Nicolas

4095 Words
Nicolas’s POV "KRING! KRING!" "Oh?" mumungat-mungat kong inabot ang gilid kong tabi, nalaglag at dumikit kaagad ang kamay ko sa sahig. Kinapa ko dun ang telephono at pinatay ang alarm. Madiin pa rin ang pagkakapikit ng mga mata ko, ayaw kong tignan ang oras. May trabaho na naman. "Hay." bumuntong hininga ako sa pagmulat, at tumitig sa kisame. Parang wala pa ata akong tulog ah. Sa araw-araw na paggising ko hindi ako pinapatulog ng maayos dahil sa trabaho na to. Bago mag-alas-seis ng umaga ang pasok ko, oras bago pumasok ang mga estudyante. Hindi ako guro o kahit anong may mataas na tungkulin sa school. Isang lamang akong janitor. Pinilit kong ibinabangon ang buong katawan ko. Mula sa pagkakaupo, pinagmasdan ko ang paligid. "Ang kalat." kinamot ko ang batok ko. May panibago na namang gabundok na kalat ang naipon sa tapat ng kusina. Ah teka, panibago nga ba? Parang eto rin ata yung kahapon ah. Oo nga no. "Paano ko ilinisin ang mga kalat na to?" at katulad nang dati sa tuwing titignan ko ang orasan, 5:30 na ang nakasulat dun. "Huli na ako." Di ko pinansin at winalang bahala ang paghakbang ko sa mga diyaryong nakakalat sa sahig. Tuwing linggo, may dumadaang naghahatid ng diyaryo sa apartment ko. Iniipon ko yun para ipagbenta kaya ayan, mga nakakalat. Wala na akong mapaglagyan eh, maliit lang ang buong espasyo ng lugar. Mula sa nag-iisang pinto, nasa gilid lang nun ang kusina. May isang lababo at isahang kalan ang naroon. Hindi ako pala-luto at mag-isa lang rin ako kaya misan di na ako nag-aabalang gumamit pa ng kusina. Tsaka mahal ang gas, bakit pa ako magluluto? Mahal ang bilihin, hahaba pa ang listahan ko ng mga gastos. Mahinang sinipa ng paa ko ang kamuntikan ko nang maapakang mga bote, pinagpatuloy kong ginawa yun hanggang makalapit ako sa lamesa. Kailangan ko nang ipunin ulit 'tong mga recycle kundi magmumukhang tunay na basurahan ang buong apartment ko. Hindi lang diyaryo ang meron ako, pati mga bote at iba pang pwedeng ipagbenta ay iniipon ko rin. Eh este, tinatambak pala. Kumuha ako ng baso, nagtakal ako ng tubig at uminom. Ngunit napagmasdan ko ang tubig sa loob nun. "Kailan ko ba napalitan ang tubig sa pitsil na to?" Medyo malabo na yun. Nakalimutan ko na naman bang palamigin ang tubig kagabi? Medyo nakaramdam ako ng inis sa sarili. Nasasayang ang kuryente ko kung hindi ako makakainom ng malamig na tubig sa umaga. May refrigerator dito pero maliit lang at di masyadong gumagana. Tamang palamigan lang ng tubig, tapos hindi ko pa magamit sa tamang purpos. Naligo ako at gumayak. Sinamantala ko ang oras sa paglalakad papunta sa isang paaralang pinagtra-trabahunan ko. May ilang buwan na ata akong janitor. Tatlo ba o apat? Di ko alam, papalit-palit din naman ako ng trabaho. Humihikab akong nagwawalis sa tapat ng paaralan, ang pinaka-ayaw kong trabaho. Kauma-umaga tapos eto kaagad ang ginagawa ko, bwisit. Ayaw na ayaw ko pa namang mapatambay dito, ang dami masyadong taong dumadaan. "Aray ko!" ani na nagmula sa likod ko. Tumigil ako sa pagwawalis. Dadami na naman ang gawin ko. "Ayos lang po kayo?" tanong ko sa isang matandang ginang na kamuntikan nang mapatid sa basurahang pinaglalagyan ko ng mga kalat. Bitbit ko yan kahit saan. "Ah--oo, medyo sumabit lang ako, iho." nag-aalinlangin niyang sagot. Nakatungo pa rin ito at dahil sa kuryusidad sa kalagayan niya, napatungo na rin ako ng kaunti. May isang guhit na namumula sa paa niya, may kunting bahid ng dugo dun ngunit, sa tingin ko, hindi gasinong malala yun. Mahapdi siguro dahil sa hiwa, pero sigurado akong walang dapat isipin. "Nay, meron po akong band aid. Eto po oh, lagyan natin." tuluyan na akong tumungo para ilagay yun sa paa niya. Nagulat pa siya sa bigla kong ginawa, ngunit wala rin siyang nagawa at napakapit na lang sa balikat ko para sa suporta. Tinaas ko ang paa niya at nakita ang napigtal niyang tsinelas. "Oh, nasira pala ang tsinelas ko. Pasyensya na, sumabit ako dun sa gulong, iho." Gulong? Pasimple kong tinignan ang tinutukoy niya. Tama nga siya, nakausli yun kaya pwede nga siyang sumabit dun. May naalala tuloy ako. "Ako na pong bahala, nay. Teka lang po." pagkatapos kong lagyan ng band aid ang paa niya, kinuha ko naman ang tsinelas niya para ibalik sa ayos yun. "Ang bait mo naman. Siguro ginagawa mo rin to sa anak mo no? Ang swerte ng asawa mo sayo." Napatigil ako. Anong tingin niya sa akin, matanda na para magkameron ng anak? Tsk’, ang bata-bata ko pa para sa responsibilidad. "Eto na po." magalang kong ibinalik sa kanya ang sapin sa paa. "Salamat iho. Napakabuti mo." "Naku wala po yun. Pasyensya na rin po pala kayo at nakahara to." pagtutukoy ko sa basurahan. Ngumiti siya kaya napilitan rin akong ngumiti. "Ay naku! Hindi mo kasalanan yun. Sige ha, pagpalain ka nawa ng Diyos." Parehas kaming masayang tumango sa isa't isa bago siya umalis. Nalaglag ang emosyon sa mata ko sa pagkakatalikod niya. Minsan nang may nadapa rin sa basurahang to, ang kaso hindi matanda kundi sa isang ginang na ang anak ay nag-aaral rin dito. Tinulungan ko rin siya pero sinisi niya ako dahil nasa akin daw ang responsibilidad dun kaya kasalanan ko. Bukod daw sa ako ang gumagamit nun, ako rin daw ang janitor. At ayun rin sa kaniya, dapat daw tumabi ako. Wala raw akong karapatang magreklamo dahil tiga-paglinis lamang ako. Ang ayos diba? Kahit parehong pagtulong ang ginawa ko, magkaibang reaksyon ang nakuha ko. Iba-iba talaga ang bawat tao. Ang malaki pang pinagkaiba nila, yung ginang na yun ay nadapa dahil may katawagan siya sa telephono. Tsaka sinipa niya talaga ng may purpos yung basurahan dahil naharaan siya sa paglalakad at di niya yun nakita nung una. At ang kaso, naka-high heels daw siya kaya eto, nakausli na ang gulong nun ngayon. Dahilan naman kung bakit nadapa yung matanda. Oh diba, kung sino pa yung mga nag-iinarte at mga nasa mabuting kalagayan ng buhay, sila pa yung nagsasanhi ng paghihirap at disgrasya sa iba. Ang galing no? "Ano ba yan?" mas bumagsak ang buhay sa mata ko. Nakatumba ngayon yung basurahan kaya may panibagong kalat akong iimpisin. Pero malapit nang mag-alas-seite, dadamit na ulit ang mga tao. Paano yan? Minadali ko ang pag-impis sa basurang nakalat. Di muna ako nagwalis sa harapan, di naman masyadong madumi roon. Tsaka mas malaking kalat 'tong tatapusin ko, mawawalan na ako ng oras kung parehas ko pang gagawin yun. Pagod akong pumasok sa loob ng paaralan nung natapos ako. Pinili ko munang magpahinga ng saglit. Pansin kong dumadami na ang mga estudyante. Dadami na naman ang mga problema ko. Ang kakalat nitong mga batang to. "Kuya, hindi po ba bawal magpausok dito? Ano pong ginagawa mo?" may isang inosenteng bata ang dumaan sa harap ko. Tumatakbo to kanina at ngayon ay napatigil nang makita ako. Anong kailangan ng bubwit na to? Binuga ko ang usok mula sa bibig ko. "At sinong may sabi?" "Ayun po oh." tumuro ito sa may parte ng likod ko. Dahil sa nakaupo ako sa paraang nakatuon ang bigat sa dalawang paa, at hindi talaga nakaupo, maliit kong hinakbang ang paa ko at ginilid ang kamay sa tuhod. "Bawal magtapon, magpausok, o umihi dito." basa ko sa isang kartulina. Bumalik ulit ang mga mata ko sa bata. 'Tong pandak na to. "Oh? Anong problema?" Tahimik at titig na titig niyang tinuro ang kapit ko. Tinaasan ko yun ng kilay. Wala talaga siyang kaalam-alam. Hay, tatanda kaagad ako sa batang to. "Alam ko, bata. Pero ako ang gobiyernador dito. Kung ano ang pinaukala kong pakataran, ako rin ang lalagbag. Nakuha mo ba?" Umiling to. "Hindi po. Ano po ang ibigsabihin ng pinaukala mong pakataran?" Hay, marami pang bigas na kakainin 'tong linggit na to. Ang bobo naman niya, wala siyang kaalam-alam. "Sa madaling salita, ako ang janitor dito kaya alam ko na yan. Ikaw ba? Nasaan ang mga kalaro mo?" kung magpapaliwanag pa ako sa kanya ay baka abutin na ako ng pasko. "Naandun po." sabay turo nito. Nilingon ko ang parte ng pinanggalingan niya. Kanina lang ay marami sila, tapos ngayon wala na? Oh, baka naglalaro sila. "Shu, dun ka na. Maglaro ka na at magtago. Wala kang maiintindihan sa mga sasabihin ko." "Ang sungit mo po." inikutan niya ako ng mata. "Ah? Aba!" nangiti ako sa inis, sinundan ko nang tingin ang pag-alis niya. Bata ba yun? Ang sarap kutusan ah. Ako ang mas matanda sa amin tapos sasabihan niya ako nun? "Ako ang mas mayor sa amin. Tsk', sino siya para sabihan ako?" bumuga muli ako ng isa pang beses bagkus pinitik yun habang nangingising tinignan ang tinahak na daan nung bata. "Hahaha, sino siya?" "Mr. Radiomoda." pagtawag sa likod. Natatawa akong lumingon. "Hahaha, walang bawal-bawal sa akin---" "Bawal magkalat dito at magpausok." tinapik nitong malakas ang kartolina. Umiiling sa akin ngayon ang isang taong may pormal na suot. Oh, yari. Yung principal. "Ah Sir---" Pinutol ako nito. Di na ako nakasalita sa buong oras ng pananalita niya. Umuusok to sa galit nung tinuro niya sa akin ang mga upos at kalat na nagawa ko. Pinagalitan din niya ako mula sa mga kalat na di ko nawalis, sa usok, at sa impluwensya ko daw sa mga bata. Sa madaling salita nasisante ako. "Hay, araw." nangingkit ang mata ko sa pagsipat sa tirik na araw. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang kalinderya. Di ko aakalaing sa tanghaling tapat ako masisisante, sa gitna pa talaga ng araw. Di pa ako pinaabot nung principal na matapos sa buong shift ko kaya dito ako napapunta. Inaasahan ko na rin naman to. Sa totoo lang, pakiramdam ko ang tagal ko na nga ata dun. Nakasanayan ko nang may mga isang buwan o minsan mga ilang linggong lang akong tumatagal sa iisang trabaho. Hindi ako mareklamo at mapili sa paggawa, sadyang lagi lang talagang nagkakaaberya. Sanay na ako. Tsaka sinong may kailangan sa trabahong yun? Marami pang trabaho dyan! Marami pa akong mahahanap. "Kolas, aba, mukhang namomoblema ka na naman ah." natatawang ibinaba ni Mang Karding ang isang baso ng tubig sa harap ko. Siya ang may ari ng kalinderyang ito. Kilalang-kilala na niya ako dahil lagi akong naandito. Mahilig kasi akong tumambay. "Mukhang kailangan mo na naman ata ng tabaho ah." Tahimik ko siyang tinignan. Di siya nagkakamali, di na naman bago yun kaya tumango ako at uminom. Umiling din siya sa pagtugon. "Naku kang bata ka. Aba, kailan ka ba titino? Ang dami mo nang nasayang na trabaho ah. Wala ka bang may balak tagalan? Ano na naman ba ang ginawa mo, bakit ka natanggal?" "Mang Karding, di ako ang may kasalan. Nadistract ako ng isang bata kaya ayun, nagka-letche-letche. Naabutan ako nung principal na hindi nagtratrabaho. Nasisante tuloy ako." "Ano ba naman yan, Kolas? Bata? Baka naman pinatulan mo pa ha." Natawa ako sa pagkurba ng kilay niya. "Naku, wag mong problemahin yon. Mang Kardin, wala kang dapat isipin. Wala akong gagawin dun." Umubob ako kalapit ng baso sa lamesa. Dapat pala tiniris ko muna yung kutong lupa na yun. Dahil sa kanya nasisante ako. Bwisit. "Ay sus, mas nag-aalala ako para sayo." naiiling niya akong pinagmasdan. "Oh, Kolas? Naandito ka?" May gulat kaming napalingon ni Mang Kardin sa asawa niya. Si Manang Patty ay katulong ngunit marunong rin magluto kaya't lagi rin niya akong nakikita dito. Magkatuwang silang mag-asawa sa negosyo nila sa hapon lagi. Sa pagkakaalam ko, tuwing umaga lang ata may trabaho si Manang Patty sa amo nyang pinapasukan. "Manang Patty, kamusta po?" nginitian ko siya. Lumapit to sa akin at masaya akong tinapik sa likod. "Okay lang, okay lang. Ikaw? Iho, mukhang problemado ka na naman ah. Bakit di ka muna kumain?" Bakit ganun, parang lahat ata kayang tukuyin ang problema ko? Ganun pa ako kahalata? "Ay siya, tama na muna ang problema. Kumain ka na muna. Karding," tawag nito sa asawa na kumuha ng dala niyang payong. Sumenyas siya. "Ipaghanda mo na muna si Kolas ng makakain. Pagod 'tong bata oh, mamaya na ang kwentuhan. Masamang malipasan ng pagkain." Tamang tama talaga ang pagpunta ko rito. Lagpas na ang oras ng katanghalian kaya hindi sila masyadong busy. Kukunti na ang mga kumakain kaya't napapansin nila ako. Aminado akong bukod sa pagkain, saktong-sakto rin ang oras ng pagdating ko ngayon para sa kuwentuhan. Etong mag-asawang to, mahilig talaga sila sa mga ganap ng buhay ko. "Hahaha, ibang iba ka, Kolas. Kita mo, kilalang kilala ka na namin. Sige, kukuha na ako ng pagkain." umalis si Mang Kardin, habang si Manang Patty naman ang umupo sa katabing bangko niya. "Oh, trabaho na naman, Kolas no?" "Hahaha, wala naman pong bago." Inilingan nito ang pagtawa ko. Bakas sa mukha niya ang pagkaseryoso at ang pag-aalala. "Hay naku, kailan ka ba pupunta dito para pag-usapan ang ibang mga bagay sa buhay mo, bukod sa trabaho? Naiisip mo na bang mag-asawa? Diba't trenta'y syete ka na? Oh ilang taon na lang at kuwarenta ka na! Dapat nasa isip mo na ang mga bagay na ganyan. Aba iho, mahirap mamuhay mag-isa." Sabi na nga ba't eto na naman. Napailing ako sa pagtawa. Si Manang Patty talaga oh, masyadong nagpapatawa. Di pa kaya ako matanda. "Marami pong naghahabol sa aking mga babae, sadyang ayaw ko pa lang po." "Hay naku kang bata ka." nailing siyang napatitig sa akin. "Kawawa na ang magiging kinabukasan mo." "Hahaha, Kolas, ikaw pala'y habulin? Akala ko'y wala kang pakielam sa mga ganyang bagay." dumating si Mang Karding na may hinanda ng mga pagkain, nakinig niya ang mga sinabi ko. Siya lang naman ang pwedeng makausap nang hindi mabigat sa ulo. Mabiro kasi ito. Tinulungan ko siyang iayos ang mga iyun sa lamesa. "Ay oo naman talaga, Mang Kardin. Ako pa, kung gusto kong ikasal ngayon ay mangyayari. May naghahabol nga sa aking mayaman, di ko lang pinapatulan." At ginatungan pa niya ang sinabi ko gamit ng mga nakaraang niyang karanasan. Ganyan si Mang Karding, pala-kuwento din sa kabataan niya. Humaba tuloy ang kwentuhan. "Natatandaan ko dati, may mga hinaharana rin akong mitikyuluso. Aba'y sa sobrang kaartehan ay tinanggihan ko! Hahaha, katulad mo ako dati, Kolas. Ganyang ganyan rin ako." sabay kaming napatawa. Hinahambing niya ngayon ang mga pagtangi ko sa mga babae na ginawa rin daw niya dati. "Karding, tama na yan. Wag masyadong tumawa." paalala ni Manang Patty. Kinulbit niya ako. "Balik tayo sa trabaho mo. Ano, naghahanap ka ba ulit?" "Kung ano lang po yung paparating, yun na rin ang tatanggapin ko." sabay kibit balikat ko. Sabi ko sa inyo hindi ako mapili sa trabaho. "Naku hindi dapat ganyan. Baka magkanda-kanda utang ka nan, paano mo babyaran ang mga bayarin? Ang kuryente, tubig at yung inuupahan mo, paano na? Hindi ka mabubuhay nan kung hindi ka magtratrabaho." "Wag kang masyadong mag-alala. Madiskarte naman sa buhay 'tong si Kolas." inakbayan pa ako ni Mang Kolas. "Matalino naman to, kaya niya yan." "Kahit pa, dapat maghanap pa rin siya." inirapan nito ang sariling asawa, bago ako seryosong tinignan. "Kolas, kung gusto mo ilalapit kita sa kakilala ko. Naghahanap siya ng tiga-linis ng bahay, okay lang ba sayo yun? Masyadong malaki yung bahay tapos kailangan mo ring bantayan pamisan-misan, kaso dapat ayusin mo lang. Hindi pwede ang magkamali doon at mayaman ang may ari. Baka pagbayarin ka ng malaki kung kalokohan lang ang gagawin mo." Sus ako pa. Sa dinami-dami kong ng trabaho, sisiw na lang sa akin ang lahat. Tsaka nakakayanan kong magpapalit-palit ng trabaho sa kada paparating na buwan, napaka-natural sa akin ang salirang 'hardwork'. Katunayan pa nga nan, kung gusto kong tumagal sa trabaho ay mangyayari talaga. Yung kanina pati, pinahamak ako nung bata. Di ko kasalanan yun. "Naku ako pa po. Magaling po akong magtrabaho. Wala akong hindi kaya." may kompiyansyang pagtanggap ko. Umalog ng kunti ang balikat ko sa paghatak ni Mang Karding sa akin. "Iho, pilitin mo namang magbago. Di ka tatagal sa kahit anong trabaho kung magpapatuloy kang magiging arogante." "Mang Kardin," ngumisi ako sa kanya. "Dito sa trabahong to, pagnatanggap ako, sasabihin ko sa inyo, ito na talaga ang huling magiging trabaho ko. Matatagalan ko ang paglilinis ng bahay." "Eh diba't yan din ang sinabi mo nung nakaraan? Oh anong nangyari?" bagsak matang tinignan ako nito. Sinundan din yun ng reaksyon ng asawa niya. "Kaya nga iho. Sa lahat ng trabaho mo simula nung nakaraang taon sinabi mo na rin yan." Nagpabalik-balik ang paglingon ko sa kanila. Teka, sinabi ko na yun noon? Kailan? "Haha-ha," pinilit kong tumawa. "Wala po ito. Talagang huli na ito. Ano naman po ang hirap sa paglilinis ng bahay? Sus, kay dali po nun." Yung ibang trabaho nga na ayaw ko natagalan ko, eto pa kayang madali? Tiga-bantay lang pala eh, walang kaso. "Kolas, ano ba iyan? Ngayon pa lang kinakabahan na ako sayo ah. Ayusin mo at baka mapahiya ang asawa ko sayo, ipinasok ka pa naman niya. Wag kang magbabasag doon, mahirap magka-atraso sa mga mayayaman." seryoso niya akong tinignan. Nakaramdam tuloy ako bigla ng kaba. "Ano ka ba naman, Karding? Wag mo ngang pangunahan ang mga pangyayari. Baka naman mabait yung may ari nung bahay. Malay mo, tagalan nga ni Kolas yun." Tumatak sa akin ang nabanggit nung mag-asawa patungkol sa trabaho hangga't sa nakauwi na ulit ako. Tatawagan daw ako ni Manang Patty kung sakasakaling matangap ako. Ngunit sadyang hindi ang pag-iisip sa nawala kong trabaho o sa kung makukuha ko ba yung trabahong iyon ang iniisip ko ngayon. Binuksan ko ang pinto ng apartment ko. May bumara pang mga gamit sa pagbukas ko kaya't pinilit kong pinasok ang kalhati ng katawan ko upang makapasok ng tuluyan. "Tsk', yung tsinelas na naman to panigurado." may inis kong tinulak ng marahas ang pinto. Di yun tuluyang nagbukas ngunit naitulak ko ang katawan ko papaloob. Pinagpawisan ako dun. Katulad ng kinagawian, asar kong sinipa ang bumarang tsinelas sa karamihan ng mga bote. May tatlong kahon sa likod ng pinto na pinag-iipunan ng mga ibebentang gamit, nagkataong napasama ang tsinelas sa kalat doon. Awas na kasi ang laman ng kahon sa dami ng mga naitambak kong mga gamit. Sa ngayon tamang ganyan muna kadumi, wala akong oras para linis pa yan. "Hay, nakaupo rin ng maayos." nilagpak ko ang sapatos ko sa gilid ng sopa. Ito lang ang higaan ko, wala akong kama. Deretsyong natagpuan ng mga mata ko ang repleksyon ko sa screen ng tv na nasa harap. Di ko maiwasang mapatingin sa buong paligid. Tuwing umaga na itong bumubungad sa akin. Wala namang nagbago, makalat pa rin at masikip. Itsurang tambakan at hindi bahay. Tinitigan ko ang sarili ko sa repleksyon. "Siguro nga't kailangan ko nang mag-asawa. Kailangan ko na ng maglilinis dito." kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. Nanuod lang ako sa buong oras ng pag-iintay ko para dalawin ng antok. Wala akong maintindihan sa pinapanuod ko. Di ko alam pero nagkukusang bumabagabag sa akin yung klase ng tao ng pagtra-trabahuhan ko. Kung mayaman ba sila, yun ang nagpapaisip sa akin. Kinakabahan ako na makagawa ng mali. Hindi naman sa may gagawin akong kasalanan o ano, ngunit alam ko sa sarili kong wala akong tinagalang trabaho kaya't natatakot ako sa ikakatanggal ko sa pagkakataong matanggap man ako. Marami ang puwedeng maging rason, pero katulad nung kanina, laging pangit ang kinadadahilan ng mga pagkakasisante ko. Hindi naman siguro nila ako ikukulong no, kung makikitulog man ako doon? "Bukas ko na lang iisipin yun." mahinang bulong ko. Sa kinatagal-tagal ko nang mag-isang namumuhay, nakasanayan ko nang imikin ang mga naiisip kong mga bagay, lalo na't pagmag-isa ako. Sanay ako sa tahimik, dahilan na rin siguro iyun kung bakit may minsan akong nagsasalita. Ganito lang naman ang buong araw ko. Magigising para magtrabaho. Misan late, minsan hindi. Hindi ako nag-aalmusal, ngunit sa mga araw na walang trabaho, naglalakad ako sa bilhan ng pandesalan. Sa tanghalian, kakain ako ng mga bandang hapon sa kalinderya nina Mang Kardin. Makikipagkuwentuhan patungkol sa mga walang kabuluhang bagay tapos uuwi. At eto na yun, manunuod ng tv hanggang sa makatulog. Pareparehas lang lahat ng araw. Trenta'y siete na akong nabubuhay mag-isa kaya kung usapang bayarin, sa kuryente o sa pagkain, hindi na isipin sa akin ang mga ganung bagay. Sanay na rin ako na mawalan ng trabaho, kaya't nalaman ko na kung paano pagkitaan ang mga maliliit na bagay. Di ko na iniisip yun sa mga kabukasan. Trabaho ko na lang ang nagbabago, yun na lang ang isipin ko. "Mga mayayaman." komento ko sa teleseryeng pinapanuod. Wala akong sinusubaybayan pero sa klase ko na may iisa lang na malinaw na channel, nagiging iisa lang ang mga napapanuod ko kada gabi. Sa mga napapanuod ko, walang awa at mga sakim ang mga mayayaman. Napa-imagine tuloy ako. Hindi naman ako pagbibintangan o sisisihing magnanakaw ng ibang mga tunay na magnanakaw. Peron paano na nga, anong klaseng mga tao sila? Kulang ang impormasyon nina Manang Patty, kinakabahan tuloy ako kung sino ang magkakausap ko sa unang araw ng trabaho. Napatingin ako sa telephono. Di ko namalayan ang oras. Kanina pa ako nanunuod ng hindi alam ang nangyayari. Nalipasan na ako ng oras ng walang naiintindihan. Matulog na siguro ako. "Sabagay, hindi siguradong matatanggap ako. Siguro hindi ko dapat isipin yun ngayon." saad ko sa pagkakatingin sa kisame bago piniling pumikit. Mahangin ang kapaligiran. Malamig at marahas ang hangin na dumadampi sa balat ko. "May bagyo ba?" ngunit nang maimulat ko ang mga mata ko, isang hindi pamilyar na lugar ang sumalubong sa akin. May isang malakig puno ang nalalagasan ng maraming dahon dahil sa ihip ng hangin. Sumakit ang mata ko sa dala nung buhangin kaya't naitaas ko ang mata ko para takbulan ang mukha ko. Ano bang nagyayari?! Kung titignan ang bahay na to, parang may hindi ako matukoy. Kakaiba ang presensya nito. Malaki yun pero malalaman kagad na luma, hindi dahil sa mukhang sira o ano, pero yung design ng bahay ang talagang lumana. Kahit ganun ay maganda pa rin ang kulay nito, hindi kupas. Mukhang matibay pa rin ang bawat kongreto. Pero malaki ang pinto at ang mga bintana, yun ang pumukaw sa attensyon ko. Unang beses kong makakita ng isang bahay na ganito kalaki, pero may kakaiba akong pakiramdam sa pagtignin ko sa binta. Sa di malamang dahilan, naghahatid yun ng kaba sa akin. Parang natatakot ako. "Ah--hoy!!!!" sigaw ko. May nakita kasi akong anino ng tao sa loob ng bintana. Hindi ako pwedeng magkamali, may nanunuod nga sa akin kanina pa. "Pwede ba akong pumasok dyan?!!! Ang lakas ng hangin oh! Parang magkakaipo-ipo ata!" Lalo akong hindi naging komportable sa ginawa kong pagsigaw. Pakiramdam ko pati lalamunan ko napasukan ng dumi. Bakit ba kasi ang laas ng hangin dito. "WOOSSHH!" Mas lumakas ang ihip ng hangin. Nilabanan ko ang pagpikit ngunit sadyang naniningkit ang mga mata ko kaya nanliit ang paningin ko. Gayun pa man, nakakita ko pa rin ang bulto ng tao sa loob. Unti-unting luminaw ang imahe niya. Elegante ang suot nito, may mahabang buhok na babae. Ngunit sadyang kapansin-pansin ang mga titig nito. Malamig at matatalim ang mga mata niya, tinitignan nito ako sa gilid habang may mababang tingin. Di ko maiwasang makaramdam ng panliliit dahil dun. Bwisit na babaeng yun! "Hoy! Sabi ko papasukin mo ako!" sobrang naiinis na ako. Wala ba siyang balak magpapasok?! Oo, alam kong hindi kami magkakilala pero grabe wala ba siyang puso?!!! Pwede akong mamatay sa lakas ng hangin dito oh! "WOOSHHH!" May mga dahong humara sa paningin ko, at laking gulat ko ng para unti-unti akong iniikutan nun. Parang binabalot ako at tinatakbuhan ng bawat dahon. "Ah!!! Alis-alis!" pilit kong hinawi ang mga yun. Di na ako makahinga at parang nawawala na rin ang pakiramdam ko sa lahat. "Hoy!!! Tulungan mo ako!!!" paghingi ko ng tulong. Umaasa akong nakikita nung babae ang nangyayari sa akin, ngunit ng mabigyan ako ng pagkakataon, nakita ko na hindi naalis ang tingin niyo sa akin. "WOSHHH!" Mas sinakop ako ng nagsisi-ikutang mga dahon. Mas naging marahas rin ang hangin na humihiwa sa balat ko. Sobrang hapdi nun, at talagang hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko sinasakal na ako! "Hoy!! Teka!!" pinilit ko pang inabot ang kamay ko sa pagbabaka-sakaling may humatak sa akin papaalis sa kalagayan ko. Ngunit wala, ang inaasahan kong tutulong sa akin ay tumalikod lamang. "Te-teka!!! Sanda—ahh!!" napasigaw ako nang may maramdaman akong kumapit mula sa likod ko. Marahas akong lumubog sa dami ng dahon. Unti-unti rin nawala sa paningin ko ang malaking bahay. "Kailangan mo munang pumasok sa loob, at malaman ang tunay mong responsibilidad. Sa mga panahong yun, pagna-intindihan mo na ang lahat, babalikan din kita upang pagsilbihan." Isang tinig na sumabay sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD