Mansyon

4221 Words
Kolas's POV Pinagmamasdan kong mabuti ang isang linya ng mga naglalakbay na langgam. May mga dala-dalang maliit na bagay yung iba at meron namang nagkakabanggaan. Noong bata pa ako, iniisip ko kung saan ba sila papunta. Tumanda na ako at lahat hanggang ngayon di ko pa rin alam. Sinunsun ko naman yun noon pero laging sa maliit na butas lang sila pumupunta. Syempre hindi ko kayang pasukin yun kaya malay ko ba. Di ko lang alam kung ano ang purpos ng paglalakbay nila. Ang haba-haba ng paglalakbay nila tapos ang pupuntahan lang isang maliit at masikip na butas sa ilalim ng lupa. Ano naman ang kaya nilang ipasok dun? Wala silang malaking kayang ipundar dun. Ang sabi ng mga nakakatanda may rason daw ang bawat paglalakbay ng mga buhay, pero hindi ba’t kung sa ilalim lang rin ng lupa ang dulo ng paglalakbay nila, eh para saan pa? Dun rin naman ang punta ng lahat. Walang espesyal. Kung may rason nga ang lahat, gusto kong malaman yun. “Hay, ano ba yan? Pati langgam pinag-aaksayahan ko ng oras.” inip akong napatingala sa langit pagkatapos lagyan ng patpat ang kaninang tinitignang linya. Tirik na tirik ang araw pero nanatili ako sa lilim. Hanggang ngayon isip na isip pa rin ako sa panaginip ko. Noong gabi yun, nagising akong pawisan at hinahabol ang paghinga. Hindi ko gusto ang pakiramdam nung panaginip na yun. Sa sobrang kabado ko nung kinabukasan akala ko may masamang mangyayari sa akin. Naniniwala kasi akong may mga rason ang ganung pangyayari. Di niyo ako masisisi, mag-isa lang akong namumuhay, may takot akong may mangyari sa akin at walang makaalam. Sino naman ang maghahanap sa akin kung sakasakaling mawala ako o ano? Ngunit ang iniisip kong masamang mangyayari sa akin nung araw na yun ay naging kabaliktaran. Nung umaga kasi sobrang sama ng pakiramdam kong wag lumabas ng bahay para mabutihing abangan kung ano mang pangyayari yun, pero hindi. Tinawagan lang ako ni Manang Patty para sabihing natanggap daw kaagad ako sa trabahong inaalok niya. Nagkataong kailangan na kailangan na daw kasi nila ng tiga-pag-alaga ng bahay. Ewan ko ba kung bagong lipat yung mga may ari o natanggal yung dating nagtratrabaho dun. Kahit ano pa man yun, hindi ko maiwasang makaramdam pa rin ng masama. Bahala na kayong mag-isip, hindi ako mapamahiing tao pero purong kilabot talaga ang naramdaman ko nung sinabi ni Manang Patty na nasa akin na daw yung trabaho. "Oh--ah! Ah!" naubo bigla ako kaya minabuti kong idiin ang natitirang upos ng kapit ko sa lupa. Di ko namalayang ubos na pala yun. "Okay, kailangan nang bumalik sa trabaho." Tatayo na sana ako pero nang lingunin ko ng kunti ang nasa likod ko, napabalik ulit ako sa pagkakatungo ko sa mga langgam. Ayaw kong isipin ang bahay na pinagtratrabahuhan ko pero kung titignan, masasabi kong hindi ko na kaagad gusto ang trabahong ito. Hindi dahil sa mahirap ang trabaho, kundi dahil sa ako lang mag-isa dito. Okay yung trabaho, napakadali. Walang kaproble-problema. Hindi naman kasi pala ako maglilinis ng mga gamit sa loob. Katunayan nan, bawal palang pumasok sa loob. Tiga-walis lang daw ako ng mga dahong nagkalat sa harap. May malaki kasing puno sa tapat ng bahay, nasa loob naman yun ng bakuran pero ang dami pa ring magkalat nung mga dahon. Noong unang punta ko nga dito akala ko may swimming pool na natatakluban yung buong hardin nila, pero hindi pala, purong gabundok lang yun ng dahon. Ang sabi ni Manag Patty yun lang daw ang isipin nung may ari, wag lang daw maging makalat sa tapat nila. Kaya eto, hardinero ako at tiga-pag-alaga ng bahay mula sa labas, hanggang doon lang, bawal na bawal daw akong pumasok sa loob. Bilang na bilang rin ang pwede kong galawin. Tanging susi ng gate at ng mga pinaglalagyan ng mga panglinis ang pwede kong buksan. Bukod sa dalawang susi, wala na akong iba pang kapit. Hangga't naandito daw ako sa trabahong to, ako lang daw ang pwedeng humawak nun at magtago. Sa madaling salita, lagi kong dala ang mga yun. "WOSHHH!" Umihip ang hangin. Nagalaw nun ang hibla ng buhok ko kaya gamit ng kamay, tinulak ko ulit yun pabalik. Tanghali ngayon pero malamig pa rin ang hangin. “Ay naku, kailangan ko nang magwalis kundi kakalat ulit yung mga dahon.” muli kong tinanaw ang nakatayong bahay sa likod ko. Sa pangalawang beses, nag-alinlangin ulit ako sa pagtayo. Eto ata ang pinaka-mahirap na parte ng trabahong to, ang magpatuloy sa trabaho ng hindi naiilang sa presensya ng bahay. Kakaiba kasi ang aura nito. May mga higit trentang talampakan distansya ang pagitan ng punong kinakatayuan ko ngayon sa mismong pinto ng mansyon. Oo, mansyon. Kahit nasa labas ng gate, talagang kailangang tingalain ang bahay para sukatin ang kabuoan ng harap. Kulay brownish red o wood marron ang buong desenyo ng bahay, gawa yun sa purong kahoy. Ang apat na bintana ay malalaki at mahahaba. Parehas na nasa magkabilang parte ang tig-dalawang pares ng bintana. Samantalang ang pinto ay nasa pinaka-sentro at nag-iisa na may dalawang bukasan. Sangayon talaga ako kay Mang Karding na masamang magkaatraso sa may ari ng bahay. Mukhang ang yayaman talaga nila eh. Bukod sa kapansin-pansing puno, meron rin maliit na bahay na gawa sa kahoy ang nasa may dulong gilid ng bahay. Doon nakalagay ang mga panlinis ko. Wala silang swimming pool, o kahit anong desenyo sa hardin nila. Yan na lahat yun, kabilang na ang may tamang kataasang gate na matutulis at parang nangangalawang na sa luma. Oh diba, sinong hindi mababahala sa pakiramdam na binibigay nitong bahay? Mukhang abandunado na eh. Tapos wala pang ni isang kapit-bahay sila dito. "KRING!!! KRING!!!" "Oh, hello po, Manang Patty." pagsagot ko ng telephono. ["Kolas? Oi, Kolas! Kamusta ang trabaho mo?"] Masayang bati nito. Naikwento na siguro ni Mang Karding sa kanya ang pagtanggap ko ng trabaho. Naging busy kasi siya nitong mga nakaraang araw kaya siguro ngayon lang napatawag. "Okay naman po. Ah--madali po yung trabaho." gusto ko mang maging masigla ang boses pero dahil sa pagkabahala ng mga tanong sa isip ko, hindi nakalusot ang pagkatamlay ko. ["Mabuti naman! Oh eh ano, anong ginagawa mo ngayon diyan?"] "Ganun lang po ulit, puro walis dito, walis doon." ["Osiya, tiisin mo lang yan. Alam kong mahirap magtrabaho nang iisa lang ang ginagawa, siguro ay bagot na bagot ka na dyan no? Ayos lang yan, mas mabuti pa rin yung may trabaho kaysa sa wala."] "Oo naman po, Manang. Ah--eh." medyo nag-alinlangin akong banggitin ang tanong sa isip ko nang malingon ko muli ang bahay. "Manang, nasaan po ba ang may ari nito? Mga nag-abroad po ba sila? Meron po kasing mga sulat na dumadating." Walang ganun. Walang sulat na dumadating, gawa-gawa ko lang yan. Yun kasi ang nasa isip ko. Wala akong kapit-bahay dito na pwedeng pagtanungnan, kaya para sa sarili ko ay gumawa na ako ng rason upang makapagtanong. Alam kong si Manang Patty lang ang makakasagot sa akin tutal siya ang naglapit sa akin sa trabahong to. ["Naku Kolas, di ko natanong yan. Sa kakilala ko lang rin kasi nakinig yang tungkol sa mansyon na yan. Pero may minsan siyang nabanggit na wala daw diyan ang buong pamilya, kaya baka nga. Mukhang mayayaman naman sila kaya baka nga nag-abroad sila. Wag kang mag-alala itatanong ko sa kakilala ko kung anong gagawin diyan sa mga sulat na yan."] "Sige po, Manang Patty. Salamat po." napabuntong hininga ako. Wala pa rin pala akong makukuhang sagot. ["Sige, tatawagan kita ulit pagmay sagot na ako. Tsaka Kolas, wag mo masyadong isipin yung paggising ng maaga ha? Okay lang yan, lahat ng trabaho kailangan maaga ang pasok. Wag mo munang ayawan yang trabahong yan tutal maaga ka rin namang makakauwi, diba? Kaya't tiyagain mo, masasanay ka rin. Sa una lang naman mahirap yan."] "Opo, Manang Patty. Pupunta po ulit ako dyan sa inyo para sa hapunan. Kita na lang po tayo nina Mang Karding." ["Oo nga, pinauuwi na ako ng maaga ni Karding. Ang dami mo raw kasing kwento dyan sa mansyon. Hahaha, osiya, sige na. Mamaya na lang rin."] Nagpaalam na rin ako bago ibinaba ang tawag. Napatingin muli ako sa mansyon. "So wala palang tao dyan." "WOSHHH!" Dinama ko ang pag-ihip ng hangin. Dumako ang tingin ko sa isa sa mga bintana. Bakit ganun? Pakiramdam ko may laging nakatingin sa akin. Sa tatlong araw kong pagtratrabaho dito, ginawa ko ang dati kong gawi, ang di pansinin yun. Nagpatuloy ako sa trabaho. Walang katapusan ang pagwawalis dito. May minsang mababawasan pero imposible lang talagang malahat ko ang kalat dito. Sa mga ganitong pagkakataong nakatuon ang attensyon ko sa iisang gawain, di ko namamamalayan ang oras. Sinipat ko ang relo sa pulso ko. “Ano? Bakit alas-cinco na ng kahapon?! Totoo ba to?! Teka nga muna.” Kinapa ko ang telephono ko sa bulsa. Gusto kong makasogurado at parang nagloloko ang relo ko. Ngunit nang makita ko ang mga letra doon, tama nga ang oras! Aba, ang weirdo. “Naku, lagot ako nito.” kumamot sa batok ko nang makita ang parte ng nawalis ko. Wala pang kalhati ng buong kailangan kong linisin ang natapos ko. Tapos uwian na kaagad?! Ano ba yan?! Hanggang alas-cinco lang kasi ako. Maaga naman ang pasok, ang simula ko kasi ay ala-seis ng maaga. Buong araw akong naandito pero wala akong natatapos. Pansin ko lang, kahit noong mga nakaraang araw, parang laging itong parte lang na ito ang nalilinis ko. Lagi kasi akong nagsisimula sa may bandang kanan, kung nasaan ang puno, pero sa buong hardin nila, di man lang naabot sa kalhati ang nalilinis ko lagi. Ano ba yan, Kolas, parang ilang araw na lang at sisante ka na ah. Di ko alam kung dapat ba akong matakot na mag-isa ako dito o magpasalamat na walang nakikita sa pagtratrabaho ko. “Hindi rin ako gutom, ang weirdo ah.” nagtataka kong kinapitan ang sariling sikmura. Kadalasan sa gantong oras gutom na dapat ako, isama pa doon na—oo nga no, hindi pala ako naglaon ng tanghalin. Paanong hindi ako gutom? Nagwalang bahala ako sa pakiramdam ko. Pagkatapos kong ilagay ang nga panlinis, umalis na rin kaagad ako. Lalagpasan at tuluyan ko na sanang tatalikuran ang bahay pero may kagimbal-gimbal akong napansin. “Ano yun?” saad ko sa paghatid ng hininga ko. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa takot. Kitang kita mismo ng dalawa kong mata, may anino sa bintana, at nakatingin yun sa gawi ko. Pangingilabot ang umakyat sa buong sistema ko, pero kahit pa, gusto kong makasigurado. Siningkit ko ang mga maga ko at pilit na tumanaw sa bakuran kung tama ba ang nakikita ko. Unti-unting naging malinaw sa akin ang imahe. Mula sa itsura nito, naging malinaw ang lahat. Isa ‘tong babae, nakatigil at tanging nakatayo lamang sa loob ng bintana. Di ko man makita ang buong itsura niya, ngunit sa pustura ay parang nakatungo ito sa gawi ko. Dahil dun, sigurado akong dito nga siya sa mismong kinakatayuan ko nakatingin. Dahan-dahan akong humarap sa nilalakaran ko. “Okay, kalma lang Kolas.” pagkausap ko sa sarili, bago patay malisyang nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong balak pang makipagtitigan sa kung sino o ano man ang nasa bahay. Kung may tao man dun, magnanakaw, o nakatira, basta bahala na siya sa buhay niya!!! “Oh Kolas? Ayos ka lang.” sinundan ng tingin ni Mang Karding ang matahimik kong pag-upo. Nanatiling deretsyo ang tingin ko at naging walang kibo, laliban sa pagtango ng maliit. Hindi pa rin lubos na rumirihistro sa utak ko ang nakita ko. Paanong hindi?!!! Nakipagtitigan pa sa akin yung babae!!!! “Aba, anong nangyari sayo? Bakit ka gayan? Mukhang naging mahirap ang trabaho mo ah.” komento ulit ni Mang Karding na kakatapos lang maglinis ng lamesa at magpunas ng kamay. “Sige, ipaghahanda na kita ng makakain.” Naging tango lang ang sagot ko. Pinili kong uminom ng tubig upang mahimasmasan. Sa tanda kong ito, ngayon palang ako nakaranas ng mga ganung pangyayari. Sinabi ko na nga bang may dalang masamang mensahe yung panaginip na yun! Alam na alam ko na ito, bakit ba hindi ko napansin?! Imposibleng wala yun kinalaman doon sa mansyon, kinabukasan na kinabukasan noong magang yun ako natanggap dun kaya paniguradong ito talga ang ibigsabihin nun!!!! “Kolas! Kamusta?!" pag-upo ni Manang Patty sa harap ko. Ang attentibo niya tignan, at halata rin ang saya sa kanyang ngiti. Pahiwatig na masama ang magiging kalagayan ko. "Ano, may kwento ka ba sa mansyon? Gusto kong makinig yan. Ang daming sinasabi ni Karding, eh hindi naman ako maniwala. Totoo ba yun? Gaano kaweirdo yung bahay?" Sabi na ba gusto lang niyang makichismis. "Ay sus, akala ko kung ano na. Eto talagang si Karding kung ano-ano ang alam." bumuntong hinga pa ito. Ano yan, pagkadismaya? Buti nga at nakikipagnormalan lang ako. Kung malalaman nila yung nakita ko kanina sa bintana, naku! Baka matulad sila sa akin ngayon. Pakiramdam ko nahihikop lahat ng enerhiya ko pag-iniisip kong pupunta ulit ako dun bukas. Ang malupit pa, araw-araw kailangan naandun ako. Bwisit! "Nga pala, makukuha mmo daw yun suweldo mo sa isang sulat. Ipapadala daw yun sa bahay mo. Tama naman siguro yung address na binigay mo sa akin no? Ayaw kong magkamali at mawawalan ka. Masasayang ang mga pinaghirapan mong trabaho. Di ko pa naman kilala yung talagang may mga ari, hindi kita maiilapit kung magkamali man sa unang suwelduhan mo." "Opo, tama po yun." lumagok muna ako ng tubig bago nagpatuloy. "Pero bakit ganun po ang pakataran nila? Wala po bang magbibigay nun sa akin kung sakasakali?" "Wala eh, hindi ko rin alam. Ngayon nga lang ako nakakita ng ganyan. Sa pinagtratrabahuhan ko kasi, pagwala yung mga amo ko, may tiga-pag-alaga sila ng bahay. Yun ay mismong kakilala nila na nagsasabi sa amin ng mga tamang gagawin. Siya rin ang nag-aabot mismo ng mga suweldo namin, mula sa aming mga katulong hanggang sa mga guardya. Pero iyang sa bahay na yan, kukunti din yung alam ng kakilala ko. Di ko nga alam kung paano sila nag-uusap ng amo nila. Ang weirdo man sabihin pero parang sa sulat lang rin ata sila nag-uusap, pero syempre imposible yun. Ewan ko lang, yun lang ang nakikinig ko. Baka naman totoo at mahilig magsulat yung may ari." Napaisip rin ako sa sinabi niya. Wala akong alam na sa ganung paraan ako swesweldo. Pero sa kabuoan ng nakinig ko, napaka-personal ata ng pamilyang nakatira doon sa mansyon at halatang ayaw nilang may iba pang taong may maging kinalaman sa bahay nila. "Napaka-pribado ng mga yun. Wag mo na lang intindihin." payo pa ni Manang Patty. Napatigil ang usapan namin pagkat dumating na rin si Mang Karding dala ang mga pagkain, dinaluhan siya ni Manang Patty para tulungan. Ako naman ang kumuha pa ng iba pang mga kailangan katulad ng pinggan at kurbeyertos. "Pasyensya na, pasyensya na. May isa pang customer ang may kailangan sa akin. Hahaha." natatawang kumamot si Mang Karding sa batok nang maupo sa lamesa namin. "Oh ano? Nakinig mo na ba ang kwento ni Kolas, Ma?" "Ay naku, ewan ko sa iyo. Wala naman daw." umirap pa ito at tsaka sumubo ng pagkain. "Oh Kolas, di mo kinewento?" "Naku, simpleng bagay lang naman po yun. Tsaka nakita na rin po ni Manang Patty yun, di po ba?" "Nakapunta na ako roon, pero hindi ko nakita ang kinabuoan ng bahay. Sandali lang rin ako at hindi ko alam yung lugar." "Ma, yun na nga yung sinasabi ni Kolas. Wala daw kasing dumadaan doon." saad ni Mang Karding sa tono na pamisteryo. Kinakunot yun ng kilay ng asawa na nagbigay muna ng may lisik na tingin. "Ano ba kasi ang meron dun? Bakit hindi niyo sabihin?" "Ikaw eh, sabi mo nakapunta na na dun." pagbibiro pa niya. "Minsan nga lang diba, Karding? Nakikinig ka ba?" "Hahaha, eto naman oh. Di mabiro." tinapos muna niya ang pagnguya at lumunok. "Ang sabi ni Kolas wala raw nadaan dun kahit minsan daw." "Imposible naman yun. Hindi naman nasa dulo yung bahay nakatayo. May mga kapit-bahay kaya, malalayo nga lang." "Yun nga rin yung sinabi ko kay Kolas! Diba't nagtanong ako sayo nung makamakaylan lang, yan din yung sinabi mo, pero ma, pumunta rin ako doon at wala ngang tao. Sobrang tahimik ng lugar." "Ano naman ang ginawa mo dun ha?!" Pinanuod ko kung paano nag-init ang ulo ni Manang Patty. Binigyan niya ng isang batok si Mang Karding. Nakakatawa talaga ang mag-asawang ito. Sinamantala ko ang pagkakataon na kumain lang habang hindi pa ako natatanong. "Wala! Napadaan lang ako. Tsaka gusto ko lang makita yung bahay, parang gandang ganda kayo eh. Syempre, gusto ko rin makita!" pagdadahilan nito. "Yun na nga eh, wala ka talagang gagawin dun! Paano naman ang kalinderya, pinabayaan mo?!" "Hindi ah, bago ako nagbukas nung pumunta ako roon! Ano ba yun, iwanan ko ang kalinderya kung kailan pwedeng may kumain? Di ko gagawin yun." humigop siya ng sabaw, at tumingin sa akin. "Pero sa pagkakatanda ko kasi, yun din ang lugar kung saan daw may umaaligid ngayong magnanakaw. Mayayaman kasi siguro ang mga tao dun kaya lapitin ng mga agaw tingin. Wala ka bang nababalitaang ganun, Kolas?" "Wala po, ngayon ko lang po nakinig yan. May ganyan pala." "Oo, yun ang usapan nung mga tao galing sa katabing kanto doon. Minsan silang kumakain dito pero yun lagi ang kwento, kaya mag-ingat ka. Mag-isa ka lang doon diba?" "Oho, pero hanggang alas-cinco lang po ako doon. May araw pa naman nun." "Kahit na, mag-ingat ka, iho. Pagnalooban ang bahay, kahit sinong magnanakaw magiging matapang. Walang pinipiling oras ang mga ganun. Basta wala masyadong tao ang bahay, laging may chansa yun sa kanila." Tumango akong napatitig sa natitira kong kanin. Tama si Mang Karding. Oras na ang magnanakaw ay nahuli sa loob ng bahay manglalaban yun. Sino ba naman ang gustong mahuli at makulong? Natural lang na kahit sino lalaban. "Wag mo masyadong isipin yun, Kolas. Basta umuuwi ka ng tama sa oras, wala kang dapat isipin." dagdag pa ni Manang Patty.  "Hahaha, walang dapat isipin kay Kolas. Katangkad na tao nan, siguro naman pati yung magtatangka doon sa bahay matatakot rin sa kanya." pagtawa ni Mang Karding kaya nabatukan ulit to ng asawa niya. "Oh, ano na naman ang ginawa ko?" "Pa-inosente ka pa dyan, Karding! Alam mo namang hindi na kailangan pang itulad si Kolas sa mga tambay dyan. Kita mo namang sa mukha lang siya malapit siya sa mga ganung klase, pero mabait na to, ganyan lang talaga ang buhok at mukha. Kawawa na nga at walang pumapansin, di na rin makakapag-asawa, kaya hayaan mo na siya sa kung paano niya ipresenta ang itsura niya." Di ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng saya, dahil hinahayaan nila ako at di sinasabihan ng kung ano sa itsura at pustura ko, o marakamdam ng lait na inihalintulad nila ako sa mga mukhang tambay. "Hahaha, kaya nga. Pero matikas to! Ano nga iho?" inakbayan pa ako ni Mang Karding para makisangayon sa kanila. Eto talagang mag-asawang to, kulang sa saya. Pati ako pinagtritripan. Nakisakay na lang ako sa mga biro nila. Natapos ang pagkain naming tatlo nang medyo gabi na, tumulong ako sa pagsasara nila para sa ganun makauwi na rin sila. Naglakad ako para makauwi. Sa kanto papunta sa tinitirhan ko, may dalawang daan doon. Isang tuwid na daan at isang pababa. Yung pababa ay isang short-cut papunta sa tinitirhan ko. Kung hindi nga ako nagtrabaho sa mansyon, di ko pa madidiskubre na pwede ko palang daanan yun. Lagi kasi akong sa tuwid na daan pumupunta. Bukod sa may mga poste ng ilaw, may madadaanan rin akong mga tindahan. Eh ang kaso, mas maraming lakarin kesa doon sa pababang daan. Pero yung sinabi ni Mang Karding? Nagkadebate tuloy sa utak ko kung dapat pa ba akong dumaan doon bukas. "Bahala na lang sa umaga." nagkibit balikat ako sa pagtahak sa tuwid na daan. Di ko pa rin nakakalimutan yung nakita kong nakakatakot kanina kaya ayaw ko munang makita yung mansyon. Aba, pansin kong lumalamig ang gabi sa tuwing naglalakad ako. Siguro dapat magdala ako bukas ng jacket. Nanlalamig ang dalawa kong paa nung nakauwi ako. At para mainitan, nagsalang ako ng tubig sa kalan. Balak kong magkape bago matulog. Di rin naman ako nagigising sa mga ganung klase ng inumin kaya bakit hindi? "Sa wakas, magpapahinga na!" dala-dala ko ang tasa ng kape ko sa tapat ng sopa. Binuksan ko ulit ang t.v. pero naging sobrang hina ng tunog nito. "Anong nangyayari sayo? Nagtatampo ka ba?" Tinaasan ko pa ang volume gamit ng remote, ngunit tila ba walang nangyari. Wala tuloy akong nagawa kundi ang pumunta sa likod nun at medyo pokpukin yun. "Ano, gagana ka ba?" Nakatitig ako sa imahe ng palabas habang inaabangang umayos ang tunog. Ang lapit ko ata dahil medyo sumakit ang ulo ko. Tatlong beses ko pang pinokpok ang likuran ng t.v. at inintay ang pagbabago ng tunog, ngunit di ko natagalan ang pagsakit pa lalo ng ulo ko. "Hahayaan na muna kita. Pasalamat ka at busog ako, hindi mainit ang ulo ko ngayon." pagkausap ko sa gamit. Tudas talaga 'tong t.v. na to kung sakasakaling wala ako sa magandang pakiramdam. Pinagpatuloy ko ang panunuod nang makaupo pabalik sa sopa. Pilit ko na lang inintidi ang bawat salita ng mga diba sa teleseryeng pinapanuod ko. Mahina, oo, pero sa tahimik ng buong inuupahan ko, may nakinig pa rin naman ako.  Dahan-dahan kong kinapa ang kape ko sa maliit kong lamesa. Di maalis-alis ang tingin ko sa pinapanuod dahil nagsasabunutan na ang kontrabidang babae at ang dibang babae. Kitang kita ko ang pisikalan nilang pag-akto na kumuha ng attensyon ko. Para sa akin nakakatawa ang dahilan ng pinag-aawayan nila. Hindi ako tagahanga ng drama pero pagganitong sakitan na, natatawa ako.  "Grabe, magboxing na kayo. Kulang na kulang yan oh. Aba, niloko ka ng kaibigan mo! Dapat mas malala pa yan!" di ko mainom-inom ang kape ko sa pagsuporta ko sa dibang babae. Kahit anong gawin nila di ako maniwala sa acting nila. Nakakadismaya kasing napigilan sila pareho. "Ay ano ba yan! Hindi pa tinudo nung director oh, dapat pinatagal man lang nila yung away. Puro sabunutan ng sabutan lang eh, ano naman ang magagawa nun sa tunay na buhay? Iba pa rin talaga pagtunay na---" napatigil ako. Sa di ko malamang dahilan, napatitig ako sa kape ko. Ang itim ng kulay ng tubig na nasa loob ng tasa. Mainit yun at alam kong kape pa rin, amoy na amoy pa rin naman ang tapang nun. Ngunit nangunot ang ulo ko sa pag-ikot ng likido sa loob. Parang bigla akong nahilo. Inangat ko ang tingin ko sa telebisyon, ang kakaunti nitong tunog ay unti-unti nang nawawala. Nanliit rin ang tingin ko sa mga imahe dun. Hindi naman nagbago ang iba pang gamit sa paligid ko, tanging yung t.v. lang. Muli akong napatingin sa kape. Nakita ko ang sarili ko sa repliksyon ko. Tila ba umikot rin ang paningin ko kasabay sa pag-ikot ng tubig, bumilis pa lalo yun. "Teka, an-ang sakit ng ulo ko...." tuluyan na akong bumagsak. "WOSHHH!" Bumalot sa akin ang pamilyar na takot. Nanigas ang mga binti ko sa pagkakatayo sa isang madilim na lugar, napakadilim na lugar. "Hello?! May tao ba diyan?!!" sigaw ko sa paligid. Umikot ako upang iuli ang mga mata, pero nasa isa akong bahay na hindi ko mawari ang loob. Anong bahay to?  Malalaki ang pasilyo, may mga gamit na magagara ngunit halatang mga di nagagalaw dahil halos lahat ay takluban ng alikabok. Tumalikod ako at napatingala. May mataas na kisame, at may isang malaking aranya (chandelier), nasa gitna yun ng isang mataas at malawak na hagdan. Kasalukuyan akong nasa gitna at nakatayo sa baba. Sa sobrang taas at laki, pakiramdam ko nanliliit ako---hindi, tumataas lang talaga yung hagdan!!! Ano ba talaga ang nangyayari?!!! "DUGSCCHHH!" "Ha?!!!" pagkagulat ko. Kagimabal-gimbal na tunog ang gumising sa katahimikan ng paligid, kasabay din nun ang biglang pag-ilaw ng paligid. Biglang kumidlat! Ngayong ko lang nakinig ang ulan mula sa labas. "Nasaan ba talaga ako?" kahit anong tingin ko sa lugar hindi ko mawari ang paligid. Ibigsabihin ngayon lang ako nakaapak dito. Hindi ko ginalaw ang mga puting telang nakataklob sa mga gamit. Hindi rin ako gumalaw ng malayo sa kinakatayuan ko, natatakot akong may ibang makakita sa akin at pagbintangan ako ng mali kung may galawin man ako sa lugar. Panay lingon lamang ako, ngunit kahit anong lingon ko, wala akong mahanap na sagot kung nasaan ako. "DUGSCCHHH!" Sa pangalawang beses ng pagkidlat, di na ako nagulat. Inabangan kong magliwanagan ang paligid, perp wala namang nagbago. Mas nalula lang ulit ako sa hagdan. Ewan ko ba kung bakit di ako nakatayo. Tinanaw ko ang labas. May minsang kulog at kidlat rin sa malayo. "Napakalakas ng ula----" Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Kitang kita ko ngayon ang bintana sa harap ko, isang malaking bintana na halos ipakita sa akin ang buong kalangitan. Nakita ko na to dati ah! Bumalik ulit ang tingin ko sa kabila, meron pa kasing isang katulad na bintana sa kabilang gilid. Parehas na parehas ang laki noon, at sigurado akong hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito. Hindi ko lang maalala kung saan. Tsk', saan nga ba?! "Kailangan mo na ring makapasok kaagad sa madaling panahon. Nauubusan na tayo ng oras."  Saad ng isang malamig na boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD