It's the first day of the week and I should be laying in my bed yet here I am, getting busy with these works. Noong na sa field ako, hindi naman ganito ka-busy to the point na 6AM pa lang e dapat na sa office ka na.
My men came early to report. Both transaction were successful. I have proofs, complete documents na nagsasabing lahat ng transaction for last week ay walang naging problema.
Today, may five transaction na mangyayari at dapat ma-assess ko sila ngayon ding umaga. Kaylangan makapag-report ako within three days dahil ang duration lamang ng bawat transaction ay tumatagal ng isa hanggang dalawang araw lang.
"Ma'am, na sa meeting room na po ang mga tauhan." Pete informed me. I nodded while still busy scanning these goddamn papers na kaylangan ko i-submit kay Glaq.
"Ma'am—"
"I'm not deaf, Pete."
"Uh, okay sorry.."
I sighed, mabuti naman at lumabas na siya. Sobrang busy talaga ako ngayong umaga dahil sa mga papeles na kaylangan ko i-review para ma-submit kay Glaq. Kaylangan niyang pirmahan ang mga ito bago ako tumungo sa meeting room.
Nang matapos kong i-compile sa five folders, halos patakbo akong sumugod sa office ni Glaq. Malapit lang naman ito kaya okay lang pero kaylangan ko pa rin magmadali. Dapat by 9AM, na sa meeting room na ako, otherwise maco-compromise ang plano.
Hindi na ako nag atubili na kumatok. Nagulat pa ang kalbo at naibuga ang kape niya sa gulat ng pagpasok ko. Gusto kong matawa pero nagmamadali talaga ako lalo't 8:30 na.
"The f**k woman! At least have the decency to knock!" He said, glaring at me.
Binagsak ko ang limang folder sa harap niya.
"Nagmamadali ako, pa-sign na lang."
"I will need to read all of these first, Alena."
"Stop talking and just read the goddamn paper Glaq!"
Umiling-iling na lang siya at pabalyang kinuha ang naunang folder. He's scanning every pages and if he sees discripancy or anything that might ruin the deals, I'll need to revise it and that will really cost my time.
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos niyang i-check ang mga papeles at sinimulan itong pirmahan. 5 minutes and it's gonna be 9 kaya dapat ko talagang takbuhin ang meeting room.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa, kinuha ko na agad ang mga folders at tinakbo literally ang daan papuntang meeting room.
And finally, nakarating din ako. 1 minute late, punyeta. Pagbukas ko ng pinto, kaagad nagsitayuan ang mga tauhan ko para batiin ako. I nodded them and asked them to just sit.
"So here's the details team A, B, C, D, E."
They are five teams since it's gonna be five transaction na mangyayari sa iba't ibang lalawigan.
Lumapit ang limang team leader sa lamesa ko para kuhanin ang folder na para sa kanila.
"Pare-pareho lang kayo ng transaction ngayon araw and I bet you know it already dahil ganito naman every Monday." I stopped, get my copy of documents and read it again.
"You have the details of who, where, what and when. You have two days to finish these deals. Will you promise me to execute it smoothly?"
Lahat sila ay tumango, "Yes, ma'am!"
Kinuha ko sa bag ang limang sobre at binigay ito isa-isa sa kanila.
"Each team consists of 7, I suppose budget of 20K will be enough?"
"Y-yes ma'am, thank you po!" bakas ang kasiyahan sa kanila ng marinig ang budget na nilaan ko para sa kanila.
Magmula nang maupo ako sa puwesto na ito, lahat ng budget na nilalaan ko sa kanila ay sapat at hindi magkukulang. Nalaman ko kasi ang laki ng budget na nakalaan per transaction samantalang noon, sa dami namin sa isang transaction ay 5-10K na budget lang ang nilalaan sa amin. Kulang iyon lalo't puro lalaki ang tauhan, kasama na rin doon ang gas, madalas nakikita ko silang gutom na pero walang magawa dahil iyon ang nilaan para sa kanila.
Now that I'm here, I won't let my people get hungry while working. These field workers deserves it, mahirap magtrabaho sa labas at hindi iyon iniisip ng ibang officers na masarap na nakaupo lamang sa opisina nila. I found out na malaki ang naiuuwi ng dating na sa puwesto ko dahil nga tinitipid niya ang mga tauhan, malaki na ang nakulimbat niya.
Hindi ko maiwasan mainis. Nandito na nga kami sa ilegal na gawain, may corruption pa rin. Hindi na ba talaga mawawala sa buhay ng tao ang manguha ng perang hindi nakalaan para sa kanila?
"Read and memorize the details. You will leave at 10 sharp."
I dismissed them para magkaroon pa sila ng time mag-relax habang nagbabasa. In my term, hindi ko hahayaan na maging kawawa ang mga na sa ibaba. I have been in that situation too, alam ko kung gaano ito kahirap kaya nauunawaan ko. Ang pinagtatakha ko lang, lahat naman ng officers dumaan din sa ganoon pero hindi ko maintindihan bakit nagagawa pa rin nila ang ganito.
Ito ba ang dulot ng pagiging ganid? It scares me. Paano kung humantong sa punto na maging ganoon din ako? Paano ko isusuka ang sarili ko? Ayoko sa ganitong pamamalakad pero paano kung dumating sa punto na matulad ako sa kanila? How will I handle it? It scares me thinking that I can also be like them.
This is also the reason why I want Rehan to be by my side. The way he's controlling me makes me always sane and focused. Having him beside me is like a remote control that will trigger once I think of something bad.
Love is what's everything we have. Powerful yet destructive. It makes us risk, sacrifice and forgive for the goodness of love.
Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang rason para mabuhay. Nakaligtas ako sa isang trahedya, sumugal sa kadiliman at pinasok ang pintuang hindi ko alam kung may hangganan ba, para sa kadahilanang madugtungan ang aking buhay. Habang malaya akong nakakahinga sa kadiliman, ang dalawa ko namang paa ay nakatali sa lubid na hindi ko alam kung makakalaya ba.
Sa kalagitnaan noon ay natagpuan ko ang pagibig. Ito ang natatanging dahilan ng aking pag-ngiti habang tinatahak ko ang kadiliman. Ang pagibig ang nagsisilbing gabay ko, isang liwanag na tumutulong sa akin makita ang magagandang bagay sa kalooban ng kadiliman.
Ang pagibig na ito ang naging lakas ko, ang magiging kahinaan ko, pero hindi ko hahayaan na ang pagibig na ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. I will fight with love, I will stand in between the light and the darkness but never it will become my downfall.
I have learn to love the monstrous inside me. Marami ang nagbago sa akin, napuno ng kadiliman ang mumunti kong puso at ang tanging nakikita na lamang nito ay ang madilim na daan patungo sa pangarap kong puno rin ng kasamaan. But this tiny light in my palm, despite the darkness within me prevents it from swallowing me into the pits of hell. A savior who never gets tired of guarding me.
That tiny light is Rehan. I wonder if that light abandons me, what will I become?