Sa itsura pa lang ni Luther, alam kong hindi na ito agad magpapapigil sa kung ano ang nasa isip niyang gustong gawin. Kaya naman agad kong binawi ang kamay ko nang pwersahan kay Zack, na ikinapagtaka nito. Pero ganoon rin kabilis ang paglingon niya dahil naramdaman na rin naman niya ang presensiya ng 'galit kong boyfriend' sa likod niya. Ay, ex-boyfriend pala. Break nga pala muna kami. Pero sa totoo lang, 'yong titigan nila ay hindi ko ma-take. They're both glaring at each other, and I already felt like no one would back down. Napangiwi ako. Sinabi ko naman na kay Luther na nagde-date na si Zack at Cait, eh. Nagseselos pa rin ba siya dito? Until now? "Kuya Luther, ang aga mo naman po ngayon dito," rinig kong pagbati ni Zendaya dito. Pero si Luther ay nakatingin pa rin kay Zack at ganoo

