Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Ilang beses ko ring sinuklay ang aking buhok. Pinaulanan ko rin ang sarili ng pabango. Nang makuntento ay tumulak na ako papunta sa kabilang bahay.
Araw ng sabado, wala si Mama ngayon dahil may pinuntahan samantalang si Papa naman ay natural ng wala sa bahay buong araw dahil sa trabaho. Mag-isa lang ako sa bahay, tanghali na't ayokong kumain ng mag-isa.
Talaga ba?
Gusto kong matawa sa aking sarili. Sanay naman akong kumain mag-isa ngunit bakit ko sasanayin ang aking sarili kung may pwede naman akong makasabay hindi ba?
Pagtapat palang sa gate ng kanilang bahay ay tanaw ko na ang aking pakay. Nang makita ako ay lumapit siya upang pagbuksan ako.
Ganyan nga Bryant pagbuksan mo lang ako. Sana sa susunod ay sa puso mo naman ako papasukin.
"May kailangan ka?" mahinahon niyang tanong. Hindi magawang salubungin ang aking tingin. Nahihiya.
Ngumiti ako.
Ikaw, ikaw ang kailangan ko.
"Naglunch ka na?" ani ko at ipinakita ang dala kong pagkain. Ako mismo ang nagluto nito at sinigurado kong magugustuhan niya ang timpla.
Walang manggas ang damit na suot niya kaya't kitang kita ko ang matitigas na muscle niya sa braso. Hindi ganoon kalaki ngunit sapat na sa paningin ko. I want to touch him pero baka mapurnada pa ang aking pag-aya at tanggihan ako kaya't pinigilan ko ang sarili.
Nang hindi siya nagsalita ay mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Sige na Bryant. Wala kasi akong kasama kumain gusto ko lang naman na may kasama"
Ngumiti ako.
"Nandyan naman si Trenz diba? Sabay na tayong tatlo kumain"
"Wala si Trenz dito" aniya, nagkakamot ng ulo.
Alam ko, kasama siyang umalis ni tita Maureen diba?
"Ganun ba? So tayo nalang dalawa?" mas nilakihan ko ang ngiti nang tiningnan niya ako.
Gusto mo tayo nalang?
"Tayo nalang kumain nito. Sayang naman o"
Bakas man ang pag-aalinlangan sa mukha ay tumango pa rin siya.
Yes!
"Ano masarap?" mas inilapit ko ang aking sarili. Magkatapat kami kaya't kitang kita ko ang bawat kibo ng mukha niya. God knows how handsome he is.
"Masarap?" nang tumango siya ay para akong nabunutan ng tinik. Mabuti nalang at credible ang source ko. Nang magsimula siyang kumain ay tsaka ko lang ginalaw ang nasa pinggan ko.
Matapos tikman ang sariling luto ay palihim akong napangiwi. Adobo ang ulam na niluto ko. Maayos naman ang timpla, it's just that it's too sweet for me. Mas gusto ko kasi kung magkahalong alat at asim ang adobo ngunit dahil sinabi ni Trenz na mas gusto ni Bryant ang matamis ay iyon ang niluto ko.
"Mabuti at hindi ka ata busy" pambukas ko ng usapan namin. He's too stiff, ayoko ng ganun. Isa pa, I need to gather information. Oo nga't palagi akong updated sa kanya dahil na rin sa tulong ng kapatid niya ngunit mas maganda kung may mga bagay akong malaman tungkol sa kanya na ako mismo ang nakaalam.
"Pahinga muna ako ng ilang buwan bago magtrabaho"
Bahagya akong tumango nang sabihin niya iyon ngunit ang totoo ay nagdidiwang na ako. Ibig sabihin nun ay palagi ko siyang makikita. Mas mapapadali ang plano ko.
"Ikaw? Palaging busy si Trenz pero ang dami mo palaging oras. Baka naman pinapabayaan mo na ang pag-aaral mo niyan" ani niya, sounding like a father. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba o hindi.
Natawa ako.
"Bakasyon ngayon remember?"
Nang marealize ang sinabi ko ay natawa rin siya sa sarili.
Trenz is always busy because he's reviewing for something ata. I'm not that sure. Ewan ko dun, nitong mga nakaraang araw palaging seryoso sa buhay e. Inalis ko muna iyon sa isip at ipinako ang atensyon sa lalaking kaharap ko.
Tapos na siyang kumain.
Ganun din ako.
"You asked me kung bakit palagi akong maraming oras right?"
"Yeah, naiintindihan kong bakasyon ngayon but you should at least review kahit konti lalo pa't magkacollege ka na" sambit niya kasabay ng pagliligpit ng mga plato. Tumayo rin ako at tumulong sa kanya.
Nakolekta na niya ang mga ginamit na plato kaya't minabuti kong kunin ang mga baso para sana ako na ang magdala nito sa lababo.
"Well that is because I can always make time for the people I love"
This is the 21st century and girls are free to express their feelings right?
Patawad Maria Clara ngunit bigo akong maging kagaya mo kapag hindi ako kumilos ay hindi ko makukuha ang Crisostomo Ibarra ko.
Napansin kong natigilan siya at sinamantala ko na ang pagkakataon na iyon para mas lumapit sa kanya. Hawak pa rin niya ang mga plato. Nakayuko siya kaya't binitiwan ko muna ang hawak at inabala ang aking kamay sa pag-angat ng kanyang mukha upang iharap ito sa akin. Sa lahat ng naguguluhan siya itong pinakagwapo. Matapang kong sinalubong ang kanyang tingin.
"I love you ninong"
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ramdam ko rin ang maliliit na butil ng pawis sa noo ko. Finally! After so many years ay nagawa ko na rin magconfess.
Ngumiti siya sa akin, bagay na hindi ko inaasahan. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalis iyon sa mukha niya.
Ano?
Ano na?
He's smiling. Ang ibig bang sabihin niyon ay may pag-asa ako?
"Of course I love you too" he says as he pat my head.
Agad umusbong ang saya sa aking dibdib.
"Inaanak kita e. Tsaka, halos ikaw na nga baby sister namin ni Trenz"
Then it goes down. Nawala ang saya at napalitan ng sakit na may halong pagkayamot.
Yeah right.
Padabog kong inalis ang kamay niya sa ulo ko. Pagkatapos ay tinitigan siya ng masama.
"What?" inosente niyang tanong. Hindi ko alam kung totoong inosente o nagpapanggap lang but the moment I saw his face ay mabilis din na nawala ang pagkayamot ko. Nanduon pa rin ang sakit syempre, ngunit hindi ko magawang magalit.
He—
He's adorable.
He's so adorable and I can't handle it!
Muli, dinampot ko ang mga baso at inilagay ito sa lababo.
"Pakilagay ng mga plato, ako na ang maglilinis ng mga hugasin".