"What happened?" salubong sa akin ni Wren pagdating ko ng Contario.
Punyeta! Naubos ang lahat ng lakas ko doon ah! Pabagsak akong umupo sa couch. Si Wren, ang sarap ng buhay pa kain-kain lang ng chips habang nanunuod ng anime.
"Ambush," maikli kong sagot.
Mariin kong binalikan ang nangyari kanina. Nakakainis naman na nangyari pa 'to kung kaylan kasama ako. Nung nakaraan naman, walang ganito.
"Buti naman nakaligtas ka?"
Inirapan ko siya. "Almost, thanks to the ally unit that backed us up."
What a f*****g twist right? Me, really joining the mafia? Oh dear, what have I done.
Kasalanan ito ni Dario e. Nilason niya ang utak ko. Kung hindi niya ako nico-convince na sumali sa mafia, hindi talaga ako sasali.
"Did you call them?"
Tanong ko kay Wren. Sila lang kasi ang tinawagan ko sa Viber, one of them probably called for the back-up.
"Hindi, kagigising ko lang. Maybe Silvana did?"
Hindi ko na lamang pinagisipan pa. Ang mahalaga, may dumating.
Contario is still on its peak of their success, but there will always be somebody na haharangin ang tagumpay na iyon. Kahit sabihin mo na patuloy ang paglakas ng Contario, hindi mo rin puwedeng maliitin ang mga kalaban nito.
Even I myself have witnessed that. When it comes to sales, may field na mas lumalamang ang kalaban. We hate that, actually. Kapag hinayaan kasi na maungasan lang ang Contrares, baka maging ang mga suki namin ay mawala na rin. We can't let that happen. Sa mga regular customer nanggagaling ang 80% sales ng mafia. We can't afford to lose our suki!
I rest my body sa couch ko. Pinikit ko ang mga mata ko para makapag-isip ng maayos.
Magisa lang ako sa dorm kahapon, officials lang din ang nakakaalam sa transaction ko. Wala rin akong ibang kasama kundi tauhan lang, majority of them were already killed in action. Who among them could sell us out? The driver? Iyong pahinante na isa? Lahat sila, pupwede e. But based on their backgrounds, masiyado na silang matagal sa mafia para mag betray sila.
May galit ba sa akin dito? Oh, I remember someone. Kinuha ko ang baril ko at sinukbit ito sa likod ko. Maybe I should talk to that b***h and just kill her ng mabawasan ang may galit sa akin.
"Saan ka pupunta, Ali?" Wren asked when he saw me with my gun.
Hindi ko naman kasing ugali lumabas na may bitbit na baril.
Hindi ko siya pinansin at lumabas na lang diretso.
I was calm and silent pero ang totoo ay nagninik-nik na ako sa galit. I really want to f*****g shoot somebody!
I was f*****g ambushed! Bukod sa muntik na akong mamatay, ikasisira pa ito ng trabaho ko. I'm sure as hell ipatatawag na ako mamaya sa opisina para mag-report.
It was my duty, my responsibility! It's a shame on my side na hindi na-handle ng maayos ang trabaho ko at may nakalusot na ganito.
Siguro nga, masiyado na akong nagpapa-petiks.
I went to the dormitory's 3rd floor. Dito nakatira ang b***h na gusto ko talagang patayin.
Hindi ko napigilan ang pagngisi ng nakita ko siyang kalalabas lang ng dorm niya. Like usual, she's wearing a seductive sports bra at sobrang ikli ng short. Bakat na bakat pa 'yung u***g niya.
"b***h!"
Paglapit ko sa kaniya, hindi ko na siya hinayaan na makapag-react. Malakas ko siyang sinapak sa mukha na dahilan ng pagka-tumba niya.
Remember the girl who attacked me sa elevator nung unang araw ko? It's her!
"You—"
I smacked her again with my fist. Mabilis siyang nakatayo and to form a defense position.
Girl, I'm stronger than you and that's been proven already. We did sparring three times and never did I lose.
Malakas ang trainor ko e.
Naglabas siya ng dagger. I smirked. Fine, nilaglag ko sa sahig ang 9 mm ko para labanan siya ng mano-mano.
Umamba siyang sasaksakin ako, ginamit ko agad iyon para umepensa. Hinila ko ang braso niyang may hawak na dagger at ng mahila ko ang braso niya, naisama ang katawan niya kaya nasikmurahan ko siya gamit ang tuhod ko.
"Argh.."
But mabilis siyang naka recover at nasalag ang tuhod ko gamit ang isa niyang kamay. Using his another leg, sinipa niya ang left leg ko and that f*****g hurt!
Hinablot ko ang buhok niya at malakas na inumpog ang mukha niya sa pader. Hindi pa siya nakaka-recover ng sipain ko siya sa tagiliran kaya natumba siya.
Sa loob lamang ng maikling segundo, napulot ko agad ang baril ko at itinutok sa kaniya.
"I don't care if it's you, but I will still f*****g kill you!"
"What the f**k are you talking—"
I shot her in the face.
Inipit ko ulit ang baril sa pants ko at tumalikod na sa walang buhay niyang katawan. I have to go back to my dorm and take a shower.
The hell is wrong with me?!
But I regret nothing. She deserves that. Maraming beses niya akong sinubukang patayin during my training days and since then, I promised to myself that I'm going to kill her if I got a chance, and now is that chance.
Yes, I was really mad at siya ang pinili kong pagbuntungan.
Wren eyed me from head to foot. Binaba ko ang baril sa side table.
"Sinong pinatay mo?"
"The b***h,"
Maikli kong sagot.
Kilala na nila 'yun. Siya lang naman ang nagiisang babae na tinatawag kong b***h e.
Bumuntong hininga siya.
"You should control your anger, Ali. Hindi 'yan makatutulong sa iyo."
He's right. Nung magsimula akong magtraining, nakita nila ang ikli ng pasensya ko sa ilang bagay. Na kapag nagagalit ako o nape-pressure, nakakagawa ako ng mga irrational things.
I don't deny that, kahit ako 'man din ay hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang sarili ko. Sa tuwing nagagalit ako ng husto, parang gusto ko na lang pumatay.
Hindi na ako 'yung dating Alena na puro kabutihan lang ang gusto. Whenever I close my eyes, whenever I feel anger, wala akong ibang nakikita sa isip ko kundi ang lalaking lumapastangan sa akin and it boils me up to the core, sa tuwing naaalala ko ang noon.
Do I justify now my actions through my past? Maybe.
Pero, ganoon naman talaga ang tao, hindi ba? Kahit alam natin sa sarili natin na may pagkakamali tayo, hahanap at hahanap pa rin tayo ng masisisi natin ng buo para ma reason out ng maayos 'yung mga ginagawa natin.
"I am trying, Wren."
"Your anger has overpowered yourself. Do you want to live with that rage on you? You're not gonna have peace if you don't let that go."
"Hindi ko mahahangad ang peace na sinasabi mo hangga't hindi ko nagagawa ang gusto ko."
He looked at me, "Ano ba talaga ang gusto mo?"
Nagiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko na rin alam! Noong una, ang gusto ko lang magkaroon ng sapat na kakayahan para itama ang gobyerno sa labas. Ang malaman ang mga lihim at baho nila at gamitin iyon para maghiganti sa kanila.
I'm starting to have that bit of power at unti-unti na rin nagbabago ang hangarin ko. Truly, walang tao ang nakokontento.
Pero, ano ba talaga ang gusto ko?
Power, Alena. Diba? Nung nakaranas ka ng kaonting kapangyarihan, gusto mo ng maghangad ng kalabisan.
Who wouldn't?
Power gives you anything you want, period. Bali-baliktarin 'man natin ang mundo, hindi natin maipagkakaila ang gaan ng dulot nito.
Ngayon ko naunawaan kung bakit ang daming gahaman na na sa posisyon. The feeling when everything revolves around your palm is overwhelming.
"Alam mo kung ano ang gusto ko, Wren."
"Yeah, gusto mo ang itama ang mali kahit pa tuligsain mo ang gobyerno,"
Nag kibit balikat ako. Nung sumali ako ng mafia, kinaylangan ko ibigay sa kanila ang buong loob ko maging ang lahat ng na sa isip ko. Hindi lang katapatan ang binigay ko maging pati na rin ang kaluluwa ko. You have to do that before mafia trusts you.
Kabilang na riyan ang masabi mo sa kanila ang lahat ng totoo na na sa isip mo.
"Hindi na 'yan ang gusto mong gawin?" he asked, pero sa tanong niyang iyon parang alam niyang tama siya.
Nagiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko masabi ng buo pero parang ganoon na nga.
Kung ano 'man iyong gusto ko, hindi ko pa makumpirma 'yun ngayon.
"Buhay mo 'yan, Ali. You just gotta make sure you'll be safe,"
Ngumiti ako. "I will, Wren,"
Pero hindi ko nasisiguro ang bagay na 'yan.