Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa tanong na 'yon ni Luther. Lalo pa at nakita ko pa sa kaniyang mga mata ang tuwa kahit na hindi pa naman niya naririnig ang sagot ko. There's also hope the way his eyes were looking at me. Para kasing umaasa siya, eh. Ayoko na madisappoint siya kung sabihin ko na hindi. Dapat talaga sa Pilipinas pa lang nagpregnancy test na ako! Ano ba kasing kagagahan ang pumasok sa isip ko at nakarating pako dito sa Italy na hindi ko man lang pinush 'yon eh iihi lang naman ako! Minsan talaga hindi ko na rin ma-gets ang isip ko! "P-Paano naman akong mabubuntis kung safe s*x tayo lagi?" pagkasabi ko non ay pwersahan ko naman na siyang itinulak kaya nakawala ako sa kaniya. Kinuha ko rin ng mabilisan ang tubig at ang pregnancy test kit sa kaniya. At mas lalo akong ki

