Plano

3437 Words
Kolas’s POV Nagpatuloy ang paglalakad namin sa loob ng kagubatan, at walang ginagawang maganda sa akin ang mga sugat ko. Patuloy pa rin akong nakakaramdam ng mga pagkirot at kung ano-anong sakit. Ayaw kong magreklamo at nakasanayan ko na ang solohin ang mga nararamdaman ko noon tuwing may sakit ako. Hindi masama ang mga magulang ko kung bakit hindi ako nagsasabi. Mas gusto ko lang alagaan ang sarili ko dahil kaya ko, at alam ko ang kailangan ko. Sa ngayon nga lang wala ako ng mga bagay na kailangan ko. Sa nakikita ko rin puro dahon gawa ang mga gamot nila, wala naman akong alam sa ganun, kaya kinakaya ko ang sakit. Katunayan nan, kung ako ang papipiliin, kanina ko pa gustong tanungin si Sesp para sa gamot na binigay nung matanda kanina. Ang kaso hindi ko maalala kung anong oras o sitwasyon ko dapat inumin iyun. "Ugh." pasimple kong daing. Napatigil tuloy si Sesp sa pagkwekwento. Oo, hangang ngayon nagkwekwento pa rin siya. "Ikaw ba ay maayos ang kalagayan?" Pinilit kong ngumiti at tumango. "Oo naman, teka lang ha." Tinanguan niya ang pag-alis ko ng kamay sa balikat niya. Kanina pa ako nakaakbay sa kanya, pero wala ata siyang nararamdaman na mali sa akin. Grabeng yan ang lapit ko na sa kanya hindi pa rin niya ako tinutulungan?! Ang sama-sama na nga tignan ng kalagayan ko, pero sa kanya ata ang saya-saya ko pang tignan. Panay kwento pa siya dyan, tsk'. Habang pinipilit kong magpatay malisya, at maging kunwaring interesado sa mga kento niya, binigyan ko ng ilang pasulyap na tingin si Morha. Nangunguna pa rin siya ngunit ang akala kong walang pakielam ay nakikiramdam pala! Nahuli ko siyang nakatingin sa may kamay kong nakadiin sa tagiliran. Sinasabi ko sa inyo, ang sakit talaga ng bawat paghinga at paglalakad ko. Pero kung sa kanya ako hihingi ng tulong? Wag na pala, maling ideya. Sisigawan pa niya ako panigurado at sisisihin. Alam kong dapat sa labanan--takbuhan pala, ang mga binigay na gamot nung matanda. Kung iinom ako ng isa ngayon, sasabihan niya ako ng nag-aaksaya. Tsaka hindi ko pa rin naman sigurado kung tama na ba 'tong sakit na meron ako, ang ibig kong sabihin ay baka humingi ako ng gamot pero yun pala nagkakamali lang ako at kaya ko pa pala. Natitiis ko pa naman, siguro tatagal pa ako nito. Sana nga lang makahanap na kami ng tutulugan. Sobrang sakit na ng baga ko sa paghingal. "Hahaha, maraming kakaibang hindi ordinaryong natawid na karanasan si Sesp sa mga bahay ng katanggapang sulat! May mga mamayanang----" naputol ang sasabihin ni Sesp nang tinabihan siya ni Morha sa paglalakad. Sa tingin ko, tama na nga iyung ginawa niya para mapatigil to sa pagdaldal niya. Walang biro talaga ang presensiya nitong babaeng to. "Sesp, doon ka muna." kinapitan ni Morha to sa balikat para itulak sa kabila kong gilid. Kasabay ng kunting talisod ni Sesp, sumunod ang ulo ko. "Ang bagal ninyo, sasabyan ko kayo. Bilis." Hindi ako makapaniwalang tinulak niya si Sesp. "Para saan yun? Pwede mo namang sabihin na lang." "Hindi, si Sesp ay ayos lang. A--ayos lang siya." Yan, kinabahan tuloy 'tong bata. "Oh, bakit ka ganyan makatingin?" nakangising tinaasan ako ng kilay ni Morha. "Ayos lang siya ah, anong kinagagalit mo dyan?" "Ayusin mo nga yang pananalita mo." "At sino ka para sabihin sa akin yun?" tinaasan pa niya ko ng baba. Ang yabang talaga nito kahit kailan! "Mas matanda ako sayo. Siguro naman naiintindihan mo yun, tutal iisang lengguwahe lang ang ginagamit natin, diba?" Kung matalino siya, alam niya ang tinutukoy ko. "Pero hindi ako tao." mahinang bulong niya at mas mayabang na ngumisi pa, may mapang hamon yun. "Wag mo naman akong itulad sa mga matatanda dyan. Hindi ako sumusunod sa pakataran. Kawal ako, walang galang galang." Umirap ako. Sarap wahiin ng yabang nito. "Oo nga, pero kung ayaw mong magkaintindihan. Wag kang sumunod, wag mo ring gamitin ang lengguwahe ko." "Ha? Hindi tayo magkakaintndihan----" "Yun ay kung ayaw mong sumunod sa paggalang. Lengguwahe ko, pakataran namin." Asar siyang umiling. "Wala akong balak sumunod sayo. At hindi ka matanda, bata ka." "Bata? Hahaha, ano ka, kwarenta? Hahaha, pwede din naman singkwenta?! Haha---aray!" natigil ang tawa ko, siniko niya ako sa tyan. "Aray!" "Hindi kwarenta. Mas matanda pa sayo. Tsaka wag ka ngang marte. Basta hindi mo ako mapapasunod." habang naglalakad, di niya inaalis ang tingin sa may parte ng siniko niya. Nagtataka niyang sinusuri ang nakikitang benda. "Bakit? May masakit ba sayo?" May pake pala to. Tsk', hindi niya ako maloloko dyan. "Kung ayaw mong sumunod, wag mong ibahin ang usapan. Hindi naman kailangan iyun." "At kahit anong gawin mo, hindi pa rin ako susunod sayo. Uulitin ko, di ako tao. Ngayon, yun ang pinal kong sagot, di na magbabago yun. Oh ikaw naman ang sumagot." malalim niya akong tinignan. "May masakit ba sayo? Sa ngayon dapat wala yan. May kapangyarihan pa ako sayo, dapat hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano ngayon." "Sigurado ka bang gumagana ang kapangyarihan mo?" Bagsak mata niya akong tinignan. Lumingkis ng marahan ang kamay niya sa gilid ko, ngunit wala siyang magaan na kamay. Mas diin lang niya at dinagdagan ang tinitiis kong sakit. "Kinequestion mo ang kapangyarihan ko? Ang yabang mo atang lupang nilalang ka." "Aray-aray. Wag mo akong kapitan." marahas akong nanlaban sa kapit niya dahl dun mas tumaas ang kilay niya sa pagtataka. "Kanina ka pa may nararamdaman?!" "Bakit ka sumisigaw?! Bakit, sa tingin mo sa kalagayan kong to, dapat wala?! Hibang ka na ba?! Nalaglag tayo mula sa langit oh! Mas matangkad pa sa normal na puno yung taas ng nilaglagan natin, natural may masakit sa akin!" Natigil ito, nanlalaki ang mata niya. Si Sesp naman ngayon lang napansin ang tunay na nangyayari. Ang pinagkaibahan nga lang, sahalip na lumapit siya sa akin at tumulong, umatras pa siya papalayo sa akin. Parang inaabangan niya ata ang sabong namin ni Morha. "Hoy Bata, ayos lang yan. Hindi kami magsusuntukan o mag-eespadahan." "May posibilidad bang hindi mganap yan. Ikaw ay nag-iwas kay Sesp, ngunit ikaw ay hindi pwedeng hindi msaktan. Ayun sa prediksyon ni Sesp, kahit walang ramdam sa lupa, ang pakiramdam mula sa mata niya ang nagsaad na hindi ka makakaiwas sa paparating sayong sakit." "Sesp, tumigil ka nga." suway sa kanya ni Morha na mabilis lumapit sa akin at kinapa ang mga sugat ko. Umilag ako sa paglapat ng sakit. "Wag kang umilag." "Aray! Aray! Bakit mo ako kinakapitan?! Ang sakit nga diba?! Bakit hindi ka nakikinig?!" kaso hindi niya ako tinigilan. "Morha! Ano ba, ang sakit nga!" Ngayon napatigil na talaga siya. Sa lakas ng boses ko, parang natauhan siya. Pero hindi galit ang nasa mukha niya, mas seryoso siya at parang may malalim na tingin. "Masakit? Hindi pwede." Anong hindi pwede? Hindi ako pwedeng masaktan? Ang imposible kaya nun, tao lang ako! "Nagbibiro ka ata." imposible ko siyang inilingan. "Walang nagbibiro dito. Lahat ay seryoso." pagsangat ni Sesp. Parehas silang nakatitig ngayon sa akin. Wala akong masabi. Sa tingin ko ngayon nila napagtanto na tunay ang pag-inda ko. Ramdam kong parehas nila akong pinapakiramdaman sa kalagayan ko. Eto ang dahilan kung bakit ayaw kong magreklamo, alam kong magkakaganto. "Anong tinitingin-tingin ninyo dyan? Kaya ko ang sakit no." umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Wala sa kanila ang gumalaw. "Tara na." "Ikaw dapat ay hindi nakakaramdam ng sakit ngayon. Kung ikaw ay nasaaktan, ang kahulugan ay lahat ng sakit nararadam mo. Ikaw ba ay ayos lang? Paano pa'y ang paglalakad mo?" tanong ni Sesp. "Kaya ko nga. Gumagana yung kapangyarihan ni Morha. Okay ako." "Hindi, hindi tayo dederetsyo sa pag-alis. Bababa tayo sa mas malapit, kailangan na natin ng matutuluyan." panandalian lang sumabay sa akin si Morha at nilagpasan din kaagad ako. "Ayaw ko. Kaya ko nga diba? Wag na kasi kayong magtanong." "Ikaw ay nakakaramdam ng sakit? Iyun ba ay pupuwede, kawal?" bumaling si Sesp sa kanya. "May hindi nga siya nararamdam, siguro ay kalhati ng iyong kapangyarihan ay may hatid pa ring lunas. Ngunit si Sesp ay walang nararamdamang kakaiba sa kanyang katayuan. Wala siyang nararamdamang kakaiba mula sa ginoo na ito." pagpapatukoy niya sa akin. "Kita mo na, wala akong nararamdaman. Tara, patuloy tayo. Malapit na ata tayong makaalis sa bayan na to oh, baka abutin pa tayo ng umaga kung titigil pa tayo." "Hindi, ako pa rin ang masusunod." pagtutol ni Morha sa sinabi ko. "Hoy babae, wag ka nga. Sabi ko wala ako--" "Wag kang pagdelisyonal dyan. Wala akong pake sayo, may pake ako sa araw. Baka abutin tayo ng dilim at hindi na tayo makahanap ng pwedeng matuluyan. Ayaw kong matulog dito, mahirap lumaban sa mga hayop." Sabi ko na ba, ito talaga lagi ang nangyayari. Sa tuwing nagsasabi ako ng sakit, lagi akong may naabalang mga tao. Tsk', ayaw ko ng pake nila kung kakaawanan lang nila ako. Kaya ko naman ang sarili ko, hinid ko kailagnan ng tulong. "Kainis, sabi nang wala akong nararamdaman eh, mga ayaw makinig." inis kong bulong at sumunod sa kanila. "Si Sesp ay nakikinig, ngunit magkaiba ang hangarin ninyo ng kawal na babae. Hiling ni Sesp nagustuhin mo sanang ikaw ay malunas muna. Mahihirapan tayong lahat sa paglalakbay, mas lalo na sa iyong sarili mismo. Kahangahanga ang pagtikom sa iyong sakit." Binanggit niya iyun, pero patuloy pa rin niya akong linagpasan at hindi inalalayan. Anong kalseng tao yun?! Wala ba siyang puso?! Nakinig na niya ang pag-aray ko at lahat-lahat tapos lalagpasan lang niya ako?! Aba, parang sunugan lang ah! May pake daw at nag-aalala pero biglang mawawala, ano yun?! Paasa 'tong yano na to! Bumaba kami ng kunti malapit sa aalisan dapat naming bayan. Ang sabi ni Sesp, malapit daw to sa daan na pupuntahan namin. Siya na rin ang kumausap sa may ari ng bahay na tutuluyan namin ngayon. Ewan ko kung paano, pero pinatuloy kami ng isa sa mga mamayanan dito. Walang kakilala dito si Morha, at katulad niya ganun din si Sesp. Nakakapagtaka tuloy kung ganito ba ang mga tao dito, at nagpapapasok na lang ng hindi nila killala sa mga tahanan nila. Himala na may digmaan at sakupan na nagaganap pero ang bait pa rin nila para tumanggap ng mga bisita. Pinagsilbihan rin nila kami, hindi rekta, pero sapat na at malaking tulong. Kung ganito palagi ang pang araw-araw nila, mahirap tukuyin kung hanggang saan pa ang kayang inabuti ng mga tao dito kung sakaling nasa tahimik ang mga bayan nila. Napaka-payapa siguro nila. "Pagkain." inabutan ako ni Morha ng isang mangkok, ibinigay iyun ng may ari rin ng tahanan. Tahimik 'tong nagpasok sa lugar na ibinigay niya sa amin, pero hindi nagsalita. Pinulot ko ang pilak na may dungis, sa ganung gawa ang mangkok. Hindi kalaliman ang hulma, maliit, at hindi pa lalagpas sa kamay ko ang laki ng pinaglalagyan ng pagkain namin ngayon. "Ano ang nasa loob?" "Pagkain. Kanin at sabaw." tinulak niya iyun papalapit sa akin. "Wag ka ng magtanong, ganito talaga ang mga pagkain dito. Pasalamat ka at may kakaini ka. Bilisan mo ang pagkain para mabilis ang paggaling mo." "Bakit? May himala ba silang nilagay dito? Anong klaseng gamot yun?" "Hindi." madiin at inis niyang sagot. "Hindi ka magagamot. Walang gamot na nakahalo dyan, pero sigurp kung kakain ka pwede kang magkalakas at siguro pwedeng tumulong yun sayo, ano, diba? Akala ko may utak ang mga tao. Siguro naman magkaparehas sa lahat yan diba?" Nagkibit balikat ako. "Malay ko. May mga kapangyarihan kayo, para sa isang tulad ko, posibble na ang lahat sa inyo." "Manahimik ka, may nararamdaman ka pa. Kailangan mong unahin muna yan para maka-usad na tayo sa plano." "Alam ko, sagabal ako." Tumayo siya at nas ilip sa bintana. Sa gilid ng bahay na to, may isang kwartong nakahiwalay sa mismong tahanan. Ito yun. Katulad ng mga nakita kong mga bahayan kanina, maliit rin ang tirahan nila. Kaso ngayon, hindi na nasa ilalim ng lupa. Mababa ang kisame, pwede na ang tumayo, pero dapat nakatungo. Sabi ni Morha, tulugan daw ito kaya mababa lang ang kisame. Dapat daw hindi nakatayo dahil hindi naman daw nakatayo matulog ang mga nilalang. Oo, nilalang---ni lahat na niya. Tao man o Liwblus. Kung ganto ang pagkakagawa ng kwarto namin, ibigsabihin mas pinakahalagahan ng mga may ari nito ang tutulugan. "Bata, marami ka nang napuntahang mga bahay diba? May mga bahay ba na matataas ang kisame?" tanong ko. Kasalukuyan siyang nag-aayos ngayon ng mga bagahe niya. May hinahanap ata. "Oo, panigurado! Sa natagpuan ni Sesp, may mga magaganda at malalawak pang kabahayanan ang naiitatayong tahanan! Ngunit ang magbanggit ng ganiyan sa ating komparang kasalukuyang silid ay hindi mararapat." tumungo siya malapit sa akin para bumulong. Sinigurado pa niyang walang nasa paligid ang nakakakinig. Bakit kaya? May mali ba akong natanong? Mukhang meron eh. "Ginoo, tayo ay magpasalamat at wag maghatid ng hidwaan sa mga nagpatuloy sa atin. Sila ay napakabait para tayo'y tanggapin dito sa kanila ligtas na espasyo." Oh, yun pala. Nahiya tuloy ako. "Hindi, hindi. Syempre, ang bait nila. At tama ka, hindi dapat ako nagtatanong ng ganun. Pero nakakapagtakang ang bilis nila tayong tinanggap dito, eh diba hindi nila tayo kilala, bakit nila tayo pinatuloy?" "Si Sesp ay naggulimihanan sa iyong katanungan dahil bakit hindi? Ano ang mali kung hindi nila tayo papatuluyin dito?" “Wag mo siyang guluhin.” pagsagot ni Morha na sinenyasan ako bago tinapunan ng tingin ang bata. “Mensahero, hayaan mo siya. Wag mo laging sagutin ang mga tanong niya. Ganyan lang yan, medyo naprapraning.” “Walang problema. Ang pagsagot sa katanungan ay siya ni Sesp kinagagalak! Sa katunayan, si Sesp ay gustong tumulong sa lahat ng kanyang kaalaman!” Napangiti ako sa lawak ng ngiti niya. Halata ngang ang saya siya. Ang bilis niya talagang basahin. Hindi ata kaya nitong magalit. Okay talaga siyang pang balanse para kay Morha. “Babaan mo na ang boses mo, natutulog na ang mga nakatira dito. At ikaw naman.” sabay turo sa akin nito. “May mga sugat ka. Wala akong alam dyan o sa pag-aayos, tanging kapangyarihan ko lang ang magagamit natin para hindi mo maramdaman yan. Pero hindi ko kayang ibigay yun sayo, ano kaya mo bang makatulog ng walang gamot-gamot?” Ang damot mo. Gusto ko sanang sabihin. Ang sama kasi nung dating na nagsabi pa siya pero hindi naman pala gagawin. Umasa tuloy ako. Dapat di na lang niya sinabi para sa ganun alam ko na kaagad sa una palang sa titiisin ko to ng matagal-tagal. “Ayos lang, ayos lang. Kaya ko pa. Wala rin naman akong balak manghingi ng gamot.” Medyo tumawa ito. Tsk’, anong nakakatawa, yung paghihirap ko? Napakasadista na yano! “Mahinang nilalang, anong kinagagalit mo? Haha, hindi ko na kasalanan na kailangan natin makasigurado. Malayo ang lakbayin, kailangan kong tipirin ang kapangyarihan ko. Kaya kung kailangan kong hindi makatulog, kasama sa pagtitipid iyun. Kahit papaano, mas kailangan maisagawa ang plano sa kakayanan ko. Ako lang naman ang makakapagligtas sayo sa kahit anong sitwasyon, kaya wag kang magreklamo. Nasa palad ko pa rin naman ang buhay mo.” Puro pagbubuhat ng bangko to, nakakainis! Ngayon utang ko na ang buhay ko sa kanya?! Tsk’, mangarap siya! Hinding hindi ako tatanawin ng utang na loob sa ganyan kahipokrito! Kahit na sabihing siya lang ang makakapagbigay ng gamot ko, unang una sa lahat, kasama siya sa dahilan kung bakit ako nalagay sa panganib! Siya itong hindi marunong magpasalamat, tapos nang gigipit pa ng sitwasyon! Hindi ko talaga gusto ang ugali niya! “Wag kang mag-alala, wala na akong inaasahang tulong mula sayo.” sumubo ako ng pagkain. Walang silbi ang galit lalo na’t kung hindi rin kami magkakaintindihan. Kaya kong patayin ang sariling galit para sa mas mabuting katahimikan, pero wag niyang aasahang mawawalan ng malisya sa akin ang lahat ng iaalok niya. Mapa-tulong man yun o ano, basta may kinalaman sa kanya, magdadalawang isip na ako sa dahilan. “Katulad ng sinabi ko, kaya ko ang sarili ko.” May ilang saglit niyang hindi tinanggal ang titig sa akin, bagkus nagtalikod at nag-ayos ng higaan. “Mabuti kung ganun. Mababawasan ang pabigat na isipin.” “Ganun na nga.” sumangayon ako. May ilang subo lang ang pagkain, sa liit ng mangkok, maaga kong natapos ang nasa loob. Pansin kong tahimik na nagmamasid sa amin si Sesp. “Hoy bata, nagtataka ako sa lugar na pupuntahan natin pagkatapos dito. Pasaan ang plano ninyo?" "Sa pagkakaalam ni Sesp, tayo ay magtutungo sa limang dibisyon ng mga sentrong kalupaan ng buong Corjes." "Dibisyon? Mga rehiyon ba kamo?" "Tama, may limang malalaking sentro ng kalupaan ang Corjes. Iyun ay ang 'Tlen', 'Kwas', 'Hjur', 'Wisca', at ang panghuli ay 'Sohm'. Sa mga bayan madaling pumasok, ngunit sa mga sentrong kalupaan, maraming kawal ang maggagawad ng bantay para sa proteksyon. Si Sesp ay nakapunta na sa iisang sentro pa ang, sa 'Tlen', kanyang batid na mahirap makapasok sa iba pang sentrong lupa." "Oh marami pala ang mga kawal doon, edi wag tayo dun pumunta." "Marahil madali ngang pumasok sa mga bayan ng mga probinsiya ngunit si Sesp ay nababahalang wala sa probinsiya ang ating kailangan." sa gilid ng mata niya, sumulyap siya kay Morha. "Nasa mga sentro ang inyong kailangan. Ang pakikipagsapalaran ay nasa ating ng palad. Marami tayong mga tunay na malalakas na kawal na masasagupa." Napabangon ako. "Ano? May mga kapangyarihan rin ang mga Liwblus doon?!" "Iyun ay walang duda. Kay Sesp na palagay hindi na dapat pa iyun knabibigla." nagtataka niya akong tinanguan. Normal nga pala sa kanila yung may mga kakaibang nagagawa. Liwblus nga pala siya. "Lupa, tubig, apoy at hangin, iyun ang ibigsabihin ng mga sentro ng buong kaharian ng Corjes. Pinangalanan silang ganun dahil iyun ang mga kapangyarihan ng mga Liwblus dito." saad ni Morha habang nagpapagpag ng hihigaan. Lupa, tubig, apoy at hangin. Kaya pala may ibang bumubuga ng apoy sa mga kawal na humabol sa amin. Pero yung kay Morha, dahon? Umiikot na dahon? Anong parte nsa mga elemento ang kapangyarihan niya, hangin? "Hangin ang iyo?" pagkumpirma ko, pero hindi ako mismo sa kaaya nakaharap. Medyo ginilid ko ang sariling ulo para alam pa rin niyang siya ang tinatanong ko. "Ano pa ba?" pabalang niyang sagot. Tsk', kinkausap ng maayos to oh. Hinarap ko si Sesp. "Eh ikaw, bata, ano ang sa iyo?" Tiga dito siya at isang Liwblus rin, siguro naman may kapangyarihan din siya. Lumawak ang ngiti nito. "Si Sesp ay sa lupa bumahagi! Ang kakayanan niyang malaman ang lupang tatahakin ay isa sa biniyaya. Ganun ding isa 'tong malaking tulong kung bakit si Sesp ay nakakapaghatid ng mensahe!" "Kaya pala kaya mong magbasa ng mapa." sahirap basahin ng mapa nila, mas mabuti nga kung sa lupa siya bumase. Maganda pala kung may ganun na kapangyarihan, maraming pwedeng puntahan. Alam niya kaya kung saan ang palabas sa mundong ito? "Ang pagbabasa ng mpa ay isang kaalaman. Hindi iyun nababase sa kakayanan." Mali pa rin pala ako. Okay, sinabi nila eh. Malay ko ba sa pwedeng ituro sa eskwelahan nila. "Ano ang plano? Bakit kailangan natin pumunta sa sentro?" "Ang babaeng kawal na ang pwedeng makasagot nan." Parehas naming inabangan magsalita ang tinutukoy niya. Nagpapatuloy lamang siyang mag-ayos ng higaan. "Kailangan natin kumuha ng mga kasamahan. May mga mamayanan dun ang pwedeng mag-alok ng tulong. Kung mapapaniwala natin sila sa propesiyang alam ko, pwede tayong makabuo ng grupo na pwedeng lumaban sa mga mananakop. Yun ang plano, ang bawiin ang aming kaharian." "Hindi ba't imposibleng----" naputol ang sasabihin ni Sesp. "Wala pa tayo dun, hindi mo dapat pinangungunahan ang mga posibilidad. Nasa propesiya din to, walang imposible." "Kung iyan ang iyong natuklasan." tahimik na nagligpit ito ng mga gamit. "Saan mo ba nakuha ang propesiyang yan?" tanong ko. "Hindi na importante iyun. Matulog ka na at magpahinga. May malalalim ka pang mga sugat, kailangan mo ng lakas." Binale wala ko ang di niya pagsagot. May duda ako, matagal na, sa propesiyang sinasabi niya. Hanggat wala siyang sinasabing sagot, di rin ako maniniwala. Isang malaking sugal ang gusto niyang mangyari, parang isang laro na walang kasiguraduahn at papatunguhan. 'Tong si Morha, parang bata na walang magawa. Kung balak lang niyang magpatuloy at eto na kaagad ang sinapit ko, di na ako magtataka kung bukas bukas di na ako makakagalaw. Ang layo pa ng lalakbayin namin, meron rin mga mas malalaks pa na kawal. Kung saan man kami papunta at kung ano ang balak namin gawin dun, di ko pa alam. Sa ngayon ang buhay ko ay nakasunod sa kanila. Wala akong balikan papunta sa mundo ko, wala akong ibang pamimilian kundi ang sumama sa kanila. Sana sa paglalakbay namin may matuklasan rin akong paraan para makauwi sa mundo ng mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD