“KUMUSTA na kayo ni Chad?” tanong ni Chloe. Naroon sila sa terrace ng bahay nito. Nakaupo at nagku-kuwentuhan habang may hawak na canned beer. Tulog na ang iba pa nilang kaibigan dahil sa kalasingan, maging ang asawa ni Chloe ay tulog na rin. Silang dalawang babae ang nagtulong na magligpit at maglinis doon sa bahay. It’s already past one in the morning, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Her insomnia is back on track again. “We’re good.” “Hindi ba mahirap ‘yon?” “Ang alin?” “Iyong kasama mo sa trabaho ‘yong lalaking mahal mo. Tapos ganyan ang sitwasyon n’yo. You can be together if you want, pero may invisible na pader na nakaharang sa inyo?” Malungkot siyang napangiti.

