Kabanata 19

1033 Words
Funny? Grabe! Sa lahat ng compliment funny pa. Clown ba ako? Baka kasi kayang kaya ko siyang pasayahin? Tama, iyon yun! Optimistic lang dapat! Sinamaan ko siya ng tingin. Sinadya ko rin hampasin ang sahig para ipahiwatig sa kanya na hindi ako natuwa sa sinabi niya kahit ang totoo'y kinikilig ako. Bwiset. Kahit ano naman ata sabihin niya kikiligin pa rin ako. Tinamaan ako sa kanya at ang lakas lakas. "Nagdadabog ka" aniya, nakatuon pa rin ang atensyon sa nilalaro. Hindi patanong ang paraan niya ng pagkakabigkas niyon, sigurado talaga siya. "Mukha ba akong clown? Salamat sa compliment ah, sobra ko iyong naappreciate" nakanguso kong sabi. Bakit nakanguso? Para cute duh! "Threin" Hay, bakit ang ganda ng pangalan ko kapag siya ang nagsasambit? "What?" kunyaring galit na tinig ko. "You are always welcome" tugon niya kasabay ng isang pagtawa. Mukhang tapos na rin iyong games dahil ibinaba na niya ang cellphone na hawak. "Tingnan mo oh, victory! Ganyan dapat" aniya, tunog naghahangin. Hindi niya alam, matagal na siyang victory sa puso ko. "Bakit parang humahangin tayo pareng Bryant?" nagkunwari pa akong maangas at ginaya kung paano umasta iyong mga nakikita kong tambay sa kabilang kanto. Agad naman siyang umiling nang makita ang ginawa ko. "Ninong mo ako hindi kumpare inaanak" sa pagkakataong ito ay nagtunog matanda ulit siya na parang ipinapamukha sa akin kung gaano kalayo ang agwat namin. "Stop stating the obvious duh" "Stop stating the obvious duh" paggaya niya sa sinabi ko. "I didn't rolled my eyes" pagprotesta ko matapos niyang paikutin ang mata. "I didn't rolled my eyes" paggaya niya pa rin but this time ay ikinumpas niya naman ang kamay sa malambot na paraan. Is that how I look whenever I'm talking to everyone? Gosh. So arte. Sinimangutan ko siya nang hindi siya tumigil sa ginagawa. He's still gorgeous though. "Sana masaya ka sa ginagawa mo Bryant" Magsasalita pa sana siya at gagayahin ulit ang sinabi ko ngunit tumunog ang aking cellphone kaya't hindi ko naiwasan ang umirap. Nang makitang ang gunggong na si Trenz lang pala ang istorbo sa nakakakilig naming pag-uusap ng kanyang kuya ay gusto ko na kaagad itaas ang aking kilay. Pinigilan ko lang dahil nasa harap ko pa rin si Bryant na agad namang tumayo matapos makitang sasagutin ko ang tawag. "Oy Threin Rys Lorico anong oras na? Wala ka pa sa bahay niyo? Aba'y ayos ka rin ano? Kelan ka uuwi? Gabi na, sa tingin mo ay uwi pa ba ng matinong babae iyan? Sabagay hindi ka naman talaga matino at hindi rin naman lahat ng umuuwi na maaga ay matino at hindi lahat nang gabi na umuuwi ay pariwa pero hindi ka pa rin matino. Umuwi ka na" dire-diretso niyang sabi. Kapal ng mukha, ako dapat bad trip sa aming dalawa e. "Ano susunduin pa ba kita? Nasaang lupalop ka ng Pilipinas ngayon? O baka naman nangibangbansa ka na?Pangit mo kabonding hindi mo manlang ako inaya" Agad akong napabuga ng hangin. Ewan ko bigla akong nastress. "Malapit lang ako sa bahay, pauwi na rin ako" ani ko kasabay ng pagtayo upang hanapin kung saan pumunta si Bryant para makapagpaalam na aalis na ako. "Aba'y dapat lang. Naunahan ka pa ni Mama umuwi" "Mama who?" andito ako sa kanila at wala pa ang Mommy nila. Nagsisinungaling pa nga ata si Kupal. "Mama mo na Mama ko rin. Nandito ako sa inyo, nasaan ka ba?" pag-uusisa niya. Hays, nakakastress ka talaga Trenz. Hindi pala nagsisinungaling pero pati Mama ko inangkin na rin e. "Una, akin lang ang Mama ko. Pangalawa, bakit nandyan ka? Pangatlo, nandito ako sa bahay niyo" Nang makita si Bryant sa kusina nila ay lumapit ako at sumenyas na aalis na ako. Agad naman siyang tumango. "Ayos a, gusto mo palit nalang tayo ng bahay? Mukhang mas gusto mo dyan e" ani ng kausap ko sa telepono. Hindi ko muna siya sinagot. Sinigurado ko muna na nakalabas na ako sa bahay nila bago muling magsalita. "Kuya mo ang gusto ko hindi yung bahay niyo" nakangisi kong sagot. "Korni mo, umuwi ka na" aniya at pinatay na ang tawag. Kupal talaga binabaan ba na naman ako. Dahil nga magkalapit lang ang bahay namin ay mabilis akong nakauwi. Nagkataong mukhang lalabas ng bahay ang gunggong kong kaibigan kaya't siya agad ang una kong nakita. Nang makita ako at ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto at umastang parang inaalipin ko siya. "Hindi ka pa uuwi?" ani ko nang pumasok din siya sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina namin dahil alam kong doon ko matatagpuan si Mama. At hindi nga ako nagkamali. "Ma, kumusta po ang lakad?" ani ko matapos lumapit at halikan siya sa pisngi. "Okay lang naman, ikaw kumusta? Nang dumating ako dito ay wala ka saan ka ba nanggaling?" "Sa kalapitbahay lang po. Kela tita Maureen" tugon ko na tinanguan naman niya kaya't umalis na ako dun upang dumiretso sa kwarto at makapagbihis na rin. Pumunta lang naman akong kusina para ipaalam kay Mama na nakauwi na ako. "Ginagawa mo?" tanong ko kay Trenz dahil hanggang makarating sa tapat ng pinto ng aking kwarto at nakasunod pa rin siya. "Patambay" presko niyang sabi na tinanguan ko lang. Agad din akong nagbihis sa CR ng aking kwarto samantalang si Trenz naman ay diretsong humiga sa kama. Mukhang napagod siya sa kung ano man. Hindi iyon halata kanina dahil ang daldal niya nang kausap ko siya sa cellphone. "Musta ang mga ganap mo sa buhay?" aniya nang maramdamang humiga ako malapit sa may paanan niya. Bali nakabuo kami ng letrang T sa pwesto namin. Siya na nakadapa sa kama at ako na nakahiga sa dulo nito. "Okay lang naman, ikaw?" ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap ng ganito dahil busy sa mga bagay na dapat unahin. Medyo nakakapanibago dahil dati ay halos araw-araw kaming magkasama ngunit talagang ganoon ata. Dapat na naming matutunan na gamitin ng maayos ang bawat oras dahil kaakibat iyon ng pagtanda. "Okay lang din" aniya, nakadapa pa rin. "Okay na pagod?" hindi ko maiwasang itanong iyon sa kanya. "Oo naman, basta para sa pangarap" Nakakainggit, sigurado na siya sa gusto niyang gawin. Ako eto, stuck pa rin. Hindi alam ang gusto maliban sa maging asawa ni Bryant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD