanda na, pero baka naman hindi. Ang tingkad din ng dahon eh, mga berdeng berde. May ibang mga medyo light yung paghahalo ng dilaw at berde pero halatang bago palang yung mga yung patubo. "Para magkameron ng ganito kadaming kalat." pagtutukoy ko sa mga dahon sa lupa. "Talagang buhay nga 'tong punong ito." Bumalik ang mata ko sa kainitan. Lagi lang akong nakatingin sa labas ng gate, pwedeng sabihin na nag-aabang rin ako ng dadaan. Sobrang bagot ako at wala namang makakausap, ano pa ang gagawin ko? Ayaw ko rin namang maggala at lumibot sa buong mansyon, ni minsan hindi ko naging interest yun. "Hay, ano bang gagawin ko?" di pa ako gutom pero kailangan kong magpahinga. Eto na yung oras ng tanghalian ko eh. "KRING! KRING! KRING!" Nagulat ako sa muling pagtunog ng telephono ko. Akala ko si Mang Karding ulit pero nagkamali ako. Si Manang Patty naman ngayon ang tumatawag. Talagang gusto akong pag-usapan ng mag-asawang yun ah. "Hello po?" nag-aalinlangin kong pagsagot. ["Kolas! Kamusta?! Ang sabi ni Karding, hindi ka daw pumunta sa kalinderya ngayon."] Nangunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Hindi siya tunog nagtatanong kundi parang masaya pa. Bakit kaya? Anong meron? "Opo, hindi nga po. May trabaho pa po kasi akong tinatapos." ["Aba, mabuti naman! Nagbabago ka na ah! Hahaha, nakita mo ba yung dalagitang naghahatid sayo ng diyaryo?! Hindi ba't ngayong araw siya naghahatid lagi sa inuupahan mo?!"] Oh, so eto pala yung 'anong meron'. Paanong napasali yun sa usapan? Manang Patty, biglang liko ka ah. Ano naman ang koneksyon ng babaeng yun sa trabaho ko? "Opo, naghatid siya kaya nakita ko." walang gana kong sagot. Ngayon palang parang nauubos na kaagad ang enerhiya ko. ["Maganda yan! Dapat kitain mo lang ng kitain, aba malay mo, diba?! Hahaha, nagbabago ka na! Yan na yung sinyales!"] Parang hindi ko ata magugustuhan ang susunod niyang sasabihi--- ["Pag-nagkataong nakita mo ulit siya, kilalanin mo na! Baka siya na ang mapapangasawa mo!"] Sabi na ba eh! Nasa mga ganitong bagay lang naman ang interest nitong si Manang Patty. Kung bakit siya tatawag, ano pa ba ang rason? Gusto lang niyang makichismis. Maiinit talaga ang dugo nila sa mga ganap sa buhay ko. "Manang Patty, hindi po. At meron po akong sasabihin, ang bata pa po nun." ["Kolas, wag mong sabihing na naman."] "Opo, isang kolehiyana po yun." ["Ano, yan na naman? Eh sa dikitin ka ng mga mas bata sayo eh."] Kahit yun pa ang sinabi niya, may dismaya pa rin siyang napabuntong hininga sa kabilang linya. "Naku Manang Patty, ano po ba kasi ang inisiip ninyo? Hahaha, sinabi ko naman po kasi sa inyo di ko pa nasa isip yan." natawa ako. Eto talagang si Manang kung ano-ano ang nasasagap na balita. ["Anong wala pa sa isip mo yan, Kolas? Iho, wag kang ganyan! Kung ang dumadating sayo ay mas bata, edi okay lang! Wala na namang masama ngayon ang magkameron ng mas batang katipan! Tsaka malay mo rin, yan na nga yun."] Ay sus, sa lahat ata nasabi na niya yan. ["At di mo ba naiisip? Mas maganda yung mas bata sayo para naman magkameron ka ng pagka-bata sa buhay mo. Aba'y puro trabaho lagi ang nakikita namin sayo ni Karding. Basta't wag mong palagpasin yung babaeng yan, miski bata! Ayos na rin yung ikaw ang mas matanda, lalaki ka naman. Di masamang tignan tutal ikaw ang magdadala ng pamilya."] "Eh sige po, sa susunod na lang ang kwentuhan. Baka po nakakaabala na rin ako." magalang kong saad. ["Osiya, sige. Ikwe-kwento ko rin to kay Karding. Basta ha, wag na wag mong iisipin yang edad-edad na yan! Kung bibigyan ka ng chansya, nasa babae lang ang sagot, okay?!"] "Opo, opo." napailing na lang ako sa pagtapos ng tawag. Parehas na parehas talaga sila ni Mang Karding. Walang tanong kung bakit sila ang naging mag-asawa. Pagkamot ko sa batok ay napatingala ako. Kung iisipin, hindi ko maintindihan ang sinabi ni Manang Patty. Ano naman daw ngayon kung mas bata yung babae? Ha, nagpapatawa ba sila? Ewan ko pero kung nag-aaral pa yung babae, kung sakasakali man bigyan ng pagsubok ang ganun at mapatigil sa pag-aaral, siguradong ako ang sisisihin. Mga sitwasyon yun ng buhay na pwedeng mangyari, at siguradong may malaking posibilidad na bigyan siya ng buhay ng pagsubok na nangangailangang tumigil talaga. Ano naman ang laban ko pag nangyari yun? Kahit saan tignan mas matanda ako, ako ang may malaking impluwesya sa aming dalawa sa relasyon. Yun rin ang tingin ng tao, na dahil lalaki ako at mas matanda, ako yung masusunod kahit yung totoo, hindi naman. May respeto ako sa mga desisyon at opinyon ng ibang tao. Hindi ako santo para kumuha ng sitwasyon na hindi ko na pwedeng alisan. Hindi porque mas matanda ako ay wala na akong ibang pamimilian sa buhay! Yan lang naman ang problema ko kung bakit hindi pa rin ako nagkakameron ng karelasyon ngayon. Ayaw kong masisisi sa buhay nila. Alam kong ganito na ako, at sino naman ang may gustong sa ganitong klaseng lalaki sila mahuhulog? Kung usapang pamumuhay, puro trabaho ang kabuoan ng buhay ko. At kung kakayanan para bumuhay, kaya ko rin naman yun. Ang tanong ay kung may babaeng makukuntento sa buhay na to. "Tsk', bakit nga kasi puro bata ang mga nakikilala ko?" mahina kong bulong sa sarili. Kung hindi bata siguro, baka hindi ganun kakomplikado. "Hay, mas magaganda pa rin yung mga nasa edad ko." Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ng batok. Inuli ng mata ko ang malawak na kainitan at ang maraming ulap sa langit. Kung makakakilala ako ng may katulad kong edad, baka maintindihan nila ang klase ng pamumuhay ko. Mas maganda rin kung parehas lang rin kami. Walang kaso sa lebel at sa pagkakaiba, mas madali yun. Maiintindihan namin pareho ang isa't isa. "WOSHHH!" "WOSHHH!" Hinihingal akong tumaktabo. Ang kaba sa dibdib ko ay buhay na buhay at napaka-lakas ng tunog. Derederetsyo ang paa ko hanggang sa--- "Woh!!!!" puwersahan kong pinigilan ang mga paa ko. Nanginginig yung tumigil sa unang hakbang ng isang malawak na hagdan. "Kamuntikan na ako." Naghalo-halo ang kaba at ang pagkanerybos ko. Mas lalo na nung nakita ko ang dulo ng hagdan. Napakataas nito at maraming biatang. Parang nalula ako bigla. "Ano-ng luga-r ito?" pagtataka ko nang sakupin ako ng malaking anino. Nanlaki ang mata ko sa pakiramdam na matatabunan ako nun, ngunit isang malaking aranya (chandelier) ang bumungad sa akin. Napaurong ako sa kaba. Nagnining-ning ito sa kalagitnaan ng dilim. Walang ilaw ngunit nakikita ko pa rin ang repliksyon ko sa malalaking mala-salamin nitong desenyo. Parang kumukutitap ang kapaligiran dahil sa kristal ng aranya. Ang pamilyar ng pakiramdam ko sa lugar na to. "Sige, bumaba ka na." Dahan-dahan na saad ng isang malamig na boses. Hinanap ko kung saan nanggagaling iyun pero parang sa buong lugar nagsasalita ang tinig. Pinagkakaisahan ba ako ng mga tao dito?! Wala akong makitang kahit sino! "Sino ka?! Nasaan ako?!!" sigaw ko pabalik sa kawalan. "Magpakita ka." "Pumunta ka sa paahan ng hagdan, malalaman mo." Sumikip ang dibdib ko ng tanawin ang kadiliman sa pababa ng hagdan. Ni hindi ko nga makita ang dulo nun, tanging madilim lamang. "Wag mo akong paglaruan! Nasaan ka?!" may napansin ako sa kabilang parte ng dilim sa likod ng aranya na nasa harap ko. May isang anino roon. Tsk', naandyan ka lang pala! "Ayaw mong magpakita ha." mabilis akong humabang at inunat ang kamay ko sa harap. May nakapitan akong malamig, humigpit ang kamay ko lalo sa pagkasiguradong may tao nga dun. Ha! Di ka na makakapagtago! Napangiti ako. "Magpakita ka ngayon." "Hmmm, tsaka na lang." Mula sa pagkakahatak ko. Una kong nakita ang isang kamay na lumabas sa dilim, dumapo yun sa balikat ko, at tinulak ako. Mabilis na nawala ang balanse ko, ganun din na umakyat sa taas ng kisame ang paningin ko. Senyales na malalaglag ako papatalikod. Malalaglag ako sa hagdan! "Malapit na rin." dagdag pa nung tinig. Hindi pwede! Hindi pwedeng hindi ko makilala 'tong tao na to! Bwisit siya! Ilang beses na niya akong pinararamdaman, ano, hindi ko rin siya makikita ngayon?! Hindi pwede! Pinilit kong pinanatili ang paa ko, naalala ko ang kamay kong nakakapit sa kanya. Hinatak ko rin to! "Hmmm." dinig kong medyo pagtawa nito. Gamit ng ingay na ginawa niya, doon ko lang nalaman na malapit siya sa akin.  Chansya ko na to para makita kang bwisit ka!   Mas hinigit ko pa to malapit sa dibdib ko. May bigat akong naramdaman, ngunit dahil sa dilim ay hindi ko nakita kung ano. Tanging yung repliksyon lamang galing sa mga desensyong krystal ng aranya ang naging maliliit kong ilaw. Mula sa pisngi, unti-unting lumapat ang maliit na ilaw at dumako papunta sa mga labi niya. May kapulahan iyun at medyo manipis. Kitang kita ko ang naging pag-arko nito sa isang ngisi na nawala rin dahil sa unti-unting pagbuka. "Malapit na nga." Yun lamang ang nakita kong paggalaw ng mga labi niya bago tuluyang sinakop ng buong kadiliman ang paningin ko. Ramdam ko rin ang kawalanang kinalaglagan ng likod ko. "WAHH!!" bumagsak ako sa isang matigas na bagay. Nanakit ang likod ko sa paghampas nun. "Huh?" Natauhan ako dahil nakita ko ang harap ng hardin. Oh naandito pa rin pala ako. Yung masakit na sinasandalan ko ay yung puno lang pala. Bakit nga ba ako parang nagulat? Ano nga ba yung nasa isip ko? Napakamot ako sa ulo. Nakatulog pala ako. "Oh?" may naramdaman akong tubig na bumaba sa pisngi ko. "Umaambon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD