NAGLALAKAD siya sa lobby ng Hotel Santillan nang marinig ni Laya ang bulungan ng mga tao sa paligid habang sinundan siya ng tingin. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa mga ito. “Alam n’yo bang siya ang huling biktima ng Serial Killer?” “She offered herself to the killer!” “Such a w***e! Sumama ng kusa doon sa lalaki, nakipag-s*x eh hindi naman niya boyfriend!” “Karma na niya ‘yon, malandi ‘yan!” Tinakpan ni Laya ang tenga saka pumikit ng mariin ng umalingawngaw ang malakas na tawa ng mga ito. “Tama na! Tama na!” sigaw niya. Naglapitan ang mga tao sa kanya at tinulak siya ng mga ito hanggang sa mapaupo siya. “Malandi ka!” “Karma!” “Malandi ka!” “Nooo! Shut up!

