Kabanata 1
"Bryant mahal kita"
"Mahal na mahal kita"
"Bata palang ako ikaw na talaga yung mahal ko"
"Pwede bang maging Mrs. Vida mo?"
Pabagsak akong humiga sa aking kama. Kahit ano namang practice ang gawin ko ay paniguradong matataranta ako kapag kaharap ko na siya.
Pinagmasdan ko ang munting love letter na hawak ko pagkatapos ay naiinis ko itong itinapon sa kung saan. Gusto ko sanang punitin iyon ngunit kapag isasagawa ko na ay bigla nalang pumapasok sa isip ko ang mga prosesong aking ginawa para lang makalikha ng ganung uri ng love letter. Halos isang linggo ang ginugol ko para lang ito ay gawin ngunit mukhang hindi ko ata iyon kayang ibigay sa taong matagal ko ng gusto. Ilang beses ko rin pinag-isipan ang aking mga sasabihin sa aking isinulat ngunit ngayon pa nga lang na iniimagine kong kaharap ko siya ay labis na akong nanghihina.
"Hi Bryant! Sana magustuhan mo—"
Agad kong hinila sa pakialamerong asungot yung love letter.
"Paano ka nakapasok dito?" asik ko at dali-daling tumayo. Bored naman niyang itinuro yung pinto at parang ipinamukha pa sa akin na napakabobo ko dahil itinanong ko pa ang obvious.
"Kwarto ng babae ito hindi ka dapat basta nalang pumapasok" paliwanag ko ngunit hindi niya manlang ako pinansin bagkus ay padapa siyang humiga sa aking kama. Ngayon ay ako naman itong nakapameywang na nakatingin sa kanya.
Kahit kelan talaga ang kapal ng mukha ng isang 'to e.
"Your Mom lets me" paliwanag niya na nagpataas ng kilay ko.
Ano nanaman bang pumasok sa isip ni Mama? Gusto ko sanang puntahan siya at magreklamo kaso ay baka kung anong gawin ng gunggong na' to sa kwarto ko.
"Hey, pwede masahe? Ang sakit ng likod ko e"
O diba ang kapal ng mukha? Siya na nga itong nakikihiga tapos siya pa itong malakas ang loob magpamassage.
"Ba't hindi ka dun sa guest room?" ani ko, hindi pinansin ang huli niyang sinabi.
"Walang magmamasahe sa'kin kapag sa guest room" sagot niya kasabay ng pagtihaya.
"TR pamassage" pag-uulit niya na agad ko ring tinanggihan. Ano siya sinuswerte? Bahagya akong lumayo sa kanya para itago sa may drawer ko ang love letter na aking ginawa.
"Kapag hindi mo ko minasahe ikukwento ko kay Kuya na hanggang ngayon ay nagpapanty ka parin ng hello kitty" pananakot niya and I swear gusto ko siyang batuhin ng kung ano. Nakakairita.
"Imbento ka alam mo yun?" ayokong makita niya na naaasar ako kaya't mas pinili ko talagang kumalma kahit gigil na ako. Huwag lang siyang magkakamaling totohanin iyon at talagang malilintikan siya sa akin.
"Ows? Kulay purple pa nga" aniya, ipinagpapatuloy ang pang-aasar.
Bakit kasi kailangang makita niya pa yun?
"Hindi sa'kin yun!" pagtanggi ko.
"E kanino? Kay tita?" pang-aasar niya pa kaya't binato ko na siya ng unan.
Last week yun nang bumisita ulit siya dito. Kasalukuyan akong naglalaba nang dumating siya and him being him ay walang habas niyang pinakialaman ang mga damit na tapos ko ng labhan.
Actually, he offered help. Ang sabi niya ay tutulungan niya raw ako magsampay at dahil nga tinatamad na ako ay agad niya akong napapayag which is a bad move. Nakalimutan kong may mga underwear nga pala doon. Until he saw that purple panty na may nakaprint na hello kitty but I swear hindi sa'kin yun. Pagmamay-ari yun nung 2 years old kong pinsan na babae . Minsan kasi ay si Mama ang nag-aalaga sa baby girl ni tita if she have to do some errands kaya't natural lang na may mga damit pangbaby dito sa bahay. I'm just being generous na pati ang ilang maduming damit ng aking pinsan ay nilabhan ko rin na agad namang minasama ng gunggong kong kaibigan. He's not that stupid to think na sa akin ang panty na iyon with that size, halatang nang-aasar lang siya. I just can't afford na ikwento niya pa iyon sa kuya niya. Paniguradong ang panty na hindi naman talaga sa akin ay biglang magiging pagmamay-ari ko kapag siya ang nagkwento!
"Okay lang 'yan tanggap parin kita" ani niya nang hindi ako magsalita.
"Anong gusto mong gawin ko?"
Mukhang kahit weekend ay wala akong takas sa kanya.
"Massage" nakangiti niyang sagot kaya't labag man sa kalooban ay lumapit ako sa kanya para magmasahe.
"Linggo linggo nalang atang masakit ang katawan mo?" puna ko.
"Nagbasketball kami ni kuya" paliwanag niya na ikinatigil ko.
Masakit din kaya ang katawan niya?
Parang biglang willing na akong kumuha ng Tesda course na may kinalaman sa massage or bachelor degree nun kung meron man.
"Kumusta na siya?" pag-uusisa ko. Kung may isang tao mang mapagkukunan ko ng impormasyon tungkol sa kanya ay walang iba kundi ang sarili niyang kapatid.
"Okay lang ba si Bryant? Masakit ba rin ang katawan niya?" magkasunod kong tanong.
Hay. Sa susunod pala ay sasama na ako sa pagbabasketball nitong si Trenz.
"Chill, ganun parin si kuya hindi ka parin gusto" walang pagdadalawang isip na sabi ni Trenz kaya't natikman niya ang malakas kong tampal.
"Aray naman TR!" reklamo niya na inirapan ko lang.
Kasalanan niya 'yan pasmado ang bibig e.
"Hindi mahilig si kuya sa mga babaeng sadista!" ani ng gunggong kaya't malumanay ko ulit na minasahe ang likod niya.
"Hindi naman ako sadista a. Sobrang bait ko nga e" ani ko ng nakangisi. Alam kong may ibinulong siya pero hindi ko nalang pinansin. May mas importante pa akong gustong malaman.
"Kelan ulit kayo magbabasketball? Sama ako" ani ko ng nakangiti. Tumihaya na ulit si Trenz kaya't natigil na ang pagmamasahe ko.
"Kahit anong gawin mo ay hindi ka mapapansin ni kuya tanggapin mo nalang" aniya.
Palagi niyang sinasabi sa akin iyon pero ayos lang, nasanay na ako.
"Kelan ulit kayo magbabasketball?" pag-uulit ko sa aking tanong. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagkunot ng noo niya but who cares?
Alam kong concern siya sa akin. Ilang beses niya narin akong pinagsabihan tungkol sa bagay na iyon kaya't gusto kong ipakita sa kanya na seryoso ako.
"Threin Rys Lorico masasaktan ka lang" seryoso niyang sabi na ikinatawa ko.
"Aray!" reklamo ko nang pinitik niya ako sa ilong.
"Baka nakakalimutan mong he only sees you as his godchild"
Yeah right. Ninong ko si Bryant.
And so what?
"Ang sabi ni Mama kailangan mong magsikap upang maabot ang iyong pangarap" nakangiti kong sabi.
"At si Bryant ang pangarap ko"