“INUMIN mo muna ‘to,” sabi ni Musika at inabot sa kanya ang isang basong tubig. Matapos ang meeting ay nag-desisyon si Laya na umuwi na. Dahil tuluyan sumama ang pakiramdam niya. Isang himala na lang na nagawa pa niyang ayusin ang sarili at natapos ang meeting. Nang makauwi sa bahay, agad tinawagan ni Laya si Musika at dito umiyak siya at binuhos ang lahat ng emosyon habang kinukwento ang nangyari. “Ayoko na nang ganito, Ikah. I want Chad in my life, pero palagi akong nauunahan ng takot.” She feels so broken and frustrated at the same time. Ngayon alam na niya ang kulang sa buhay niya. Kung bakit kahit masaya siya na kasama ang pamilya, may puwang pa rin sa puso niya na hindi kayang punan ng kahit sino. Nang tuluyan siyang isuko ni Chad, doon n

