Ilang minuto lang ang tinagal ko sa pakikipagusap sa mga journalist na iyon. Iniwan ko na sila matapos makita ng reaksyon nila ng sabihin ko na taga Contrares ako. Hindi lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa mafia at ang makarinig o makasalamuha ng ganoon, siguradong natakot at nabigla sila. Anytime by now, lalabas na ang balitang iyon at malalaman ng lahat na may nagtraydor sa mafia. Kahit naman kasi ang target ko ay ang mga maruruming politicians, kung ilalabas lahat at bawat ebidensya ay malalaman din ng lahat ang mga transactions ng mafia, maging ang mga masasamang gawain nito. Mae-expose sila sa publiko at tingin ko, kung hindi pa ako makalayo ora mismo ay baka ikamatay ko pa. Pero teka, kapag umalis ako agad ay malalaman nila na ako iyon. Siguro dapat mag-stay muna ako roon kahit

