"Surprise!" Talagang 'surprise.' Hindi pa ako nakakabawi ng tulog dahil sa puyat lalo na at anong oras na umalis ng kwarto namin si Luther, ngayon naman ay maaga kaming nabulabog ni Zendaya sa ilang ulit na pag-ring ng doorbell namin. "Kuya? Ate Caitlin?" gulat pang tanong ni Zenny girl, at agad na niyakap nito ang kapatid. I can't still open my eyes! Inaantok pa talaga ako habang nakahalukipkip at nakatingin sa dalawa. Gusto ko sanang magreklamo pero parang wala akong energy, lalo na't ang aga-aga para sa ganitong eksena. "Pwede naman sanang mamayang mga tanghali ninyo kami sinurprise," sagot ko at gumilid. They went inside our room. Nakangiti naman ang kapatid ko na umangkla pa sa braso ko. She's sweet since we talked deeply about what happened and how she and mom treated me badly.

