Don Henarez immediately order an internal investigation. Lahat ay i-imbestigahan maging ang buong pagkatao mo at mga naging galaw mo nitong mga nakaraang araw o buwan. Kampante ako na malinis ang makikita sa akin dahil sinigurado ko na hindi ako nagiwan ng bakas o ano. Lahat din ng transactions ko ay tapos na at pauwi na ang mga tao ko. Sila kasi 'yung mga na sa lugar na ng transaction nang magkaroon ng bomb attack kaya malabo ng makabalik sila at natuloy na ang deal. Ngayon, pauwi na sila na walang naging aberya. Ang problema ay ang internal investigation na ito. Mahihirapan ako dahil limitado ang lahat ng magiging galaw namin. Kapag lalabas, kaylangan i-report pa at dapat may matibay na dahilan. Paano ako aalis nito? Isa pa, kapag bigla akong nawala ay maghihinala sila. The mafia will

