Chapter 13

1393 Words
"You want to beat those monsters? Get your hands dirty, then. Hindi na natatalo ng kabutihan ang kasamaan, Alena. It's the reality that people must accept." Alam ko, diba! Pero at some point, naniniwala pa rin ako na as long as mabuti ka, hindi 'yan matatalo ng kasamaan. Bullshit! Palala ng palala ang kasamaan ngayon kahit maraming mabubuti. Hmp! Isang oras na akong tulala sa sofa. Kanina pa umalis si Dario. Pumunta lang ata siya para guluhin ang utak ko. Hindi ko talaga matimpla ang ugali ng isang 'yun. "Rehan, should I join the mafia?" I asked him out of the blue. He stare at me for seconds, hindi ko alam kung anong na sa isip niya pero naka titig lang siya. "You despise this world yet you want to be one of us?" Hindi ako nakasagot. Nauto lang talaga ako ni Dario. Pero may point naman kasi siya. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan, kung sakali. Ay tanga. Ang unang tanong pala diyan e kaya ko ba? Ngumiti ako sa kaniya. "I change my mind," I am going to use all of you, until I get what I want. Next question like "how" should be answered next time. "Ali," I only smiled at him. 1 Year Later Hingal na hingal akong nagpahinga sa isang bench at uminom ng tubig. Pasikat na ang araw, ibig sabihin magi-isang oras na rin akong nag ja-jogging. I went back to my dorm para magshower. Silvana is not here, na sa Japan— business matter. Pagtapos, nagluto lang ako ng sarili kong almusal. Itlog lang tsaka spam, kaonting rice and fresh milk. I sat in my couch and watch morning news. Ilang bangkay na naman ang natagpaun sa gilid-gilid. Lahat ay mga small time drug dealers. I couldn't help but shook my head from this news. These authorities? They kept on killing small time drug dealers as if that will solve the problem. Akala ng tao, nalilinis nila ang droga, hindi nila alam, tao lang ang nababawasan, hindi ang supply. Kunwari pa silang may tactic na manghuhuli ng mga small time drug dealers to interrogate them hanggang makilala nila sino ang mga mas malalaking tao behind it. As if hindi nila kilala! Isa 'yan sa mga kasinungalingan ng mga nakaupo, lalo ng alagad ng batas, even the NBI lies about these. They got best intel, hindi 'man ganoon ka best noon pa but they got leads, kilala nila kung sino ang mga supplier, kung sino ang drug lord, hindi lang nila mapangalanan. Natatakot kasi sila, 'tsaka malaki ang lagay. I switched to other channel and watch Spongebob instead. Ang aga aga, nai-stress ako sa kasinungalingan na nangyayari sa labas. Sige lang, lokohin niyo lang ang taong bayan. Pagtapos kong kumain, nagbihis ako ng pang-alis dahil may trabaho pa ako. Sasama ako sa pagsu-supply sa North. Kaylangan ko i-manage 'yun dahil baka manakawan lang kami. 10AM na ako naka sakay ng truck. Convoy kami ng 3 trucks na lahat papuntang Norte. For those asking, hindi lang drugs ang laman ng truck namin, may mga illegal import din at mga high powered guns. Mga tao ko lang kasama ko, 'yung iba na sa loob ng truck at natutulog. Medyo mahaba kasi ang biyahe, hindi ako puwedeng umidlip kaya naglinis na lang ako ng mga baril ko. Tanghali pero heto kami, nag aangkat ng mga pinagbabawal. May madaanan lang na checkpoint at nasilip, todas kami. Pero, magaling naman akong magtago. Puro Uratex foam kaya ang na sa unahan, kung sakaling bubuksan nila ang compartment ng trucks. 4PM ng makarating kaming Nueva. Dito talaga kami nagbabagsak ng marami at ang distributor na ang bahala sa pag supply sa mga districts. We are allowed to one place only. Nagsimula ng ibaba ng mga tao ang items. Bababa pa lang sana ako ng truck para idouble check ang mga boxes ng makarinig ako ng putok sa malayo. Mabilis akong nahila ng driver papasok sa loob ulit. Tangina! Parang napunit 'yung kuwelyo ko doon ah! Masama kong tinignan 'yung driver. "Ma'am, pumasok ka sa loob. Ambush 'to!" sigaw niya. Kumuha siya ng mga armas niya at walang pagaatubiling lumabas para makipag putukan. Tangina! Nasaan 'yung cellphone ko! Yumuko ako para kuhanin ang bag kong nalaglag. Pagka-kuha ko sa cellphone, tinawagan ko silang lahat. Pero shutangina! Bakit walang sumasagot! Nag GM na lang ako. I was ambushed, putangina!!! Naka all-net text naman ako e, sana mabasa nila agad. Napa igtad ako ng may balang tumama sa side mirror. Oh that was f*****g close, ha! Binalingan ko ang secret compartment kung saan ako dapat magtatago. Tangina! Nag training ako ng isang taon tapos magtatago lang ako?! No f*****g way! I get my pistol and was about to fight ng may bala na naman ang lumipad malapit sa ulo ko. I could literally hear it na dumaan. What the f**k! Bumalim ulit ako sa loob, I locked the door at yumuko na lang. At least, hindi ako nagtago sa compartment. Walang tigil ang putukan, gusto ko na lang itakbo itong truck kaso hindi ko kaya imanaho 'to. Baka pagka-banga naman ang ikamatay ko. Pero kung hihintayin ko pa sila, baka patay na ako. Tangina! Hindi ako nagsayang ng pawis at dugo para lang mamatay sa isang ambush ha! Wala bang grenade rito? Tangina! Bakit wala! Napatitig ako sa mga baril ko, mga display lang pala. Hindi ko magamit. Natatakot ako matamaan. Medyo bumagal ang putukan. Tangina! Bahala na, kaysa mabored ako sa loob. Kinasa ko ang dalawang baril ko 'tsaka matapang na bumaba ng truck. Pagbaba ko, napayuko agad ako at napatago sa kalapit na bato. s**t! Nakakasira naman ng entrance 'to! May nakita akong hipokrito na bumabaril sa amin kaya nilabas ko ang baril ko at pinatamaan siya. Sa leeg siya tinamaan kaya namatay agad. Nagtago ako ulit kasi baka may maka-kita sa akin dito. Lagot talaga ako! Malaman ko lang sinong nagbenta sa amin, nako! Ipapa-torture ko talaga sila kay Rehan. Lintik lang ang walang ganti! I started shooting everywhere. Bahala ng may matamaan na kakampi basta maubos lang 'yung kabila. Ilang minuto pang nanatili ang palitan ng putukan bago may dumating na apat na USV. Mabilis na nagbabaan ang mga armadong lalaki na may mga high powered guns. Kilala ko 'to! Ka-alyado 'to ng Contrares. Shit! Buti na lang may back-up! Tapos nakarinig ako ng sirena ng pulis. Patay! Halos naubos ng back-up 'yung mga umambush sa amin, pero nagmadali na rin silang sumibat nang marínig ang mga pulis. Teka, paano ako! Hala, hindi ako puwedeng mahuli! Nakipag barilan na rin 'yung mga pulis. Sinenyasan ko 'yung mga kasamahan ko na umatras na. Bahala na 'yung mga pulis na tumapos sa kanila. Payuko kaming lumakad pabalik sa truck. Apat kaming natira, putcha. 'Yung driver ko mahusay ah? Buhay e. Pinaandar niya ang truck at pinaharurot palayo. Pinaputukan pa kami ng mga pulis pero siyempre, di na 'yun tatalab sa haba ng truck, sa puwet lang ng container umaabot ang bala nila. "Putangina! Ano 'yon!" Naiinis kong sigaw. Nakalayo na kami sa pinangyarihan, pero naiinis pa rin ako. Muntik na ako doon ah? "May alam ba kayo rito?" malamig kong tanong sa kanila. Para silang natakot, pinagmasdan ko sila, dine-ny nila at wala raw silang alam. "Malaman ko lang sino ang nagbenta sa atin!" Ako ang maghahatid ng katawan nila kay Rehan. "5 million ang nawala sa atin ma'am," report ng isa kong kasama. Nahagis ko sa kung saan 'yung cellphone ko. Letche! Punyeta! Lagot ako nito ah! 'Wag naman sana nilang i-charge sa akin 'yung 5M! Grabe! Ayoko na talaga sumama sa ganito. Mas delikado talaga kapag na sa field ka, mas malaki ang chance na ma-encounter mo 'yung kalaban mo. Iyong mga nang ambush sa amin, mga Riverle 'yun. Sila ang number 1 rival ng Contrares ever since. Paano ko nalaman? Nakita ko ang tattoos ng mga napatay ko kanina. Every member of Contrares has its part of insignia, habang pataas ng pataas ang rank mo, unti-unti rin makukumpleto ang insignia sa iyo. So if someone who has the full image of Contrares insignia means only one thing- they reached the highest rank. Ako, kumbaga sa katawan, paa pa lang ang mayroon ako. Marami pa akong pagdaraanan para makumpleto 'yun, it will take decades! Hindi ko kaya maghintay ng ganoon. There is an easy way, though. You marry Ret Han Contrares.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD