Chapter 15

1255 Words
Chapter 15. Warren Loras I was holding my Star Wars lightsaber habang isa-isang tinitignan ang family portrait ng pamilya na puro nagtapos sa medisina. Sabi ng daddy ko, magiging ganiyan din daw ako balang araw. Pero hindi ko naman nakikita ang sarili ko na na sa field na 'to. Sa tuwing magtitipon-tipon, wala akong ibang naririnig na pinaguusapan nila kundi puro tungkol sa field nila. Nakakasawa na, hindi ko naman sila maintindihan. Malungkot akong tumunghay sa labas ng pinto. Pinanonood ko si Dario at Rehan na naglalaro ng soccer. Buti pa silang dalawa, nakakasunod sa yapak ng magulang nila, samantalang ako, hay! Hindi 'man nagagalit ang magulang ko o ano pero ako na lang ang nahihiya. "Seryoso ba talaga kayo sa mga gusto niyong maging?" wala sa sarili kong tanong sa dalawa. Tinignan lang ako ni Dario na parang may choice siya. Kunwari pa siya na ayaw niya maging assassin pero ang totoo nage-enjoy naman siya sa ginagawa niya. Si Rehan naman, wala rin reklamo. Kami lang yata ni Entiz ang hindi palagay sa mundo namin. Kaya mas feel ko talaga siya, kaso may pagka lalake ang isang iyon. "I want to become an architect, Wren." sagot ni Entiz, kumikislap pa iyong mata niya na parang akala mo matutupad 'yung gusto niya. Ako, gusto ko pumasok sa army katulad ng uncle ko, kaso kahit siya ay ayaw niyang pumasok ako doon. Siguro dapat lumyas na lang ako sa amin para magawa ko ang mga gusto ko? Kaso hindi ko naman puwedeng iwan ang mga kaibigan ko. Sila lang ang nagpapasaya sa akin. Mahal naman ako ng pamilya ko, pero ako ang nahihiya dahil sobrang perfect nila at ako ay hindi. "Simple lang naman ang gusto ko, ang mahigitan ang bilang ni kuya sa mga napatay niya." that's obviously Dario. Siya lang naman itong malaki ang inggit sa kapatid. Pero hindi namin siya masisisi, kami mismo ay nakita kung paanong magka-iba ang turing sa kaniya kumpara sa kuya niya. He's the second son, given na ang attention ay na sa first born since he would be the successor, but that wasn't set that way... Dario, he was treated katulad ng pagtrato nila sa mga tauhan nila. Kahit gaano kami hindi ka-komportable sa buhay namin, hindi pa rin kami natrato ng ganoon, Oh, si Entiz pa pala. Hindi rin siya binibigyan ng atensyon ng mommy niya. Bakit pa sila magaanak kung wala naman silang amor para sa ganito? Kawawa lang sila. "Ang dali naman ng gusto mo Dario, bakit hindi mo na lang patayin ang kuya mo ng sa gayon, hindi na aangat ang bilang niya at kasama na rin siya sa bilang mo? I'm sure your parents would be proud of you," Rehan, Haaay, isa pa 'to. Wala rin masabing matino, palibhasa sa aming lahat siya lang ang walang problema sa pamilya at masaya sa buhay. "Sinasabi mo bang patayin ko ang tagapag-mana ng Lopez Holdings?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dario, Talaga naman naniwala siya, halata naman na joke lang ang sinabi ni Rehan e. Minsan naguguluhan ako sa kanilang dalawa. Sila ang pinaka-nakakatakot sa batch namin pero minsan ang takbo ng utak nila, nagkakaroon ng zigzag, instead na tuwid, nalilihis. "Kung patayin mo siya, sigurado na ikaw ang susunod na tagapag-mana. Wala na rin silang magagawa kapag sinoportahan kita bilang tagapag-mana rin ng Contrares Mafia," Napailing na lang ako sa pinaguusapan ng dalawa. Magulo ang takbo ng isip nila at hindi ako maka-relate kaya madalas ay nangaasar na lang din ako. Mabilis akong tumakbo sa kagubatan, palubog na ang araw at naririnig ko na rin ang mga huni ng ibon na mabilis na nagliliparan para makahanap na ng puno na pupugaran nila. Napatingin ako sa kunai na hawak ko at sa sira-sira ko ng damit. Puno na rin ng putik ang katawan ko at ramdam ko ang hapdi na galing sa iba't ibang parte ng katawan ko. Parte ito ng training ko. Of course, I must be a warrior, I have to, kung wala rin lang akong silbe sa medicine field might as well mag-ambag through my physical abilities. Kanina pa ako hinahabol ng mga tauhan namin. 40% na sa kanila ang napapatay ko, wala pa sa kalahati pero pagod na pagod na ako. Kaya ko naman silang tapusin laaht, ang problema ay ang lugar na kinaroroonan namin. Masiyadong liblib at ilang beses na akong muntik masakmal ng bear kaya lalo akong napapagod. Tangina! Ang daya naman! Bakit pag sila Rehan na sa maayos naman nagtrainig, ako nandito sa masukal na 'to at binubuwis ang buhay ko para sa mga letseng hayop na 'to. Akala ko ba tao ang kalaban ko? Kung kaya ko lang silang patayin, kaso hindi ko kaya. Naaawa ako! Ang cute nung bear kahit lalamunin na niya ako ng buhay! "2HRS, Warren! Ang tagal mo naman sa loob?" bati sa akin ng master ko. Pasalampak akong napaupo sa damuhan. Tangina, ka-stress! "Alam mong hindi ko kayang pumatay ng hayop kaya rito mo ako nilagay," Ngumisi siya sa sinabi ko. Akala ata niya hindi ko mapapansin. Sinadya niya akong dinala rito para pahirapan ng doble. "Kahinaan mo sila, Warren, kaya ka nandoon. Gawin mong lakas ' yung mga kahinaan mo para kung sakali na na sa panganib ang buhay mo at ginamit ang kahinaan mong iyon para patumbahin ka, hindi ka maa-apektuhan." "Hindi kita maintindihan," kaswal kong sagot, Nakatanggap naman agad ako ng batok. Hays! "Bata ka pa, natural lang 'yan pero kapag sinalang ka na sa mundo, dapat handa ka na!" Iniwan ko na siya. Bahala siya diyan! Anong handa? Hindi ko alam kung magiging handa ako o kung gugustuhin ko ba. Ginagawa ko lang 'to dahil obligasyon ko ito sa pamilya. Masaya ako ngayon dahil nakapasa ako sa entrance exam sa school na gusto ko. First year college na ako! Pagtapos ko magaral, gusto ko lumayo at gawin ang mga gusto ko. Ayokong makulong sa mundo na ganito, puro karahasan? Psh! Naalimpungatan ako sa alarm na nanggagaling sa cellphone ko. Nakita kong pasado ala-singko na ng maaga at agad akong kinabahan ng makitang galing sa kotse ni Entiz ang alarm na iyon. I got startled upon seeing her body na punong puno ng sugat at dugo. Kinakabahan ako, natatakot, nagagalit, tangina! Si Entiz iyon e. Kung sino-sino ang tinawagan ko, ginising ko sina mommy at daddy dahil sigurado na kaylangan namin ang tulong nila. When I saw Entiz' body, hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakita kong umalis ang sasakyan ni Dario, sana mahuli niya ang gumawa nito kay Entiz. We found out everything, nagusap-usap kaming tatlo while Entiz is inside her room hindi pa rin nagigising hanggang ngayon. Madaming benda ang na sa katawan niya at naka-ilang palit na rin ng IV Fluid. Her mother planned out everything. How f*****g evil! Paano niya nagawa iyon sa anak niya para sa pera? Napaka-sama nila. Kung uuwi si Entiz sa kanila, maaari na maulit pa ang pagtatangka sa buhay niya. I closed my eyes as I think of this carefully. I just got into my dream school, but Entiz' safety is our priority. We won't let anything compromise that. We need to enter Contario. Doon lang siya magiging ligtas. Entiz' wouldn't want to go there alone, I'm sure of that. Nandito kami para samahan siya. Bahala na 'yung gusto ko. But something happened inside Contario na naging dahilan kung bakit nagka-lamat ang pagka-kaibigan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD